下載應用程式
100% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 212: Chapter Two Hundred Twelve

章節 212: Chapter Two Hundred Twelve

Pumasok na kami sa simbahan. Nauuna sila. Kinakabahan parin ako. Hindi ako makahinga sa sobrang excitement. Ahhhh! Ang wedding vow ko! Ano nga ulit 'yon. Baka makalimutan ko. Muli kong ni-recite sa isipan ko ang sasabihin ko mamaya habang kaharap si Timothy at ang pari.

Nawala ako sa konsentrasyon ko nang marinig ko na ang pagtugtog para sa wedding march namin. Nevery say Never by The Fray ang theme song namin. Iyon ang tugtog sa unang sayaw namin ni Timothy noon sa isang club. Iyon ang kanta na pinili ni Timothy para maisayaw ako.

Halos limang taon na rin ang nakakalipas simula nang mag-kita kami ni Timothy. Nakakatawa lang na sa ganong tagpo kami nagkakilala. Nang dahil sa kabaliwan ng Crazy Trios nagkita kami muli ni Timothy pagkatapos ng sampung taon noon. Hindi ko na nasabi kay Timothy na naaalala ko na ang nakaraan ko. Wala naman kasing magbabago kung sasabihin ko. Sa tingin ko hindi narin mahalaga 'yon, ayokong ipaalala sa kanya ang nangyari kung bakit kami nagkahiwalay noon. Alam ko na masasaktan siya at hihingi ng tawad para roon. Ayoko siyang mahirapan. Mas maganda nang hindi ko sabihin sa kanya. Nakaraan na rin naman 'yon, ang mahalaga ay ang ngayon at ang bukas.

Napangiti ako nang todo nang makita ko na si Timothy sa wakas. Malayo parin kami sa isa't-isa pero nakikita ko na siya. Nakatingin siya sa akin at napansin ko ang pagkawala ng tensyon sa katawan niya. Iniisip ba niya na hindi ako sisipot? Si Timothy talaga.

Bakit ba hindi siya makapaniwala na mahal ko siya? Sino bang babae ang hindi siya mamahalin? Ako nga ang maswerte eh. Dahil kahit kailan ako lang ang babaeng minahal at minamahal niya. Ni wala akong kaagaw sa kanya maliban nalang sa mga fans niyang mga babae na tahimik na gumawa ng fans club. Akala nila hindi ko alam?

Sa loob ng dalawang taon na magkasama kami ni Timothy sa iisang school imposible na hindi ko mapansin ang pasimpleng pagkuha sa kanya ng mga pictures. Minsan nasisilip ko pa nga ang mga pictures niya sa loob ng lockers ng mga babae sa school.

Pero okay lang 'yon. Hindi ako nababahala. Sa kanila na ang mga pictures na 'yon basta sa akin ang totoong Timothy. Sa akin lang ang katawan at kaluluwa niya. Teka masyado yata akong possessive?

Sa wakas natapos na rin ang mahaba naming martsa. Nasa harap ko na si Timothy. Wagas ang pag-ngiti niya at saya sa mga mata niya.

"Ingatan mo ang prinsesa namin," sabi ni Papa habang ibinibigay ang kamay ko kay Timothy. "Anak." Napatingin kami pareho ni Timothy kay Papa. Natawa naman si Papa nang makita ang gulat na mukha ni Timothy. "Hwag kayong magulat, ikakasal na kayo. Magiging parang anak na rin kita, hijo."

"Thank you Papa," masayang sabi ko.

Mabilis na hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Mahigpit niya itong hinawakan na parang sinisigurado niya na hindi ako tatakbo palabas ng simbahan. Haay Timothy. Ikaw talaga.

"I will take care of her I promise, Sir." Naging seryoso ang mukha ni Timothy.

"Call me, Papa, hijo." Natutuwang tumango si Papa.

"Yes po, P-Papa," nahihiyang sabi ni Timothy.

Naglakad na kami ni Timothy sa altar. Bigla siyang bumulong sa akin.

"Are you on your period today?" tanong niya.

Nagulat ako at namula. "Timothy!"

"Just making sure we can proceed with our original plan for tonight," pilyong sabi niya habang nakangiti.

Natawa ako nang mahina. "Ikaw talaga!" Kinurot ko siya sa kamay. "Don't worry, matutuloy 'yon." Hindi lang ikaw ang excited, akala mo ba. Hmph!

"You are so beautiful," bulong niya.

Nakaharap na kami sa pari at sa likod namin ay ang upuan namin.

"Thank you. Ikaw din ang gwapo mo sa suot mo."

Nakasuot siya ng eleganteng itim na tuxedo na may itim na bow tie. Sobrang gwapo niyang tignan. Kumikislap ang kanyang mga mata sa saya. Hindi ako makapaniwala na magiging akin na talaga siya nang tuluyan.

"I love you," makulit na bulong nya sa tenga ko.

"I love you too," ganti ko sa kanya.

"Ehem!" pagpuputol ng pari.

Narinig ko na nagtawanan tao sa loob ng simbahan. Nakita pala nila na nagkukulitan pa kami ni Timothy. Si Timothy kasi!

Tumingin na kami nang diretso kay Father. Inumpisahan na ng pari ang pagkakasal sa amin. Tama ang kasabihan. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Sa tagal namin ni Timothy na magkasama, sa wakas dito rin kami humantong.

Marami rin kaming trials na pinagdaanan, lahat naman nang iyon ay nalagpasan namin. Kami parin hanggang sa huli. Kami na rin sa panghabang buhay. At ngayon, magkasama na kami na haharap sa bago naming buhay bilang mag-asawa. At magkasama kaming bubuo ng sarili naming pamilya.

"With the power vested in me, I now pronounce you, Husband and Wife. You may now kiss the bride."

Humarap kami ni Timothy sa isa't-isa. Nakangiti kaming dalawa. Itinaas niya ang belo ko at pinakatitigan ako sa mga mata. Nakita kong naluluha ang mga mata niya kaya naman hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"I love you Mrs. Pendleton," malapad ang ngiti na sabi niya sa akin. Malambing ang kanyang tono at puno ng pagmamahal.

Naramdaman ko ang mga bisig niya na yumakap sa akin.

"And I love you too, Mr Pendleton."

Sa harap ng mga taong mahal namin at nagmamahal sa amin, hinalikan niya ako ng puno ng pagmamahal. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Napangiti ako. Naghiwalay na kami ni Timothy at tumingin sa kanila.

Ako na ngayon ang Misis ni Timothy, at siya ay ang aking Mister. Napaka-weird pakinggan pero masasanay na rin ako lalo na kung tatawin ako ng mga tao ng 'Mrs Pendleton'. At dito mag-uumpisa ang buhay namin ni Timothy bilang mag-asawa.

Tumingin ulit ako sa mga mata ni Timothy. Narinig ko bigla sa isip ko ang mga salita na palagi kong naririnig sa disney movies. 'And so they lived happily ever after. The end.' And yeah, alam ko na magiging masaya ang pagsasama namin ni Timothy.

"Timothy, ngayon na mag-asawa na tayo, magiging gangster ka parin ba?" tanong ko nang makasakay kami ng sasakyan papunta sa reception. Nasa backseat kami ng puting limousine.

"What do you mean, Wifey?" Mahigpit ang hawak niya sa isang kamay ko at nakatingin siya roon. Pinagmamasdan niyang mabuti ang singsing sa kamay ko.

"Kung makikipag-away ka parin ba at susuot sa mga gulo kahit na mag-asawa na tayo?" tinignan ko siya nang mabuti.

Tila kinakabahan siyang lumingon sa akin. "It's not something I can avoid that easily."

"Bakit? Hindi ba pwede na maging good boy ka na?"

"Do you want me to be?"

Napaisip agad ako at napabulong. "Parang hindi bagay."

Tumawa siya at hinalikan ang singsing sa kamay ko.

"But still!"

"Mrs. Pendleton," he said in a warning tone na nakapagpakilig sa akin bigla. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan nang mabilis sa labi. "Never..." Hinalikan ulit niya ako. "Talk back..." Hinalikan niya ako nang mas matagal. "To a gangster."

Ngumiti ako. Hinila ko ang likod ng ulo niya at hinalikan siya nang malalim. Yep! He is now my husband and he is still a gangster. Isa siyang gangster na masaya kong sasagot-sagutin pabalik at lalambingin pagkatapos. Ang nag-iisa kong asawa. Ang lalaking mamahalin ko habangbuhay.

The End


創作者的想法
AlesanaMarie AlesanaMarie

THE END.

Vote~ Review~ Thank you~ :)

NEXT BOOK: High School Zero

next chapter
Load failed, please RETRY

結束 寫檢討

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C212
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄