Naglalakad na kami pabalik ni Red sa kotse nya. Matapos nyang i-announce ang nanalo umalis na kami. Naiwan si GD nang naka-ngisi sa loob ng gym. Naiwan syang nag-iisa. Kahit pasok na sya sa gang hindi parin sya tanggap ng mga members nito. Sumunod sa amin ang ibang Lucky 13, kasama si Omi na maraming pasa sa katawan. Inaalalayan sya nina Jun at Pip.
Pumutok ang labi nya, namumula rin ang ibang bahagi ng katawan nya. Mayamaya lang magiging purple na ang mga yan. Hindi parin ako makapaniwala na natalo sya.
"OMI!!" Napatingin kaming lahat kay Audrey na hingal na tumatakbo sa amin. Umiiyak sya. Agad syang sinalubong ni Omi.
"Audrey."
Humagulgol ng iyak si Audrey nang makita nya ang kalagayan ni Omi. Niyakap nya si Omi nang mahigpit habang umiiyak.
"I'm sorry! Kung sana lang nakaiwas ako hindi ito mangyayari sa'yo," umiiyak na saad ni Audrey.
"Okay lang, ang mahalaga ligtas ka na ngayon."
Ano raw? Lumapit kami ni Red sa dalawa.
"Ano'ng ibig nyong sabihin?" tanong ni Red.
Pinunasan ni Audrey ang luha nya bago humarap sa amin.
"May mga dumukot sa'kin. At ayaw nila akong pakawalan hanggat hindi pa natatapos ang laban," humikbi si Audrey. "Ginamit nilang ako bilang pang-blackmail kay Omi para masiguro na mananalo si Uno."
"Shit!" malakas na mura ni Dos. "Hindi parin sya nagbabago!"
"Nandaya sya, hindi sya dapat makapasok sa gang," galit na sabi ni Vin.
"Kaya pala hindi ka man lang lumaban kanina, 'yon pala ang dahilan," umiiling na sabi ni Jun. "Kaya pala nakita ko syang may ibinulong sa'yo kanina."
Hindi sumagot si Omi.
"Mula noon hanggang ngayon ganito parin ang ginagawa nya para makuha ang gusto nya," nakakuyom ang mga kamao na saad ni Seven.
"Pagkalipas ng ilang taon hindi parin pala sya nagbabago, typical Uno," mahinahon naman na saad ni Kyo.
"Ano na ngayon ang gagawin natin?" tanong ni Sun.
Huminga nang malalim si Red. Napansin ko na nakakuyom din ang mga kamao nya. Nanginginig sya sa galit pero nanatiling blanko ang expression sa mukha nya.
"Wala."
"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ni Six. "Ano'ng wala?!"
"Dude," awat ni Jack. "Tama si Red, wala tayong gagawin."
"Rules are rules," singit naman ni Mond. "Kay Omi parin ang desisyon kung ipapatalo nya ang laban. Natalo sya at wala na tayong magagawa don."
Nasuntok ni Red ang pader sa tabi nya bago nag-salita. "Mananatili sya sa gang."