下載應用程式
65.25% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 138: Chapter One Hundred Thirty-Eight

章節 138: Chapter One Hundred Thirty-Eight

NO CHOICE!! Tumakbo na ako sa harap ng Punch Machine.

"Hihihi! Sya yung kawawang babae na walang partner."

"Wala syang partner?"

"Aww.. Kawawa naman sya!"

Naiinis ako sa mga nagsasabing kawawa ako! Dahil wala akong partner kawawa na agad ako?! Akala nyo ha! Makikita nyo! Kayang-kaya kong manalo kahit walang partner! Kaya ko to! Kahit seventy points lang ang makuha ko, pasok na 'yon sa top ten! Tinitigan kong mabuti ang mukha ng dummy. Iisipin ko nalang mukha ni Timothy, kasalanan nya 'to! Sya ang nagyaya ng date tapos ayaw maki-cooperate! Iisipin ko lahat ng kasalanan nya ngayong araw! Hinawakan nya ang dibdib ko, sinabihan ako ng flat at ngayon ayaw nya akong tulungan!

Humandaaa kaaaaa!!!!!!!! HIYAAAAAAAAAAHHHH!!!!

*BAAAM!!*

*DREEEEEEE!!!*

Parang slow motion ang pagtaas ng bola sa level sign. Nagsimula sa five, nilagpasan ang ten, ang fifteen pati twenty!! Nagpatuloy sa pagtaas ang bola, lumagpas sa twenty-five, umangat sa thirty hanggang thirty-five!! WAAAAHHH!! Tumaas parin ang bola!!

Forty!!! Tumaas pa hanggang...

*Dreeee....*

"FORTY-FIVE POINTS ANG NAKUHA NI NUMBER TWENTY-TWO!!"

Forty-five points lang. Forty-five points. Bumagsak ako. Kahit kailan hindi pa ako nakakakuha ng forty-five points out of one hundred sa mga tests ko. Laging perfect tapos dito... Isang masaklap na forty-five points ang nakuha ko? Sobrang bagsak nito ah!

Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Bumagsak ako. Umupo ako sa sahig na parang bata at niyakap ang mga binti ko. Angs saklap.

"Ay umiyak yung babae, kawawa naman."

Kailan ba sila titigil sa pagtawag sa akin na kawawa? "Pwede ba hwag nyo nga akong sabihan ng kawawa!!" Pero kawawa nga ako!! Wala na nga akong date, wala pang first prize!! WALA!

"Retard why are you crying?"

Tumingin ako kay Timothy. Pinunasan ko ang luha ko. Habang pinupunasan ko bigla nyang hinablot ang kanang kamay ko.

Bigla nalang syang nagalit. "What's this?"

"Kamay ko yan..." hikbi ko.

Tinignan nya lang ako na parang... "This.. bruise," sabi nya habang nakakunot ang noong nakatingin sa kamay ko na maingat nyang hawak.

Eh? Tinignan ko ang kamay ko. Medyo namumula nga yung kamay ko. Dahil siguro sa pag-suntok dun sa dummy.

Napasigaw ako nang pindutin nya ang namumula kong balat. "Ang sakit, hwag mong hawakan!"

Matalas na tingin ang nakuha ko mula sa kanya. "This is your fault," sisi nya sakin. "Why are you so careless?"

Ako?! Hinila ko yung kamay ko mula sa hawak nya. "Hindi ko kasalanan yon! Masyado lang talagang matigas yung mukha nung dummy," pinindot ko yung pasa sa kamay ko. "WAAAAAHH!! Ang sakit."

"Shit, don't touch it!" saway nya sa akin. Binitawan nya ang kamay ko at lumakad palayo sa akin.

Sinundan ko sya ng tingin. "Timothy san ka pupunta?"

"Gonna destroy this thing."

Tumayo ako. Huh? Ano raw?

"HIJO! MABUTI NAMAN AT LUMAPIT KA NA! IKAW BA ANG PAIR NI NUMBER TWENTY-TWO?" tanong sa kanya ng emcee na may hawak paring mic.

Hindi sya pinansin ni Timothy. Patuloy syang lumapit sa dummy. Tumayo sya sa harap non at tinitigan nang masama. T-Teka ano'ng sinabi nya kanina? Destroy daw? Hwag nyang sabihin na...

"Timothy sandali—"

"AAAAAAAAAAAAHHH!!!" malakas na sigawan ng mga tao.

Parang may sumabog na bomba sa lakas ng tunog. Nakita ko nalang si Timothy na palapit na sa akin. Medyo salubong ang mga kilay nya nang tumigil sya sa harapan ko. "It's done," sabi nya. "Shall we go now?"

Nilingon ko ang machine sa likod nya. Nalaglag ang panga ko nang makita ang nangyari sa dummy. Nawala na yung ulo nito pati narin ang higanteng thermometer.

"A-ANO'NG NANGYARI? ARAY!!" hiyaw ng emcee nang tamaan sya ng ulong lumilipad.

Sinundan ng mga mata ko ang lumilipad na ulo ng dummy. Tumama iyon sa mga pillars, tinamaan ang emcee sa ulo, nalaglag sa sahig... at gumulong papunta sa paa ko. Ang ulo ng dummy. Bow.

*DING!DING!DING!DING!!*

"That stupid JG-Head." Sinipa ni Timothy palayo yung ulo.

Pinanood kong gumulong yung ulo palayo. Sinilip ko ang sirang higanteng thermometer. Basag na yung kalahati at yung bell sa taas non ayaw tumigil sa pag-tunog. Yung bola wala na rin sa loob. Saan napunta yung bola?

Inakbayan ako ni Timothy. "You still want to play this game?"

Umiling ako.

"Good."

At sabay kaming tumakas mula sa crime scene.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C138
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄