下載應用程式
69.95% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 148: Chapter One Hundred Forty-Eight

章節 148: Chapter One Hundred Forty-Eight

"Yes, I am breaking up with you."

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang sakit. Napatakip ako sa bibig ko at pinigilan ang paghikbi. Walang tigil sa pagpatak ang luha ko. Bakit? Bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon? Ilang beses akong huminga nang malalim bago nagsalita.

"Bakit Timothy?" halos walang lakas na tanong ko.

He sighed na parang pagod na sya sa mga tanong ko. Na parang may mas mahalagang bagay pa sya na dapat asikasuhin kaysa ang magpaliwanag sakin kung bakit kailangan naming maghiwalay. Wala na ba akong halaga sa kanya? Masaya naman kami nung huli kaming magkita. Pero bakit ganito?

"I don't want to hurt you so don't ask."

"Too late. Nasaktan mo na ako." Hindi sya nakatingin sakin. Diretso lang sa labas ang tingin nya. "Timothy please. Please don't do this to me." Hinawakan ko sya sa braso. Para syang napaso sa hawak ko at mabilis na tinabig ang kamay ko. "Timothy," gulat na sambit ko.

Bigla syang lumabas ng sasakyan at naglakad sa gitna ng ulan. Mabilis ko syang sinundan. Lumabas ako ng kotse at hindi pinansin ang malakas na buhos ng ulan.

"Timothy!" hinabol ko sya at hinigit sa braso

Humarap sya sakin. At suot nya ang maskara na palagi nyang ipinapakita sa ibang tao. Sa ibang tao pero kahit kailan hindi sakin. Ipinakita nya sakin ang expression sa mukha nya na madalas nyang gamitin sa mga taong hindi nya kilala. Sa mga taong wala syang pakialam... At ngayon ginagamit nya na rin ito sa akin.

Umiling ako. "Timothy hwag mo 'kong iwan please. Please? Please Timothy."

"Let go." Utos nya at pilit na tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. "Ano bang problema? Ang parents ko? Aayusin ko yon sasabihin ko na hindi ako magpapakasal. Please Timothy."

"Let go Miracle." Natanggal nya ang kamay ko pero muli akong kumapit sa kanya nang mahigpit.

"Please. Please Timothy give me another chance. I-I can't be without you please Timothy. Please. Please," humihikbing sabi ko.

"F*CK! I SAID LET GO!" sigaw nya sakin.

Napabitaw ako sa kanya. Kahit kailan hindi nya ako sinigawan nang ganito. Kung nasigawan man nya ako noon, hindi ganito.

"Timothy."

Mahigpit nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. Halos bumaon ang mga daliri nya sa balat ko. Tinitigan nya ako nang mariin. Wala na sa mga mata nya ang dating emosyon na nakikita ko kapag magkasama kami. Walang pagmamahal. Walang saya. Nabura na yon lahat sa mga mata nya. Puro galit nalang ang nakikita ko. Inilapit nya sakin ang mukha nya at tinitigan nya ako nang mabuti.

"Stop it Miracle, just stop!" may kalakip na pagbabanta sa tono nya.

Hindi na sya ang dating Timothy na kilala ko. Ang Timothy na mahal ako. Ang Timothy na hindi ako kayang saktan.

"Pero kailangan kita," umiiyak akong umiling. "Mahal kita." Hinawakan ko ang suot nyang damit. Binitawan nya ako at parang nandiri sya na lumayo sakin. Naalis ang hawak ko sa kanya. "Timothy... please," pagsusumamo ko sa harap nya.

Wala na akong pakialam kung kailangan kong lumuhod sa harap nya gagawin ko. Gagawin ko lahat mahalin nya lang ulit ako.

"I. Don't. Love. You. Anymore. Miracle," mariin nyang sabi.

Halos maputol ang hininga ko sa sinabi nya. Unti-unting nadudurog ang puso ko habang nagsi-sink in sa isip ko ang mga salita na sinabi nya. Hindi nya na ako mahal? Hindi ko tatanggapin ang mga salitang 'yon. Hindi ko yon matatanggap.

"No Timothy," sunod-sunod ang iling ko. "You're lying."

"I'm not lying."

"Why are you doing this to me Timothy? Why?!" sigaw ko sa kanya at tinulak sya. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit?" Hinampas ko sya gamit ang dalawang kamay ko. "Alam kong may iba ka pang rason! Sabihin mo sa'kin!" Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong bawiin nya ang mga sinabi nya.

"Stop this Miracle!" Sinalo nya sa kamay ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C148
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄