Pumasok na ako sa room three-o-three. Ang unang subject; Communications Arts 3. Namumula pa rin ako dahil sa nangyari kanina.
Business ang course na kinuha ko. Katulad ng sa Crazy Trios, Audrey at kay Red. Natural na yata 'yon, dahil mga taga-pagmana kami. Ang Crazy Trios, bukas pa sila babalik dito. Sana nandito sila. Natatakot nga ako sa mga magiging reaksyon nila, lalo na kay Audrey. Si Audrey nga pala, hindi ko pa siya nakikita. Magiging kaklase ko kaya siya kahit sa isang subject lang?
Sa pinakadulo ng silid ako umupo. Ang classrooms dito ay parang sa cinema. By steps ang silya, pataas, may malawak na whiteboard sa harap at may projector sa gitna ng room. At dahil sa aircon, naaamoy ko ang iba't ibang klase ng pabango ng mga kaklase ko. Mukhang 'yung iba, nakabuo na agad ng sari-sariling grupo nila. Ang LONER ko kapag wala ang Crazy Trios.
*BAM!*
Napatingin kaagad kami sa malakas na pagbukas ng pinto. May babaeng humahangos ang pumasok sa loob ng room. Lumapit siya sa isang grupo ng mga babae.
"GIRLS! Nandito na siya! Confirmed nga ang balita na dito mag-aaral si Prince Red!! KYAAAAA!!!" sabi niya na halos himatayin sa kilig.
Oh no. Kaklase ko pala ang fans ni Red. Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon na habulan!
"We know that already! Kaya nga maaga kami pumasok ngayon para dyan," sagot ng isa niyang kaibigan.
Lahat sila sa group na 'yon ay may touch of pink ang mga suot na damit. Kung hindi man, 'yung mga bags nila ang PINK. Tatawagin ko na lang silang PINK group. Nakinig pa ako sa pag-uusapan nila, baka pag-usapan din nila ako eh. Balakin pa nila na ipa-salvage ako mamaya. Ang dami pa namang nakakita sa amin ni Red kanina sa hallway.
"Hmp! Hindi lang 'yan 'no! May isa pa akong balita sa inyo!" umupo siya sa spot nila.
Naalala ko tuloy sa kanya bigla si Cheska ng St. Celestine High, ang dakilang chismosa sa school namin.
"Spill!"
"May bago tayong classmate!"
"Then?"
"Ang yummyneska! Ang balita ko galing siyang Japan eh, suuuuuper gwapo!"
"REAAALLLY?!!" Nakuha ng sigaw na 'yon ang atensyon ng lahat sa classroom.
"But that's impossible. Hindi na tumatanggap ang school na 'to ng late enrollees," sabi ng isa sa pink group.
Totoo 'yon, kilala ang school na ito na mahigpit sa mga ipinapatupad nilang rules. Pero new student galing Japan?! Bumil'is ang tibok ng puso ko, nahahati sa excitement at kaba.
"Well, classmate natin siya this period. And he's from a very rich clan daw kaya nakalusot sa policy ng school. As in super rich!"
"Ganon sya ka-rich?!"
"Yeah! I know right!"
"Oh my gosh! We need to meet this new guy!"
"I know riiiiight!"
Napaisip ako, si Timothy kaya 'yon? Bakit hindi niya sinabi sa akin na nakabalik na pala siya? Hindi kaya... Hindi kaya balak niyang sorpresahin kaming lahat?! O baka naman, hindi niya talaga pinaalam dahil alam na niya ang namamagitan sa amin ni Red?!
Timothy.
Pls Vote and Rate~ :)