"Hi Samantha!" bati sakin ni Jack.
Masasabi ko na awkward din ito para sa kanya. Siya ba naman kasi ang maipit sa eksenang ito?! Kaibigan pa niya yung dalawa! AAAAAHH!! Sana pala sa gabi nalang ako pumunta! Dapat sa dinner nalang!
"Uh. Hello, Jack." Lumapit ako sa kanya.Hindi ko magawang lapitan si Timothy sa harap ni Jared. Masyadong mabilis ang pagkikita namin ulit.
"Uy, may carbonara! Hahaha! Tamang tama gutom na ako!" sabi ni Jack.
"Kain ka lang," alok ko.
"Wow, mukhang masarap ah. Ang daming mushrooms!" sabi ni Jack. Nagsalin siya ng carbonara niya sa plato. "Alam ninyo, paborito ko to eh! Hahahaha!" tawa niya na pilit pinapagaan ang atmosphere.
"Ikaw ang nagluto?" Napapitlag ako nang maramdaman na nasa tabi ko na pala si Red.
"Ah, oo." Napalingon ako sa nasa likod niyang si Timothy na nakamasid lang.
"Ginamit mo ang recipe na itinuro ko sa'yo?" tanong ni Red.
Napakagat ako ng labi. Gusto ko nang lamunin ako ng lupa! Kainin ng mga pader! Gusto kong matunaw! Bakit mo kailangan sabihin na ikaw ang nagturo sakin gumawa ng carbonara, Jared?! Sa harap pa ni Timothy!
Naramdaman ko ang laser beam na tingin ni Timothy sakin. Tumatama iyon sa likod ko. Ahhh! Ayokong lumingon. Bakit mo kailangan sabihin 'yon, Jared? Bakit? Tinignan ko si Red. Naka-smirk lang siya. Salbahe!
"Ano sa tingin mo, TOP? Masarap ba ang recipe ko?" tanong ni Red kay Timothy na kanina pa tahimik.
Narinig kong umubo si Jack. Yumuko lang ako. Ayokong tumingin sa kanilang dalawa. Umalis na kaya ako? Aalis nalang ako! Kailangan ko nang tumakas!
"It tastes heavenly," sagot ni Timothy kay Red. "Since she cooked it for me."
AAAAAAHHH!!! Kailangan ko na talagang umalis. Iwan ko nalang ang tupperware ko dito.
"Good." Ngumiti si Red. "Tikman mo rin yung paborito naming lutuin ni Samantha, leche flan."
Kumakapal ang tensyon sa paligid na kanina ay pilit na pinagaan ni Jack. Ako lang talaga ang nagdadala nito. Kailangan ko nang umalis.
"Uh. Sa tingin ko aalis na ako," paalam ko sa kanila. Tumingin silang tatlo sa akin. Kaagad akong napalunok. "May pupuntahan pa kami ng Crazy Trios eh. Sa SM, ano, bibili kami ng itlog."
"I'll walk you," sabi ni Timothy.
"S-sige." Tumingin ako kina Jack at Red. Si Jack na patuloy lang sa pagkain ng carbonara at si Jared na nakasandal sa refrigerator habang naka-crossarms. "Bye Jack... Jared." Mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta sa pinto.
Lumabas ako ng apartment ni Timothy. Pakiramdam ko, isa akong bagong layang ibon! I am free! Sobrang awkward talaga sa loob! Hindi ko ine-expect na maiipit ako sa ganong sitwasyon ngayong araw. Naglakad na ako pababa ng hagdan.
"Miracle."
Nakalimutan ko na nakasunod nga pala sakin si Timothy. "A-ah. Ano 'yon, Timothy?" pilit ang ngiti na tanong ko.
Nakatingin lang siya sa'kin nang matiim. Alam na alam ko ang tingin na yon. Iyon ang tingin na ginagamit niya kapag may hindi ako magandang nagawa. AAAHH!
"You used his recipe?" tanong niya na lumalapit sa akin.
"Timothy." Napaatras ako.
"You made me eat what he taught you to cook?" Lumapit ulit siya sa akin.
"Timothy." Patuloy ako sa paglayo.
"What else did he teach you while in France?"
"Timothy I can explain!"
"Let's hear it then."
"Uhh. Ano…"
"Seriously," bulong niya.
"Timothy naman." Nakalabi akong humawak sa shirt niya.
Si Jared kasi eh! Bakit kailangan niyang sabihin yon? Huhu! Teka nga. Ginawa kaya niya 'yon para pagselosin si Timothy? Kung ganon, nagseselos si Timothy?
"Nagseselos ka ba Timothy Odelle Pendleton?" tanong ko.
"What?" gulat niyang tanong.
"Are you jealous? Hmm?" Tinignan ko siya nang mabuti.
Kung kaya ko lang sigurong gayahin ang facial expression ni SpongeBob noong nalaman niya na kumakain ng krabbypatty si Squidward, nagawa ko na.
"Don't make that face, Miracle. You look like a freakin' retard."
"Okay. Okay. I get it. Nagseselos ka nga!"
"Don't flatter yourself, woman," sabi niya sabay halukipkip at iwas ng tingin.
"Fine! Alis na nga ako!"
Tumalikod na ako at bumaba ng hagdan. Nasa third floor pa naman kami. Ayokong sumakay sa elevator. Baka kasi biglang bumigay eh. Nakakatakot pa naman dito, mukhang tambayan ng mga kaluluwa.
Hinigit ni Timothy ang kamay ko nang makatungtong kami sa first floor. Napaikot tuloy ako at napasubsob sa dibdib niya. Napahawak ako sa ilong ko. Naramdaman ko naman ang isa niyang kamay sa likod ko. Tiningala ko siya. Nakangisi siya habang pinagmamasdan ako, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko maiwasan na mamula.
"Next time, I'll teach you how to cook."
Napalunok ako. Ang lapit talaga ng mukha niya! Soooo tempting. Kanina pa si Timothy nang-aakit ah! Una sa hubad niyang katawan tapos ngayon yung labi niya nag-aanyaya ng halik.
"O-okay," sagot ko.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga kulay abo niyang mata. Masyado siyang intense kung makatingin, kinukulong ako sa titig niya. Kahit kailan talaga hindi nawawala ang epekto na ito sa akin ni Timothy.
Sa tuwing tititigan ko siya sa mga mata, nawawala ako. Wala na akong ibang nakikita sa paligid ko kung hindi siya lang. Sa tuwing mangyayari ito, pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga. Ayaw din tumigil sa pag-lipad ng mga paru-paro sa tyan ko.
Unti-unti ay bumaba ang mukha niya palapit sa akin. Napatingin ako sa labi niya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya pataas sa batok niya.
Tinawid ko ang munting distansya sa mga labi namin. Muli kong naramdaman ang sensasyon na bumabalot sa akin tuwing hahalikan niya ako.
Marahan ang paggalaw ng mga labi namin sa isa't-isa. Nasa likod ng ulo ko ang isang kamay niya, nakaagapay. Ang isang braso niya ay nakaikot sa bewang ko na mahigpit at matibay na nakaalalay.
Ang tagal na simula nang maramdaman ko ang labi niya sa akin. Alam ko na may kasunduan kami na walang halik na mangyayari samin hanggat hindi pa ulit nagiging kami pero... hindi ko yata kaya. Hindi ko talaga kayang maghintay pa. Mahal ko siya at sobra ko siyang namimiss araw-araw. Kung alam lang niya ang epekto niyang ito sa akin.
Humiwalay ang labi sa akin ni Timothy nang pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Magkadikit ang mga noo namin at nakatingin kami sa isa't-isa.
"I love you," malumanay na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "With all my heart, Miracle."
Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata niya. Hinihintay ko na kumalma ang nagwawala kong puso sa dibdib ko. Bumaba ang kamay ko sa dibdib niya at dinama ang pintig ng puso niya.Pareho lang pala kami. Magkasing bilis lang ang tibok ng mga puso namin. Napangiti ako.
"I love you, too," sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ilang minuto ulit kaming ganon, tila ayaw na naming pakawalan ang isa't-isa.
"Cook for me again tomorrow, Miracle."
"Okay," nakangiting sangayon ko.
"Don't use his recipe," parang bata na sabi niya.
"I wont." Tumawa ako.
Hinalikan niya ako nang mabilis sa labi bago niya ako pakawalan.
"Bye." Hinihigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko.
"Timothy," sambit ko nang ayaw niya akong bitawan.
Hinigit niya ulit ako at hinalikan sa noo.
"I'll see you later," bulong nya sa tenga ko.
Tumawa ako. "Bye na!" Hinigit ko na ang kamay ko at tumakbo palayo bago pa niya ako ulit mahawakan.
Nang makatawid na ako ng kalsada ay lumingon ako sa kanya. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.
Naglakad na ako papunta sa bahay namin ng Crazy Trios. Mabuti nalang hindi kalayuan ang agwat ng mga tinutuluyan namin ni Timothy.
*SCREEEECH!!!*
May itim na SUV ang tumapat sa akin. Mula doon ay may dalawang malalaking lalaki ang bumaba. Napaatras ako nang tignan nila ako. Kaagad akong nakaramdam ng panganib.
"MIRACLE!!" narinig kong sigaw ni Timothy habang tumatakbo palapit.
Tatakbo sana ako pabalik kay Timothy nang hilahin ako ng mga lalaki at pilit na isinakay sa sasakyan. Sumarado ang pinto at nakulong ako sa loob kasama ang tatlong lalaki. Mabilis na umandar ang sasakyan. Sinigawan ko sila na pakawalan ako. Kinalmot ko sila sa mukha at pinagsisipa. Mahigpit akong hinawakan ng isa sa kanila.
May mga sinasabi sila na hindi ko maintindihan. Nagsisigawan sila sa loob ng sasakyan. Hindi ko maintindihan ang mga salita nila. May nagtakip sa ilong ko ng tela. May matapang na gamot akong naamoy at pagkatapos non ay dumilim na ang paligid ko.