*Audrey Dela Cruz*
How stupid of me to trust that—THAT LYING—UGLY THING!! AAAAAAGGGHH!! Gusto ko'ng manakit! Gusto ko'ng bumalik doon at saktan silang dalawa! Si Santana wala nang ginawa kundi ang sirain ang araw ko. Humanda talaga sya sa'kin kapag nagkita kami. Kung akala nya na dito lang ito matatapos, well nagkakamali sya.
She made a BIG MISTAKE for messing with me! Oh, she won't see it coming kapag ako na ang gumanti.
"AAAAAAAGGHH!! NAKAKAINIS TALAGA SILANG DALAWA!! MGA MUKHANG LOONEY TOONES!!"
"Audrey are you okay?"
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kotse ko. Nakalimutan ko sya. Humarap ako sa kanya. Si Zeke. Zeke ano nga ba? GOD! Audrey, calm down.
"Yeah, yeah I'm okay," I answered not looking at him.
"Okay, how about I take you home? You look...upset." Mukha syang totoong nag-aalala.
I sighed. "No Zeke, uhh I have a car and besides I don't want to be a burden."
"You're not," he smiled. "I'll bring my car and follow you until you get home safe. Atleast let me do that, please?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko so I just nodded. Ngumiti sya at tumakbo para kunin ang kotse nya na nasa kabilang dulo ng parking lot. Nakakahiya naman nakita nya akong nagta-tantrums. Huminga ako nang malalim.
"AUDREY!!!" may tumakbo papunta sa'kin. "AUDREY!! HONEY!!"
Ang boses na 'yon. May narinig akong yabag mula sa likod ko. Huminga ako nang malalim at ready na para sigawan sya pero napatigil ako. Akala ko si Pangit. Pero iba ang buhok nya. Sino ba 'to?
"Audrey please it's not what you think baby!"
Tinitigan ko lang sya. Kunot noo ko syang tinitigan at inaninag ang mukha. Nasa likod kasi nya ang lamp post kaya may shadow ang mukha nya. Pero blond ang buhok nya. Matangkad sya, fit. Kaboses nya si Romeo. Magkasing height sila at magkasing katawan. Actually parang same oufit sila pero iba ang buhok nila. May kakambal ba si Pangit?
"Sino ka ba?" mataray na tanong ko.
Naiinis na ako, ang daming weirdo sa mundo. Ang dami na ngang weirdong tao sa buhay ko dadagdag pa ba 'tong isang 'to? Shit. Wala ako sa mood! Uuwi na ako!
Nagulat sya sa tanong. Napatigil kasi sya sa pagsasalita. Ngayon tinitigan nya nalang rin ako nang may pagtataka. Sino ba kasi to? Tsk! Sinasayang ang oras ko. Lumakad na ako at nilagpasan sya.
"Uy Omi pare ikaw ba yan? Ano'ng ginagawa mo dito? Tara na sa loob kanina ka pa namin hinihintay"
Omi? Lumingon ako. Nakita ko si Dos, member ng gang nila kuya, na kausap yung lalaking...blond.
"Shit Dude! Ano'ng nangyari sa mukha mo? Tsaka bakit ganyan ang ayos mo? Kung hindi ko pa napansin yang buhok mong dilaw hindi kita makikilala eh HAHAHA!!" tawa ni Dos.
"Hindi kita kilala," sabi ng lalaking blond saka nya ito iniwan. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. "Audrey..." Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa braso. "I can explain." Nagmamakaawa ang hitsura nya.
Omi. Omi. Pakiramdam ko na-estatwa ako. Bakit nga ba hindi ko pinansin ang mga details ng pagkakapareho nilang dalawa? Bakit hindi ko pinansin?! Bakit ba binalewala ko lang?! Magkaboses sila. Magkaparehas ng katawan. Bakit ko isinantabi lang?!
Bumalik kay Omi ang tingin ko. Pati hugis ng mukha nila pareho rin. Sya nga si Omi. Sya si Romeo. Iisa silang dalawa. Ano'ng ibig sabihin nito?! Niloko nya ako? Si Romeo at si Omi? Hindi naman pwedeng mangyari 'yon hindi ba?
"Ikaw si Omi? Niloko mo ako! Iisa lang kayo!" Hindi sya nakasagot nung una. Nag-aalinlangan sya. "Sumagot ka!" utos ko.
"Oo. Oo ako nga pero—"
"Niloko mo ako." Mapakla ko syang nginitian.
"Audrey kaya ko'ng ipaliwanag lahat please—"
"NILOKO MO AKO!" natampal ko ang noo ko. "All this time ikaw pala sya! Oh God! Nagpaloko ako sa'yo. Nagpaloko na naman ako sa'yo. Ang galing mo talaga!" Pumalakpak ako ng tatlong beses. "Ang galing mo talaga!" Tinulak ko sya sa dibdib. "BAKIT?! HA?! BAKIT MO GINAWA SA'KIN 'YON?!" Itinulak tulak ko sya palayo.
"Hindi ko sinasadya na—"
"Si Maddison ba? SYA BA ANG MAY PAKANA NITO?!!" nagngingitngit sa galit na sigaw ko sa kanya. Naikuyom ko ang dalawang kamay ko.
"Audrey please makinig ka muna—" bahagyang nakataas ang dalawang kamay nya at nakaharap sa akin ang mga palad nya. Gusto nyang huminahon ako. Well, shit.
"SUMAGOT KA!! SYA BA?!!"
"Hindi. Hindi Audrey wala syang kinalaman dito."
"HAH! TAMA 'YAN IPAGTANGGOL MO ANG MAHAL MO'NG MADDISON!!" tinalikuran ko sya at lumakad papunta sa kotse ko.
Humarang sya sa daan ko. "Nagmamakaawa ako sa'yo Audrey makinig ka muna sa'kin."
"THEN TALK!! GO!! Magpaliwanag ka. Ipaliwanag mo kung bakit kailangan mo akong lokohin nang ganito!! Sabihin mo sa'kin kung bakit! Kaya mo bang ipaliwanag kung paano mo naisip na gawin sa akin ang bagay na 'to?!"
"Audrey huminahon ka muna please."
"Huminahon?! Eh leche! Nalaman ko na niloko mo ako tapos sasabihin mo na huminahon ako?!"
Akma nyang hahawakan ang kamay ko.
"Don't you even dare!" sigaw ko at lumayo sa kanya nang kaunti.
Lumapit sya ulit. Tinitignan ako na para bang gusto nya akong yakapin. Binigyan ko sya nang nakamamatay na tingin. Naisuklay nya ang dalawa nyang kamay sa buhok nya.
"Hindi ko naman alam na aabot ito sa ganito. Gusto ko lang naman na makalapit parin sa'yo. Audrey simula nang pagbawalan mo ako na lumapit sa'yo noon, halos mabaliw na ako sa kakaisip nang paraan para makalapit ulit sa'yo. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ako makatulog. Ikaw lang ang laman parati ng isip ko. Kaya nag-isip ako ng solusyon. Nagawa kong magpanggap kasi alam ko na 'yon lang ang paraan para makalapit ulit sa'yo. Malalapitan lang kita kung hindi mo ako makikilala. Audrey please."
Tumawa ako nang pagak at tumingin sa langit. "Alam mo Omi hindi kita maintindihan. You're acting as if I'm the one who rejected you, as if I was the one who didn't want you. When in fact ikaw yung tumanggi sa'kin, ikaw yung may ayaw na makipag-relasyon sa'kin. You're acting as if I dumped you! As if you're a desperate boyfriend na gustong makipag-balikan sa ex nya! Tigilan mo nga yang Gerald Anderson act mo, hindi naman ako si Kim Chiu! Leche!"
Dumiresto na lang ako sa kotse ko at hindi na sya pinansin pa. Humabol sya at kumatok sa bintana ng kotse ko. Pinaandar ko ang kotse at iniwan sya. Shit 'yan! Pagkatapos nyang sabihin sa'kin noon na "Kapatid lang ang turing ko sa'yo Audrey" hahabol habol sya sa'kin ngayon?! HAH! Mag-habol sya sa wala! Niloko pa nya ako. Hinding hindi na ako magpapaloko pa sa kanya. Hindi na ulit.