下載應用程式
23% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 48: Chapter Forty-Eight

章節 48: Chapter Forty-Eight

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Red. Nakit ko na sobra rin ang pagkagulat ni Audrey. Si Omi naman ay nakatingin sa direksyon kung saan dumaan si Red.

"Ano'ng ibig sabihin non?! Tanggal ka na sa grupo?!" tanong ni Audrey.

"Ah, hehe." Napakamot sa batok si Omi at yumuko. "Ganon talaga ang rules sa gang."

"ANO?!!!" sigaw ni Audrey.

"Ganon talaga Honey. Matatanggal sa grupo ang sinoman na lumabag sa rules."

"At nakuha mo pang tawagin ako'ng Honey? Bakit hindi mo kaagad sinabi na ganon pala 'yon?! Ang sabi mo lang kailangan kang bugbugin hanggang sa mukhang 50/50 ka na!!" pinaghahampas ni Audrey si Omi.

Itong si Audrey walang awa nasuntok na nga binugbog pa nya sa hampas yung tao.

"Kasama naman talaga ang pagbugbog pero nakaharang ka kanina kaya hindi ginawa ni Red at sa tingin ko." Tumingin sa'kin saglit si Omi. "Ayaw nyang matakot sa kanya si Samantha," bulong ni Omi na narinig ko rin naman.

Tumigil sa paghampas si Audrey.

"Aist! Kakausapin ko si kuya hindi pwedeng matanggal ka sa grupo dahil lang sa'kin!"

"Hwag na." Hinila ni Omi si Audrey. "Hindi na magbabago ang desisyon na 'yon," nakangiti pa sya habang sinasabi 'yon.

Pano kaya sya nakakangiti nang ganon? Nabugbog na sya at natanggal sa grupo eh. Ang weird nila, masochista at sadista nagsama? Err. Kung titignan silang dalawa. Bagay talaga sila. Akala ko yung 'below below' ang makakatuluyan ni Audrey. Huminga ako nang malalim. Buti hindi. Sinasabi ko na nga ba, imposible talaga ang nakita ko noong gabing 'yon. Hindi talaga papatol si Audrey sa isang below below.

"Mabuti pa gamutin ko na 'yang mga sugat mo. Baka magka-scar pa yan lalo ka pang pumanget," bumalik na naman ang pagtataray ni Audrey.

Sobra naman maka-lait tong si Audrey, nabugbog na nga yung tao. Parang kanina lang umiiyak pa sya para kay Omi.

"Pero Honey..." nakangiti si Omi nang malapad.

"Ano?"

"Tayo na." Umakbay si Omi kay Audrey.

"Huh? Ano? Saan?" takang tanong ni Audrey.

"Tayo na, sa'kin ka na. Girlfriend na kita," todo ngiti ni Omi.

Ano ba 'yan? Ang sweet naman. Inggit ako.

"Buh! Sino nag-sabi? Asa ka! You ugly human being!" sagot ni Audrey at itinulak ang noo ni Omi.

Kumalas sa pagkakaakbay nya si Omi kay Audrey. "A-Ano? Hindi pa tayo? P-Pero sabi mo kanina sa kuya mo diba? Sabi mo g-gusto mo akong makasama?"

"And so what kung sinabi ko 'yon kanina? Di pwedeng bawiin? Leche kayo ni kuya, dapat siguro sapakin ko rin ang kapatid ko'ng 'yon para matauhan naman. Rules rules na nalalaman? Eh sya nga..." patuloy sa pagsasalita si Audrey.

"HONEY NAMAN EH!" nag-pout si Omi.

"Nyeta hwag kang dumali nang ganyan, ang pangit mo!" tumalikod si Audrey kay Omi.

Pero kitang-kita ko na napapangiti si Audrey at...medyo namumula ang pisngi nya. Ah. Tsk tsk. Hindi ko akalain na ganito pala si Audrey. Kunwaring galit pero deep inside marunong din palang kiligin.

"Audrey," tawag ko.

Humarap sa'kin si Audrey. Parang nagulat pa sya. Nakalimutan ba nilang nandito ako at nanunuod sa landian nila?

"Spell pakipot," sabi ko nang nakahalukipkip.

"A-U-D-R-E-Y," sagot naman ni Omi.

Sinamaan ng tingin ni Audrey si Omi.

"Kidding! Kidding! Di ka pakipot, nagpapahabol lang—" Malakas na hampas sa likod ang nakapagpatigil kay Omi.

Ang lakas manghampas ni Audrey. Ang sakit siguro non, lakas ng tunog eh. Kawawang Omi.

"Samantha spell manhid?" ganti sa'kin ni Audrey.

Eh? Pano naman ako naging manhid?

"Ako ba 'yon?" tanong ko.

"Spell slow?" tanong ulit ni Audrey na nakataas ang isang kilay.

"Eeesh! Alam mo Audrey pwede mo naman sabihin kung gusto nyo nang mapag-solo ni Omi noh," sagot ko. "Pinapaalis mo na ako? O sige babush! Hahanapin ko pa kuya mo."

Tumalikod na ako. Ang weird weird nilang dalawa. Bagay sila. Mabuti nalang umalis na ako.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C48
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄