"BABE!!" tawag ng babaeng blond kay Red.
Lumingon kami sa kanya. Kasama nya ang mga kaibigan nya. Mga babaeng nakasuot ng two-piece. Naningkit ang mga mata ko.
"Pumunta ka na roon, hinihintay ka na ng girlfriend mo," walang energy na sabi ko.
"Girlfriend? Si Stephanie?" Napataas ang isa nyang kilay.
Yeah! You slept with her pa nga diba?
"BABE!! C'mon!!" sigaw ni Stephanie.
"Sige na, balikan mo na 'yon. Maglalakad lakad na muna ako." Tumalikod na ako.
Narinig ko 'yung yabag nya na tumakbo palayo. Bumalik na sya dun sa mga bago nyang kaibigan. Haayy. Ano ba 'tong iniisip ko? Paano naman ako maaattract sa kanya? Magkaibang magkaiba sila ni Timothy at ang isa pa mahal ko si Timothy. Sya lang!
Oo tama si Timothy lang ang mahal ko! Maglalakad na nga lang ako pabalik kina Michie, baka kung napaano na si Angelo. Nang pabalik na ako nakita ko na palapit sa akin si Red. Hawak nya ang namumula nyang pisngi.
"Oh, ano'ng nangyari?" tanong ko.
"Di ko naman sya girlfriend bakit nya ako sinampal?" tanong nya sa sarili nya. "Mga babae ang hirap pakisamahan!"
"Eh? Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nya sinampal?" tanong ko ulit.
"For fcking her last night," sagot nya.
Nagulat ako sa pag-amin nya. "Oh..." naisagot ko nalang. Parang nagulat din sya sa nasabi nya.
"That—It's just a one night stand," paliwanag nya.
"Too much information, thanks," sarcastic na sabi ko.
Nag-lakad na kami pabalik sa iba pa naming kasama.
"Whoop—!!" may nabangga ako.
"Sorry! Sorry!" sabi ng isang may kaliitang babae. "Naku sorry po talaga, nasaktan ko po ba kayo? Sorry po!"
"Okay lang," sabi ko.
Masyado naman syang magalang. Kung sabagay mukha syang bata. Siguro nasa highschool.
"ARIL!! Nakuha mo na 'yong bola?" sigaw ng isa sa mga babaeng naglalaro ng beach volleyball.
"Oo Kimmy! Nakuha ko na!" sagot ni Aril sa kaibigan na tumawag sa kanya. Tumingin ulit sya sa'kin. "Sorry po ulit."
Tumango ako. Tumakbo na sya papunta sa mga kaibigan nya.
"Aril..."
Napatingin ako kay Red. Nakatingin sya sa babae na nakabunggo ko. Parang nakakita sya ng multo.
"Kilala mo ba sya?" tanong ko.
"Samantha umuna ka na muna may gagawin lang ako," sabi ni Red sa akin na hindi inaalis ang tingin sa babaeng nakabunggo sa akin kanina.
Sinundan nya ang batang babae. Ano ba ang nangyari don? Hindi kaya... Hindi kaya... Pero pwede bang mangyari 'yon? Na-love at first sight kaya si Red doon sa babae? EH?! Hindi, hindi, hindi!! Si Red na Casanova maiin-love?
Ano na naman ba ang pinagiisip ko? Wala na akong nagawa kundi ang bumalik kina Michie nang mag-isa. Pagkarating ko roon, kumain na kami ng lunch sa malapit lang na restaurant. Habang kumakain kami ng lunch may tumawag kay Michie sa cellphone nya.
"Sino ang kausap ni Michie?" tanong ko kay Maggie at China.
Kanina pa sya nasa phone at parang hindi ko gusto ang expression sa mukha nya.
"Yung abogado ni lola" sagot ni China.
"Sa tingin ko tungkol sa mana nya 'yon, eighteen na kasi sya. Birth right, may karapatan na syang i-manage o ibenta ang negosyo na namana nya mula sa mga nasira nyang magulang," paliwanag sa akin ni Maggie.
May malaking Clothing Line ang mga magulang ni Michie. Isa sa mga pinakasikat hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Iba kasi ang tela nila. Galing sa mga hinabing thread ng pinya ang tela.
"Ano raw?" tanong ni China kay Michie nang makabalik ito sa table namin.
"Pinapauwi ako ni Lola," naka-pout na sabi ni Michie.
"Bakit daw?" mabilis na tanong ni Maggie.
"Yung sa negosyo raw kasi," nangalumbaba si Michie sa table. "WAAAH!! Ano'ng gagawin ko? Ayokong bumalik don!"
"Gusto mo bang umuwi rin kami para may kasama ka?" alok ni China.
Nabuhayan bigla si Michie.
"Talaga sasamahan nyo ako don?!" masayang tanong ni Michie.
"Oo naman! Gusto ko na rin kasing kumain ng mangga galing don," kibit balikat na sagot ni China.
"Mango?" biglang sabi ni Angelo. "Mommy I want mango too!"
"AH! Sumama ka na rin Sam! Hindi ka pa nakakapunta sa Hacienda namin!" sabi ni Maggie.
"Oo!! Ang pinaka malaking Hacienda sa buong Pilipinas!!" pahayad ni China.
"P-Pwede ba?" tanong ko.
"Sammy!! Sumama ka na din please?!!" pangungumbinsi sa akin ni Michie.
"Mommy! I want to come too!! I want to eat mango!!" Humarap sa'kin si Angelo at nag-puppy eyes. "Please Mommy? Please?"
"O-Okay!" Mas mabuti na rin sigurong sumama ako.
Kapag umalis ako makikita ko ang lugar ng Crazy Trios at makakalayo ako kay Red. Sa tingin ko kasi naiimpluwensyahan lang ako ng charms nya kaya nalilito ako. Sa lugar na 'yon ako makakapag-isip nang tahimik. Tama!