下載應用程式
51.42% MY VILE WARMTH (GL) / Chapter 18: Encounter (Past and Future)

章節 18: Encounter (Past and Future)

Marami rin kaming nalibutan ni Lexie para sa photography session namin at seryoso, marami akong natutunan dahil bukod sa interesado ako sa topic namin, interesado rin ako sa nag tuturo.

*1 message received*

~Can I fetch you tomorrow Gabby?~

Unregistered number pero sa pag sabi palang ng Gabby alam ko na kung sino. Its Fana..

She's my first love, siya lang naman ang nag hila sa'kin papunta sa mundo ng mga baliko.

Una ko siyang nakita no'ng isang beses sinama ako ni Papa sa studio na pinag papart time job-an niya. Nandoon siya at nag dudrawing sa isang malaking tablet.

Bukod sa maganda siya talented pa siya at ang mas nakakamangha pa doon, sobrang bait niya.

Nag eenjoy siya sa ginagawa niya kaya mas nagiging smooth ang bawat mga kilos niya.

Noong pangalawang beses na pag dalaw ko doon ay nilapitan niya ako habang may pinapanood akong graphic animation at ang cute lang kasi no'ng isang dinosaur na bida doon kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"You like it?"

Nagulat pa ako sa bigla niyang paglapit.

Sa simpleng you like it na 'yon naging roller coaster ang buhay pag ibig ko.

Tinuruan niya ako ng kung ano ano patungkol sa graphic arts hanggang sa natuto akong mag graphic design pati na ang gumawa ng short film gamit ang pag dudrawing sa tablet.

Nang matuto ako ay hinire ako ng same studio na 'yon at kumikita na ako, tumataba pa ang puso ko kasi walang araw na mag kasama kami na hindi niya sinasabing maganda ako at sinasabi niya rin tuwing mag kasama kami na gusto niya ako.

No'ng una syempre naconfused ako kasi babae kami pareho pero kasi may kakaiba siyang dinudulot sa puso ko, kilig na sa pag una talaga aakalain mong iyon na ang pinaka todong kilig na mararamdaman mo.

"Here, drink this"

Tiningnan ko ang buko na hawak ni Lexie pati na siya.

Hindi pa pala todong kilig ang naramdaman ko sa kaniya kasi mas grabe ang epekto nitong nasa harap ko ngayon.

"Thank you"

Muntik pa akong mapangiti sa harap niya nang tanggapin ko ang inaalok niya.

May similarities sila ni Fana, pareho silang computer genius, maganda, matalino pero ang pinag kaiba nila si Fana puro ang bait at minsan lang mag sungit pero itong isang 'to mas madalas mag sungit pero mabait naman.

Hapon na rin nang tumigil kami sa pag tuturo niya sa'kin. Nag pahinga kami malapit sa mga puno ng buko at siya naman ay nang hingi ng buko.

Hindi talaga ako magugutom kapag kasama ko sila.

May narinig kaming takbo ng kabayo papalapit sa'min kaya agad kaming tumingin doon.

Ang kambal 'yon.

" 'Te Jane nasa bahay na si kuya Kenneth, dali hinahanap ka na nila Lolo"

Masayang balita ni Bea.

Kambal sila pero hindi sila sobrang mag kamukha kaya madaling madetermine kung sino ang A at B sa kanila.

Agad na tumayo si Lexie at napa ngiti.

Who's Kenneth?

"Let's go Rhemzo"

Mabilis kong ininom ang buko at nasasayangan ako kasi hindi pa nga ako nakaka kain ng laman eh.

Nauna na siyang umakyat sa kabayo at nilahad niya ang kamay niya para matulungan akong ma upo sa likod niya.

Oo sa likod na niya ako pinaupo at mukhang this time nag mamadali siya.

Nauna nang umalis ang kambal at mukhang nag papaunahan pa.

Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo kaya mariin akong napa kapit sa may tiyan niya.

Sino ba 'yong lalaking 'yon at ganito siya ka excited umuwi, akala ko mag kaka moment pa kami.

Pag uwi namin ay mabilis siyang umibis at mukhang nakalimutan niya atang may angkas siya.

Nag tataka lang akong tumingin sa kaniya.

"Take my hand"

Pormal na sabi ni Yra.

Nasanay nalang ako kay Yra na parang Lexie d' 2nd sa mood swing.

Inabot ko ang kamay niya at saka tumalon pababa ng kabayo.

Nag pasalamat ako at saka tumingin kami sa isang lalaki na naka upo sa isang kahoy na upuan.

He's really handsome.

A jaw dropping man.

Lumapit sa kaniya si Lexie at nang makita niya si Lexie ay ngumiti ito nang napaka tamis at tumayo sabay halik sa-

Napa nganga nalang ako.

Naka talikod si Lexie sa'min pero yumukod ang lalaki para halikan siya sa.. labi?

Parang binayo ang puso ko sa sakit.

Ang dami agad nag laro sa isip ko.

"He's her future husband"

Seryosong sabi niya sa'kin

"H-ha?"

"He's Kenneth Landros. Heir of a big company and he is a model. Bagay sila diba?"

Parang isang salita nalang ni Yra sasabog na ako.

Hindi ko alam na may fiancé siya, wala siyang sinabi.

Ang ngiti ni Lexie habang kausap 'yong lalaki ang siyang nag sasabing umasa ako sa mga pahiwatig niya na wala naman palang kahulugan. In the end she'll marry to a guy and I'm so stupid to hold on a hope.

"O-oo"

"He's here to officially introduce to our Lolo, isn't it cute?"

Hindi ako makasagot, mabuti nalang at lumapit sa'min ang mga pinsan niya at kapatid niya.

"He's here, akala ko hindi nanaman matutuloy eh"

Official meeting with grandparent pala 'to.

Ano ngayon Gab?

Ikaw ang umasa kaya mag tiis ka diyan.

"Ang gwapo ni kuya Ken."-Angel

"Mas gwapo naman ako diyan"-Tristan

"Oo kaso lang di ka naliligo kaya mukha kang dugyot tingnan"-Bea

Natawa kami.

"Syempre gwapo ka tan, iisang dugo ang dumadaloy satin kapag pangit ka edi pati kami nadamay"-Mika

Nag tawanan nalang sila ako nakiki ngiti lang.

"Let's go inside"

Nag lakad na kami papasok ng bahay.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Ang dami kong "akala ko"

Lintek na akala 'yan!

Umupo kami sa sala at pumasok na rin sila sa loob at hawak hawak no'ng lalaki ang palad ni Lexie habang masaya silang nag uusap.

He has a boyfriend at nag nanakaw lang ako ng oras niya.

The fuck!

"Hello girls, Tan"

Bati niya sa mga mag pipinsan.

"Hi Ken, this is Gab by the way our friend"-Mika

Magalang akong tumango sa kaniya at gano'n din siya.

"Ang ganda mo naman"

Huwag mo akong purihin baka matarayan kita.

"Thank you po"

Nag salubong ang mata namin ni Lexie and she just smile at me and ignore after that.

"I already call sa wedding designer for your size and suggestions."

Nanlumo lang ata ako lalo na nang makita kong may singsing na sa palasingsing-an ni Lexie.

Nag iwas ako ng tingin doon.

"Ako muna una kuya!"-Bea

"Sure. Alis lang kami saglit para puntahan si Lolo."

Mag kahawak kamay pa rin silang nag lakad papunta sa taas.

"Are you ok?"-Mika

"Cr lang ako ah, nalalagkitan kasi ako eh"

Gusto kong mag hilamos para klaruhin ang utak ko. Gusto kong mapag isa para pag isipan ang mga nangyari.

"Sure, be quick pasusukatan ka rin namin."

Nanlaki ang mata ko. Ano ako martyr?

"Hindi na-"

"You need to, you'll stick with Gab diba? She needs you there"

Tangina?!

Mag papakasal ang babaeng gusto ko tapos kailangan niya ako doon? Ano 'to?

"Let's have a bonfire later."

Wala akong nagawa kundi ang umalis na sa harap nila. Gusto ko ng malamig na tubig.

Gusto kong mag palamig dahil ang init init ng pakiramdam ko.

Hindi pala boyfriend ang meron siya, fiancé na pero hinayaan niyang mag karoon ng something sa'min habang wala ang fiancé niya?

Ako pa ang ginawa niyang panakip butas.

Gusto ko na umalis dito.

Ayoko na dito.

Isang tao lang ang nasa isip ko ngayon.

~Pwede mo ba akong sunduin dito sa San Diego? Kung may time ka lang naman~

Wala na akong choice kundi ang humingi ng tulong kay Fana.

Fana is the only person that I can trust right now.

Mara is also out of town and her dad won't let her go outside at this hour if ever she's home.

Pagabi palang naman.

~What are you doing there?~

~I'll be there in 30 minutes~

30 minutes? Mahigit tatlong oras kaming bumyahe tapos siya nandito na in 30 minutes?

Hindi na ako sumagot at nag hilamos nalang ng mukha.

Yung bigat na nararamdaman ko ngayon parang hindi ko kakayanin.

Pag labas ko ay sinusukatan na sila.

"Come here Gab, it's very important wedding so you must be look gorgeous though you are gorgeous already"-Mika

Nag peke nalang ako ng ngiti.

Sa kasamaang palad nasukatan talaga ako.

Maya maya ay bumaba si Lolo, Lexie at Ken.

Sabay sabay kaming tumingin sa kanila.

"Gab are you really going home?"

Nagulat ako sa tanong ni Lolo. Oo nga at uuwi ako pero paano niya nalaman na uuwi na ako.

Walang ekspresyon si Lexie habang ang mga pinsan niya ay naka tingin sa'kin at mga nag sipag tanong.

"O-opo sana, mag papaalam palang po sana ako sa inyo. Kailangan ko rin po kasing matapos ang mga papers ni Mama at Gavin para po makahabol po ako agad sa acads ko. Nag aalala po kasi ako baka bumagsak na 'ko dahil napaparami na ang absents ko."

Ngumiti si Lolo sa'kin at nag abot ng envelope.

"Kunin mo 'to para may pang gastos ka sa pag aasikaso. Diyan ko rin ipapasok ang monthly allowance mo."

Nanginginig na kinuha ko 'yon at the same time ay nahihiya.

"S-salamat po."

"You're really leaving Gab? Can't you stay for tonight?"-Tristan

Magalang akong umiling kasi totoo namang marami akong kailangang gawin bukas.

"Paano niyo po pala nalaman na aalis na ako?"

Takang tanong ko sa kanila. Umupo si Lolo at naka cross arm lang si Lexie habang naka yakap sa bewang niya 'yong lalaki.

Ang sakit nila sa mata.

"May nag paalam kasing mag laland na chopper malapit dito. Kilala mo pala si Fana? She's-"

"The chopper is already here. Stop talking old man."

Ano raw?

Kilala ni Lolo si Fana?

Lumabas kami nang marinig namin mula sa malayo ang pag dating isang chopper.

Chopper?!

Napapikit ako sa katangahan ko.

Mayayaman nga pala ang naka paligid sa'kin.

Isang dyosa nanaman ang nag lalakad papalapit sa'min.

She's really gorgeous, kahit pa siguro basahan ang isuot niya sobrang ganda pa rin niya.

Nang tuluyan siyang maka lapit sa'min ay sumilay ang mapang asar niyang ngiti.

Sinong nginingisian niya?

"Good evening Lolo"

Lumapit siya at humalik sa pisngi ni Lolo.

So mag kakilala talaga sila.

"You're back Fana, akala ko hindi na kita makikita."

Gulat lang ang rumehistro sa mukha ko habang tinitingnan sila.

"I'm here to fetch my girlfriend. Sorry for sudden notice."

Girlfriend? Ako?

No no no..

Tumingin ako kay Gab na parang gusto kong mag explain pero nakita kong nakakapit pa rin sa kaniya ang lalaki kaya huwag nalang pala.

"It's ok Fana, take a good care to Gab ok? Mag iingat kayo pareho."

Magalang akong nag paalam sa kanilang lahat at nag pasalamat na rin.

May binulong si Ken kay lex na nag patawa naman sa seryosong mukha ni Lexie.

"I don't think I need to greet you Lexie but I'm in your families Ranch so I think I need to. How are you?"

At sila rin? Mag kakilala rin sila?

"Still gorgeous as before."

Seryosong sagot ni Lexie.

Bakit parang nahihimigan ko ng sarkastiko ang mga salitaan nila.

"I don't think so"

"Pfft.. of course you think so. Take a good care to Gab, I still need her-"

"I will take care of her with or even without you saying of it."

Parang hindi na talaga maganda ang awra nila pareho.

"A-ah.. salamat po ulit, pasensiya na po sa abala, mauuna na po kami."

Kinuha ko ang palapulsuhan ni Fana at saka siya hinila palapit sa'kin.

"Bye.. take care!"

Nag paaalam ulit ako at bago pa ako maka tuluyang tumalikod ay tingnan ko muna si Lexie na walang makikitaang emosyon ang mukha.

Bakit parang may kasalanan ako?

Fana wrap her arms around my waist.

"Kilala mo sila? Kelan pa?"

Hindi ko maiwasang maitanong.

"Lexie is my ex best friend. Diba may nai kukwento ako sa'yong kaibigan ko na gusto ko sanang mameet mo before?"

Napa wow nalang ako kasi grabe mag laro ang mundo. It's really a small world.

"Sosyal mo naman mag sundo."

First time kong sasakay sa chopper eh.

"I won't travel with my car, it's so distance from our town to here"

Inalalayan niya akong makapasok sa chopper at grabe! Na eexcite ako!

Binigyan kami ng instructions at pinasuot ako ng headphones.

This is really cool.

Ang dami kong new experience ngayong araw pero nasasaktan parin dahil si Lexie.. ikakasal na pala.

Isinantabi ko muna si Lexie sa isip ko at inenjoy ang pag lipad namin.

"I really like your smile"

Namula ata ako doon.

Shit! Iba pa rin talaga kapag dyosa ang pumupuri sa'yo.

"Thank you"

Ginulo niya nang bahagya ang buhok ko at saka tumingin din sa baba.


next chapter
Load failed, please RETRY

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C18
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄