下載應用程式
56% My Lovely Ghost / Chapter 14: Chapter 13

章節 14: Chapter 13

ETHAN'S POV

Nagising lang ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko

Nilibot ko ang paningin ko at nasa bahay na ako?

"Buti naman at nagising kana"bati sakin ng pamilyar na babae

"A-anong ginagawa mo dito?"utal na tanong ko sakanya

"Laking pasasalamat ko at nagising ka, kala ko magiging katulad na kita eh"yun lamang ang sagot nya sakin habang nakangiti

"Kelan kapa bumalik?"tanong ko sakanya kaya naman sya ay tumingin sa itaas at umaktong nag iisip

"Tatlong araw na ang nakakalipas?"nakangiti pa rin nyang sagot

'Ang ganda nya lalo pag nakangiti'

"T-teka? T-tatlong araw?!"hindi ko napigilang pataasin ang boses ko sa sobrang gulat

"Oo"tipid na sagot nya

'Tatlong araw?!'

"Asan ako nung  t-tatlong araw na yon??"gulat na tanong ko sakanya

"Tulog?"patanong na sagot nya sakin saka tumawa ng konti

'Galit sya sakin diba?  Bakit panay  ang ngiti nya sakin? Nakalimutan na ba nya?'

"Mamaya ko na papaliwanag, kukuha muna kita ng makakain"sambit nya saka umalis

'Kukuha? Kaya na ba nyang humawak ng mga bagay?'

Tatayo na sana ako ngunit pumasok na agad sya sa kwarto at may dalang tray ng pag kain

"May gagawin kaba??"tanong nya

"Ahmm..sino nag luto neto?"nahihiyang tanong ko

"Ako"deretsong sagot nya

Nag simula na akong kumain at hindi ko matatanggi na masarap ang mga pag kain ngunit may naalala ako kaya naman tumigil muna ako

"B-bakit? Hindi ba masarap ang pag kain??"gulat na tanong ni ashley

"Huh? Nako hindi ganon...ahm...ashley yung tungkol kay cam---"hindi kona natuloy ang sasabihin ko nang mag salita sya

"Ahmm...bilisan mo kumain dyan para makapag pahinga kana ulit"nakangiting sambit nya"uhmm..labas muna ako ha"paalam nya saka umalis

'Hindi pa rin pala ayos sakanya, galit pa rin pala sya...'

Ngunit, paano ako nakarating dito sa bahay? Dahil ang naaalala ko lang ay...

F•L•A•S•H•B•A•C•K

Hindi ko alam pero nung huli sigaw ko ay bigla akong may naramdaman na hindi maganda at nalaman ko nalang na ang aking sarili ay namimilipit na sa sahig

"Ahhh please tama na!!"sigaw ko habang nakahawak sa iba't ibang parte ng katawan ko dahil sa sobrang sakit

Nararamdaman kong unti-unti nang hihina ang katawan ko at bumibigat na rin ang talukap ng mata ko kaya naman bago ako tuluyang pumikit ay may naaninag na imahe ng isang babae, malabo man pero alam ko kung sino sya

"Iloveyou ashley...no matter what happend"bulong ko saka ko ipinikit ang aking mga mata

"Iloveyou too"dinig ko pang sambit nya

E•N•D• O•F T•H•E• F•L•A•S•H•B•A•C•K

Paano? Paano nya ako nadala dito? Baka nang hina sya nung dinala ko sya dito

Teka? Parang may kumikirot nanaman?

"Aahh!! Ang sakit!! Tama naa!"sigaw ko dahil parang pinipiga ang mga laman loob ko

ASHLEY'S POV

Pupunta na sana ako sa may arko ng marinig ko ang sigaw ni ethan sa loob ng bahay kaya naman nag madali akong umuwi muli

Habang ako ay nag lalakad-takbo sa daan ay naalala ko ang naging usapan namin ni de layla kahapon

F•L•A•S•H•B•A•C•K

"Anong ginagawa mo dito??"tanong ni de layla sakin dahil pinuntahan ko sya sa kanyang bahay

"Tanggalin mo ang sumpa kay ethan!"diretsong sambit ko

Ngumisi muna sya bago nag salita"hindi ko na matatanggal yon, ikaw nalang ang makakapag tanggal non"sambit nya saka tumalikod

"Paano? Paano ko matatanggal yon?"tanong ko sakanya kaya naman humarap na sya

"Hindi pa ngayon ang tamang oras"naging seryoso ang mukha nya

"Kung ganon? Kelan pa?! Pag patay na sya?!"galit na sambit ko sakanya

"Ang tanging masasabi ko lang sayo ang magiging apekto sakanya ng mga gagawin mo"kalmado nyang sambit

"Kung ganon sige, ano ang mang yayari sakanya??"

"Hindi mo dapat suwayin ang lahat ng ninanais nya o kaya naman ay hindi mo dapat gawin ang mga ayaw nya dahil nag sasanhi sakanya to ng sakit sa buong katawan na ang pakiramdam ay parang pinipiga ang mga laman loob nya, at hindi ka rin dapat lalayo sakanya ng sobrang layo dahil masasaktan pa rin sya, dapat ay palagi kang malapit sakanya kahit na anong mangyari, at shadow ang pag mamahal nya sayo ay dahil lang sa sumpa at hindi yon ang totoo nyang nararamdaman"sambit nya at saka tumalikod sakin

Bakit parang ang sakit ng huli nyang sinabi? Hindi nya talaga ako mahal? Kaya pala ang bilis..

Biglang uminit ang gilid ng aking mga mata dahil sa nag babadyang luha

"B-bakit mo ito ginagawa?"may hikbing tanong ko sakanya

"Ganti ko yan sayo shadow"kahit nakatalikod sya ay alam ko nakangisi nanaman sya kaya naman dahan dahan akong lumapit sakanya at saka sya hinawakan

Na naging sanhi ng kanyang pang hihina dahil kinuha ko ang lahat ng lakas nya, makikita ngayon na si de layla ay biglang lumabo na parang nang yayari sakin kapag ako ay nang hihina

"Walangya ka talaga shadow!"sigaw nya sakin"Ahhh!! Bitiwan mo ako!"sigaw nya pa muli

"Sabihin mo! Diba ayaw ni ethan na manakot ako? Paano ako hindi mawawala sakanya? Kung hindi ako mananakot?"tanong ko sakanya habang hawak hawak pa rin

"Isa lang yan! Ikaw o sya ang mag sasakripisyo! Pero tandaan mo, nakakamatay ang sakit na madarama ni ethan"kahit nasasaktan sya ay nakukuha nya pa ring ngumisi"kaya ikaw shadow! Ikaw lang ang makakapag sakripisyo kung gusto mo pang mabuhay si ethan"nakangisi pa rin sya kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang hawak sakanya"sige shadow! Puksain mo ako ngayon na! Upang hindi mo na malaman ang lunas sa sumpa ni ethan!"sigaw nya pa sakin

Sa ganong salita nya ay nabitawan ko sya

'Badtrip!'

"Hindi pa tayo tapos de layla"huling sambit ko bago ako tuluyang umalis sa lugar na yon

E•N•D• O•F T•H•E• F•L•AS•H•B•A•C•K

Nasa harap na ako ng bahay ni ethan at dito rinig na rinig ko ang pag sigaw nya kaya naman dali dali akong pumasok sa loob at pumunta sa kwarto

"Ethan!"sigaw ko saka ako tumabi sakanya

"Ashley!"sigaw nya rin pabalik saka nya ako niyakap"please wag mo akong iwan, hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating kala ko mamamatay na ako sa sakit"sambit nya pa rin habang nakayakap sakin

"Sorry...pangako dito lang ako sa tabi mo"sagot ko sakanya saka ako gumanti ng yakap

"Iloveyou ashley"sambit nya na kinagulat ko

"Mmm..."yon lang ang naisagot ko sakanya

'Sa tinagal ko sa mundong to ngayon lang ako mag sasakripisyo sa tao...sa taong hindi naman ako mahal ng totoo..'


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C14
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄