下載應用程式
62.5% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 40: The Culprit

章節 40: The Culprit

CHAPTER 39

 -=Atilla's POV=-

"Ok so papasok na kami sa Lunes, any tips or suggestion na maaring makatulong sa amin para mahanap namin ang kung sinuman na nangungurakot sa kumpanya?" tanong ko sa kabilang linya, kausap ko kasi si Henry trying to ask for any information that cna probably help us.

"Hmmm... there are three possible people na maaring puno't dulo nang pagkakalugi nang kumpanya." pagsisimula nito which really caught my attention.

"First is the head of Finance which is Robert Downey....." but before he was able to finish he was rudely interrupted by my friend Nicole who's listening as well since nakaspeakerphone ang cellphone ko.

"No way!" tili ni Nicole, pakiramdam ko nabasag ang eardrum ko sa lakas ng tili nito.

"Hi Nicole, and no hindi siya si Ironman kapangalan lang niya." sagot nito at kitang kita ko ang disappointment na gumuhit sa mukha nito at kung hindi lang ako kinakabahan ay natawa na ako sa naging reaksyon nito, para naman kasi itong sira why would a famous celebrity like Robert Downey Jr. works us an employee in my brother's company.

"Ok next suspect is Leonard Dela Cruz, and the third is Tom Mercado." pagtatapos nito those are the three people na pinaghihinalaan nito na gusto nitong imbestigahan ko, pero easier said than done dahil ni hindi ko pa nga alam kung saan ako ilalagay na posisyon kapag pumasok na ako sa Lunes pero inisip ko na lang na at least kahit paano ay may lead ako na puwedeng pagsimulan.

Ilang mga paalala pa ang sinabi nito bago ako ito nagpaalam. Habang papalapit na ang pagsisimula namin ni Nicole ay lalong mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko.

Finally araw na nang pagpasok namin ni Nicole sa kumpanya ni Henry hindi bilang kapatid ni Henry kung hindi isang simpleng empleyado na may misyon na dapat gawin.

Sandali kaming brinief nang hr manager tungkol sa mga posisyon namin, sa totoo lang hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nito basta ang natatandaan ko ay magiging assistant kami nang COO nang kumpanya which is going to be a big deal for me and Nicole.

Matapos ang briefing na iyon ay pinadiretso kami ni sa twenty third floor kung saan diumano ang opisina nang magiging boss namin, ayon kasi sa HR manager ay nagleave ang assistant ng COO dahil na din sa malapit na iyon manganak.

"Tingin mo mabait kaya ang magiging boss na tin?" tanong ni Nicole matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I don't know dahil ang iniisip ko ay kung paano ko magagawa ang plano natin na hindi ako mahuhuli." sagot ko naman dito dahil iyon naman talaga ang totoo.

Finally after waiting for almost five minutes ay bumukas na din ang pinto ng kuwarto kung saan kami naroon at labis ang pagkagulat na naramdaman ko nang makita ko nang tuluyan ang taong niluwa non.

"Ang?" ang nag-aalangan kong tanong dito at kita kong maski ito man ay nagulat nang makita ako.

"Atilla is that really you?" masaya nitong tanong, maski ito ay halatang nagulat na makita ako dito.

"Yeah ako nga oh my goodness small world." I exclaimed.

"Indeed it is a small world, who would have thought na dito pa tayo magkikita." masayang masaya nitong sinabi.

"By the way ano bang ginagawa mo....." ngunit naputol iyon nang marinig ko ang pag-ubo ni Nicole at saka ko lang naalala na may kasama pala ako.

"Sorry to interrupt your happy reunion, pero just to remind you nandito pa ako." sarcastic nitong sinabi na tinawanan ko lang.

"Sorry Nicole this is Ang......" pakilala ko dito mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil sasabihin ko pa naman sana na ito ang taong nagligtas sa akin ng hindi ito makarating sa meeting place namin. "A guy I met in the bar." and I saw a questioning look in Ang's face.

"Well nice meeting you Ang, ako nga pala si Nicole ang bestfriend ni Atilla." pakilala nito sabay aboy nang kamay at nang mapatingin ako kay Ang ay mukhang nakuha na nito kung bakit ako nagsinungaling.

"Well nice meeting you too Nicole, my name is Angelo Rodriguez, but you can call me Ang." pakilala nito habang inaabot ang kamay nito sa naghahantay na kamay ng dalaga showing his perfect set of white teeth.

For some reason I heard a gasp from Nicole at pinigilan kong mailing dahil mukhang nagkagusto ito agad sa binata.

"No way!" ang narinig kong lumabas sa bibig ni Nicole kaya naman agad ko itong hinarap at kita ko ang pagkabigla sa mukha nito.

"What do you mean no way Nicole?" nagtatakang tanong ko dahil hindi ko magets kung bakit ganito na lang ang reaksyon nito.

"Don't you know who he is?" tanong nito sa hindi pa din makapaniwalang boses na lalong nagpapagulo sa akin.

"Di ba kakasabi lang niya na siya si Angelo Rodriguez?" naguguluhan kong tanong dito.

"Tell me the truth Atilla, nakinig ka ba sa briefing kanina o hindi?" tanong nito na may kasamang pagtaas nan kaliwang kilay.

"Well aaminin kong hindi dahil masyado akong kinakabahan at ano namang kinalaman ni...." ngunit biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang nagtugma ang lahat at parang pakiramdam kong may biglang may lumabas na lightbulb sa itaas nang ulo ko.

Us waiting here for our new boss, Ang being here of all places and Nicole's reaction hearing Ang's full name.

"You're our boss?" kahit sigurado na ako ay tinanong ko pa din ito na sinuklian naman nito nang malapad na ngiti.

"Well I believe so, welcome to Cervantes Heavy Industries." malapad ang ngiting sinabi ni Ang sa amin ni Nicole, and I want to kick myself in the ass for acting such a fool in front of him, how should I know na siya pala ang magiging boss namin. "Well kung nakinig ka lang kanina siguradong matatandaan mo." bulong nang kabilang isip ko.

Sumunod kami dito papunta sa mismong opisina nito at bigla akong nakaramdam nang pagsiko ni Nicole sa tagiliran ko.

"What?" bulong ko dito without even looking at her.

"I think our boss like you." panunukso nito na binalewala ko lang dahil alam kong gumagana na naman ang pagiging matchmaker nito na ilang beses ko nang tinanggihan.

Naabutan namin ang isang magandang babae na marahil ay Australian base na din sa itsura nito na abala habang nakatingin sa computer nito ngunit nang pumasok kami ay agad itong tumayo.

"Vanessa this is going to be my two new assistance, Nicole and Atilla." pakilala nito sa naturang babae, pinaliwanag ni Ang na hindi talaga ito ang assistant nito dahil noong friday lang nagtake effect ang maternity leave nito kaya naman nanghiram muna ito nang papalit ngayong araw na ito.

Hindi na din ito nagtagal at nagsimula na sa trabaho nito habang kami naman ay pilit tinuturuan ni Vanessa nang mga kailangan naming gawin para kay Ang.

Lumipas ang mga oras nang hindi namin namamalayan dahil na din sa naeenjoy ko ang mga natututunan ko mula kay Vanessa nagulat na lang ako nang makaramdam ako nang pagtapik sa balikat at nang tignan ko kung sino iyon ay nakita ko si Ang na nakatayo sa bandang likuran ko.

"Tama na muna iyan lunch na muna tayo." nakangiting aya nito, inaya din nito si Vanessa ngunit sinabi nitong kasabay nito ang boyfriend nitong maglalunch si Nicole naman ay tumanggi din at sinabing nagdadiet lang ito ngunit nang hindi nakatingin si Ang ay nakita ko ang pilyang ngiti sa labi nito na halatang pinagtutulakan ako sa binata.

Hindi naman kami masyadong lumayo dahil may malapit na makakainan sa ibaba nang building kaya naman wala pa sigurong sampung minuto ay nakapag order na din kami.

"So kamusta ka naman? Hindi ako nakatanggap nang text o tawag mula sayo ah?!" birong totoo nito.

"Sorry kasi nalabhan ni Nicole ang pantalon ko kaya nabasa iyong papel na binigay mo kaya ayun hindi ko na mabasa." paliwanag ko dito na agad naman nitong tinanggap.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang mga inorder namin na masaya naming pinagsaluhan, masaya talagang kasama si Ang at talaga namang naeenjoy ko ang company nito, at bigla kong naisip ang sinabi ni Nicole tungkol sa pagkakagusto daw sa akin nito, it made me wonder kung may chance bang sagutin ko ito kung sakaling manligaw ito, ngunti agad kong tinanggal ang isipan na iyon dahil pakiramdam ko naman wala talaga itong gusto at sa tingin ko hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.

Matapos maglunch ay agad kaming bumalik sa opisina, bumalik ito sa trabaho nito samantalang kami ni Nicole sa tinuturo ni Vanessa.

"So how was your lunch date with Ang?" nanunudyong pabulong na tanong nito.

"It's not a date it's just lunch, and besides I don't think Ang really like me like me, mabait lang talaga siyang tao." sagot ko dito totally ignoring her reaction.

Natapos ang araw na iyon na hindi ko namamalayan at nalaman namin na babalik na si Vanessa sa original na position nito which mean kami na ni Nicole ang tutulong kay Ang sa mga susunod pang mga araw.

The following day Ang didn't go to work dahil mukhang may importante daw itong gagawin hanggang biyernes kaya naiwan kami sa opisina ni Nicole na halos walang ginagawa kung hindi sagutin ang mga tawag sa private line ni Ang, which gave me the chance para simulan ang balak ko.

I decided to start my investigation while Nicole is doing our job as Ang's assistant, sinubukan kong lumapit sa opisina nang mga ito trying to snoop for any information that will tell me kung sila ba talaga ang mga taong nagiging dahilan kung bakit bumabagsak ang kumpanya.

For four days I did everything para makahanap man lang nang clue ngunit hanggang magweekend ay wala pa din akong makuha kahit na anong lead na makakapagpatunay na may kasalanan nga ang tatlong suspect ni Henry.

Hanggang sa rest day ko ay wala akong inisip kung hindi mahanap ang mga kailangan ko para makatulong kay Henry.

Monday morning maaga akong pumasok para man lang makapagimbestiga agad, nakarecieve ako nang tawag mula kay Ang bandang twelve pa ito makakarating.

"Ano bang kailangan kong gawin?!" naiinis kong tanong sa sarili ko dahil ilang araw na ang nakakalipas ngunit wala pa din akong nakukuha kahit na ano, nagulat na lang ako nang biglang magring private line ni Ang na pinagtaka ko dahil hindi pa naman working hours ngunit agad ko iyong sinagot.

"Good morning Angelo Rodriguez office Atilla speaking." I answered.

"Good morning I'm looking for Mr. Rodriguez." sagot naman sa kabilang linya at base sa boses nito ay masasabi kong probably Mexican ang nasa kabilang linya.

"I'm sorry Mr. Rodriguez will not be available until twelve noon, would you like to leave a message?" tanong ko dito.

"Just tell him Raymundo Mendez called and I agreed to his demand." sagot nito na agad binaba ang tawag.

Ilang minuto lang ay dumating na din si Nicole at bandang alas dose nang finally pumasok na si Ang at nang marinig nito ang tungkol sa tawag kaninang umaga ay biglang nagliwanag ang mukha nito.

"Atilla can you wait in my office please, may sasabihin lang ako sayo." nakangiti nitong sinabi nang bandang alas dos and again that look from Nicole.

Nang makapasok na ako sa opisina nito ay nagpaalam naman itong may kukuhanin lang sa kotse nito.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng opisina nito, bigla akong narinig sa computer nito and out of curiosity ay hindi ko naiwasang tignan ang computer nito and saw a signed contract from a certain Raymundo Mendez and then I remembered the caller that I had just this morning.

Ngunit hindi iyon ang nakakuha nang atensyon ko dahil biglang nanglaki ang mga mata ko nang makita ko kung para saan ang kontratang iyon.

Agad akong bumalik sa puwesto ko nang marinig ko ang pagbukas nang pinto at niluwa non ang nakangiting si Ang na may hawak na bungkos nang bulaklak sa kamay.

"For the most beautiful lady that I ever met." sabay abot nang bulaklak na agad kong inabot, sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko nang mga oras na iyon lalo na sa nakita ko sa computer nito, mabuti na lang at inakala nito na nasurprise lang ako dahil sa mga bulaklak na binigay nito.

"I know masyado pang maaga but I want to tell you that I like you, and you don't have to answer yet because I'm willing to wait" he said with a genuine smile on his face, at hindi na ako nagtagal at babalik na sana ako sa puwesto ko nang muli ako nitong tawagin.

"By the way I want you to schedule a meeting with the heads of the department this coming Wednesday and please call Mr. Cervantes there will be a big changes for this company." confident nitong sinabi bago ko tuluyang isarado ang pinto at bumalik sa sarili kong puwesto.

"I told you Ang is into you." nakangiting salubong sa akin ni Nicole ngunit agad iyong napalitan nang tuluyan nitong makita ang itsura ko.

"Hey what's wrong?" nag-aalalang tanong nito habang ako ay hindi mapigilang maiyak, dahil ang hirap isipin na ang taong nagligtas sa akin ay kayang gumawa nang ganitong bagay.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C40
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄