下載應用程式
51.89% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 41: Chapter 40

章節 41: Chapter 40

My Demon [Ch. 40]

"Pati ba naman dito pinaghihintay ako?! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana nagpa-reserve na ko ng ticket kahapon pa, o kaya naman nang-utos nalang ako na bumili. Damn it!"

Sabi ko nga, punong-puno ng patience sa katawan ang lalaking ito. Ang haba kasi ng pila sa bilihan ng ticket nitong amusement park na pinuntahan namin. Sa totoo lang wala pa kaming kalahating oras na nakatayo at nakapila, pero hayan siya at kanina pa reklamo ng reklamo. Sa inaasta niya parang ngayon lang siya nakakaranas na maghintay. Kita mo, di mapakali sa kinatatayuan.

Salubong na salubong ang kilay at parang kung may taong dumaan man na hindi niya magustuhan ang outfit eh bigla nalang niyang gugulpihin. Oo, ayun ang nakikita kong mangyayari kapag inabot pa kami ng ilang oras sa kakahintay. Ang bagal pa naman umandar ng pila.

"Maghintay ka nalang muna dun." Tinuro ko ang pinakamalapit na bench which is nakalilim sa narra tree at wala pang nakaupo kahit sino. "Ako na bahalang pumila. Tatawagin nalang kita kapag turn na natin," suggest ko sa kanya para hindi na nag-iinit ang ulo niya.

"Wag na," tanggi niya. "Mamaya kung ano na namang mangyari sa'yo." Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huli pero rinig na rinig ko.

Hindi nalang ako nagsalita. Siya inip na inip habang ako kinakabahan. Kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyari kapag sumabog na ang bulkan.

"That fucker!" Pang-ilang mura na kaya niya yan ngayong araw? "Kaya naman pala ang tagal umandar ng pila, nakikipaglandian pa!" Sobrang sama ng tingin niya doon sa lalaking nagbebenta ng ticket na pangiti-ngiti sa mga babae at nakikipagbiruan.

Nung tumingin ako kay Demon, nasabi ko talaga sa isip ko na "Haluh, malapit nang sumabog ang bulkan!"

Parang wala akong naririnig at blurry ang paligid bukod kay Demon na halos pinapatay na sa tingin yung ticket boy. Tina-tap pa niya ng dahan-dahan ang kanang paa niya sa lupa na parang pinipigilan ang sariling wag sugurin yung lalaki. Si kuya naman kasi nakikipag-tsismisan pa, hindi nalang gawin ng mabilis ang trabaho niya. Nakapila pa naman ang taong natutulog nung nagpasabog ng "Patience" ang langit.

Nagbilang ako sa isip ko kasabay ng pag-tap ni Demon ng paa niya sa lupa. One, Two, Three...

Hindi na talaga kinaya ni Demon, umalis siya sa pila para sugurin si ticket boy. Nag-panic ako kaya napatakbo ako upang habulin siya at hinawakan siya sa kamay.

Napahinto naman siya at tumingin sa'kin. Medyo napaatras pa ko kasi nung tumingin siya sa'kin parang ako yung may dahilan ng init ng ulo niya.

"Easy ka lang," sabi ko. "Hindi lang naman ikaw ang naghihintay ng matagal eh. Sila nga rin, o!" Tinuro ko ang mga matiyagang nakapila sa likuran ng pwesto namin.

Tumango ang ilan, kadalasan mga babae.

"Balik ka na po dito, kuyang pogi," kinikilig na sabi ng babae na nasa likod namin nakapwesto. Naka-hanging blouse at white shorts. Malamang nung nakapila pa kami kanina, pinagnanasahan na niya si Demon from the back, same with others.

Pinanood ko silang magkakaibigan na maghampasan sa kilig. Seriously? Kinikilig sila? Bakit kay Demon pa? Naman eh.

Napa-pout nalang at tumingala kay Demon kasi kanina pa siya walang react. Nakatingin din siya sa'kin pababa sa kamay ko na nakahawak sakanya.

"Ay, sorry!" mabilis na paumanhin ko. Bibitawan ko na sana ang kamay niya kaso ni-lock niya ang fingers niya sa'kin at pinisil iyon ng mahina.

Ngumiti siya. Yung ngiting medyo nahihiya? Tapos siya na ang humila sa'kin pabalik sa pwesto namin kanina. Natigilan pa sa harutan yung magkakaibigan nang mapansin na magkahawak kami ng kamay ni Demon.

"Akala ko ba baby sister niya lang yan?" rinig kong sabi ng isa pa mula sa likuran lang namin.

Nag-chuckle si Demon. Hinampas ko nga sa balikat. Baby sister talaga? Hindi ba pwedeng alisin na yung baby? Naman eh. Mukha ba talaga kong bata?

Inaalis ko ang kamay ko sa grip ni Demon kaso lalo niya lang hinahawakan ng mahigpit.

"Ano ba! Binitiwan mo na nga yung kamay ko!"

"Okay," tugon niya at binitawan na ang kamay ko. Tumingin na siya sa harapan at nagpatuloy, "Bahala ka nalang kapag may kumuha sa'yo dyan."

Ang buong akala ko dinala niya ko dito para makalimuta ko iyon. Pinaalala niya pa talaga. Grr! Sa takot ko na mangyari na naman iyon, humawak ako sa kanya pero sa wrist niya lang.

Habang nakatingin sa front, nilipat niya ang kamay ko mula sa wrist niya pababa sa mismong kamay niya. At katulad ng ginawa niya kanina, he locked his fingers against mine.

"Wag kang mag-assume! Wag kang mag-assume!" paalala ko sa sarili ko. "Ginagawa niya lang yan para makalimutan mo ang nangyari sa'yo."

Nang sa wakas ay nakapasok na kami, una naming sinugod ang Ice Cream Parlor. Doon ko talaga hinila si Demon para naman lumamig ang ulo. Cheese flavor ang kanya and of course, chocolate ang akin. After that, nagpunta kami sa Horror House.

"WAAAH!" Napatili ako nang may pugot na ulo ang biglang bumagsak mula sa itaas. Oo, trip ko ang mga horror movie kaya hindi ako masyadong natatakot. Yun nga lang, nakakagulat! Ang galing tumiming ng mga kunyareng multo, aswang o kung ano pa yan dito. Talagang mapapatili ka sa gulat. The best!

Ang nakakalungkot lang talaga ay HINDI MARUNONG MATAKOT O KAHIT MAGULAT MANLANG ANG KASAMA KO! Hanep! Parang ako lang ang nag-e-enjoy. Sinasabihan pa nga nya kong "Ingay" with his poker face kapag napapatili sa gulat.

Hello, knock knock! Horror House kaya itey! Natural lang naman na sumigaw ako, diba? Hay, maging abnormal ba naman ang kasama mo eh.

"Awooo~" May white lady na sumulpot. Ang ganda ng costume and make-up niya. Para talagang totoo yung blood at nakakatakot ang itsura niya.

Napakapit ako sa braso ni Demon.

Unti-unting lumalapit sa'min yung white lady. At nung malapit na niya kong ma-reach, nagulat ako. Hindi dahil sa itsura niya, kundi dahil nagtatatakbo siya. Ayun pala, tinitigan ng masama ni Demon. Haaaay!

"Bakit mo siya tinakot?" tanong ko kay Demon na parang pinapagalitan na rin habang naglalakad kami. Ang daming tumitili at may mga nagtatakbuhan sa takot. But here we were, parang naglalakad lang sa park.

"Hindi ko siya tinakot," simpleng sagot niya.

May bumagsak na tiyanak sa gilid ni Demon. Napatili ako kasi nakakatakot talaga ang itsura. Si Demon, tiningnan lang ito tapos wala na. Lakad na ulit kami.

"Uy Demon, matakot ka naman!"

"Sa hindi ako matakot, anong magagawa mo?"

Sungit!

"Edi magulat ka nalang!"

"Di rin."

Nasabunutan ko ang buhok ko habang kami ay naglalakad. Gusto ko na talaga siyang sakalin, swear! Nakatingin ako sa kanya habang siya diretso lang ng tingin.

"Ka-enjoy kang kasama, swear!"

"Thank you."

ARGH! TALAGA NAMAN! GRR! Pakibigyan nga ho ako ng sangkaterbang tapang at lakas ng loob. Sasapakin ko lang po siya.

Sinubukan pa namin ang Carousel at iba't-ibang rides. Ang tibay nga pareho ng sikmura namin kasi wala ni isa sa'min ang nag-vomit. Hahaha! Ang saya! Ang saya niyang kasama! Totoo yun. Dun lang talaga siya walang gana sa Horror House. Ewan ko ba dun kung bakit.

Nung nag-Car Bumping kami, doon ko nakita sa mga mata niya kung gaano siya nag-eenjoy. Mahilig talaga siya sa car games. Tawa kami ng tawa habang nagbubungguan. Para kaming may sariling mundo.

Bandang 6PM, napagdesisyunan namin na mag-roller coaster. Last ride na daw namin dahil nakapag-promise siya sa Mama ko na before 7PM dapat naihatid na niya ko sa bahay. Aww. . . hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yun ah.

"Soyu." Napatingin ako kay Demon nang bigkasin niya ang pangalan ko pagkahinto na pagkahinto ng roller coaster. Sakto nasa tuktok kami. Seryoso siyang nakatingin sa'kin at . . . waaaah! Bakit kinikilig ako sa way nang pagtingin niya sa'kin ngayon? Ano bang meron sa tingin niyang iyan, huh? Please do tell me kung bakit siya lalong nagiging gwapo kapag ganyan siya kaseryoso.

"Yung nangyari sa'yo . . . don't stuck on it."

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Naalala ko na naman.

Nagsimula nang manlabo ang mga mata ko. Tumingala ako para di tumulo ang luha ko pero tinraydor pa rin ako, kaya tinakpan ko nalang ng mga palad ko ang aking mukha.

Naramdaman kong hinawakan ako sa magkabilang braso ni Demon.

"Demon, di ko makalimutan. N-natatakot ako," I managed to say between my sobs.

"You can."

Inalis ko ang pagkakatakip ng palad ko sa aking mukha at tumingin sa kanya. Wala na kong pakialam kung magmukha akong kaawa-awa sa harap niya.

"Pero─" he cut me off.

"Ayaw mong nag-aalala ang Mama mo, diba?"

Tumango ako at nagpunas ng luha using the back of my hand.

"And you think she isn't now?"

Hindi ako nakasagot. Alam kong napapansin ni Mama na may problema akong tinatago. Hindi niya lang ako kinukulit na sabihin kung ano iyon dahil nararamdaman niyang ayun ang mas makabubuti.

"You can do that, for your mom. And besides I'm her to help you."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ikaw ba talaga yan, huh, Demon?"

He let out a soft laugh that was like music to my ears. Hinubad niya ang jacket niya at sinuot sa'kin.

Maya-maya lang, nagkaroon ng fireworks display. Kaya naman pala hindi pa rin umaandar ang roller coaster dahil dyan.

"Salamat," sabi ko sa kanya.

And then as if we were having a conversation through sweet smiles we were exchanging at each other with the colorful fireworks surrounding us, just like in fairy tale. And that made my day and also night.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C41
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄