Stan's POV
Likod na lang ni Alex ang nakita ko.
"Hey Stan. Happy Birthday to you." Bulong ko sa sarili ko.
'Yow Martin! Tawag na tayo ni Coach!'
Kahit na may pinagdadaanan ako, kailangan ko pa ring ituloy ang game. Hindi ko pwedeng ilaglag ang team ko.
Nagtataka lang talaga ako sa Felix nay un. Umalis sya nung iannounce na panalo sila Alex tapos maya-maya naaksidente na sya? Weird.
Alex's POV
God. Sana walang masamang manyari kay Felix.
Naglakad na ako sa flr. kung saan nandoon ang room ni Felix. Sabi sa information desk ay 209 daw.
"207.. 208.. 209! Ito na!"
Huminga muna ako ng malalim.
Pinihit ko na ang doorknob.
Pagpasok ko sa loob, walang nakahiga sa kama? Si felix ba yung nakatayo?
"F-Felix?"
Humarap sya sa akin at ngumiti.
Tinignan ko sya from head to toe. He looks ok!
"Y-You lie to me?"
"Alexandra I'm sorry. Ginawa ko lang to para makausap ka."
"Y-You! Damn! Halos hindi ako makahinga papunta dito!"
Naalala ko bigla si Stan. Tama sya.
"Nag aalala ka pa rin sa kin?"
"Malamang! Felix! Nurse yung tumawag sa akin!"
"I-I'm sorry."
Pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko. Dahil baka sumabog ako dito. Hinga. Hinga.
"Let's talk Alexandra."
"We're talking now."
Naupo ako sa bed.
"Alexandra, I want us back."
"Felix. Wala ng TAYO. Tapos na tayo."
"Please. I'll do everything. Alam ko naman na ako parin ang mahal mo."
May inabot sya sa akin na folder. Binuksan ko.
Divorce paper.
"You just have to sign that paper. Magaling ang abogado namin."
"P-Paano mo nagawa to Felix?"
"Because I love you."
Napahinto ako. Love?
Mahal nya ako. Mahal ko pa rin ba sya?
Hinimay-himay ko ang nilalaman ng puso ko.
Hinanap ko kung nandun pa ba ang pangalang Felix.
Kung nandun pa ba yung pagmamahal ko sa kanya.
Pilit kong inaalala yung mga nakaraan naming.
Kung paano ako naging masaya sa piling nya.
Pinapakiramdaman ko yung presensya nya sa harap ko.
Inaalala ko lahat.
Pero bakit ganun? Tanging itsura lang ni Stan ang naiisip ko.
Yung lambingan naming.
Kung paano ko awayin yung mga umaaligid sa kanya na babae.
Kung paano ko sya batukan, sipain, sampalin at kung ano-ano pa na syang ikinatutuwa ko.
Yung pakiramdam na yakap-yakap nya ako.
At yung halik nya.
Napahawak ako sa dibdib ko.
(Dug. Dug. Dug. Dug)
"I-I'm sorry felix. Pero hindi na kita mahal."
Napakunot noo sya.
"Oo felix. Nag aalala pa rin ako sayo. Pero alam ko na sa sarili ko na hindi na yun gaya ng pagmamahal ko sayo dati."
"Is that because of him?"
"Yes."
Confident kong sagot.
Ngayon alam ko na sa sarili ko. Mahal ko na nga si Stan.
"Ibig sabihin ba nito talo na ako?"
"May mas hihigit pa sa akin Felix. Mas mamahalin mo."
"But not in the way I loved you."
"Felix naman.."
"Friends?" Inabot nya sa akin ang kamay nya.
Nakipag shakehands ako at ngumiti.
"Friends."