下載應用程式
38.88% My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 7: Chapter 6: At The Devil House

章節 7: Chapter 6: At The Devil House

Lila

Huminto kami sa isang gawa sa bamboo at nipa hut na bahay. Agad na bumaba si Sarah pagka parada pa lamang ng kanyang sasakyan, kaya sumunod din ako rito kaagad. Umikot ito sa kabila upang kunin ang aking mga gamit.

Marunong naman pala siyang mag-initiate. Sabi ko sa loob ko.

Simple lamang ang kanyang bahay kung titignan sa labas, nasa tingin ko ay ang tanging kakasya lamang na pweding tumira na tao rito ay isa, hanggang tatlong tao lamang. Mayroon din itong maliit na pool sa labas na pwede kang mag relax ano mang oras mo gustuhin, and I think, perfect din ito sa sunbathing.

Napa lingon pa ako sa paligid, napansin ko rin na naka hiwalay ang parking area nito sa bahay kung saan naka stay lamang ang mga sasakyan malapit sa gate. Ang gate naman ito ay may medyo kataasan at gawa sa matibay at makapal na materyales na kahit pagbabarilin ay hindi iyon kaagad matatablan.

Well, kailangan naman talaga niya ang mga ganon. Iwas paparazzi at masasamang loob na gustong magtangka sa buhay niya.

Nauna itong naglakad sa akin habang ako naman ay tahimik na naka buntot lamang din sa kanya. Pag bukas nito ng pintuan ay bumungad kaagad sa amin ang kanyang living room.

Mayroon naman ditong pahabang sofa na gawa sa makapal at matibay na uri ng kahoy, na nilagyan naman sa ibabaw ng isang kulay red na foam. May isang pabilog na lamesa sa harapan nito na gawa rin sa kahoy at sa unahan naman ay nandoon ang kanyang isang fifty inches na flat screen TV.

"Wow." Hindi ko mapigilang mamangha sa loob ng kanyang bahay. Kung titignan mo kasi sa labas ay napaka simple lamang nito pero sa loob, ang ganda-ganda at napakalinis pa ng paligid.

Napa lingon ako sa aking likuran, nandoon naman ang kanyang napakalinis din na kitchen. Mayroon itong center island at sa likod naman noon ang isang sink for the dishes.

"How many years did it take before it ended?" Curious na tanong ko sa kanya habang inilalapag nito ang aking maleta.

"One year and a half." Tipid na sagot naman nito sa akin. Napatango ako.

"Come on, I'll show you your room." Bago ito muling nauna ng maglakad at umakyat sa maliit nitong hagdanan.

Dahil sa hindi naman gaano kalakihan ang kanyang bahay kaya mapapansin kaagad ang dalawang pintuan ng mga kuwarto.

Huminto siya sa kaliwang bahagi na pintuan bago napa musyon sa akin. "This will be your room." Sabi nito bago tuluyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob, syempre sumunod din ako.

Even in my bed room, I couldn't help but wonder. Dahil kahit na karamihan ay gawa lamang sa nipa hut at bamboo ang bahay ay napaka ganda parin at napaka komportable nito sa loob.

Mayroon akong double size bed at sa gilid nito ang isang may medyo kalakihan na closet, sa likod naman noon ang aking magiging banyo. The whole room was also air-conditioned so even in warm weather I couldn't feel it. Mayroon naman itong dalawang bintana na kapag gusto ko ng sariwang hangin ay pupwede ko iyong buksan.

Malawak at parang bata na napa ngiti ako bago naupo sa aking malambot na kama habang inililibot pa ang paningin sa paligid.

"Feeling satisfied?" May pagka sarcastic na tanong nito sa akin.

"Hell, yeah! Your house is really, beautiful Sarah." Hindi ko mapigilan na komento rito bago muling napatayo. Nagkibit balikat lang naman ito bago muling tumalikod na papalabas ng kuwarto. At syempre, naka buntot akong muli sa kanya.

"And this is my room." Sabi nito sa katabi ng aking kuwarto. "And you are not allowed to come in unless I tell you or give you my permission." Dagdag pa niya.

Napa hinga ako ng malalim. Anong akala niya sa akin? Hindi naman ako desperadang tao ano?

"Of course, not!" Wika ko. "Don't worry, marunong akong sumunod sa house rules kahit na MANAGER mo pa ako." Bigay diin ko sa huling sinabi.

"Good. But for now, I'll show you the inside. Of course, that's one of the things you should know, too. Especially since you are my MANAGER. Dapat alam mo kung saan nakalagay lahat ng kagamitan ko, hindi ka naman siguro magnanakaw, hindi ba?"

Aba't, talaga naman. At talagang naisipan pa niyang sabihin sa akin iyon? Hindi na lamang ako umimik at nanatilo na lamang na tahimik.

Just as we entered her room, I noticed immediately her large paintings hanging on her wall. And all of that is nude painting of a woman.

"You made all of this?" I asked her with admiration. "You're good at art, too. Ikaw na!" Dagdag ko pa. Hindi 'yon plastic, magaling talaga siya.

She nodded. "Yup." Tipid na sagot niya sa akin. "I'm really good at anything." Sabay kindat pa niya. "You'll find out soon too." Dagdag pa nito.

Hindi ko tuloy mapigilan ang pamumula ng aking mga pisnge dahilan upang mapa ngiti siya ng nakakaloko. Bago pumasok sa isang pintuan kung saan bumungad sa akin ang kanyang walk-in closet.

"Wew. I'm not expecting you to have a walk-in closet here as well." Muling komento ko ng tuluyang makapasok sa loob at pilit inaalis sa aking isipan ang may kapilyahan nitong sinabi.

Ipinaliwanag at ipinakita nito sa akin ang iba pa niyang mga kagamitan, lalo na ang mga pweding kakailanganin nito balang araw. At tama siya, bilang manager niya ay dapat alam ko kung para saan at kung kailan dapat gamitin ang mga iyon.

Pagkatapos niya akong i-tour sa kanyang bahay ay nagpaalam ito sa akin na maglilinis na muna ng katawan. Habang ako naman ay inayos ko na rin ang aking mga gamit.

It was ten o'clock in the evening when I was finished with everything. Napa hawak ako sa aking tiyan nang maramdaman ang panghahapdi nito. Mabuti nalang at mayroon pa akong naiiwan na cup noodles, madalas kasi na ito lang kinakain ko kapag tinatamad akong magluto o mag order ng aking makakain.

Immediately I left the room and headed for the kitchen. This was probably my only meal because I didn't have time to cook. Also, I want to get some rest because I'm a little sleepy.

Habang hinihintay na maluto ang noodles, ay biglang tumunog naman ang aking cellphone. Mabilis na binuksan ko ang text at binasa. It's Michael.

"Hi babe, I'll pick you up tomorrow at 9am. I couldn't wait to see you. I love you and please get some rest." Awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng mabasa ang text message nito.

Hindi na ako nag-abala pang makapag reply ng makita ko si Sarah na papalakit sa akin habang seryoso pang naka tingin sa akin. Napalunok ako.

Ano na naman kayang problema nito? Tanong ko sa sarili.

She paused in front of me before glancing at my cup noodles.

"I hate unhealthy food in my house." Komento niya habang nandoon parin ang mga mata bago siya napa cross arms. "Kung gusto mong kainin yan, doon ka sa labas ng bahay. 'Yong hindi ko maaamoy." Dagdag pa niya. This time, nasa aking mukha na ang kanyang mga mata.

Ano daw? Napa pikit ako ng mariin. Pati ba naman sa pagkain na gusto kong kainin pagbabawalan niya ako? Hindi naman ako model na katulad niya ah.

I could feel her long stare on my face as she grabbed me by the arm. Mabilis na binablot din nito ang cup noodles at basta na lamang itinapon sa basurahan.

"Ano na naman bang problema mo at pati pagkain ko pinag didiskitahan mo?!" Medyo napataas na naman ang tono ng aking boses.

Hindi siya umimik at nagsalita. Hila-hila ako nito hanggang sa makarating kami sa sala. Bukas ang TV nito na hindi ko napansin kanina na nanonood pala siya, marahil sa sobrang kagutuman.

"Eat this." Utos nito sa akin bago ako iniwanang nakatayo at muli siyang naupo sa sofa habang itinutok ng muli ang kanyang mga mata sa TV.

Nakita ko ang isang maliit na box ng pizza, mayroon din itong kasama na carbonara kung saan hindi ko pweding tanggihan dahil sobrang paborito ko iyon.

Kagat labi na napa tingin ako kay Sarah habang mayroon naman na maliit na ngiti na sumisilay sa aking labi. Noong bigla itong napa tingin sa akin ay mabilis na napa yuko akong muli bago napa tikhim.

"Hindi sa akin yan." Pagpapaliwanag niya. Hmmm.. Bakit sa tuwing nananagalog siya parang may kung anong kumikiliti sa sikmura ko? Hay, weird.

"Inorder ko talaga yan dahil alam kong gutom ka." Dagdag pa niya. "At huwag mo ng bigyan ng malisya, ayaw ko lang talaga na mamatay ka sa gutom at sa pamamahay ko pa."

I chuckles. Alam mo 'yong feeling na minsan magaan naman ang loob ko sa kanya, kaso dahil sa mga choice or words niya na wala sa lugar, nauuwi lamang sa inis ang lahat ng iyon.

Muli akong napailing at naupo na sa kabilang dulo ng sofa. Hindi ko nalang siya papatulan, kakainin ko nalang itong ibinigay niya dahil baka pati ito bigla nalang din niyang itapon.

------

I was done with everything and was just waiting for Michael to come pick me up, when I went to the kitchen to drink some water.

Dismayadong sinasaway ko ang aking sarili dahil ngayon pa talaga ako mauuhaw kung kailan nakapag lipstick na ako.

"Wow. And where are you going?"

"Oh shit!" Pag mura ko bago napahawak sa aking dibdib dahil sa gulat nang may biglang magsalita mula sa aking likuran.

Kaagad na napalingon ako rito at nakita ang seryosong mukha ni Sarah na naka titig lamang sa akin.

"Ehem!" Pagtikhim ko atsaka napa iwas ng tingin. "Uhmm...Michael and I are dating today. Since wala ka namang schedule ngayong araw at free day ko naman." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Hmmm.." Sabi nito bago tatango-tango.

Humakbang ito papalapit sa akin dahilan para mapaatras ako, ngunit sa kasamaang palad eh, napasandal ako sa sink. Kaya walang nagawa na na corner ako nito habang ang pareho naman nitong mga kamay ay naka lagay sa magkabilaang side ko.

Doon, nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang kanyang mukha mula sa malapitan. Bigla kong nakita kung ano mang nakikita sa kanya ng marami at kung bakit binansagan itong supermodel.

She was like a goddess who lived on earth. The beauty of her blue eyes, like a glittering diamond. Ang makinis nitong mukha na walang bakas ng anumang pimples, ang mapang-akit at tila malambot nitong mga labi na kahit walang lipstick ay natural na pula at para bang isang candy na gusto kong matikman.

Wait...d-did I say what? I blushed when I realized those words came to my mind.

Nakita ko ang kanyang pag ngisi kaya nahihiyang napa iwas ako ng tingin mula sa maganda nitong mukha.

Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin, iyong malapit na malapit na para bang maduduling na ako kapag tumitig sa kanya.

Naaamoy ko na rin ang amoy cinnamon nitong hininga dahil sa konting konti nalang ay maglalapat na ang aming mga labi.

Ano bang ginagawa niya?

I don't know, but it seems like I have seen her look on my lips before swallowing hard.

"As a manager, you should always put your client first before yourself." Halos pabulong na, na wika nito dahilan upang mapa pikit ako at magbigay ng goosebumps ang malamig nitong boses na tumatama sa aking balat.

Hindi ko alam pero may kung akong kumiliti talaga sa loob ko dahilan para manghina ang mga tuhod ko.

This time, ako na naman ang napalunok habang naka pikit.

"So, my answer is NO. Do you have any more questions Ms. Ignacio?" Dagdag na tanong pa niya habang unti-unting inilalayo na ang kanyang mukha at katawan sa akin. Napa hinga ako ng maluwag sa aking sarili.

"N-no. I have no more question Ms. Rodriguez." Utal at sarcastic na sagot ko naman rito bago sinubukang mapa ngisi.

"Good." Taas noo na sabi pa niya bago tumalikod na mula sa akin.

"Now please get me a massage." Sabay hilot na sabi nito sa kanyang batok.

"What?!" Gulat na tanong ko pa bago naglakad paunahan sa kanya.

"You heard me the first time." Masungit na sabi nito bago ako inirapan at nilagpasan.

"You're really unbelievable, Sarah!" I burst in anger. "You didn't let me meet my boyfriend, to have a date with him, just to massage you?"

Ngunit tinignan lamang ako nito ng blangko sa aking mukha.

"Whether you don't like it or not, you will do as I say. And that's because, it's your job to look after my body. And please, tell your loving boyfriend not to pick you up, because you will never leave this house today." Dire-diretsong sabi nito sa akin bago napa ngiti ng nakaka bwisit.

"Do you understand?" Muling dagdag pa niya at muli na naman akong tinalikuran.

Argghhh! She's really getting into my nerves! Eh kung balian ko kaya siya ng buto?!


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄