下載應用程式
92% MOON BRIDE UNIVERSE: Spiral Gang / Chapter 69: Sa Paglubog Ng Araw

章節 69: Sa Paglubog Ng Araw

SALAMAT sa English teacher nila na biglang nagpa-group assignment, nagkaroon ng dahilan si Selna para makapunta ang Spiral Gang sa bahay nila Michelle. Nang binigyan sila ng teacher ng kalayaang mamili ng kagrupo hindi siya nagdalawang isip na lapitan ang babae. Nakatunog agad sina Danny, Andres at Ruth sa plano na naisip niya kaya sa isang iglap, nakabuo na sila ng grupo.

Halatang wala sa sarili si Michelle kasi hindi ito nagduda nang ipilit niyang sa bahay na lang ng mga ito sila gagawa ng assignment kahit sa totoo lang puwede naman sila sa club room. Paghinto pa lang ng sinasakyan nilang tricycle sa tapat ng bahay nito nag-iba na ang mood ni Lukas (na napilit lang nila sumama, balak na naman kasi nitong mag disappear kanina) at nagtakip ng ilong.

"Markado ng Dalakitnon ang lugar na ito," masama ang mukha na komento pa ng lalaki habang naglalakad sila palapit sa pinto. "Pinapaalam sa lahat na pag-aari niya ang dalagang nakatira rito."

Lalo tuloy nataranta si Selna. Kasi sa kanilang magkakaibigan, siya ang pinakamalapit kay Michelle. Pareho silang romantic at parehong nangangarap magkaroon ng magandang love story. Ayaw niyang makuha ng Dalakitnon ang kaibigan niya.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay kaya napunta roon ang atensiyon nilang lahat. Lumabas ang nanay ni Michelle na narinig siguro ang kanilang pagdating. Sandaling bumakas ang pag-aalala sa mukha ng matandang babae bago halatang nakahinga ng maluwag nang makita sila.

"Magandang hapon po," magalang na bati ni Andres. "May group assignment po kami para bukas. Dito po sana kami gagawa."

Lalong umaliwalas ang mukha ng matanda at nakangiting tumingin sa anak bago sila sinenyasan na pumasok sa loob ng bahay. "Dito na kayo kumain ng hapunan ha? Nasa sala ang telepono. Tumawag kayo sa mga bahay ninyo para alam nila kung nasaan kayo. Welcome kayo sa bahay namin. Salamat na dito ninyo napili gumawa ng assignment," dere-deretsong sabi ng nanay ni Michelle.

Mukhang nainip pa nga na nakatayo lang sila kasi hinawakan nito sina Selna at Danny sa tig isang braso at hinila paupo sa mahabang sofa. Nagkatinginan silang dalawa. Nanginginig kasi ang mga kamay ng matandang babae nang hawakan sila.

"Upo na rin kayo. Ikaw rin, anak," sabi pa nito kay Michelle na hindi tuminag sa pagkakatayo at parang nag de-day dream ang hitsura ngayon.

May kilabot na humagod sa likod ni Selna nang biglang ngumiti ang kaibigan niya. "Malapit na niya akong dalawin. Kailangan ko na magpaganda at maghanda para sa pagdating ni Cesare, nanay."

Biglang humikbi ang matandang babae at bumakas ang takot sa mukha. Nagkatinginan silang magkakaibigan at naging tensiyonado. Lalo na nang tumulo ang mga luha ng nanay ni Michelle. "Anak… ano bang nangyayari sa'yo? Ilang araw ka nang nagkakaganito. Akala ko dahil may kasama kang classmate, maayos na ang lagay mo."

Napatayo si Selna at lumapit sa matandang babae para haplusin ang likod nito. "Ano po bang nangyayari?" worried na tanong niya.

Napatayo rin sina Danny, Ruth at Andres nang biglang naglakad si Michelle papunta sa hagdan paakyat ng second floor. "Magbibihis na ako. Gusto ko maganda ako pagdating niya," sabi nito na parang sarili lang ang kausap. Her eyes are suddenly half closed, as if she's sleep walking. Para ngang hindi na sila nakikita ng babae.

Tuluyang naiyak ang nanay ni Michelle nang mawala ito sa paningin nila. Nanghihinang napasalampak ng upo sa sofa. "Diyos ko, ano bang gagawin ko sa anak ko?" Pagkatapos bigla tumingala ang matandang babae at mahigpit na kumapit sa mga braso ni Ruth. "Anak ka ni manang Saling, tama ba? Papuntahin mo naman siya rito, parang awa mo na. Kailangan ko ipagamot ang anak ko. Hindi na talaga siya normal."

Worried na nagkatinginan na naman silang magkakaibigan. Huminga ng malalim si Ruth at umupo sa tabi nito. "Ano po bang nangyari kay Michelle? Puwede niyo po ba sabihin sa amin lahat lahat? Makakatulong po kami, pangako."

Siguro nga malapit na talaga mag mental breakdown ang matandang babae kasi hindi na ito nagduda sa sinabi ni Ruth. Sandali pa sinasabi na nito ang lahat ng nalalaman. Na nagsimula raw ang lahat sa isang sulat na natagpuan nilang nasa labas ng pinto kinabukasan pagkatapos ng party ng pinsan ni Michelle. Love letter ng isang guwapong lalaki na bisita raw sa party. Cesare daw ang pangalan. Araw-araw, eksaktong pagkagat ng dilim, may kakatok daw sa front door ng bahay. Wala namang tao kapag binubuksan pero palaging may sulat na naghihintay, nakapangalan sa dalagita.

"Umpisa pa lang, nagsimula na ako mag-alala at magduda sa nagpapadala ng sulat sa kaniya. Kasi nang tanungin ko ang pinsan niya tungkol sa bisita niya sa party na tinutukoy ni Michelle, nagtaka siya kasi wala raw siya natatandaang lalaki na kamukha ng nilalarawan ng anak ko," pahikbi pa ring kuwento ng matandang babae.

Katunayan, bigla pa raw nagsabi ang pinsan ni Michelle na may kakaiba raw itong napansin sa dalagita noong gabi ng birthday party. Nang lumalim daw kasi ang gabi napansin daw ng celebrant na nasa isang sulok ito at nagsasalita mag-isa. Parang may kausap na ito lang ang nakakakita. Nakisali pa nga raw ito sa mga nagsasayaw sa gitna, nakaangat ang mga braso na parang may kapareha pero ito lang naman daw mag-isa ang gumagalaw sa saliw ng kanta. Hindi lang daw nagsabi agad ang pinsan ni Michelle kasi inisip nito na baka may nainom itong alak nang hindi sinasadya. Na baka lasing ito kaya ganoon ang naging akto noong party.

Hinaplos ni Selna ang likod ng nanay ng kanyang kaibigan. "Hindi po siguro sinabi sa inyong matatanda kasi takot na sila ang mapagalitan kapag nalaman n'yong nakainom ng alak si Michelle kahit underage pa siya. Pero… hindi po alak ang dahilan kaya nagbago siya, tita."

Tumango ito at lalong napaiyak. "Alam ko. Kasi kahit dito sa bahay, wala siya sa sarili at nakatitig lang sa mga sulat na 'yon. Tapos ilang araw ang nakararaan, bigla niya sinabi sa amin ng tatay niya na humihingi raw ng permiso ang manliligaw niya na dumalaw dito sa bahay. Siyempre pumayag kami na papuntahin dito ang lalaking 'yon kasi gusto namin makita kung sino ang umaaligid sa anak namin. Kaya sumulat daw siya para sabihin sa lalaki na puwede siya nito puntahan."

Naging hagulgol ang iyak ng matandang babae bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Pero sa tuwing paglubog ng araw, bubuksan niya ang pinto at masaya sasabihin sa amin na dumating na ang lalaki pero… wala kaming nakikita. Nagsasalita lang siya mag-isa na parang may katabi kahit wala naman."

Napanganga si Selna. Manghang nagkatinginan sila ni Danny. Nagkaintindihan. Pagkatapos bumaling naman siya kina Ruth, Andres at Lukas. "Paano nangyari iyon? Natatandaan niyo noong araw na nauna kami umuwi sa inyo? Nagpunta kami sa bayan at nakita namin si Michelle na may kasamang matangkad, mestizo at guwapong lalaki."

Gulat na napatingin sa kaniya ang matandang babae. "Totoo?" Tumango siya.

"Pero ngayong sinusubukan ko alalahanin ang mukha ng lalaking kasama ni Michelle nang araw na 'yon, hindi ko matandaan," singit ni Danny.

"Dahil hindi niyo siya dapat nakikita," biglang sabi ni Lukas sa seryosong tinig. "Nagkataon lang na nakaapak na kayo sa kabilang mundo kaya mas bukas na ang mga mata ninyo sa mga bagay at nilalang na hindi nakikita ng normal na mga tao."

Nahigit ni Selna ang paghinga nang mapatitig sa mukha nito. Ganoon ang hitsura ng lalaki noong unang beses na nakita nila ito sa Nawawalang Bayan. Alam niya na alam din ng mga kaibigan niya na isang babala para sa kanila kapag ganoon ang facial expression nito. Ibig sabihin kasi… may paparating na panganib.

Biglang nakarinig sila ng mga yabag na pababa ng hagdan. Napatingin tuloy silang lahat doon hanggang sumulpot uli sa sala si Michelle, mawalak ang ngiti at parang nakalutang sa ulap habang naglalakad palapit sa pinto.

Napasinghap ang nanay nito, tumayo at sumilip sa bintana. "Diyos ko, lumubog na ang araw," takot na bulong nito.

Humakbang palapit sa kanila si Lukas. Kumalat ang kilabot sa likuran niya nang makitang nag-iiba ang kulay ng mga mata nito pero mukhang pinipigilan nitong lumabas ang kapangyarihan kaya bumabalik sa normal. "Kailangan ko umalis bago siya makapasok dito. Kapag naramdaman niyang may mas malakas na nilalang na nasa loob ng bahay na minarkahan na niya, iisipin niyang may gusto umagaw sa target niya. Kapag nangyari iyon, mas magiging mapanganib at agresibo siyang makuha ang kaibigan ninyo."

Nataranta sila. Hinarap ni Selna ang matandang babae. "May iba pa po bang labasan dito maliban sa front door?"

Halatang naguguluhan ang nanay ni Michelle pero itinuro naman ang direksiyon ng kusina. "May pinto doon palabas sa poso."

Tumango ang lalaki at saka isa-isa silang tiningnan. "Huwag niyo siya titingnan sa mga mata. Mas mabuti kung umakto kayong hindi siya nakikita para wala siya maramdamang pagdududa."

May kumatok sa pinto kaya napatalon sa pagkagulat sina Selna. Mabilis na kumilos si Lukas palayo at papunta sa kusina. Nawala na ito sa paningin nila nang buksan ni Michelle ang front door. Naramdaman niyang lumapit si Danny sa kaniya at walang salitang inabot ang kamay niya. Nabawasan ang tensiyon na nararamdaman niya dahil doon.

"Cesare, kanina pa kita hinihintay," sabi ni Michelle sa may pinto.

Humigpit ang hawak ni Selna sa kamay ni Danny at napasulyap kina Ruth at Andres na magkatabi na rin at parehong nakatitig sa nakabukas na pinto. Mayamaya pa nagbago ang pakiramdam sa loob ng bahay. Lumamig ang hangin at umalingasaw ang matapang na amoy ng wild flowers. Kasunod niyon nakita nila ang pagpasok ng lalaki na nakita nilang kasama ni Michelle sa bayan.

Nanayo ang mga balahibo niya sa batok nang maramdaman niyang natigilan ang lalaki at isa-isa silang tiningnan. Nate-tempt siyang mag-angat ng tingin para makita ng maigi ang mukha nito pero pinigilan niya ang sarili at inalala ang babala ni Lukas.

"Mas marami yatang tao ngayon sa inyo ngayon, Michelle. Maraming istorbo sa atin. Pauwiin mo sila ngayon din."

Napalunok si Selna at sumulyap kina Ruth at Andres na halatang nagkukunwaring hindi narinig ang boses ng Dalakitnon. Magaan kasi ang tono nito pero may himig din ng talim at panganib.

Humarap sa kanila si Michelle, nakangiti at lalong naging kapansin-pansin na nasa ilalim ito ng mahika. "Umalis na kayo. Oras na namin ito ni Cesare."

Humikbi na naman ang nanay nito. Napalunok tuloy siya at lumakas ang loob. "Pero hindi pa tayo nagsisimula gumawa ng assignment. S-saka sino ang sinasabi mo? Wala naman kaming nakikita ah."

"Umalis na kayo," ulit na naman nito at kumapit pa sa braso ng Dalakitnon. Bago pa tuloy niya mapigilan ang sarili ay napasulyap si Selna sa mukha ng lalaki. Una niyang nakita ang mga labi nitong may nakaguhit na ngiti, kasunod ang nguso na walang hiwa sa gitna hanggang sa mga mata nitong napatingin din pala sa kaniya. Nahigit niya ang hininga at mabilis na binawi ang tingin. Pero huli na ang lahat.

"Mukhang interesante ang mga kasama mo dito, Michelle. Nakikita nila ako."

Bigla para silang pinasok sa loob ng isang selyadong kahon at unti-unting nawawala ang hangin. Nahirapan huminga si Selna at sumakit ang ulo niya. Mukhang ganoon din ang naging epekto kina Ruth, Andres at Danny kasi habol ng mga ito ang paghinga.

"At naaapektuhan sila ng kapangyarihan ko." Humakbang ang Dalakitnon, parang balak lumapit sa kanila. "Sino kayo? Ano kayo?" Bawat hakbang, bawat salita, pabigat ng pabigat ang pakiramdam niya.

Halos mapaluhod na sila sa sobrang pressure at kawalan ng hangin nang biglang sumulpot mula sa kusina si Lukas. Sa isang wasiwas ng kamay nito, nawala ang pressure na gawa ng kapangyarihan ng Dalakitnon na biglang napaatras. Dahil nakatingin si Selna sa mukha niyon, nakita niya nang sandaling nagbago ang hitsura niyon. Mula sa ubod ng guwapo naging mala-halimaw ang mukha ni Cesare, kumulubot ang balat, pumula ang mga mata at tumalim ang mga ngipin.

Nanlaki ang mga mata ni Selna at takot na isinubsob ang mukha sa balikat ni Danny na agad siyang niyakap. Bawat hakbang ni Lukas palapit, umaatras naman ang Dalakitnon na nagsimula magsalita sa lengguwahe na hindi niya naiintindihan. Sinasagot ito ni Lukas pero hindi siya nagtangkang mag-angat ng tingin.

Mayamaya pa malakas na lumagabog pabukas ang pinto at may dumaang malakas na hangin, nagpaikot-ikot hanggang humina at tuluyang mawala. Bumalik sa normal ang paligid at naging napakatahimik. Lumuwag ang yakap sa kaniya ni Danny kaya dahan-dahan niyang inangat ang mukha para igala ang tingin sa paligid. Una niyang nakita sina Ruth at Andres na mukhang napaluhod din kanina at tumatayo na ngayon. Pagkatapos nanlaki ang mga mata niya nang makitang magkahiwalay na nakahiga sa sahig at walang malay si Michelle at ang nanay nito.

Tarantang lumapit si Selna sa matandang babae habang sina Ruth naman ay nilapitan ang kaklase nila. Paano sila biglang nawalan ng malay? Anong nangyari habang hindi siya nakatingin? "M-may ginawa ba sa kanila ang Dalakitnon na 'yon?" nag-aalalang tanong niya.

"Ako ang nagpatulog sa kanila," biglang sabi ni Lukas na noon lang tuminag mula sa pagkakatayo sa gitna ng sala. Bumuntong hininga ito at napailing. "Kailangan ko ang tulong ni Mayari para burahin sa mga isip nila ang nangyari ngayon, lalo na ang matandang 'yan kasi nakita niya ang lahat."

Napatitig si Selna sa mukha ng lalaki at malawak na napangiti. "Akala ko umalis ka pero bumalik ka at tinulungan mo kami. Salamat Lukas. Ngayon hindi na niya guguluhin si Michelle kasi natalo mo siya, 'di ba?"

Nawala ang ngiti niya nang umiling ito at naging seryoso ang facial expression. "Sa kasamaang palad, lumala lang ang sitwasyon. Hindi basta bibitawan ng Dalakitnon na 'yon ang kaibigan ninyo. Babalik siya."

Nagkatinginan silang magkakaibigan, pare-parehong maputla ang mga mukha. Kasi sigurado sila na tama si Lukas. Kailangan nilang maging alerto dahil hindi nila alam kung kailan uli aatake ang Dalakitnon.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C69
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄