July 18, 2028
Si Ye Song at ang kanyang pamilya ay masayang namumuhay sa bansa na ang tawag ay Pilipinas.
Ang nanay niya ay isang korean at ang tatay naman niya ay isang filipino worker sa south korea kung saan niya nakilala ang nanay ni Ye Song na nagtatrabaho sa isang restaurant. Hindi nagtagal ay nagkagustuhan silang dalawa at nagsama. Dito nagbunga ang kanilang pagmamahalan at yun ay si Ye Song at ang kanyang batang kapatid na si Ye Ri.
Sila ay nag desisyon na dito mamuhay sa Pilipinas para sa kanilang dalawang Anak. Nagtayo sila ng negosyo at iba pang pwedeng pagkakitaan para sa kinabukasan nilang pamilya. Sila ay namumuhay ng masagana at masaya.
Nang akala nila ay magiging maayos ang lahat, may napanood sila na balita na ikagigimbal ng kanilang buong pamilya...
"Isang portal ang lumitaw sa New York"
Nagulat sila nang makita nila ang balitang ito.
"Honey! Panoorin mo yung balita! tawagin mo na din sila Ye Song at Ye Ri dali!" Dali-daling sinabi ng tatay ni Ye Song sa kanyang asawa.
Lahat sila ay nakatutok sa nangyayari na pinapakita sa balita. In fact, buong mundo ay nakatutok sa kanilang mga telebisyon.
Habang pinapanood nila ang portal sa langit ay may biglang isang malaking paa ang lumabas dito.
Ang buong mundo ay nagulat nang makita nila ang higanteng paa na halos 25 feet ang laki!
Hindi pa sila nakakarecover sa kanilang pagkabigla nang makita nila ang higanteng paa ay biglang humaba at naging hugis hita.
Di nagtagal ay nakita nila ang isang higanteng katawang-tao na lumabas galing sa portal.
Ang higanteng ito ay parang Titan sa isang anime na lumabas sampung taon na ang nakakalipas.
Ang anime na iyon ay napakapopular at maraming tao ang nakakaalala pa rin dito hanggang ngayon.
Kaya naman nang makita nila ang higanteng katawang-tao na lumabas sa portal ay madali nilang naikumpara ito doon.
Nakikita nila sa telebisyon ang higanteng katawang-tao ay nahuhulog mula sa portal at bumagsak sa Statue of Liberty.
Ang Statue of Liberty ay nawasak dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng higante.
Ang mga tao na malapit sa Statue of Liberty ay nadurog dahil sa laki ng katawan ng higanteng bumagsak mula sa langit.
Ang mga tao sa buong mundo na nakatutok sa telebisyon ay napatigil sa kanilang mga ginagawa dahil sa pangyayaring nasaksihan nila.
Akala nila ay nanonood sila ng isang pelikula.
Ayaw nilang paniwalaan na ito ay nangyayari sa totoong buhay.
Ang higante ay dahan-dahang bumangon at tinayo ang sarili habang ang mga tao sa New York ay pinapanood lamang ito.
Ang higanteng ito ay nasa 600 meters ang taas.
Nang makatayo ito ng tuwid, ang higante ay mas malaki pa sa pinakamataas na building sa New York, ang The One World Trade Center na 541 meters ang taas.
Lahat ng tao sa New York ay nakikita ang higante pero ni-isa sa kanila ay walang gumagalaw.
Sobra silang nasorpresa sa nangyayari at nakalimutan mag isip ng maayos.
Tulala lang sila habang nakatayo at hinahangaan kung ano ang nangyayari sa kanilang harapan.
Habang sila ay nakatulala, ang higante ay humigop ng maraming hangin at tumalon ng mataas papuntang siyudad.
Ang talon ng higante ay napakataas na para bang ito ay lumilipad sa himpapawid.
Nang ito ay makalapag sa lupa, ang higante ay naglabas ng malalim at malakas na ungol.
ROAR!
Ang ginawang ungol ng higante ay kumalat sa buong paligid.
Lahat ng tao na malapit sa higante ay sumabog ang buong katawan ng marinig ang malakas at malalim na ungol nito.
Ang salamin sa mga building na di kalayuan sa paligid ay nabasag at nagkabitak-bitak ng dahil sa tunog.
Nang makita nga mga tao ang nangyari, bumalik na sila sa kanilang katinuan at nagsimulang mag panic.
Pero bago pa man sila makatakbo...
Ang portal na nasa langit ay bumuka ng mas malaki sa naunang laki nito at ibat-ibang uri ng monsyer ang nagsimulang mahulog mula sa langit.
Mga Dragon, Phoenix, Qilin at iba iba pang uri ng mga halimaw na makikita mo lang sa internet o libro ay nagsimulang magsilabasan!
Itong mga maalamat na mga halimaw na ito ay isa lamang mitolohiya pero ngayon ay nakikita na nila ito ng kanilang dalawang mga mata sa totoong buhay.
Ang mga tao sa New York ay di nagawang makatakas sa mga halimaw at ang siyudad ay nawasak ng dahil sa kalamidad na ito.
Lahat ng tao ay namatay sa isang iglap lamang. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan na may ganitong pangyayari.
Ang buong siyudad ay nawasak sa isang kisap mata lamang.
Ito ang kauna-unahang pag atake ng mga halimaw..
Ang simula ng malagim na kasaysayan na babalot sa buong mundo..
Isang banta ng tagalabas na may kakayahang ubusin ang sangkatauhan..
Ngunit ang mga tao ay hindi pa rin napapagtanto kung anong uri ng sakuna ang nag aabang sa kanila..
Like it ? Add to library!