下載應用程式
56.97% Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 49: Bayan ng Malaya!

章節 49: Bayan ng Malaya!

*DING*

[Congratulations sa pag level up!]

[Congratulations sa pag level up!]

[Congratulations sa pag level up!]

[Congratulations sa pag level up!]

[Congratulations sa pag level up!]

....

Nagulat si Ye Song sa nangyayari at hindi maipinta ang kanyang mukha. hindi niya maisara ang kanyang bibig sa mahabang panahon dahil hindi niya inaasahan na mabilis na gagawin ng lemons ang kanilang trabaho.

Nagtataka siya kung bakit sila biglang naging masunurin.

Matapos huminahon ng kaunti ay napangiti si Ye Song.

Ilang oras lamang ang nakakalipas mula nang ibinigay niya ang quest pero halos lahat ay tapos na nila.

Habang masaya ang kanyang pakiramdam, isang bagong mensahe ang lumitaw na nagsasabing ang bayan na ginagawa ay natapos na nang maayos.

*DING*

[Rebuild the Town Completed]

[You gained 1,500 Exp]

[You acquired a Title: Engineer]

[Engineer: +2 DEX , + 2 INT]

[Heaven Gift Box 1 obtained]

Nasasabik ang pakiramdam ni Ye Song nang marinig niya ang system. Agad niyang sinuri ang kanyang status upang makita ang kanyang kasalukuyang level.

[Ye Song LV.8] (4720 / 50000)

-STATUS-

Skill:

[Cloaking LV.10] [LOCKED]

[God Slayer] [LOCKED]

[Inspect LV.1] [LOCKED]

[God's Blessing]

[God's Cultivation]

HP: 1,460

MP: 425

STR: 30 +99

AGI: 50 +99

DEX: 50 +101

INT: 34 +101

VIT: 35 +99

LUK: 366 +99

TITLES:

[Engineer] +2 DEX +2 INT

Skill Points: 8

"System bakit ang baba ng stats ko? di ba dapat mataas ito gaya ng nakuha ko dati?" tanong ni Ye Song.

*DING*

*Ang stats na mayroon ka dati ay mula sa emergency skill na pumatay sa milyon-milyong halimaw at iyon ang dahilan kung bakit nasira ang iyong stats limitation kaya mataas ang stats mo*

"Mataas ang stats ko pero minsan pakiramdam ko parang hindi. pwede mo ba sabihin sakin kung bakit ganito ang nararamdaman ko dati?"

*Ang pagtaas ng stats ay di nangangahulugang lumakas ka agad. kailangan ng panahon upang mag adjust at sanayin ang iyong katawan sa lakas na ito. pwede mo itong tawagin na "updating" at hindi lang ito nag aapply sa iyong STR kung hindi sa lahat ng iyong stats. ang nangyayari kapag tinaasan o nilagyan mo ang iyong stats, kakailanganin ng oras para ma-adopt ito ng iyong katawan. tatagal ito ng ilang linggo o buwan at kung minsan ay taon ang inaabot bago mo magamit ng buong lakas ang iyong stats*

Naisip ni Ye Song na may katuturan ang sinasabi ng system.

"So ang ibig mong sabihin ay ang stats na nakuha ko dati..."

*Ang nagamit mo lamang ay halos 10% ng iyong mga stats*

Hindi alam ni Ye Song kung maiiyak siya o matatawa. ang akala niya kasi ay ginagamit na niya ang buong lakas ng kanyang stats.

Kaya pala pakiramdam niya minsan ay parang wala siyang maisip na solusyon kahit na mayroon siyang mataas na INT.

*Ang pag-update ng stats ay paiba-iba. habang tumataas ito, ang pag-adjust ay magiging mas mahirap kaysa sa una*

"Sige. naiintindihan ko na, salamat" mahinang sinabi ni Ye Song.

Walang magagawa si Ye Song tungkol dito kaya't tinuon na lang niya ang kanyang pansin sa bayan na maayos na.

Naglakad si Ye Song sa bayan at tumingin sa paligid. nang makita niya na ito ay katulad na ng dati ay nakaramdam siya ng kasiyahan sa kanyang puso.

Habang naglalakad ay may natanggap siyang mensahe sa screen sa kanyang harapan.

[Nais mo bang pangalanan ang iyong bayan?]

Nawala sa isipan ni Ye Song na hindi pa niya pinapangalanan ang kanyang bayan.

Mabuti na lang at pinaalala ng system sa kanya ito.

Hinaplos niya ang kanyang baba at nag-isip ng magandang pangalan.

"Hmm, tawagin natin itong bayan ng Malaya"

[Sigurado ka bang nais mong pangalanan ang iyong bayan na "Malaya"?]

"Yes!"

*DING*

[Isang bagong bayan ang nabuo!]

-

[bayan ng Malaya]

Populasyon:

Tao: 1

Halimaw: 506

-

Nakaramdam si Ye Song ng kasiyahan sa kanyang puso habang nakatingin sa bayan na kanyang ginawa.

"Simula pa lang ito" sinabi niya sa kanyang sarili.

Pagkatapos ay naglagay siya ng skill point sa [God Slayer] at [Inspect LV.1] upang ma-unlock ang mga ito. Inilagay naman niya ang natitirang anim na skill points sa kanyang cloaking.

Matapos niyang gawin ito ay binuksan ni Ye Song ang nakuha niyang heaven gift box nang makumpleto niya ang quest na muling itayo ang bayan.

[Gusto mo bang buksan ang Heaven Gift Box?]

"Yes!"

[Opening Heaven Gift Box ]10% ...

40% ...

80% ...

*DING*

[Opening complete!]

[Congratulations nakakuha ka ng isang item!]

[Nakuha mo ang Chillblood Kamaitachi x1]

[Chillblood Kamaitachi]

Dagger

Type: Weapon

Weapon LV.4

A dagger used by a Legendary Assassin in ancient times.

Slightly increases Attack Speed.

Specialized in back-stabbing.

STR +1, AGI +2, DEX +1

Increase Back Stab skill damage by 20%

[Hidden Feature]

CRIT DMG against Boss Monsters +25%

DMG dealt to Boss Monsters +10%

-

Napangiti si Ye Song ng makita niya kung ano ang kanyang nakuha. kahit na hindi ito kasing lakas ng ashura, nasiyahan pa rin siya sa nakuha niyang sandata mula sa heaven gift box.

Matapos ang kailangan niyang gawin sa bayan, lumabas si Ye Song upang simulan ang kanyang pangalawang plano.

Hinintay niyang makabalik ang mga alaga niya pagkatapos ay dumiretso sila sa Kokobop Village.

Habang naglalakbay sila ay napansin ni Ye Song ang isang malaking usok sa bundok kung saan matatagpuan ang Kokobop Village.

Nang makita niya ito ay nakaramdam siya ng hindi magandang premonition sa kanyang puso!

Dali-daling tumakbo si Ye Song at ang lemons patungo sa nayon upang makita kung ano ang nangyayari.

Nang malapit na sila sa nayon ay isang nakakatakot na tawa ang umalingawngaw sa hangin at nakita ni Ye Song ang dalawang lalaking nasa edad kwarenta na may kakaibang damit.

Ang dalawang lalaking ito ay tumingala nang makita nila si Ye Song.

Habang sinusuri nila si Ye Song ay nag-sprint siya paabante at sa isang iglap ay bigla itong nawala na parang bula na ikinagulat ng mga taong nandoon!

"Master!"

Si Ahoka, ang penguin commandos at iba pa niyang alaga ay sumugod din nang makita ang ginawa ni Ye Song.

Hindi nagtagal matapos ang biglang pag-sprint ni Ye Song, sa itaas na bahagi sa parehong lugar na iyon ay nag panic ang dalawang lalaki nang makita nila ang mga halimaw na papalapit sa kanila.

Mabilis silang tumalikod na tila ba gustong tumakas!


創作者的想法
yamcee yamcee

Meron pa ba nagbabasa? haha

Ready na ba kayo sa mga susunod na chapter? :)

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C49
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄