下載應用程式
72.93% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 283: Sweetie

章節 283: Sweetie

Sa halip na sagutin niya ko kung sino siya iba yung reply na nareceive ko. "Kamusta ka diyan sa probinsiya?" yun ang laman ng text niya. Kaya bigla akong napa-isip bakit alam niyang nasa probinsya ako.

"Sino ka nga?" muli kong reply.

"Wag kang papaligaw diyan ah! Humanda ka sakin kapag nalaman kong nagpapaligaw ka!" message niya sakin uli.

"Wow ah, di mo nga kayang sabihin yung pangalan mo tapos may guts kang pagbantaan ako!"

"Basta bawal ka magpaligaw, akin ka lang!"

"Muka mo! Walang nag mamayari sakin kaya leave me alone!"

"Basta sinabihan na kita Michelle, wag mo kong subukan!" nanlaki yung mata ko ng mabasa ko yung huling text niya, "Shit kilala niya ko!" Bigla akong kinabahan kasi baka mamaya may staker na ko.

Mabilis akong bumangon at kinuha yung isa kong phone na bigay ni Martin. Tiningnan ko yung binolock kong number at yung number na nagtext sakin and guess what parehas sila. Mabilis kong tinawagan yung number gamit yung bigay na phone ni Martin.

"Sino ka?" muli kong tanong nung sagutin niya yung tawag pero gaya dati di siya nagsasalita at pinapakinggan lang yung boses ko.

"Kung ayaw mong magpakilala, wag kang tumawag or magtext sakin dahil wala akong oras sayo at wag mo kong tinatakot dahil kapag nahuli kita kung sino ka man sinasabi ko sayo manghihiram ka talaga ng muka aso!" pagbabanta ko.

"Tok!" may text message na pumasok sa new phone ko at sa unknown number iyon galing.

"Wag kang magalit, lumalaki butas ng ilong mo!" laman ng text with smiley emoji pa na para bang binibiro ako.

"Pipi ka ba?" Muli kong sabi sa phone.

"Tok!" may pumasok uli na message pero smiley lang laman nun walang words na naka sulat.

"Bwisit ka!" diretang sabi ko sabay putol ng tawag kasi nagsasayang lang ako ng load kasi di naman siya sumasagot. Muli akong bumalik sa kama para pagpatuloy yung pagtulog ko ng muling tumunog yung phone ko.

"Wag mo kong block."

"Bigyan mo nga ako ng rason para di ko yun gawin?"

"Para may ka-text ka!" gaya ng nauna niyang text may smiley yun uli.

"Di ko kailangan ng katext!"

"Pero sumasagot ka sa text ko!" napa-iling nalang ako at di ko na siya nireplyan. Ibaba ko na sana uli yung phone ko ng muli siyang magtext.

"Ingat ka diyan, I love you!" matagal kong tinitigan yung text niya di ko alam kung kailangan ko na bang matakot or what, sa huli di ko na yun sinagot at humiga na ko pero hawak ko parin yung phone ko. Iniisip ko kung sino yung posibleng nagtetext sakin pero hanggang maka tulog ako uli wala akong naisip na pweding gumawa nun sakin. Ang masaklap pa alam niya yung both number ko. Kung manliligaw ko man yun imposible namang di magpakilala.

"Michelle, gumsing ka na!" sigaw ni Mama habang kinakatok yung pintuan ng kwarto ko. Tiningnan ko yung suot kong relo, six palang ng umaga.

"Si Mama talaga!" usal ko habang bumabangon. Dinampot ko narin yung phone ko na nasa kama. Pagbukas ko nun may text message dun, galing parin sa unknown number.

"Seryoso ako sa sinabi ko na wag kang papaligaw diyan!" laman ng unang text.

"Utang na loob wag ka na din uminom ng alak!" laman ng pangalawang text.

"Good night, I love you!" laman nung pangatlong text.

"Good Morning, sweetie!" laman ng pang-apat na text at tiningnan ko yung oras na sinend yung five thirty ng umaga, samantalang yung huling text sinend ng two ng madaling araw.

"Ano walang tulog?" natanong ko sa sarili ko.

"Michelle!" muling tawag ni Mama.

"Palabas na po!" sagot ko.

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago kami lumabas ni Mama. Pumunta kaming bukid kasi andun si Papa para tingnan yung nag-aani ng palay. Dala namin yung almusal namin kasi dun na daw kami kumain. Naka jogging pants ako habang naka t-shirt lang ako ng loose habang hinayaan ko lang naka lugay yung buhok ko.

Halos fifteen minutes din kaming naglakad bago ko matanaw si Papa naka-upo sa may ilalim ng puno habang naka sakay sa kariton. Naka tali sa malayo yung kalabaw na may hila nun pero bago ako tuluyang makalapit kay Papa ay tumunog yung phone ko pagtingin ko may text message na pumasok.

"Ang aga mo nagising ah, breakfast ka na?" Bigla akong napatingin sa paligid. Malabo naman na andun yung nagtext sakin at binabantayan ako. Imposible din namang may camerang nakakabit sa katawan ko para malaman niya na gising na ko.

"Pano mo nalamang gising na ko?" reply ko.

"Basta, alam ko lang! Kumain ka na?" sagot niya sakin na akala mo boyfriend ko. Di ko na siya nireplyan kasi nga lumapit na ko kay Papa at tumabi ako sa kanya.

"Anong oras ka nagising Pa?" tanong ko habang sumandal ako sa balikat niya.

"Four!" sagot nito sakin habang hinaplos yung ulo ko.

"Aga naman!" reklamo ko.

"Kailangan kasing maaga mag-umpisa para di sila abutin ng tindi ng sikat ng araw!'' sabagay may point naman si Papa, halos patapos na nga yung nag-aani.

"Kain na tayo!" yaya ni Mama ng matapos na niyang mailabas yung pagkain sa basket.

Pritong tuyo at itlog ang ulam namin na pinaresan ng sinangag na kanin.

"Perfect breakfast!" post ko sa may FB account ko habang pinicturan ko yung pagkain namin kasama kami ni Mama at Papa.

"Daya niyo!" mabilis na comment ni Mike.

"Eh di pumunta ka dito kung naiingit ka!" reply ko sa comment niya, na sinagot lang niya ng sad emoji kasi nga di naman siya makaka punta kasi nga may pasok siya bukas.

Ini-enjoy ko yung pagkain ko ng may magtext uli sa phone ko.

"Pag-okay na yung lahat sama mo ko diyan ha, gusto ko pagluto mo rin ako niyan." Bigla akong natigilan kasi ibig sabihin nakita din niya yung post ko. Eh wala naman akong friend sa FB na di ko talaga kaibigan kaya muli akong napa isip.

"Kapag nagpakilala ka pagluluto kita!" reply ko.

"Soon sweetie, be patience okay?"

"Okay mo muka mo!" reply ko dahil nga naiinis nanaman ako.

"Kumain ka nga muna Michelle at tigilan mo yan phone mo!" saway ni Mama sakin, kaya wala akong nagawa kundi ibaba yung phone ko at nagpatuloy sa pagkain.


創作者的想法
pumirang pumirang

ayan 3 na heheheh....

Pag nalate ako mamaya sa work ko

kasalanan niyo yun!!!

Hahaha!!

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C283
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄