下載應用程式
87.88% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 341: Chapter 341

章節 341: Chapter 341

Pahiga na ko sa kama ng marinig kong tumunog yung phone ko kaya inabot ko yun sa side table ko. Galing yun kay Martin.

"Tulog ka na?" message niya sakin.

"Di pa, pero patulog na," reply ko sa kanya.

"Anong oras kita papasundo kay Mang Kanor?" tanong ni Martin sakin.

"Ikaw?"

"Pasundo kita ng around four ng hapon, okay lang?"

"Okay lang, pero wag mo na siyang paderetsuhin sa bahay text ko nalang siya bukas kung saan niya ko pupuntahan," reply ko. Ayaw ko kasing mag-isip ng kung ano sila Mama kaya kung pweding wala silang alam.

"Sige," reply ni Martin sakin.

Itatabi ko na sana yung phone ko na muli itong tumunog.

"Dalhin mo bukas yung engagement ring na binigay ko sayo last time," laman ng text ni Martin.

Ang tagal kong binasa yung text niya bago ko siya niraplyan ng "K," bilang pagsangayon.

Biglang kumirot yung dibdib ko kasi ang pumasok sa utak ko ay binabawi na niya yung engagement ring mula sakin.

Di ko mapigilang malungkot pero bigla kog naisip yung picture ko sa office table niya. Siguro naman di niya yun lalagay dun kung wala na talaga siyang pagtingin sakin pero bakit niya pinapadala sakin yung sing-sing?

Yun yung tanong na di ko alam ang sagot at sana bukas ay maliwanagan ako. Yun ang laman ng utak ko hanggang sa makatulog ako.

Tanghali na ko nagising at dahil nga hapon pa naman ako susunduin ni Mang Kanor. Paggising ko sinalang ko muna yung labahan namin para kahit papano di maglaba si Mama.

Saktong three ng hapon ng matapos ako kaya nag-impake na ko ng mga damit na kakailanganin ko sa tatlong araw kong pagkawala.

"Alis ka na?" tanong ni Papa ng makita akong pababa ng hagdan dala-dala ko yung bag pack ko.

"Opo!"

"Ingat ka!" sabi ni Mama ng halikan ko siya sa noo.

"Always!" sabi ko dito bago ako nagpaalam kay Mama na nasa labas.

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa labasan dun kasi ako nagpasundo kay Mang Kanor at sakto nama pagdating ko dun andun na siya at naghihitay sakin.

"Kanina ka pa Kuya?" tanong ko ng pumasok ako sa kotse.

"Karating ko lang po Ma'am," sabi nito habang pinapaandar yung kotse.

"Kuya if ever may madaanan kang drug store hinto tayo saglit ha,"

"Sige po Ma'am," sagot ni Mang Kanor sakin na agad ko namang nginitian.

Half way kami sa pa-Manila ay may nadaanan kaming drug store kaya agad akong bumama.

"Hi Miss meron ba kayong morning-after pills?" mahina kong sabi. Actually kasi nahihiya talaga akong bumili ng ganun kaya lang kailangan ko yun kasi natatakot parin ako at ayaw kong madisgrasya so its better safe than sorry.

"Meron!" naka ngiting sabi sakin ng Pharmasist. Medyo may edad na siya siguro nakikita niya na nahihiya ako.

"Pagbilan mo 20 pieces," sabi ko kasi nga di ko alam kung paano ba yun inumin. Medyo nagulat sakin yung pharmasist pero sumunod parrin siya.

"Seven hundred lahat," sabi niya sakin na agad ko namang binayaran. After nun agad kong tiningnan yung binigay niya sakin para sana tingnan kung may instraction ba dun pero wala akong makita.

"Miss wala ba itong instruction kung paano inumin?"

"First time?" naka ngiting sagot ng Pharmasist sakin. Di ako sumagot pero napakamot ako ng ulo ko at pakiramdam ko din naginit yung mukha ko buti nalang talaga dalawa lang kaming naroon. Actually sinadya kong dalawa lang kami bago ako lumapit sa drug store.

"Dapat mo ito inumin after 72 hours after your intercourse and repeated it after 12 hours para di ka madisgrasya pero masama rin yan kapag laging iniinom if ever may menstration ka na bumili ka nalang ng for 30 days pills or bigyan mo ng condom yung partner mo" naka ngiting paalala niya sakin.

Ngumiti lang ako bago ako dali-daling umali habang inilalagay sa wallet ko yung pills. Dinala ako ni Mang Kanor sa Pad ni Martin.

"Nasa office pa si Sir Martin kaya pahinga ka nalang daw muna Ma'am sa pad niya." sabi ni Mang Kanor sakin habang pina-park yung kotse sa parking lot.

Di na ko kumibo bago bumaba. Dahil nga galing lang ako dun kahapon natandaan na ko ng guard kaya agad niya kong pinagbuksan ng elevator. Pagdating ko sa taas naisip ko munang matulog kasi nga pagod din ako sa paglalaba.

"Hello!" medyo paos pa yung boses ko ng sagutin ko yung phone ko na kanina pa tumutunog.

"Naistorbo ko ba yung tulog mo?" boses iyon ng babae. Nung sinagot ko kasi yung phone number lang iyon pero dahil nga tawag siya tawag naisip ko importante kaya sinagot ko.

"Who's this?" polite ko paring tanong.

"Ellena," sagot ng babae sa kabilang linya bigla akong natigilan at napaupo ng diretso bago ako muling nagsalita.

"Bakit?" medyo gloomy kong sabi.

"I heard nasa Pad ka ni Martin?" diretso niyang sabi sakin. Bahagya akong nagulat kasi paano niya nalaman pero di ko yun pinahalata sa boses ko.

"So?" confident kong sabi.

"So willing ka na talagang maging kabit ni Martin?" natatawang sabi ni Ellena pero alam ko yung tawa na yun na may halong sarcasm.

"Sa pagkakatanda ko di pa kayo kasal ni martin kaya paano ako magiging kabit?" retorted ko kay Ellena.

"Sino naman nagsabi sayo na di pa kami kasal?" Biglang huminto yung pagtibok ng puso ko ng marinig ko yung sinabi ni Ellena kasi nga umaasa ako na mahal parin ako ni Martin na baka may future pa kami.

"Then congratulations!" sa huli nasabi ko.

"Hmmm ngayon lang ako nakakilala ng kabit na may ganang congratulate ang legal na asawa," pang-uuyam uli sakin ni Ellena.

Napalunok ako at di ko alam kung anong dapat kong sabihin. Sa halos dalawang araw naming magkasama ni Martin wala akong nakitang sing-sing sa kamay niya at wala ring nagbanggit sakin na kinasal niya. Even his friends and Zaida kaya naisip ko baka niloloko lang ako ni Ellena kasi kung totoong may asawa na siya kahit pa makikipagsex ako sa kanya para makabayad ng utang di parin yun tama kasi nga pamilyado na siya. Ang masama pa magiging kirida talaga ang kalalabasan ko at kahit sa panaginip di yun pumasok sa isip ko. Ano nalang sasabihin ng mga kakilala ko kapag nalaman nila yun at lalo na yung pamilya ko baka itakwil ako ng magulang ko kapag nagkataon.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C341
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄