下載應用程式
80.92% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 314: Chapter 314

章節 314: Chapter 314

"Good Morning Ma'am!" bati ni Yago sakin pagpasok ko kinabukasan.

"Morning!" masaya ko ding bati pagkatapos nun ay dumiretso na ko sa loob ng opisina ni Martin at gaya nga ng sinabi niya wala siya dun. Medyo nanibago ako pero kibit balikat lang akong umupo sa upuan ko at nagsimulang magtrabaho.

Busying busy ako sa ginagawa ko ng makarinig ako ng ingay mula sa labas na para bang may gustong pumasok sa pinto ng opisina ni Martin pero may pumipigil kaya patuloy ang pagkalabog ng pinto. Nang di na ko maka tiis ay tumayo ako para silipin yung nangyayari.

Pagbukas ko ng pinto, ang bumungad sakin ay si Ellena na galit na galit kay Yago. Nanlilisik yung mata niya na para bang gusto na niyang patayin yung isa pero nung marinig niya yung pagbukas ng pinto at nakita ako lalo siya nagalit.

Mabilis niyang itinulak si Yago at sumugod sakin pero bago niya ko maabot ay umatras ako at binuksan ko ng malaki yung pinto para makapasok siya.

"Anong ginagawa mo rito?" sigaw ni Ellena pero bago ko siya saguin ay sinarado ko muna yung pintuan para di kami marinig sa labas lalo pa nga at nakita ko yung muka ng dalawang tsismosa na gustong-gustong makasagap ng balita. Nakita ko rin yung pag-aalala sa muka ni Xaida at Yago kaya tianguan ko siya bilang senyales na okay lang ako.

"Gusto mong maiinom?" kalmado kong tanong kay Ellena.

"May guts ka pang mang-alok na para bang ikaw ang boss dito, ang kapal ng mukha mo Michelle!" muling bulyaw ni Ellena sakin.

"Inaalok lang naman kita baka kasi kailangan mo ng malamig na tubig para mabawasan yung init ng ulo mo! Sa pagkakatanda ko kasi opisina ito at di palengke kaya di mo kailangang sumigaw na parang tindera ng isda!" pang-uuyam ko sa kanya.

"Anong sabi mo?" gigil na gigil na sabi ni Ellena.

"Tingnan mo pati ikaw nabingi na sa lakas ng boses mo!" sagot ko sa kanya habang ipinasok ko pa yung hintuturo ko sa tenga ko para matanggal yung pagvibirate ng eardrum ko dahil sa tining ng boses niya.

"Kapal ng mukha mo lumayas ka dito!" sabi uli ni Ellena habang hinihila ako palabas pero bago pa kami makarating sa pinto ay hinawakan ko yung kamay niya na humihila sakin.

"Wala kang karapatang magpaalis sakin!" matigas kong sabi

"Bakit wala, baka nakakalimutan mo fiancee ako ni Martin at future niyang asawa kaya may karapatan ako!"

"Ikaw narin ang nagsabi future at di present kaya sa ngayon wala ka pang karapatan! Pagkasal na kayo saka mo ko palayasin!" sabay wasiwas ko sa kamay niya.

"How dare you!" sabay taas ng kamay ni Ellena para sampalin ako pero sinalag ko iyon.

"How dare you din!" at walang ristrict ko siyang itinulak dahilan para matumba siya pero wala akong paki kai nauna siya mamisikal.

"Lakas ng loob mong saktan ako?"

"Bakit ikaw lang ang may lakas ng loob manakit?"

"Ikaw na itong nang-aakit sa may fiancee na may fiancee ikaw pa ang matapang ang kapal ng mukha mo Michelle!" parang nababaliw na sigaw ni Ellena. Di mo talaga mapagkakamalang Doctor sa attitude niya.

"Kung nababaliw ka na Ellena hindi ito ang dapat mong puntahan, bakit di ka pumunta ng ospital at magpatingin ng utak mo."

"Lumayas ka dito!" Sigaw uli ni Ellena habang tumatayo. Buti nalang talaga dalawa lang kami kundi ewan ko nalang kung may mukha pa siyang ihaharap.

Di ko siya pinansin at lumapit ako sa may lamesa ko at dinampot ko yung phone ko at dinaial ko yung number ni Martin.

"Hello!" sagot ni Martin sa unang ring pa lang ng telephone niya ni-loud speaker ko yung phone para marinig ni Ellena yung sasabihin niya.

"Sino yang tinatawagan mo?" sabi ni Ellena pero di ko siya pinansin.

"Andito yung fiancee mo at nagwawala!" diretso kong sabi.

"Si Martin yan?" di makapaniwalang sabi ni Ellena.

"Naka loud speaker yung phone!" muli kong sabi para alam ni Martin na maririnig ni Ellena kung ano man yung sasabihin niya.

"Ako ng bahala!" tanging sabi ni martin bago niya ibinaba yung phone.

"Kapal ng mukha mong tawagan si Martin!" sabi nanaman ni Ellena na handa nanaman akong sugudin pero bago pa siya makalapit sakin ay bumukas yung pinto si Yago iyon ay may kasamang dalawang security.

"Kaladkarin niyo yung babaeng ito palabas ng building na ito, bilis!" sigaw ni Ellena.

"Pasensya na po Ms. Ellena pero umalis na po kayo!" sabi ni Yago.

"Anong sabi mo?" Di mo ba naririnig yung utos ko sabi ko kaladkarin niyo siya!" sabi ni Ellena sabay turo sakin.

"Pasensya na po Ms. Ellena pero yan po yung utos ni Sir Martin kaya umalis na po kayo!" magalang na sabi ni Yago bago sinensyasan yung dalawang security para paalisin si Ellena.

"Subukan niyang hawakan ako, di niyo ba alam na ako ang fiancee na Boss niyo!" pagwawala ni Ellena pero wala siyang nagawa nung hawakan parin siya ng security at inilabas sa opisina.

"Pasensya na po Ma'am di na po ito mauulit!" sabi ni Yago na bahagya pang yumuko para ipakita yung sincerity niya sa paghingi ng pasensya.

"Okay lang ako, salamat!"

"Sige po Ma'am, maiwan ko po muna kayo. By the way wag na po kayong bumaba sa canteen dadalhan ko nalang po kayo ng pagkain." sabi uli ni Yago bago lumabas.

Di ako makapaniwala sa nangyari kasi sa halip na ako ang paalisin si Ellena ang pinaalis at ang ipinagtataka ko pa bakit Miss lang ang tawag ni Yago sa kanya at sakin ay Ma'am pero bago pa lumalim yung pag-iisip ko biglang tumunog yung phone ko. Si Martin iyon, tumatawag.

"Hello!" sagot ko sa kanya.

"Okay ka lang?" puno ng pag-aalalang tanong niya sakin.

"Hindi ba dapat yung fiancee mo yung tawagan mo at tanungin kung okay lang siya?"

"Ikaw yung tinatanong ko kaya sumagot ka, okay ka lang ba?" medyo galit na sabi ni Martin sakin.

"Okay lang naman!

"Michelle!" tawag ni Martin sakin.

"Hmmm!" tanging nasabi ko. Sa totoo lang naguguluhan talaga ako sa nangyayari at gusto ko mang tanungin kay Martin di ko alam kung paano.

"Nagpabili ako ng pagkain mo kay yago, wag ka ng bumaba ha!"

"Hmmm!" ungol lang uli ang sagot ko.

"Sir mag-start na po!" narinig kong sabi ng isang lalaki sa background ni Martin.

"Okay lang ako kaya ibaba mo na yung tawag!" sabi ko para ibaba na niya.

"Sige, tawagan kita uli mamaya ha!" sabi ni Martin pero di ko na siya pinatapos at pinatay ko na yung phone.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C314
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄