下載應用程式
62.88% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 244: Chapter 244

章節 244: Chapter 244

"Saan kita hahatid?" Tanong ni Matin sakin. Paluwas na kami ng Maynila.

"Sa hospital mo ko hatid. Naka sched yung opertion ni Papa ngayong umaga kaya samahan ko muna sila Mama dun."

"Nag-leave ka muna?"

"Hmmm, dami kasi aasikasuhin."

"Sabi ko naman sayo mag file ka na ng indefinite leave para maayos mo yang lahat."

"Pag di ako natapos, baka mag file ako pero tingnan ko muna sayang din naman kasi araw."

"Feeling ko nga Hon pumapayat ka na!" Sabi ni Martin sakin.

"Talaga!" Parang di naman!" Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan ko yung muka ko sa front mirror ng sasakyan. Medyo haggard lang yung muka dahil nga sa stress pero di naman ako pumayat.

"Kasyang kasya na kasi yung dibdib mo sa kamay ko kapag hinahawakan ko eh!" Pinakita pa niya kung paano niya sinara at ibunuka yung palad niya na parang dene-demo kung paano niya pinisil-pisil yung dibdib ko kagabi.

"Galing! Yung sayo nga umiksi kasi di na lumalagpas sa palad ko!" Pang-aasar ko din.

"Anong sabi mo?" Galit na baling ni Martin sakin habang inihinto pa yung sasakyan sa gilid ng kalsada para maharap ako ng maayos.

"Joke lang!" Nakatawa kong sabi. Alam ko naman na big issue sa lalaki yun kapag yun ang sinabi mo sa kanila.

"Ayusin mo Michelle baka di ka makalakad sakin ngayon!"

"Sus, Ang sensitive!" Bilisan mo na at tanghali ka na, kanina ka pa hinahanap ni Yago!" Kanina pa kasi tumatawag sa kanya yung assistant niya. Sa pagkakarinig ko kanina may meetring si Martin ng nine ng umaga pero mag nine na nasa boundry pa lang kami ng Bulacan. Kung tatansiyahin ko makakarating siya dun ng ten sa office niya.

"Yaan mo silang maghintay!"

"Hon, baka nakakalimutan mo na kaka-appoint mo lang as President ng company!" Pag-papaalala ko kay Martin. Alam ko naman kasi meron siyang obligation sa company nila at di niya pwedi yung balewalain dahil lang may pinagdadaanan yung pamilya ko.

"Paki ko kung malugi company nila. Bahala sila!" Sagot ni Martin na parang walang paki.

"Hon naman! Madaming pamilyang umaasa sa company niyo kaya di lang kayo ang magugutom kung sakali."

"Haha... haha... di naman kagad yun malulugi kahit di ako pumasok ng isang taon."

"Sira ka! Kahit na dapat pumasok ka parin."

"Ayaw mo na ba ako sa tabi mo?" Nagtatampong tanong ni Martin.

"Syempre gusto ko pero di naman tayo pweding magbuntutan na lang lagi. May mga obligasyun din tayo na dapat nating gampanan. Ikaw bilang head ng company at ako bilang anak."

"Hon, alam ko naman yung pero syempre sa panahon ngayon mas pina-priority kita kasi alam ko mas kailangan mo ko!"

"Okay lang ako! Kaya asikasuhin mo muna yung company niyo para walang masabi yung Daddy mo!"

"Hon, may problema ba?" Tanong ni Martin na punong-puno ng pagdududa.

"Wala naman! Basta focus ka muna sa work mo ha! Ako na bahala samin, pag may problema ako sasabihin ko sayo kagad! Kaya wag ka ng mag-alala ha!"

Pagdating namin sa hospital di ko na pinapasok si Martin at pinaalis ko na siya kagad. Halos four hours din yung tinagal ng operation ni Papa pero sa awa ng Panginoon, succefull naman kaya bahagya na kaming nabunutan ng tinik sa dibdib.

Pagkatapos nung agad akong lumakad para ma-process yung pagsasanla ng bahay namin. Lumapit narin ako sa ibang kamag-anak namin para mapunan pa yung ibang balanse ni Papa sa hospital kaya kahit papano okay naman na kami. Saka ko na iisipin kung paano babayaran yung mga iyon.

"Michelle!"

"Uy Anna, bakit?" Sagot ko kay Anna sa phone ko. Naka sakay na ko ng bus pabalik sa hospital.

"Nag-email yung HR namin sayo naka sched ka ng interview sa twenty-six."

"Interview para saan?" Takang tanong ko.

"Di ba nga sinabi ko sayo na hiring kami ng Engineer tapos pinasa ko yung resume mo." Paliwang ni Anna sakin. Doon ko lang naalala na nabangit niya iyon sakin dati pero di ko naman pinansin kasi nga wala naman akong balak mmagtrabaho sa malayo.

"Malaki ba offer?" Tanong ko kay Anna. Kung titingnan ko kasi yung sinasahod ko sa ngayon plus sa mga utang namin mukang aabuting maging senior ako ay di ko pa matutubos ang bahay namin. Plus, si Mike nag-aaral pa. Si Papa may maintenance ng gamot at ganun din si Mama. Sa pamilya namin literal na ako na lang ang kakayod hanggant di pa nakakatapos si Mike. Kaya bigla akong napa-isip.

"Oo naman! Sa palagay mo ba magtatagal ako dun kung maliit! Isa pa makaka ipon ka kagad kapag dun ka nagtrabaho." Sagot ni Anna sakin na halatang na-eexite.

"Sige check ko yung email ko, kung what time!"

"Sige, tapos nagdeposit pala ako sa account mo galing yan sakin at kay Christoper tulong namin sayo."

"Nag-abala pa kayo!"

"Gaga mo! Di man lang talaga lumapit samin!"

"Ano ka ba malapit na nga kitang tawagan eh? Haha...haha..!" Tawa ko pero naluluha nanaman ako kasi kahit papano andiyan parin yung kaibigan ko na basta nalang nagbibigay kahit di mo hingan.

"Peste ka, ang tagal mong tumawag!" Reklamo ni Anna.

"Magkano ba deneposit mo? Baka maliit yun ha dagdagan mo!" Pagbibiro ko.

"Basta check mo yung account mo, kapag kulang tawag ka papadala ako uli!"

"Thank you!"

"Thank you mo muka mo!" Sagot sakin ni Anna na parang nagagalit pa. "Kamusta na pala si Tito at Tita?" Muling tanong ni Anna

"Okay naman si Papa, successful naman yung operation niya. Baka daw next week ilipat na siya sa regular room."

"Mabuti naman kung ganun, kaya lang malaki pa gagastusin mo niya kasi yung gamot pa niya!"

"Kaya nga eh!" Pag-sang ayon ko.

"Eh anong balita sa naka banga sa kanya?"

"Nasa korte na yung kaso, wala naman din kasi iyon ibibigay kasi nga driver lang din yung trabaho ng tao kaya samin talaga lahat."

"Yun na nga yun lang pinagkakakitaan niya di pa siya nag-iingat!"

"Aksidente lng daw talaga!"

"Oh siya! Magpa-interview ka bukas ha, tapos balitaan mo ko kung anong result para hugutin ko dun sa loob."

"Opo!"

"Ingat ka!" Paalam ni Anna sakin.

"Kaw din, salamat uli pasabi din kay Christopher!"


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C244
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄