下載應用程式
39.69% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 154: Chapter 182

章節 154: Chapter 182

"Jeans, t-shirt, underwear, jacket, towel, shampoo, soap, sunblock...." Di natapos yung pag check ko sa mga ipapack ko ng tumunog yung cellphone ko kaya napasulyap ako sa relo na nakapatong sa side table ko. Nine and two minutes ang oras, kaya malamang sa malamang si Martin na ang tumatawag at di nga ako nagkamali dahil sa name niya naka display sa phone ko.

"Hello!"

"Di ka pa tapos?" Tanong niya sa akin.

"Patapos na, nag check na lang ako ng mga ipa-pack ko kaya lang tumawag ka kaya malamang di ko na ito matatapos." Sagot ko sakanya habang kinukuha ko na yung maliit kong maleta na nakatago sa ilalim ng kama ko.

"Sabi mo sakin pwedi kitang tawagan once dumating na ng nine at di ka pa tumatawag, pinalagpas ko pa nga ng two mintues eh." Depensa niya sa paratang ko na pag-iistorbo niya sa akin.

"Sana man lang pinalagpas mo ng at least thirty minutes man lang."

"Di ko na kaya miss na miss na kita." pag-iinarte ni Martin.

"Pwedi ba Mr. Ocampo, tigilan mo ko sa ka-dramahan mo di ka artistsa."

"Miss na nga talaga kita!" Pag-pupumilit niya sa akin.

"Kung maka miss na miss ka diyan! OA mo!"

"Oo miss na miss na kita di nga ako maka-kain sa sobrang miss ko sayo."

"EWAN KO SAYO!" Sagot ko sayo.

"Haha...haha... malamang tumitirik na nanaman yung mata mo habang sinasabi mo yan!" Bigala akong napa ngiti dahil sa sinabi niya. Alam na ni Martin yung mga different gesture ko tuwing na aasaar ako sa kanya.

"Tawagan kita mamaya ha, tapusin ko lang pag-iimpake ko!"

"Video call tayo!"

"Mamaya na nga, tapusin ko lang ito!"

"Video call tayo gusto kong makita yung mga dadalhin mo!"

"Hay Naku ka talaga!"

"Sige na!" Pagpupumilit niya sabay baba ng phone. Wala akong nagawa kundi sundin siya at buksan yung data ng phone ko. Kapag di ko kasi ginagamit yung data ko pinapatay ko masyado kasing malakas sa battery ng phone ang data. Makalipas nga ng ilang sigundo tumatawag na si Martin sa messager ko.

"Hi Miss Beautiful!"

"Hello Mister Annoying!" Ganting bati ko sa kanya paano minsan nakaka asar na yung pagiging persistent niya.

"Dapat Mister Handsome!" Pagrereklamo niya sa akin.

"Handsome ka nga sana kulit nga lang!" Sagot ko sa kanya habang isinandal ko yung phone sa may side table ko para maka kilos ako habang kausap siya.

"Ilang dala mong damit?" Tanong niya sa akin nung makita niya yung mga damit ko na naka kalat sa kama.

"Seven na t-shirt, saka apat na pantalon and six na leggigs." Sabi ko sa kanya habang inuumpisan ko yung paglalagay sa maleta ng mga damit ko.

"Ang kunti naman ata!" Narinig kong sabi niya pero para nga sa akin madami na yun kasi nga five days lang naman kami dun pero nagdala na lang din ako ng extra if ever mabasa ako or madumihan may isusuot pa ko ayaw ko naman kasi maglaba during our stay sa Palawan. Kapag kasi nag out of town ako minsan limited lang ang dala kong damit kaya wash and wear ang nangyayari sa akin minsan.

"Kunti ba, sige bilhan mo na lang ako dun sa Palawan, malamang may shopping mall naman dun para dumami yung damit ko." Sabi ko sa kanya.

"Haha... haha... bakit alam mo na yun talaga ang gagawin ko."

"Lagi ka naman ganun!" Sabi ko sa kanya.

"Parang wala akong nakitang swim suit mo?"

"Wala talaga! Kaya dalhan mo ko yung andiyan sa cabinet mo naka tago yung red ha!" Request ko sa kanya.

"Asa ka! For my eyes only yun." Yun yung mga swim wear na binili niya sa akin para kung gusto ko daw mag swimming dun sa swimming pool niya sa may Pad niya may isusuot ako and take note puro yung two piece swim ware na halos naka hubad ka narin kung isusuot mo.

"Okey! Yung panty at Bra ko nalang isusuot ko." Sagot ko sakanya habang isinasara ko na yung maleta ko.

"Diba sabi ko sayo bibilhan kita ng rush guard kaya wala kang dapat alalahanin sa susuot mo. Ako na ang bahala."

"Bahala ka talaga!" Sagot ko naman sa kanya habang kinukuha ko yung slig bag ko lagayan ng wallet ang other small things.

"Nakagawa ka na ng itirenary natin?"

"Oo tapos na!"

"Saan ang unang destination natin?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko sana pumunta kagad sa underground river kala lang maalangan tayo kasi nga sabi mo diba ten pa ng umaga yung flight natin papuntang Palawan so mga eleven na tayo darating doon di pa kasama dun delay's kaya alanganin na. So ang plano ko mag city tour muna tayo."

"Oo nga tanghali na tayo darating dun, tapos kailangan pa nating drop yung mga gamit natin sa hotel and kakain pa tayo kaya tama mag city tour muna tayo."

"Oo, nalista ko na yung mga pupuntahn natin bukas and i think maiikot naman natin lahat yung ng isang araw tapos sa Tuesday na tayo mag underground river, tapos island hoping tayo, then bisita tayo sa iwahig and irawan tapos sa last day natin mamili tayo pasalubong. Di ba hapon pa naman yung flight natin to Manila ng Friday?'

"Oo seven p ng gabi yung flight natin para may oras pa tayo magpahinga."

"Maganda kung ganun! Pasok sa banga yung itirenary na ginawa ko." Naka ngiting sagot ko sa kanya.

"Exited ka na?"

"Oo naman exited na ko. Lalo pa nga magkasama tayong dalawa." Lambing ko sakanya.

"Ako din exited lalo na pagdumating ang gabi." Nakangiti niyang sagot sa akin samantalang ako naman ay napa simangot paano ba naman mukang iba yung binabalak niya pagdating ng gabi.

"By the way, ikaw tapos ng mag-impake?" Pagbabago ko ng usapan.

"Oo, tapos na!" Sabay pakita sa akin sa pamamagitan ng video yung maleta niyang itim na nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto niya.

"Mabuti naman! Kaya matulog na tayo para at maaga pa tayo gigising lalo ka na at susundun mo pa ko." Paalala ko sa kanya.

"Honey, dinala ko yung mag sexy nighties mo dito." Naka grin niya sabi sa akin.

"Martin, nangako ka sa parents ko!" Babala ko sakanya paano bigla akong kinabahan parang magiging Honeymoon spot namin yung Palawan.

"Don'y worry I know my limit and i make you satisfied." Napa ngiwi ako sa sinabi niya. Napa iling na lang ako at tuluyan ng nag-paalam sa kanya dahil kailangan narin talaga namin matulog at maaga pa kami gigising.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C154
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄