下載應用程式
65.46% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 254: Beautiful

章節 254: Beautiful

Di mapigilan ni Michelle na mapapikit nung maalala yung nakaraan.

"Hays!" Butong hininga ko uli bago inalayo yung picture frame. Sa halip na ibalik ito sa pagkakapatong sa side table ay ipinasok niya ito sa drawer. Doon niya napansin yung dati niyang cellphone na iniwan niya nung umalis siya papuntang America. Ito yung cellphone na binigay sa kanya ni Martin dati.

"Andito parin pala ito!" Nasabi ni Michelle.

"Mukang nililinis lang ni Mama yung kwarto ko pero di niya pinapaki-alamanan yung mga gamit." Muling sabi ni Michelle sa isip habang pinindot yung switch button nito.

Labis siyang nagulat ng bumukas ito. Makalipas ng ilang segundo ay sunod-sunod na notification ang pumasok.

"May signal parin?" Takang tanong ni Michelle. Sa pagkakatanda niya yung phone na ito ay naka line direct sa isang telecom company at si Martin ang nagbabayad nito kada buwan. Kaya labis siyang nagulat na fully functioning parin ito kahit na dalawang taong di nagamit. Dahil nga pumasok sa isip niya na di parin ito pinapaputol ni Martin ay kahit papano ay umasa siya.

Mabilis niyang binasa yung mga text messages. Yung iba galing sa mga dating client nila and some freinds na nangangamusta pero wala dung message sa gusto niya sanang mabasa yung mula kay Martin.

Muling nalungkot si Michelle kasi nga mukang tuluyan na siyang kinalimutan nito. Bigla niyang naalalang buksan yung data nito para ma-check yung mga online messaging apps baka sakaling may message dun.

Kagaya ng text messages madami din pumasok na messages sa online app niya pero gaya sa nauna wala dung message si Martin.

"Hays umaasa ka talaga!" Sabi ko sa isip ko sabay hampas sa noo ko para matauhan.

"Baka nakalimutan lang niyang ipapatulo yung line mo kaya wag kang asumera!"

"Happy New Year!" nagpop-up sa messager ko pero di yun para sakin kundi sa group messanger namin sa Web Security Solution.

"Akalain mo di pa pala nila ako nirere-move!" Nag-scrol ako dun para sana mabasa yung mga nangyari sa mga kasamahan ko dati pero di ako dun nagmessage kasi nga di naman na nila ako kasamahan.

Simula nung nasa America ako di na ko nagbukas ng messager app ko and facebook kasi nga wala na kong oras dahil sa sobrang busy. Ginugol ko kasi yung oras ko sa pagtatrabaho para maka ipon kagad at syempre para makalimutan si Martin. Tuwing wala kasi akong ginagawa lagi siyang naiisip ko at nasasaktan lang ako kaya ginagawa ko ang lahat para di siya pumasok sa isip ko.

Binuksan ko yung FB page ko at ang unang bumungad sakin is yung picture ni Matin. Ang caption "We Finally Engaged Again!" Si Elena ang nagpost pero tinag niya ito kay Martin. Makikita dun sa picture na naka hawak si Elena sa braso ni Martin habang masayang naka ngiti at ganun din si Martin.

Muling naluha yung mata ko para di yun tuluyang tumulo ay tumingala ako para pigilan yun. Pagod na kong iyakan siya dahil sa loob ng dalawang taon yun lang ang ginagawa ko at ang new year resolution ko ngayong tao ay di na iiyak para kay Martin and I need to move-on. Ang sakit ng dibdib ko kaya hinampas ko yung para matangal ang kirot.

Nung medyo kumalma na ko muli kong tiningnan yung picture nila at para iparamdam na di ako bitter at okay lang ako kahit enganged na sila i like their photo, pagkatapos ay mabilis kong pinalitan yung profile pic ko. Paano naman kasi yung profile pic ko ay yung picture pa namin ni martin habang ipinapakita yung engagement ring namin.

Pinalitan ko yun ng latest picture ko na kinuha ko sa new phone ko. Di gaya dati maiksi na yung buhok ko pinagupitan ko ito ng messy layered bob hanggang batok ko lang ito pero bagay na bagay sakin kasi nga medyo pumayat ako sa America kaya dahil sa gupit ko medyo bumilog yung muka ko. Pinakulayan ko ito ng ash brown kaya lalo akong pumuti, dala narin marahil ng klima sa America.

Naka side view ako sa picture habang naka cross yung dalawa kong braso sa dibdib ko. Kuha ito ni Anna sakin nung nag site survey kami sa isa sa mga project namin sa America. Naka plain shirt lang ako dun pero ang masasabi ko lang is napaka-ganda ko dun.

"Too beautiful para di isipin ng mga taong di ako broken-hearted." Di ko na pinalitan yung backgroud picrture ko kasi family pic namin iyon. Nung matapos ko yung upload agad napuno iyon ng like and comment at ang nangunguna ay yung magaling kong kaibigan si Anna.

"Ganda mo dito girl! Galing ng photographer mo!" Napa-iling nalang ako at di ko na siya nireplyan. Next ay si Dina ang nag-comment.

"Hoy Michelle, bakit ngayon ka lang nagparamdam sa FB?" May crying emojies pa yun.

"Naka uwi ka na ba?" Comment ni Nina.

"Yup, papuntahin mo yung inaanak ko bukas!" Reply ko kay Nina. Pagkareply ko nun agad tumunog yung messanger ko tumatawag si Dina. Dahil nga itinuturing ko ding matalik na kaibiga si Dina agad ko yung sinagot.

"What's up?" Masaya kong sabi ng komonek yung tawag.

"Anong what's up, what' up ka diyan? Simula ng umalis ka di ka man lang nagparamdam na para bang kinalumutan mo na kaming lahat. Ang sama mo Michelle!"

"Haha...haha... OA ah!" Pagbibiro ko.

"OA ako! Humanda ka lang pag nagkita tayo talaga sasabunutan kita!"

"Haha...haha...! Muli akong natawa kasi nga pinandidilatan ako ng mata ni Dina.

"Michelle!" Muling sigaw niya kasi di ko sineseryoso yung sinasabi niya sakin.

"Okay fine! I'm sorry! Papaliwanag ako sayo once magkita tayo ha!"

"At kailan naman tayo magkikita aber?"

"Hmmm kita tayo sa...!" Di ko na natapos yung sasabihin ko ng pigilan ako ni Dina.

"Ay wait! May party yung kumpanya sa January 2, pumunta ka!"

"Anong meron?" Takang tanong ko.

"Birthday ni Boss Helen!" Exited na sabi ni Dina.

"Ay Oo nga pala, pero di ba nakaka hiya di nga ako inimbita nung may birthday tapos pupunta ako!"

"Ano ka ba di ka naman na iba kay Boss Helen at saka pag nalaman nun na dumating ka tiyak na iimbitahan ka nun. Wait message ko." tuloy-tuloy na sabi ni Dina.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C254
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄