下載應用程式
64.77% MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 114: TURN OF EVENTS

章節 114: TURN OF EVENTS

Twelve past midnight.

Kalalabas lang ni Marble sa banyo. Di kasi siya makatulog kaya naisipan niyang maligo nang maging presko ang kanyang pakiramdam.

Ginamitan na niya ng blower ang buhok para matuyo agad nang makahiga na siya.

Pagkatapos ay saka siya naghanap sa kabinet ng nighties na maisusuot para maginhawa sa pakiramdam at gusto na niyang bumawi ngayon ng tulog. Sa totoo lang, mula nang makita niya ang bwisit na si Vendrick, di na siya dalawin ng antok.

Subalit kung kelan na siya nakahiga, saka naman tumunog ang phone na ipinatong niya sa bedside table. Tinatamad niyang dinampot yun.

"Tatay is calling." ang nakalagay sa screen.

"O Tatay, gabi na ah. Ba't napatawag ka?" usisa niya agad, awtomatikong napataas ang dalawang kilay sa pagtataka.

"Anak, pwede bang makahingi ng pera sayo?" walang paliguy-ligoy na bulong ng ama, tila iniiwasang may makarinig sa sinabi nito.

Napapalatak siya bigla.

"Di na naman kayo binigyan ni Nanay ng pera?" hula niya.

"Di kasi ako nakapagtinda ngayon kaya wala akong pera. Eh naaawa ako sa matandang nakita ko sa daan, natutulog lang sa gilid ng kalsada baka kung mapano pa eh may lagnat kaya dinala ko na sa bahay. Wala naman akong pambili ng gamot at pagkain niya, ayaw akong bigyan ng Nanay mo kaya sayo na ako humingi muna." pabulong na uling paliwanag ng ama.

"San niyo naman napulot yung matanda, Tay? Mamaya mapagkamalan pa kayong kidnapper niyan pag may naghanap jan." nag-aalala niyang usisa na uli rito.

"Wala na daw siyang kamag-anak, yun ang sabi niya. Alam mo namang di ako makatiis sa ganyan kaya kinupkop ko na." sagot ng ama.

Napailing na lang siya. Ang ama talaga, sobrang maawain.

"O siya sige, bukas po nang hapon, itry ko maghulog sa smart padala." anya na lang para makatulog na rin siya.

"Naku anak, maraming salamat sayo." halata pa rin ang tuwa sa boses ng ama kahit pabulong lang magsalita saka pinatay na ang tawag.

Napapangiti na lang siya. Nakakatuwa din ang ganun, ngayon lang kasi humingi ng pera ang kanyang ama. Kadalasan ay ang ina ang nangungulit sa kanya pagdating sa pera pero dahil sa kinupkop nitong matandang maysakiy daw eh naglakas-loob itong manghingi. Curiois tuloy siyang makita ang matandang yun.

Umayos siya ng higa sa kama, maya-maya'y nag-isip na uli. Ilang taon na ba siyang di nakakauwi. Makilala pa kaya siya ng mga magulang pag nakauwi siya? Kahit may smartphone na ang mga to eh di pa rin siya nagsisend ng pic niya sa dalawa. Aaminin niyang anlaki ng ipinagbago ng kanyang mukha mula nang dumating siya sa Manila.

Hayyyy! Bumisita kaya siya sa sunod buwan?

Muli siyang napangiti. Pag di pa siya nakahanap ng trabaho bukas, baka nga mapaaga ang uwi niya ruon. Itaon na lang niyang bakasyon para dalawa sila ng kanyang anak na makauwi. Paniguradong magugulat ang mga ito pag nalamang may anak na siya.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang doorbell.

Napabalikwas siyang bangon at agad na sinipat ang alarm clock sa bedside table.

Pasado alas dose na ah!

Biglang rumihestro sa kanyang balintataw ang mukha ni Erland. Bakit kaya napasugod ang lalaking yun sa gantong hatinggabi?

Napilitan siyang bumangon at lumabas ng kwarto para pagbuksan ang binata. Di na siya nagsuot ng robe, si Erland lang naman yun, sanay na ito sa kanya sa ganung ayos. Ewan ba kung bakit pag ang binata ang kanyang kasama, di niya maramdamang naasiwa siya rito kahit nong isuot niya, di man lang niya maramdamang mabastos sa harapan nito.

Sinuklay niya muna ng kamay ang nagulong buhok bago pinihit ang door knob.

"Ikaw talaga, kung kelan hatinggabi saka ka nanggigisi--" bungad niya agad sa lalaki subalit biglang nanlaki ang kanyang mga mata pagkaamoy lang sa pabangong gamit nitong nakayuko pa habang nakapamulsa sa pantalon ang magkabilang kamay.

Iisa lang ang kilala niyang lalaking gumagamit ng pabangong yun.

"Vendrick!?" bulalas niya.

Nag-angat ng mukha ang lalaki, nakangisi agad sa kanya subalit napaawang din ang mga labi nang makita siya sa ganung ayos. Ilang beses itong napalunok habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang suot, as if he has no intention of blinking an eye even for a second.

Lalong lumaki ang pagkakabuka ng kanyang bibig nang sundan ang tinitingnan nito.

'Oh my gosh!' bulalas ng kanyang isip at agad sanang isasara ang pinto subalit naisiksik na ni Vendrick ang katawan papasok sa loob ng condo, giving him a gloomy face, di niya tuloy alam kung galit ito o natutuwa sa nakikita sa kanya.

"Is this how you flirt with men?" biglang pang-aakusa sa kanya.

"What?!" umarko agad ang kanyang mga kilay sa narinig.

'Walang modo! Ako pang aakusahan mo samantalang ikaw tong nambubulabog sa pamamahay ko nang ganto kalalim na gabi?' subalit sa isip niya lang naisigaw ang mga salitang yun.

Tumalikod siya agad para takpan ang halos hubad niyang katawan nang may maisip bigla.

Hmmm, what if idiscourage niya, sang-ayunan niya ang iniisip nito. Tutal, ganun naman ang pagkakakilala nito sa kanya ngayon, slut daw siya! Baka sakali, layuan na siya nito pag ganun ang kanyang ginawa.

Teka lang, pano nga ba lumandi sa lalaki? Ano bang ginagawa nila ni Erland pag naghaharutan? Pwede na ba yun? Nagpakurap-kurap siya habang pina-finalize ang balak gawin. Tignan lang natin kung di ito mandiri sa kanya at magback-out sa pamimilit nitong makasal sila.

Pumihit siya paharap rito saka namumungay ang mga matang lumapit sa binatang lalo lang naningkit ang mga mata, kung galit ito, wala siyang pakialam.

"Ano kasi, inaantay ko si Erland na dumating. But since ikaw ang andito, bakit di natin subukan? Tutal parehas naman tayong sanay sa--ahmm alam mo na." malandi niyang saad, awtomatikong hinagod ng kamay ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha subalit hindi niya akalaing dadag puntos pala yun sa iniisip na gawin sa lalaki.

Umawang ang mga labi nito, mariing tumitig sa kanya habang salubong ang mga kilay.

Bahagya niyang naihilig ang ulo. Tama ba tong ginagawa niya? Baka mamaya malaman nitong umaarte lang siya, lalo siyang mapahamak. Baka kulang pa ang pag-arte niya, baka kailangan pa ng mas erotic na movement. Pano ba? Nag-isip na uli siya.

Nang makaisip ay matamis na uling tumingin at sinadya pang kindatan ang binatang lalo lang nanliit ang mga mata sa dilim ng titig sa kanya.

Biglang kumabog ng kanyang dibdib nang makitang humakbang ito palapit. Napaatras siya. Hindi! Hindi niya kayang panindigan ang iniisip na gawin.

Subalit huli na para tumakas, nahablot na ni Vendrick ang kanyang kamay at mabilis siyang hinila palapit dito saka isinandal sa nakasara nang pintong pinasukan nito habang ang isang kamay niya'y tila nakapako din sa uluhan niya sa higpit ng pagkakahawak ng binata.

"You wanna flirt with me, fine. What do you want? Hard, quicky or long play, huh?" pasarkastiko nitong tanong.

Bigla siyang natuliro't agad na inihilig ang ulo dahilan upang matakpan ng buhok ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya nakakaliyo ang pagkakadikit ng katawan nito sa kanyang katawan, lalo na nang maamoy ang mabango nitong hininga na nanoot pa rin sa kanyang ilong sa gahiblang agwat ng bibig nito sa kanya.

Pero hindi! Hindi siya pwedeng magpaapekto sa nangyayari. No choice siya ngayon kundi panindigan ang kanyang nasimulan.

"Ayuko ng quicky. G-usto ko ng long play." usal niyang iwas ang mga mata sa binata, ilang beses na lumunok para pakalmahin ang sarili.

She could hear him grinding his teeth angrily. Ibig sabihin nagtagumpay siya. Ayeee! Gusto niyang i-congratulate ang sarili nang mga sandaling yun. Ang galing pala niyang umarte.

Saka lang lumuwang ang pagkakahawak nito sa kanyang beywang at binitiwan siya. Sandali siyang natigilan. What will he do next? Aalis na ba ito? Tatantanan na siya?

Nakiramdam siya, bahagya na lang niyang naaamoy ang gamit nitong pabango.

Kunut-noong nag-angat siya ng mukha.

Huh? Bigla itong nawala sa paningin niya? San nagpunta ang gunggong na yun?

"Vendrick!" tawag niya nang di ito makita sa kahit saang sulok sa sala, halos takbuhin niya papasok sa kusina baka dun ito dumiretso pero wala.

Dalawa na lang ang pwede nitong puntahan sa condong yun.

"Oh no!"

Pigil ang tiling kumawala sa kanyang bibig nang mahulaan kung saan ito pumunta.

My gosh! Ang pinaghubaran niya kanina, itinapon niya lang ang mga yun sa ibabaw ng kanyang kama! Ang walanghiyang yun! Wala man lang pasabi kung saan pupunta!

"Vendrick!!!" sigaw niyang tila hinahabol ng aswang pabalik sa kanyang kwarto.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C114
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄