下載應用程式
79.36% Lucky Me / Chapter 50: LUCKY FIFTY

章節 50: LUCKY FIFTY

CHAPTER 50

LUCKY'S POV - CAUGHT IN ACT

Walang tigil sa kaka vibrate ang cellphone sa ilalim ng unan ko. Ugh, tinatamad akong bumangon pero kailangan kong mag jogging para pagpawisan ako. Kailangan kung mapaghandaan ang laban ko mamaya kailangan kong mag vocalize at mag practice. Iniisip ko pa lang tamad na tamad na ako.

Ngayon ang singing competition at kapag manalo ako ang section namin ang tatanghaling number one sa standing ng mga seniors. Sa totoo lang kinakabahan ako ng sobra, sanay naman akong lumaban sa mga singing contest pero sa pagkakataong ito parang tinatakasan ako ng kompiyansa.

Kaya ko bang manalo sa kanila? Wala akong idea kung sino ang mga makakalaban ko mamaya bukod kay MJ. At narinig na nila akong kumanta noong unang araw namin dito sa Baguio, salamat sa advisor naming si Sir Adam Villanueva nilatag niya kaagad ang talento ko sa iba.

Dati rati kung matalo man ako sa mga sinasalihan ko si Tita Jack at Kuya Jiggs lang kasama ko kaya ayos lang. Pero ngayon nandito ang mga kaibigan ko at nakasalalay sa akin ang pagkapanalo ng section namin. Ayoko silang ma disappoint lalo na at masiyado silang bilib sa talent ko.

Kahit na tamad na tamad ako pinilit kong bumangon. Naghilamos at nagpalit lang ako ng pants at jacket. Nilapitan ko si Ytchee sa kama para magpaalam na lalabas ako.

"Ytchee, sasama ka ba magpapapawis lang ako." Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa mukha niya.

"Pass muna ako inday ang sakit ng ulo ko may hang overpa ako." Nanghihinang sagot niya.

'Ata? Malamang lumaklak ka ba naman ng walang humpay kagabi sinong di tatamaan ng hang over. Tsk!'

"Mauna na ako, kita na lang tayo sa Le Chef mamayang breakfast i-text mo ko kung what time kayo bababa." Binalik ko ulit ang kumot sa mukha niya saka ako lumabas ng kwarto.

"Good Morning Ma'am!" Bati ng staff sa akin pagdaan ko sa lobby. Sumaludo lang ako sa kanya.

Nag stretching muna ako ng ilang minuto bago ko sinimulang tumakbo. Iniba ko ang ruta ko ngayon sa pagtakbo. Sa Eco-Trail ako dumaan dahil kakaunti ang tao. Huminhinto lang ako para mag pahinga kapag hinihingal na ako. Lakad at takbo lang ang ginagawa ko.

Sinubukan ko ding mag squat at mag push ups para pagpawisan pa ako. After 30 minutes na walang tigil katatakbo huminto muna ako sa daan ng makakita ako ng isang wooden bench sa likod ng isang puno na medyo tago. Mabilis akong lumapit doon at umupo. Pinag kikiskis ko ang mga palad ko at paulit ulit ko ring hinihipan para makaramdam ako ng kaunting init.

Ikinabit ko rin ang wireless bluetooth earphone sa tenga ko para pakinggan ulit yung kakantahin ko. Pumikit ako at sinusubukan kong mag concentrate. Pinag aaralan kong mabuti yung kanta, na iisip pa din ako kung may magagawa paba akong iba sa song aside sa nakasanayan ko.

Pero hindi ako masiyadong makapag concentrate dahil sa lamig, kaya ipinasok ko ang dalawang kamay ko muli sa bulsa ng jacket ko. Nakapa ko yung kaha ng sigarilyo sa bulsa at dali dali ko itong inilabas at nagsindi ng isang stick ng sigarilyo.

"Mag bisyo muna tayo Lucky, pangontra sa lamig." Mahinang bulong ko at natawa ako sa sarili ko.

'Adik lang pagkatapos mag exercise, maninigarilyo? Amazing, kung kasama ko si Tita Jack malamang kinutongan ako ngayon nun. He he he.'

Hithit buga ako dahil sa lamig sa lkinauupuan ko. Itinaas ko na ang hood ng jacket ko dahil sa sobrang lamig.

"I told you not to mess with me when i'm around. I've warned you before. And this is my last warning I have no interested with you at all. That's it!" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Boses ng lalake na halatang naiinis na sa kung sino mang kausap niya.

'Paano ko makakapag concentrate nito kung ganitong may maiingay sa likod ko.'

Gusto ko silang lingunin pero tinatamad ako dahil naninigas na ang leeg ko sa lamig.

"And now what? You're interested on someone else whose not even interested in you? funny, pero hindi mo pa nga sinusubukan umaayaw kana." Sigaw ng babaeng kasama niya.

Aga aga dito pa nag i-eskandalo. Ayokong lumilingon sa side nila dahil ayokong lumabas na usisera kahit hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag aaway nila.

"Your too young for me okay. I don't want to risk my job for the sake of having a relation-shit. And yes i'm already interested on someone else, so back off." Singal niya sa kausap.

'Wow ansakit naman nun. Siya pa yung umaayaw sa babae. Gwapo mo tsong!'

"So tama nga ang hinala ko, siya parin ang gusto mo diba?" Hindi ko narinig sumagot ang kausap niya.

"I can't believe this.. That biatch is really getting on my nerves." Galit na galit na usal niya sa kausap.

"He has nothing to do with this okay." Mahinahong sagot ng kausap niya.

'He daw? Sino ba ang pinag uusapan nila?'

Pinindot ko yung wireless bluetooth earphone ko para huminto yung kanta.

"Denied it all you want. You're too obvious. I won't tell anyone about this, unless you consider my offer. You know how i really like you..No, I think i love you.." Nagmamakaawang tugon niya.

"Enough.. Not because i hang out with you once doesn't mean i like you. I'm not the person you think I'am and i'm not interested in dating young girls." Mariing tanggi niya sa babae.

"Well guess what, i'm interested in dating older guys like you. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. At ikaw ang gusto ko." Madiing sagot nung babae at pinagpipilitan talaga ang gusto niya.

"Ibaling mo nalang sa ibang bagay ang obsession mo, like your studies. I'm not yet ready for a new relationship, my focus is on my job right now. I hope you understand." Mahinahong sagot ng lalake sa kanya.

"Ano kagaya ng pagbaling ng attention mo kay Lucky Gonzaga? That is the most lame reason i've ever heard on my fucking entire existence."

Napaubo ako ng malakas ng marinig kong nabanggit ang pangalan ko. Dahan dahan kong ibinaba ang hood ng jacket ko pero hindi ako lumilingon sa kanila. Napa-puff ako ng marami sa sigarilyong hawak ko. Kinabahan ako at palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib ko.

"I admire Lucky and you can't do anything about it.."

"So inamin muna ring may gusto ka talaga sa kanya? Pagkatapos mong i-deny noon aamin ka ngayon, what the fuck?" hindi makapaniwalang tanong nung babae.

"I-deny ko man o hindi labas ka na dun dahil sariling desisyon ko yun."

"Ano bang wala ako na meron siya huh? Bakla ka na rin ba kagaya niya?" Malakas na sigaw niya sa kausap.

"Watch your words young lady baka nakakalimutan mo ang posisyon ko."

"I know and i still respect you pero wala tayo sa Carlisle ngayon."

"Then show some respect if you still have."

"Kwits lang tayo i-respeto mo din ang nararamdaman ko para sayo."

"Bakit nirespeto mo rin ba yung nararamdaman ko para sa ibang tao?" Hindi na nakasagot ang kausap niya.

"Dahil hindi katanggap tanggap ang rason mo! Mas pipiliin mo ang kagaya niya kesa sa isang tunay na babaeng kagaya ko?"

"Its my life. My choice. And you have nothing to do with it."

"Oh my god! Oh my god! This is insane.." parang nababaliw na sambit niya.

"Stop, hurting yourself. You have to undertsand, hindi lahat ng gusto natin gusto tayo. Not because we are good looking, rich and famous that doesn't mean we always get what we want in life. That's how life works. We're never satisfied and contended.."

Hindi ko na ata kayang makinig pa sa susunod na sasabihin nila. Nababangag ako sa mga naririnig ko sa kanila, dinaig pa nila yung alak na ininum ko kagabe. I really feel dizzy.

Napatayo ako at dahan dahan akong humarap sa kanila.

Halos magkasabay silang lumingon sa gawi ko at kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. Malakas na napasinghap yung babaeng kasama niya at titig na titig naman sa akin ang lalaking kasama niya.

"What the fuck are you doing here?" luminga linga pa siya sa paligid, iniisip niya sigurong may iba pa akong kasama.

"So this is the reason why you're freaking mad at me? I was actually getting insane thinking what I've done to you before MJ. Ito pala ang sekretong itinatago mo." Humithit ako sa sigarilyong hawak ko saka ibinuga pataas.

"L-Lucky--" kinakabahangusal ng kasama niya.

"Lucky Me." Napailing na sagot ko sa kanya.

"Sagutin mo ko, anong ginagawa mo dito?" Sigaw ni MJ.

'Dapat talaga laging naka sigaw? Ang lapit lapit ko na nga sa kanya kung maka sigaw parang isang limampung metro ang layo ko sa kanya.'

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tita Jack noon. Yung mga tao daw malakas ang boses at pala sigaw ay usually sila yung mga taong bingi.

"I was sitting there when you guys started yelling at each other." Turo ko sa wooden bench sa likod ng puno malapit sa kinatatayuan namin ngayon.

"Hindi ba naituro sa dating school mo na masama ang makinig sa private conversation?" Mataray na sagot niya.

"Sentido de common MJ, sana alam mo kung nasaan ka ngayon. Sana naghanap muna kayo ng kweba na malapit dito at dun kayo nag sigawan para walang makarinig sa usapan niyong dalawa!" Ganting sigaw ko.

"Umalis ka sa harap ko bago pa mag init ang ulo ko." Sigaw at nanggi-gigil na banta niya.

"MJ will you stop yelling?" Saway ng lalake.

"Bakit ako aalis eh nauna ako dito? Get a room!" Singhal ko sa kanila.

"Dahil hindi kasali sa usapang ito!!"

"Ahh, kaya pala panay banggit mo sa pangalan ko kanina." Tumango tango ako.

"Ano masaya ka na ba sa mga narinig mo? Gandang ganda kana ngayon sa sarili mo?"

"Hmmm—konti.. Thanks to you."

"Huh. Una si Kenneth Ang, Wesley Ongpauco, Justin Kwon, ngayon ito?" Turo niya sa kasama niya.

"H-Hi Lucky.." mahinang sagot niya at bigla siyang yumuko.

"Hi Adam.." sarkastikong bati ko.

"Huh, so first name basis na pala kayo? Anong next target niyo maging In relationship na kayo?"

"Mj stop this, kung hindi mo matanggap ang dahilan ko. Just go sell crazy someplace else!" galit na sagot nito.

"Is it Just me, Or is the world going crazy?" parang nababaliw na sambit ni Mj.

"Both." Sagot ko sa kanya.

'Don't worry hindi ka nag iisa naisip ko rin yan madalas.'

"I need to go. MJ please will stop following me around? See you around Lucky." Tumango lang ako kay Sir Adam.

"Ngayong alam muna ang sekreto ko, ano at sino pa ang aagawin mo?"

"Wala Mj kasi hindi din ako interesado sa pagkatao mo."

"Walang na talagang mas kakapal pa diyan sa pagmumukha mo Lucky."

"Ayy Oo. Buti nga nung sinampal mo ko noon makapal na talaga to." Turo ko sa pisngi ko.

"Hindi pa tayo tapos Lucky Gonzaga."

"Oh c'mon MJ kailan ba tayo natapos? Wala naman atang katapusan yang kapraningan mo di ba?"

"Hanggang nasa Carlisle ka pa walang katapusan tong galit ko."

"Huwag ka mag alala next year graduate na ako makakahinga kana ng maluwag." Mayabang na sagot ko.

"Eh di dumagdag na naman yang kahambugan mo dahil lahat ng lalake nahuhumaling sayo?"

'Nahuhumaling? Da pak? Saan na naman kaya nito hinuhugot lahat ng pinagsasa sabi nito?'

"Well kung matatawag ngang kahambugan yun. So be it!"

"Watch your back, hindi ako madaling mapasuko.."

"I'm sick of your never ending drama MJ, stop it while you can. Walang magandang idudulot yang galit sa sarili mo."

"And i'm sick of you too Lucky Gonzaga!"

"Biogesic lang katapatan niyan 'teh. Pwede mong inumin kahit walang laman ang utak mo este tiyan mo."

"Sakit ka ng buong Carlisle Lucky Gonzaga. Lahat ng epidemya pinupuksa paka tandaan mo yan." Mabilis niya akong tinalikuran.

"MJ BELMONTE!!" Malakas na sigaw ko at huminto siya sa paglalakad at lumingon.

"Ingat!" Pintik ko yung daliri ko kagaya ng ginawa ni John Lloyd Cruz sa commercial niya sa Biogesic.

Sumigaw siya ng malakas at saka niya ako pinakyuhan ng dalawang kamay!

'Yan ang tunay na RAKER!'

Iniwan nila akong mag isa sa Eco Trail. Naupo at nagsindi ulit ako ng isa pang sigarilyo. Labo labo na lahat ng nasa isip ko. Kagabe lang umamin si Wesley sa tunay na nararamdaman niya sakin. Ngayon maririnig ko si Sir Adam gusto ako? What the hell? Parang gusto ko ng maniwala sa sinabi sa akin ni MJ kanina.

"Ano masaya ka na ba sa mga narinig mo? Gandang ganda kana ngayon sa sarili mo?"

"Si Kenneth Ang, Wesley Ongpauco, Justin Kwon, ngayon ito?"

Gusto kong tumawa ng malakas dahil nag paulit ulit yung umalingawngaw sa isip ko. Ano bang nangyayari sa mundo, malapit na ba ang end of the world kaya bumabaliktad na ang pagiisip ng mga tao?

The world is getting dumber and crazier.

'Inagaw ko ba ang mga ayun sa kanila? Bakit may dyinowa ba ako sa mga yun? Kaibigan ko lang naman sila ah. Di ibig sabihin pala inagaw din ni Ytchee, Marlon at Andi yung mga lalaking yun sa kanya? E bakit sa akin lang siya nagagalit? Andami daming admirers ng mga yun pero tanging ako lang ang pinag iinitan niya. Nadikit lang sa akin inagaw ko na agad? Hindi ko talaga maintintindihan ang pinuputok ng butse niya.'

Napaisip din ako sa sinabi ni Sir Adam kanina. Is it real? Or is it just how he see life on adults point of view? Biglang pumasok sa isip ko si Jasper ng marinig ko ang bagay na yun. Jasper has never been contended and satisfied with me on the first three months of our relationship. We're happy but i know somethings missing.

Of course we're both men, and Jasper is a straight man for sure he'll keep looking for something a girl has, that i don't fucking have. It hurts like hell to accept the reality of it. And in the end you'll find out that your relationship run out of course.

Maraming bagay ang wala ako at aminado naman ako sa pagkukulang ko sa bagay na yun. God is brilliant in his own way. Hindi niya ibibigay ang lahat lahat sayo. Walang perfect na tao. Lahat tayo may flaws at hindi tayo pwedeng maging perpekto. That makes us human. We always find what's missing but when we found it we're never be satisfied.

Sa experience ko dumating yung time na na realized ni Jasper how much he needed me and how much he love me. But it was too late..

'Hindi por que libre ang magpakatanga eh aabusuhin ko na.'

Just because my first relationship didn't work out doesn't mean the next one won't. Pero bakla ako ano pang aasahan ko? Alam kung mauulit at mauulit lang yung bagay na ikinakatakot ko kaya bakit pa ako iisa.

Iiwas muna ako sa mga bagay na komplikado. Kahit alam kong dapat problema hinaharap habang maaga, siguro sa ngayon pass muna ako. Hindi naman ata masamang umiwas kahit ilang araw lang diba?

'Magpapalamig lang ako. Tama magpapalamig lang muna ako. Guni guni ko lang ang lahat ng yun.'

Nagpasiya akong maglakad lakad pabalik ng Hotel. Nasa lubong ko yung mamang nagtitinda ng Strawberry Taho na paboritong paborito ko malapit sa hotel. Buti nalang may ganitong tinda sa paligid, kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko sa gutom. Bumili ako ng dalawa para kay Ytchee at sa akin naman yung isa. Mabuti at sobrang init pa ng taho kaya pwede ko pang madala sa hotel.

Narating ko ang hotel lobby, mabuti nalang inalalayan ako ng staff magbukas ng elevator ng makita niyang may hawak akong taho sa magkabilang kamay ko. Pagbukas ng elevator sakto namang nagmamadaling lumabas ang sakay nito at nabangga ako.

"Holy Shit!" nabiglang sambit niya.

'MARIA LEONORA TERESA!'

"Holly Molly!" napasinghap ako sa init ng isang cup ng natapong taho sa dibdib ko at natapon naman ang isang cup dun sa naka bangga sa akin. Mabilis kong nabitawan ang dalawang baso at nagtatalon ako sa init.

'TITA JAAAACCCCCKKKKKK!'

"J-Jesus, Lucky are you okay?" napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Sir Adam na kasalukuyan sing pinapagpag ang jacket niya.

'Anong are you okay? I-itcha kaya kita sa labas una ulo mo tapos tatanungin kita if you're okay?'

'Kamote ka! Bakit ba ang malas malas mo? Sa dami namang ng makakabangga mo siya pa? Di ba plano ko ngang iwasan siya?'

'Magpapalamig nga sana ako pero ang init init ng taho ADAM VILLANUEVA!!'

"I'm okay ser, magpapalit na lang ako ng damit sa room." Mangiyak ngiyak na sagot ko.

"I'm so sorry Lucky, tara sa suite ko dun kana magpalit sa 2nd floor lang yun mas malapit yun kesa sa room niyo." Natataranatang alok niya.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" nag aalalang lumapit ang isang hotel staff sa amin ni ser.

Manipis lang ang t-shirt ko sa loob ng jacket ko. Pakiramdam ko binanlian ako ng mainit na tubig sa dibdib.

"I'm okay, thanks for asking magpapalit lang ako ng damit okay na ako." Ngiting tugon ko sa kanya.

"Are you sure you're okay?" paninigurado ni Ser at napakamot siya ng batok.

"I'm fine ser, sorry din naabala ko tuloy yung importanteng lakad niyo." Nakita kong basa yung jacket at tee shirt niya maging yung pants niya may naka dikit pang sago.

"Hindi na ikaw ang mahalaga ngayon. Kahit dito man lang maka bawi ako sayo." sinserong sagot niya.

"Okay if that's what you want ser." Hindi na ako nagpapilit pa dahil mahapdi na talaga yung nipples ko sa init.

"L-Lucky what happen to you?" nagulat at sabay kaming napalingon ni ser sa taong nagsalita. Si Sir Carlisle at si Ma'am Sam. Kagaya ko mukhang kakatapos lang nilang mag jogging sa labas.

"Good morning po ma'am sir" yukong bati ko sa kanila. Ramdam ko parin ang hapdi at init sa dibdib ko. Pinilit ko paring ngumiti kahit iba ang nararamdaman ko.

"What happen?" sabat ni sir Carlisle.

"Natapunan lang ho ng strawberry taho sir." Mahinang sambit ko.

"Its actually my fault sir, hindi ko po siya napansin paglabas ko ng elevator kanina kaya nabangga ko po siya." paliwanag niya kay Sir Carlisle.

"Adam ikaw pala yan hindi kita agad nakilala."

"Adam iho why don't you take Lucky with you. Para makapag palit siya ng damit." naroon parin ang pagiging malambing sa boses ng mommy ni Amber na masarap pakinggan. Sigh.

"Yes ma'am, yun nga po ang suggestion ko sa kanya kanina."

"Pasensiya na po." Naka yukong paumanhin ko dahil nakaharang kami sa daan.

"No worries. Mauuna na kami sa inyo." At sabay silang umalis.

Bumukas ang elevator at nauna akong pumasok kay ser Adam. May kinapa siya sa bulsa at nakita ko nalang ang panyo sa kamay niya.

Pinagpag at dahan dahang pinunasan ng panyo ang dibdib ko habang namin. Biglang nanlaki yung mata ko nung tumama yung daliri niya sa nipples ko.

"DKNY! Ako na ser, kaya ko na po." Mabilis kong inagaw ko yung panyong hawak niya. Hindi niya inalis yung tingin sa akin.

'DKNY!!!' (DEDE KO NA YUN)'

Paglabas ng elevator sandali lang kaming naglakad at narating namin ang suite niya. Nagmadali siyang kinuha ang card key ng room at pagka swipe binuksan niya ng malaki ang pinto.

"T-Thank you." Mahinang sambit ko at mabilis kung hinanap ang CR at tumakbo ako sa loob ni lock yung pinto.

Mabilis kong hinubad yung damit at jacket ko pati yung sweat pants kasama ng pantry ko. Mabilis kong binuksan ang faucet at nagbabad sa ilalim ng malamig na shower.

"Akala ko mamamatay na ako sa init ng taho. Lintek na yan, bukod pala sa deadly weapon ang sago nito kapag binuhusan ka pala ng strawberry taho malalapnos din pala ang balat mo." kausap ko ang sarili ko sa shower at sinasagot ko rin ang tanong ko.

Pinagmasdan ko sa salamin ang isang dibdib ko at para akong may mapulang balat.

"Ayan di mas pink na ngayon ang nipples ko." Natatawang sambit ko sa harap ng salamin.

"L-Lucky? Here's the towel ang a shirt magpalit ka muna bago ka bumalik sa suite niyo." narinig kong sigaw ni ser sa labas kaya binuksan ko ng bahagya ang pinto at inabot niya yung mga damit at boxer brief niya.

"Thanks!" Mabilis kong isinara ang pinto at tinapos ko ang pagligo.

"Wow ahh, ngayon lang ako mag susuot ng boxer brief. Hehehe. Sa kanya ba to bakit ang liit naman ata?

'Ahh, stretchable pala, ang cute cute pala ng spongebob na brief.'

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang reflection ko. Kawawang bata ang aga aga kumota na ng kamalasan. Pagtatawanan na naman ako ng mga kaibigan ko malamang. Malaking t-shirt na round neck ang suot ko at ang maiksing boxer brief ni ser. Kaya pag may nakakita sa akin iisipan nilang wala akong pang ibaba at tanging malaking T-shirt lang ang suot ko.

"Thank you po sa damit ser babalik ko nalang later lalabhan ko na lang mamaya." Bungad ko paglabas ko ng banyo.

Nagulat ako dahil may dalawang mug ng coffee at bread sa table niya. Nakapag palit na din siya ng manipis na t-shirt at naka shorts lang siya. Magulo padin ang buhok at nadun pa rin yung nakaka lokong ngiting kinababaliwan nila. Kasama rin pala ako.

'Our very own vampire teacher. Sorry Edward Cullen mas hot si Sir Adam Villanueva. He he he'

"Sure, hindi ko pa naman nagagamit yung boxer kung gusto mo sayo nalang. Yung t-shirt naman pantulog ko yan kaya malaki." Natatawang sagot niya. Kinilig ako bigla dahil na imagine ko na kunwari magkasama kami sa isang suite habang nag babakasyon dito sa Baguio.

'Honeymoon? Waaaahhhhhhh!'

"L-Lucky, pwede ba tayong mag usap sandali?" biglang putol niya sa pag di-day dream ko. Istorbo!

'Bakit hindi paba kami nag uusap sa lagay na to? Sabagay marami talaga tayong pag uusapan ser.'

'Andami mu ng kasalanan saken ser Adam. Bale 3 tayms por keri one cannot be borrow one remainder four, borrow 5 equals 8 Million!'

"Of course, tungkol ho saan?"

"About what happen earlier, i mean what you've heard out there." Napayukong sagot niya.

"Okay no worries, but i have a couple of questions to ask if you don't mind.." pormal na sagot ko. Hindi nagkakalayo ang edad nila ni Kuya Jiggs at sanay na naman si Sir Adam sa paraan ko ng pakikipag usap sa kaniya.

"Sure, huwag lang Algebra mahina ako dun eh?" Nakangusong sagot niya pero parang natatawa siya.

'Hala may pagka isip bata rin pala tong isang 'to? Pero infairness he's really gorgeous kung hindi ko nga lang to instructor baka pinatos ko na to dati pa, Ching!'

"Magtatanong ako at sasagutin mo lahat ng totoo and don't you dare lie on me ser." banta ko at tinitigan ko siya.

"Okay, let's start mauna ka ladies first!" Ngiting sambit ko at naningkit ang mata niya sa narinig. "Joke lang." Nag peace sign ako at umiling lang siya.

"First, i sincerely apologise for all the trouble I've caused on you today. Tapos nadamay ka pa sa pinag uusapan namin ni MJ kanina."

"No worries sanay na ako sa walang katapusang drama ni MJ." Nagkibit baliakt ako. "Paano kayo nagkakilala ni MJ?" natawa siya ng bahagya dahil sa bilis ng follow up question ko.

"Easy. Nakita niya ako sa bar. Hindi i-rephrase ko, sinundan niya ako sa isang bar sa Taguig. That's how we meet at nakilala ko siya sa Carlisle like you naging student ko rin siya before."

"Ahh, ganun pala."

"Magka away ba kayo ni MJ? Kasi parang galit na galit siya sayo kanina." Inangat at dinala niya sa bibig ang coffee mug niya.

"Hindi at Oo. The first day we met sa campus, galit na galit na siya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Nagulat ako kasi hindi ko siya kilala personally. Nalaman ko nalang na kaibigan siya ni Amber kaya inisip ko kinakampihan lang niya yung kaibigan niya."

"I see. Akala ko kasi may alitan kayo noon pa."

"Pero ngayon malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin noon hanggang ngayon." At bigla siyang nag iwas ng tingin at alam niya ang tinutukoy ko.

"I know and its embrassing. Sinabi ko lang yun para tantanan niya ako kanina." Napayukong sagot niya.

'Ano daw? Sinabi lang niya yun para tantanan siya ni MJ kanina? So wala pa lang katotohanan ang mga narinig ko kanina..'

Pero iba ang dating sa akin nun kanina, unless magaling lang talagang siyang umarte at napaniwala niya agad yung isa.

'Bakit parang nanghihinayang ka? Feelingera lang bakit ba? Crush ko kaya si Sir Adam nung first day pa. Hmpf!'

"L-LUCKY?" Tinapik ako ni ser sa pisngi at nagulat ako dahil nasa harap ko na siya. Anyare?

"Naging kayo ba ni MJ?" Mabilis na tanong ko para makabawi sa pagkapahiya. Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Bakit may nakakatawa ba sa tanong ko?"

"Wala kanina lang tulala ka tapos bigla kang nagulat saka nagsalita na parang robot nung tinapik kita." Nakangiting sagot niya. Shit, seriously tulala ako kanina?

"Penny for your thoughts?" Mabilis akong umiling at dinampot ang mug sa mesa at mabilis ko itong tinungga. Kung gaano ko kabilis tinungga ganun ko din kabilis niluwa ang laman dahil sa sobrang init nito sa dila.

Sa sobrang init dinila dilaan ko yung bread na parang aso sa harap niya. At bigla siyang tumawa ng malakas at ang sakit sa tenga.

Gusto ko ng umiyak sa kahihiyan sa pinag gagawa ko.

"Sorry ang init pala." Tongues out.

"Hey, careful may lakad ka ba?"

"S-Sorry." napakamot ako sa batok.

"You're so funny. I like you." At ngumiti siya ulit. Parang napako ang paningin ko sa kanya dahil sa huling sinabi niya.

"Ah i mean i like your personality. You're really fun to be with." At sabay ubo ng mahina at pareho kaming napadampot ng mug sa mesa at uminun habang nakatingin sa magkaibang direksyon.

"Ang cute ng suite mo. Ang cozy at very homey. Na miss ko na tuloy ang kwarto ko." Pag iiba ko ng usapan.

"I like it too, very cozy and sexy, i mean homey." Napakagat siya sa lower lip niya.

"Ahh, parehas pala tayo ng taste pagdating sa kwarto." Mahinang tawa ko.

'Umayos ka baka saan mapunta yung homey homey na yan!'

"A-Are you single?" seryosong tanong niya.

"Mmm.." Matipid na sagot ko.

"And you? Single or double?" Tumawa ulit siya.

'Luh, babaw ng kaligayahan nito.'

"Yes, double sana kaso its complicated."

"Wow, showbiz."

"Narinig mo naman yung pinag usapan namin ni MJ kanina right?" At tumango ako.

"Alin dun? Kung bakit ka pa single?" natulala siya sa tanong ko.

"Yeah.." mahinang tugon niya. Hindi agad ako nakaimik.

"Bakit hindi mo siya gusto maganda naman siya ahh?" dinampot ko ang mug at uminum.

"Mas maganda ka parin para sakin.." muntik ko ng maibuga yung iniinum ko sa mukha niya. Tumawa na naman siya.

"Kamote ka!" tumayo ako at tumalikod para magpunas ng mukha gamit ang t-shirt ko.

"L-Lucky!" medyo gulat na tawag niya.

"Sorry ser-" natatawang sagot ko at bahagyang akong lumingon habang nagpupunas ng mukha.

"Yung pwet mo kita ko na." Turo niya at nanigas ako sa kinatatyuan ko at dahan dahan kong ibinaba ang damit ko. Tumawa siya ng malakas habang nakaturo ang isang daliri sa direksyon ko.

'Rugby pa ser! Lintek na araw 'to puro kahihiyan!'

Dumampot ako ng bread at binato siya sa mukha. Sapul!

"Siraulo ka!"

"Naninilip ka eh!"

"Tinaas mo kasi bigla yung damit mo!"

"Dami mo kasing kuda!"

"Biro lang. Ha ha ha" Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng malapitan. Nasanay ako na lagi siyang pormal kapag kausap namin sa classroom. Ito ba and Adam Villanueva kapag wala sa classroom? He's cool though..

"Bakit maganda ka naman talaga ah."

"Oo naman, nagka gusto ka nga eh." Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Daldal mo talaga!

"Siraulo.."

"Joke lang ser. Diba sinabi mo lang naman yun para tantanan ka na niya?" bawi ko bigla.

"Pero hindi sa bagay na yun.." napasalampak ako bigla sa upuan.

"Teka teka nalilito ako, ano ba talaga ang totoo?"

"Yun ang totoo." Derechong sagot niya. Natuyuan ako ng laway. Parang gusto ko magtata takbo papalabas ng kwarto niya.

'Hello? Si Ser Adam yun bes! Yung crush kong vampire teacher este Music Teacher!'

"H-Hala, k-kelan pa?" utal utak kong sagot.

"Hindi ko alam pero masaya talaga ako kapag nakikita kita." Nakangiting sagot niya.

"Bakit ako? FYI lang ser hindi po ako babae ." kinagat kagat ko ang daliri ko dahil na tense ako bigla.

"So? Crush lang naman. Eh ikaw ang nagustuhan ko eh anong magagawa ko?"

"This is crazy.." dinampot ko ang mug at uminum ako ulet.

"You're not like anyone I've ever known. You fascinate me."

"Taray, lakas maka Edward Cullen." Biro ko sa kanya.

"I'm serious you dumb ass!"

"Fine. Bakit ano ba ginawa ko sayo para kakitaan mo ako ng kakaiba?"

"I don't know nalilito to rin ako sa sarili ko."

"Darn!" feeling ko ang laki laki ng ulo ko ngayon. Ang ganda ganda ko. Ang haba haba ng buhok ko at sobrang shiny, long legged, pouty ang lips at kahawig ko si Bella Swann.

"Gusto mo bang ipa-salvage ako ni Mj dahil sa confession mo?" inis na sagot ko.

"That's why i keep on denying what i feel about you when she always asks."

"Kaya pala kumukulo ang dugo nun sa twing nakikita ko."

"I'm sorry.."

"Paano naman niya nalaman? Baka naman sinabi mo?"

"Of course not. Nakita niya lang ako one time nung pinanuod kita maglaro ng volleyball at dun siya nagkaroon ng hinala."

"Trouble, trouble, trouble.." dumapot ako ng bread at sinubo ko ng buo.

"I'm so sorry Lucky."

"Mmmm.." naalala ko tuloy bigla si Kenneth. Ang lalaking mas madalas pang mag sorry kesa ang ngumiti.

"Ganun talaga siguro kadikit na ng pangalan ko ang malas at gulo."

"No, that's not true. Your the luckiest isipin mo lalake ka pero ang ganda ganda mo at napaka talented mo pa."

"Habulin din ako.."

"Yeah, habulin ka din ng mga lalake. ." Napailing na tugon niya.

"Habulin din ako ng mga babae.." Tiningnan ko siya ng seryoso.

"Ang Corny mo.." Sabay iling.

"Bakit hindi ba? Yang mga babae niyo ako ang hinahabol para guluhin ako!" At nagkatitigan kami saglit at sabay kaming tumawa ng malakas.

"Ayos ka ah.."

"Alam mo yan ser.." Maybang na tugon ko at uminum ng kape.

"Kamusta kayo ni Kenneth Ang?" bigla akong nabilaukan sa tanong niya mabilis niyang inabot yung mug ko.

"Yan ang tunay na ka-kornihan!" Turo ko mukha niya.

"Bakit defensive ka siguro kayo na 'noh?"

"Utot mo! Presensiya ko palang umuusok na ilong nun sa galit!"

"Huwag ako Lucky, lalake din ako kaya alam ko liko ng mga bituka ng mga kagaya ko."

"Oo pare pareho kayong mga paasa, papogi masiyado at higit sa lahat mga manloloko!" Napangaga siya sa sinabi ko.

"Whoa, grabe ka naman manghusga ng kapwa mo! Yan ba ang dahilan kung bakit single kapa ngayon?!"

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo kumain ka ng tae!" Bigla siyang tumayo at piningot ang tenga.

"Sumusobra ka na talaga ah!" Napaangat ako sa sakit at bigla kong hinawi ang kamay niya at pinaghahampas siya ng mahina sa braso.

"Ganyan naman na kayo kapag sumusobra nagagalit kayo kapag kulang maghahanap kayo kayo sa iba!"

"Aba aba marunong ka ng sumagot linggit ka!" Muli siyang kumapit at inipit ang ulo ko sa pagitan ng braso at kili kili niya.

"A-Aray aray! Ire-reklamo kita ng Child Abuse--"

"BLLAAAAGGGG!!" Malakas na bumukas ang pinto ng suite ni ser at pumasok si Mj, Andi, Ytchee, Marlon, Wesley at si Kenneth. Narinig kong napasinghap ang iilan sa kanila ng makita kaming dalawa.

"L-Lucky anong ibig sabihin nito?" biglang lumapit si Wesley at hinila ako sa tabi niya papalayo kay Sir Adam

KENNETH'S POV

Late na kaming nakabalik ni Wesley sa suite namin kagabe dahil nagkaroon kami ng small party sa suite nila Lucky. The party was very fun until we started playing spin the bottle.

Everything changed when Wesley confess about his feelings to Lucky. Lahat kami na shock lalo na ng sabihin ni Lucky na wala siyang nararamdamang espeyal kay Wesley kundi kaibigan lang. Kahit ako nagulat sa sinabi niya, sampal yun sa aming mga lalake lalo't hindi babae si Lucky.

Wesley is a good catch maraming nababaliw na babae sa kanya sa loob at labas ng campus. Gwapo, mayaman, sobrang talented. Pero hindi sapat ang mga yun para sa isang Lucky Gonzaga. He fascinates me and he always suprise me.

I respect Lucky feelings, alam ko namang hindi din madali para sa kanya ang pumasok sa bagong relationship ngayon after ng pinagdaanan niyang hirap sa ex niya. Pero sana hindi na lang niya sinagot ang tanong or sinabi ang nararamdaman niya sa harap namin. I don't blame him for doing that, its part of the game and he only answered what's being asked.

But I'm so damn curious kung ano ang pinag usapan nila ni Wesley last night and they ended up so good together. Magka holding hands pa silang bumalik after nila mag usap. Given na yung pagiging sweet ni Wesley kay Lucky but this is different at hindi ko mahulaan ang kinikilos nila.

'Sila na ba? Does he realize that he also like Wesley after all? I want an answer but i don't know whom to ask. Si Ytchee!'

Mabilis akong bumangon at pumasok sa CR. Iniisip ko kung nag jogging sila ni Lucky ngayong umaga pero mukha malabo yun dahil halos lahat kami tinamaan kagabe. Paglabas ko nagbihis lang ako at tinawagan ko si Ytchee.

"Hello.."

"Hi Good morning!"

"Oh napatawag ka magkasama ba kayo ni Lucky?"

"H-huh? Di ba kayo lagi ang magkasama?"

"Hindi pa kasi siya bumabalik dapat kanina pa siya nandito, may usapan kasi kaming sabay sabay bi-breakfast.."

"Sinubukan mo na bang siyang tawagan sa cellphone niya?"

"Oo, kanina pero nakapatay na yung phone niya na empty batt na ata."

"Magkita na lang tayo sa baba dun na natin siya hanapin."

"Sige sige pababa na kami nila Andi. Bye!"

"Hey, Wesley wake up. Mag breakfast na tayo." Inuga uga ko ang balikat para magising siya.

"Ikaw na lang inaantok pa ako." Nagtakip pa siya ng unan sa ulo.

"Sige mauna na ako. Magkikita kami ni Ytchee sa lobby hahanapin namin si Lucky, hindi pa kasi siya bumabalik galing sa pag jo-jogging nag aalala na sila." Paalam ko sa kanya.

Bigla siyang bungaon sa kama. "Nasaan daw nagpunta si Lucky? Tinawagan niyo na ba sa cellphone niya?" nagaalalang tanong niya.

'Tss, Sinasabi ko na nga ba marinig lang niya ang pangalan ni Lucky babangon na sya sa kama.'

Mabilis siyang tumayo at tumakbo sa CR.

"H-huwak ka munang aalish antayin moo ko shashama akoo" sumilip siya sa pinto sa CR at nag mamadaling nag tu-toothbrush..

"Oo na bilisan mo nagugutom na ako." Umupo ako sa kama at tinitigan ko ang cellphone sa kamay ko. Saan na naman kaya nag susuot ang isang yun? Sabagay takbo ng utak nun malamang may pinagkaabalahan na namang ibang bagay yun kaya hindi pa bumabalik. Matapos mag ayos ni Wesley nagmadali kaming bumaba sa lobby.

Napakunot ako ng noo ng makita kong kausap nila si Ytchee, Andi at Marlon si MJ sa lobby. At sa nakikita kong mga itsura nila mukhang hindi ito magandang balita.

"Hindi ko sinabing maniwala kayo. Sinasabi ko lang ang nakita ko kanina." dinig ko habanag papapalapit sa kanila.

"Kung isa na naman to sa mga palabas mo MJ wala kaming panahon sayo okay" mataray na sagot ni Andi.

"Okay fiine. Concern lang naman ako sa inyo dahil hindi niyo pa lubusang kilala ang pagkatao ng kaibigan niyo." Makahulugang tugon ni MJ.

"MJ what's going on? Where's Lucky?" nag aalalang tanong ni Wesley.

"You'll be surprise if i tell you." Nakatangiting sagot niya. Lalo tuloy akong na ku-curious malaman kung nasaan si Lucky at anong alam ni MJ.

"Pinagti-tripan mo na naman ba kami MJ? Sabihin mo na lang kung nasaan si Lucky dahil hindi nakakatawa yang mga pagpapa bibo mo." Singit ni Andi.

"Nope, but one thing for sure you'll be glad to what i'm going show you." Ngiting sagot niya.

"What ever MJ." Mahinang sagot ni Ytchee.

"We had enough of your theatrics Mj, just take us there please?" naiinis na singit ni Wesley.

"Life is boring without any dramas Wesley." Maarteng sagot niya.

"Spare me your drama, Mj i'm not interested."

"I can't believe this, ang bo-boring niyo pa lang kasama." At tumawa siya at pinanuod lang namin siya.

"This waiting is so boring and taking too long and it's a waste of our time." Sagot ko sa kanya kaya natigil siya sa pagtawa.

"Okay, let's go i'm sure excited na kayo kung nasaan ang kaibigan niyo.." At sumenyas siya sa aming sumunod sa kanya.

"Anong nangyari bago kami dumating?" bulong ko kay Ytchee.

"Ewan ko diyan sa lukring na yan ng makita kami sa lobby kung ano ano na ang sinasabi na kesyo ang landi landi daw ni Lucky. Na hindi namin siya lubusang kilala at nagpapanggap lang siya sa tunay na kulay niya.. Blah blah blah!" napipikang kwento niya.

"Nasaan daw ba?"

"Ewan ko sa negrang yan masiyadong bida bida. Kapag hindi ako natuwa isasabit ko yan sa pinaka mataas ng Pine Tree dito sa Baguio!" at inambaan pa ng suntok si MJ habang nakatalikod ito at naglalakad.

Napailing lang ako habang nagpipigil ng tawa. Pumasok kami ng elevator at nakita kong paakyat kami ng 2nd floor. Naglakad kami sa hallway at huminto kami sa Room 209.

"Now what?" singhal ni Wesley. Pinihit niya ang door knob at ubod ng lakas niyang tinulak ang pinto.

'Jesus, what is she doing?'

Nagmamadali siyang pumasok at sumunod kaming lima sa kanya sa loob ng suite. Halos sabay sabay napasinghap ang mga kasama ko sa nakita.

"Oh my god!' mahinang sambit ni Ytchee sa tabi ko at napakapit siya sa braso ko.

Masayang naghaharutan si Sir Villanueva at Lucky. Kasalukuyang iniipit ni sir Villanueva ang ulo ni Lucky sa pagitan ng katawan at kili kili niya kagaya ng ginawa ko sa park ng sumpitin niya ako ng sago sa mukha. Halata ang ang pagkabigla sa mukha nilang pareho ng makita nila kaming anim sa harap nila.

'WTH is happening here? Did they just.. Ugh!'

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C50
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄