下載應用程式
50% Liwanag ng Anino / Chapter 6: Kabanata #6 Tropa lang?

章節 6: Kabanata #6 Tropa lang?

"Dito nalang tayo" sabay turo ko sa bakanteng bench sa quadrangle.

Mas maganda narin siguro dito, malayo kame sa canteen, para di maingay tsaka nandun si Lennard, pagiinitan lang kame nun, dahil sa nangyari kanina.

Alam ko na ako ang pagiinitan ni Lennard mamaya pag-akyat sa room. Hayaan mo na, para namang hindi pa ako sanay sa pambubulas ni Lennard.

Habang kumakain kame, naglakas loob na kong itanong kung anong meron si bebe Kim ko at si Jerson.

"H-Huy, yung lalaki kanina sa room niyo, mukang tuwang-tuwa ka sa kanya ah, boyfriend mo ba si Jerson?" kabado kong tanong, natatakot ako baka mahalata niya na gusto ko siya una palang na nagkita kame at nagkausap, baka layuan ako eh.

"Huh? Hindi ah, tropa ko lang yun!" agad na sagot niya na may kasamang tawa. "Bakit!?" agad niyang tanong sakin.

"Wala lang!" pabalang kong sagot sa kanya upang di mahalatang nagseselos ako. "Tropa ko lang si Jerson, bakit selos ka no?" tanong niya sakin habang tumatawa.

Napatigil ako sa pag nguya ng kinakain ko at napatulala ng marinig ko yung sinabi niya. Alam niya na ba? Nahalata niya ba? Lagot.

"Wag ka magselos dun, tropa din naman kita" nakangiti niyang sabi sakin habang nakahawak sa balikat ko.

Tropa din daw ako.

Tropa LANG ako.

Sakit.

Pero okay na yan, at least sigurado akong di niya parin nalalaman or nahahalata na may gusto ako sa kanya. Baka kasi layuan niya ako bigla pag sinabi ko na.

Natapos na kaming kumain at hinatid ko siya ulit sa classroom niya.

"Salamat Gino" ika ni Kim habang papasok ng classroom nila.

Hindi ko parin talaga lubos akalain na si Kim, pinaka magandang babaeng nakita ko, crush ng halos lahat ng lalaki sa school, ay magiging ka-close ko at "tropa" pa. Sana di na magbago or lumayo pa siya.

*krrrrrrrriiiinggggggg*

"Class Dismiss" sabi ni Mrs. Gemma, adviser namin.

Hindi ako tulad nang ibang mga studyante dyan na, gala or stroll with friends, tambay sa mall with friends or walwal with tropa pag tapos na ang klase. Mas prefer ko na magisang umuwi, magisang maglakad, magisang sumakay ng jeep at magisang magyosi.

Sa tindahan nila Aling Nathy ako madalas nagpapalipas ng ilang minuto o minsan oras pa, bago tuluyang umuwi ng bahay galing school. Ilang minutong lakarin lang din naman to mula sa bahay o maging sa school.

Habang hinihipak ang yosi ko, nakita kong nanonood ng TV si Aling Nathy sa loob.

"Isang druglord ang napatay sa Tondo sa kadahilanang pag palag daw nito sa mga pulisya. Hindi pa matukoy ng mga pulis kung meron pa itong ibang kasama, patuloy parin ang pag iimbestiga."

Nang marinig ko yun, biglang nag sync in sakin na lagamak na pala talaga ang mga pusher at druglords sa pinas, at napansin ko din na nahihirapan na ang mga pulis na ihandle ang problemang to, kaya idinadaan na nila ito sa dahas.

Pero para lang naman sakin yun, hindi ko parin naman dapat isisi sa pulis ang nangyayari ngayon sa pinas, marami talagang mga taong hindi disiplinado.

Nakarating na ko sa bahay, nagulat ako walang tao.

"Tito, pabukas ng pintoooo!!"

Nakalock ang pinto at patay lahat ng ilaw. May extra naman akong susi, pero nakakagulat at nakakapagtakang walang tao, usually nandito na si Tito at may kasamang panibagong babae pag uwi ko eh.

Weird.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C6
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄