下載應用程式
84.5% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 180: Mumunting Anghel

章節 180: Mumunting Anghel

"Doc.."

"Oh, General Gene, pasok!"

Pagkaraan ng tatlong araw pagkatapos manganak ni Belen, saka nya sinadya si Dr. Drew.

Gene: "May gusto sana akong sabihin, Doc."

Dr. Drew: "Tungkol saan?"

Simula ng malaman ni Gene ang nangyari kay Belen sa loob ng delivery room, na muntik na itong mawala, hindi na naalis ang kaba nya at ayaw na nyang maulit ito.

Kaya nakapagpasya na sya.

Gene: "Doc gusto ko sanang magpa vasectomy!"

Tiningnan ni Dr. Drew si Gene ng matagal. Gusto nyang masiguro kung seryoso ito.

Dr. Drew: "Bakit mo naman gustong gawin yan? Anong dahilan mo?"

Gene: "Ayaw ko na ulit pagdaanan ito ni Belen!"

Ang panganganak ang tinutukoy nya. Ayaw na nyang pagdaanan muli ni Belen ito kaya sya na ang gagawa ng paraan para hindi ito mabuntis ulit.

Lihim na natutuwa si Dr. Drew sa desisyon ni Gene. Plano talaga nyang kausapin ang dalawa pag okey na si Belen tungkol sa birth control, buti na lang sya ang mismo ang nagkusa.

Ramdam nya kung gaano kamahal ng taong ito ang kaibigan nyang si Belen, gagawin nya ang lahat para sa ikabubuti nito.

Yun nga lang alam din nya kung gaano kamahal ni Belen ang namatay nitong asawa. Parang buong puso nito ibinigay na nya ng buong buo sa asawa nya kaya wala na syang natirang lugar para sa ibang lalaki kaya paano nya masusuklian ang pag mahal ni General sa kanya. Sana lang sa ngayon may anak na sila mangyari na yon.

Dr. Drew: "Mukhang desidido ka na at mukhang napagisipan mo na ito, kaya sige, kelan mo gustong gawin natin ang procedure?"

Gene: "Ngayon na sana Doc para paglabas ni Belen, okey na rin ako!"

*******

Pagmulat ng mga mata ni Belen, unti unti nyang naalala kung bakit sya nasa ospital. Kaya tinanong nya agad kung nasaan ang mga anak nya.

Nang dalhin sa kanya ang kambal, naluha sya sa tuwa ng makita ang mga mumunting anghel sa harapan nya.

Hindi maubos ang luha nya sa pagpatak habang pinagmamasdan ang dalawa.

Belen: "Huwag kayong magaalala, andito si Mommy... Hindi ko kayo pababayaan!"

Naroon din si Gene sa tabi nya upang damayan sya sa masayang oras na ito.

Gene: "Kamukha mo sila, anong gusto mong ipangalan sa kanila?"

Belen: "Abigail at Alison!"

Pagkaraan ng dalawang linggo, na discharge na si Belen at ang mga baby nya.

Si Mama Fe nang makita ang dalawang anghel, ay sobrang saya din. Sinipag itong mag therapy para daw lumakas sya at maalagaan din nya ang mga apo.

At si Jaime, ng malaman nya na ang Papa nya ang tunay na ama ng kambal, gusto nyang mainis sa ama dahil hindi man lang nito sinabi sa kanya. Ngunit ng makita ang mga kapatid nya, nawala lahat ng inis nya.

Jaime: "Haangkyut, kyut ng dalawang anghel oh! Manang mana kay Kuya!

Ababababa! hangkyutkyut nila!"

"Anong nagmana sa'yo? Asan? Wala naman ah!"

Boses iyon ni Edmund at halatang iniinis sya. Hindi kasi maintindihan nito kung bakit na i insecure itong taong ito sa kanya. Wala naman syang ginagawa ang init ng ulo sa kanya.

At kinuha nito ang isang kambal at nilaro.

Nainis tuloy si Jaime sa biglang pagsulpot ni Edmund, nasira ang moment nila ng mga kapatid nya.

Kahit na bahay nya ito, hindi pa rin nya gustong makita ang taong ito na sobrang angas sa paningin nya.

Jaime: "Bakit ka ba nakikialam dyan? Magkapatid kami kaya natural lang na may nakuha sya sa mukha ko!"

Pero sa totoo lang, wala talagang nakuha sa mukha nya ang kambal dahil kamukhang kamukha ni Belen ang dalawa. Kaya mas masasabing may hawig ito kay Edmund dahil parehas sila ng mata ni Belen.

Edmund: "Sige na nga pagbibigyan na kita! Nakakaawa ka naman eh!

At dahil ikaw ang kamukha at Kuya ka nila, o ayan si baby Abby, palitan mo at mukhang nag poo poo!"

Jaime: "Aba't teka teka lang! Bakit mo ibinibigay sa akin ikaw ang may hawak! At wag mo akong iwan dito tulungan mo ako!"

Sigaw nito kay Edmund.

Edmund: "Ayaw! May date kami ni Nicole!"

At tuluyan na itong umalis at iniwan sya sa dalawang kambal na pareho ng amoy poo poo.

Jaime: "Anak ng .... naisahan ako ng lintek na yun!"

"Paano ba magpalit ng diaper?"

Pagkaraan ng apat na buwan, biniyagan na ang dalawang kambal. Si Miguel at si Issay ang ninong at ninang. Na labis na ikinatuwa ni Miguel dahil alam nyang boto si Belen sa dalawa.

Belen: "Bagay talaga kayong dalawa!"

Panunukso nito sa dalawa.

Issay: "Pagiisipan ko!"

"Hahaha!"

Natawa na lang sila sa sagot ni Issay.

******

Lumipas pa ang anim na buwan..

Nag propose na si Joel kay Vanessa at sa susunod na taon ang kasal nila.

Si Jaime ay nakaalis na at hindi na rin nya ipinilit ang kasal nila ni Nadine.

Nangako si Nadine na mag vi- video chat sila araw araw para hindi nila gaanong ma miss ang isa't isa at nangako si Nadine na hihintayin sya pag dating nya.

Si Edmund naman ay patuloy pa rin sa panunuyo kay Enzo. nagtayo na rin ito ng bagong negosyo sa tulong at gabay ni Uncle Rem.

Ngunit si Nelda, simula ng maoperahan sya, nagkaroon na ito ng mahinang pangangatawan. Humina ang puso nya at madali na syang mapagod kaya hindi na nya magawa ang dati.

Kaya naisipan ng asawa nitong si Enzo na dalhin muna sya sa Zurgau para makapag bakasyon.

Issay: "Magbabakasyon ka? Sama ako! Kailangan ko din ng bakasyon!"

Enzo: "Inilalayo ko nga sya sa'yo para hindi ka ma stress tapos sasama ka!"

Issay: "Bakit? nakaka stress ba ang mukha ko?"

Enzo: "Hindi yon ang ibig kong sabihin! Naiistress sya sa mga pinagagawa mo sa kanya kaya nanghihina!"

Issay: "Wala naman akong ipagagawa sa kanya ah! Bakasyon nga e! Mag gagala kami sa Zurgau!"

Nelda: "Sige na sumama ka na, baka makakita ka pa ng love life! Hehe!"

Issay: "Yehey!"

Pero may ibang dahilan si Issay kaya gusto nyang sumama at yan ay ang hanapin si Anthon.

Laging nauulit ang panaginip nya at hindi nya maintindihan kung bakit. Naisip nya na baka kailangan na nyang patawarin si Anthon.

Nagtanong na sya kay Joel at sinabi nitong bihira ng mag lagi si Anthon sa bahay. Sa tuwing uuwi ito pagkatapos ng flight, dumadaan siya sa bahay pero sandali lang at umaalis agad.

Issay: "Alam mo ba kung saan nagpupunta?"

Joel: "Sa Zurgau! Parang may tinatago sya sa lugar na yon!"


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C180
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄