下載應用程式
48.52% Kiss of Death and Shadows / Chapter 165: Can you help me?

章節 165: Can you help me?

NABASA NI MIYU ang pangalan ni Sammie sa screen ng kanyang Iphone na nakalapag sa ibabaw ng counter table. Napakunot ang noo niya, pasado alas tres na ng madaling araw, ano kaya ang dahilan at tumawag si Sammie?

"Excuse me, I'll just have to answer this," aniya kay Elijah.

Hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon makasagot dahil mabilis na niyang dinampot ang cellphone at naglakad papuntang womens comfort room. Pumasok si Miyu sa loob ng cubicle at sinagot ang tawag.

"Hello? Sammie?"

"Miyu, sorry sa istorbo, nasaan ka?"

"Sa Black phantom," sagot niya, "Why? May nangyari ba? Are you okay?"

"Wala naman, okay lang ako. Pwede ba tayong magkita? May importante akong sasabihin sa'yo."

Lalong napakunot ang noo ni Miyu, "Sige nasaan ka ba? Pupuntahan kita."

"Magkita na lang tayo sa tapat ng X University."

"Okay."

Binaba niya ang cellphone at nagmadaling lumabas ng Black Phantom upang puntahan ang kaibigan.

Samantala, naiwan si Elijah sa bar counter. Ilang beses na siyang tumingin sa kanyang wrist-watch, kanina pa umalis si Miyu at hindi pa bubamalik. Napatingin siya sa itim na hand bag sa ibabaw ng counter. Naiwan ito ng babae.

**

NAGKITA ang tatlo sa tapat ng X University. Nagulat si Miyu nang maabutan si Sammie na kasama si Ansell.

"Sammie!" lakad-takbo siyang tumawid mula sa kabilang kalsada.

"Miyu."

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Naramdaman niya agad ang mabigat na tensyon, lalo na at namamaga ang mata ni Sammie.

"What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo? Anong ginawa sa'yo nito?" she hysterically panicked.

Nagtaas ng dalawang kamay si Ansell, "Woah! Woah! Chill, wala akong ginawa kay Sammie okay? Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?"

Pinaningkitan siya ng mata ni Miyu.

"Relax Miyu, wala siyang ginawa, in fact tinulungan niya ako," agap na paliwanag ni Sammie.

Kumalma na ng kaunti si Miyu at hinarap ang kaibigan, "Ano ba kasi ang nangyari Sammie?"

Nagkatinginan ang dalawa bago bumuntonghininga si Sammie at may kinuha mula sa kanyang bulsa. Napakunot ang noo ni Miyu nang makita sa palad nito ang isang gold feather ring.

"Ano 'yan?"

"Pagmamay-ari 'to ni Lexine."

"Bakit na sa'yo?"

"Kinuha ko sa kwarto niya. Tinulungan ako ni Ansell na makapasok," lumapit si Sammie at hinawakan si Miyu sa dalawang kamay saka tinitigan mabuti, "Miyu, nakikita ko siya. Si Lexine."

Nanlaki ang mata ni Miyu at nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa, "What? How?"

Binitawan ni Sammie ang kamay ng kaibigan at nilaro-laro ang daliri sabay nagpabalik-balik ng lakad, "Napaginipan ko siya noong isang gabi. Hinahabol siya ng mga taong nakasuot ng puting balabal, takot na takot siya habang tumatakas. Hindi ko rin ma explain pero parang totoo ang lahat. Hanggang sa nakiusap ako kay Ansell na sabihin sa akin ang lahat tungkol sa totoong pagkatao ni Lexine at kung bakit siya namatay."

"Tapos, nakita ko ang mga memories niya. Simula sa studio, sa kwarto ni Lexine, noong nahawakan ko ang mga gamit niya lalo na itong singsing. Nakita ko ang isang lalaking may gintong pakpak."

"Ang arkanghel na si Daniel ang totoong ama ni Lexine," dugtong ni Ansell.

Napasinghap si Miyu, "Oh my God, she's a Nephilim?"

Tumungo si Ansell, "Yes. Kaya maraming kalaban ang tumutugis kay Lexine. Namatay siya sa digmaan ng mga anghel at demonyo."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa tatlo. Napaisip ng husto si Miyu, kung totoo ang lahat ng kanyang narinig mas tumitibay tuloy ang mga hyphotesis niya. Subalit, kailangan niyang makasigurado.

"Ano'ng gusto mong gawin natin?" tanong niya kay Sammie.

Napatingin si Sammie kay Ansell, bumuntonghininga saka muling hinarap ang kaibigan, "Pakiramdam ko nakikipag-ugnayan sa akin si Lexine kaya nakikita ko ang lahat ng ito. I don't know pero feeling ko may gusto siyang sabihin kaya hindi pa natatahimik ang kaluluwa niya. Gusto ko siyang makausap Miyu, matutulungan mo ba ako?"

Something inside Miyu fired up like a fireworks ready to explode. Syempre, she loves the challenge. Ito na ang hinihintay niyang mga kaabang-abang na kaganapan. Most especially, magagamit niya ang mga pinag-aralang mahika.

Taas noong humarap siya sa dalawa, "Of course, I can do that."

Napangiti sa labis na tuwa si Sammie, "Thank you Miyu."

"But… we might need a help," anito at tumingin sa mga kasama, "Tara, come with me."

Sabay-sabay na umalis ang tatlo. Meanwhile, sa isang sulok nagtatago sa dilim si Elijah. Sinundan niya si Miyu upang ibalik sana ang naiwan nitong hand bag pero hindi niya sinasadya na marinig ang pag-uusap ng mga ito. Kung tama ang sinabi ni Sammie na nakikipag-ugnayan sa kanya si Lexine, kailangan niyang masaksihan ang lahat.

Baka makatulong iyon upang mapigilan niya si Night. Tahimik niyang sinundan ang tatlo.


創作者的想法
AnjGee AnjGee

Hey cupcake family! Happy weekends, here’s another exciting updates for you guys! Pls don’t forget to vote with your powerstones! :) I’m so excited to release these chapters! Hehehehe so enjooooooy!

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

IG/Twitter: anjgeee_

DISCORD: https://discord.gg/sz7rHfN

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C165
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄