下載應用程式
67.07% Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 55: Chapter 55

章節 55: Chapter 55

"Hindi mo maiaalis ang sibat na 'yan dahil punong-puno iyan ng dasal at orasyon laban sa mga masasamang nilalang na tulad mo." Wika ni Milo.

Muling dumagundong ang sigaw ng nilalang at galit na galit itong nakatitig lang kay Milo. Hindi ito nakakapagsalita ngunit basi sa reaksiyon nito ay nakakaintindi ito ng salita ng mga tao.

"Milo, Kailangan kita rito, malubha ang tama ni Simon." Sigaw ni Maya. Matapos tapunan ng makahulugang tingjn ang nilalang ay dali-dali na siyang tumungo sa kinaoroonan ni Simon.

May malaking sugat ito sa bandang tiyan at mariing iyong pinipigilan ni Maya. Napakunot naman noo ni Milo dahil hindi niya lubos akalain na mapipinsala ng ganoon kalala si Simon.

"Patawad, dahil sa akin kaya malbhang nasugatan si Simon." Naiiyak na wika ni Liway. Maging ito ay may mga galos din sa katawan ngunit hindi naman ito ganoon kalubha.

"Wala kang kasalanan at huwag kang mag-alala, kayang pagalingin ni Milo si Simon." saad naman ni Maya. Napatingin naman ito kay Milo at tumango lang si Milo.

Tulad ng dati ay muli niyang tinawag ang kaniyang gabay, isang maliit na nilalang ang lumitaw sa kaniyang balikat bago niya tuluyang ipinatong ang kaniyang kamay sa lupa bago humiling doon ng halamang-gamot.

Matapos makuha ang gamot na kailangan niya at maingat niya itong dinikdik, kaagapay niya ang maliit na nilalang, isa iyong maliit na nilalang na ang wangis ay maihahalintulad mo sa isang napakagandang diwata. Mahaba ang buhok nitong kulay berde na nagliliwanag, mayroon itong mga maliliit na baging na nakapulupot sa magkabilang braso nito. Wala itong pakpak na kaya sa mga lambana ngunit lumulutang ito sa hangin na animo'y lumilipad.

Habang nagdidikdik si Milo ay nakapatong naman sa mangkok na gawa sa kahoy ang nilalang at may kung ano itong hinahalo sa halaman habang may tila inuusal ito. Sumasabay ito sa mga usal ni Milo ngunit ang tunog nito ay parang malamyos na sipol na humahalo sa hangin.

Ang preparasyong iyon ay tinapos ni Milo sa pamamagitan ng paghalo ng langis na gawa pa sa niyog na walang mata at hinalo sa samo't-saring halamang-ugat.

"Maya, kailangan ko ng mahabang tela para pang benda sa sugat ni Simon." Wika ni MIlo at mabilis namang humugot si Maya sa kaniyang tagiliran.

"Ayos na ba ito?" tanong ni Maya habang inaabot ang isang mahabang pulang tela. Gamit iyon ng dalaga bilang isang balabal, sakto lamang iyon kaya mabilis na tinanggap ni Milo ang bagay na iyon.

Matapos mailapat sa sugat ni Simon ang dinikdik niyang gamot ay maayos niya itong binendahan. Napabuga naman ng malalim na hininga si Milo ng matapos niyang malapatan ng lunas si Simon. Muli nang bumalik ang kulay sa binata at banayad na ang paghinga nito. Maayos nila itong pinahiga at isa-isa nang pinakawalaan ang mga anggitay na noo'y nakakulong sa isang kulungan na tila ba gawa sa itim na baging na punong-puno ng tinik.

Matapos mapakawalan ang mga bihag na anggitay ay muli nang itinuon ni Milo ang pansin sa dambuhalang nilalang na kaniyang nahuli. Pinakatitigan niya ang mga mata nitong tila ba nagmamakaawang pakawalan siya.

"Hindi kita maaaring pakawalan hangga't wala akong nakikitang pagsisisi mula sayo. Hindi ako isang t*nga para pakawalan ka nang walang dahilan." Saad pa ni Milo, katulong ang munti niyang gabay ay isang dambuhalang baging ang sumibol sa tuyong lupa at pumulupot ito sa katawan ng dambuhalang nilalang.

Napapasigaw at piit na nagpupumiglas ito ngunit wala na itong nagawa nang tuluyan nang napuluputan ang buo niyang katawan.

Nang masigurong hindi na ito makakawala ay dali-dali naman niyang hinugot ang sibat sa kamay ng nilalang. Isang malakas na ungol ang pinakawalan ng nilalang.

"Dito muna tayo magpapahinga hanggang sa tuluyan nang gumaling ang sugat ni Simon. Malalim ang sugat niya at aabutin ng isang buong gabi ang paghihilom nito." Saad ni Milo at nilapitan naman si Maya. Tahimik niyang kinuha ang braso ng dalaga at nilapatan iyong ng paunang lunas. Maging si Liway ay ginamot na rin niya, sa pagkakataong iyon ay maging si Gustavo ay naupo na rin sa lilim ng isang puno.

"Pansamantalang magiging ligtas ang lugar na ito para sa atin, kasabay ng mga baging ang isang sabulag na magpoprotekta sa lupang kinaroroonan natin." Wika ni Milo at napasalampak siya sa lupa. Tuloy-tuloy na dumausdos ang kaniyang katawan sa lupa at ilang sandali lamang ay nakatulog na ito.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Gustavo at napailing naman ang lalaki.

"Sa sobrang pagod ay nakatulog na si Milo." wika pa ni Gustavo, maging si Maya ay napapailing na lang din.

Halos gabi na nang muling magising si Milo. Napabalikwas pa siya mula sa pagkakahiga at mabilis na inilibot ang paningin sa paligid. Doon ay nakita niya ang kaniyang mga kasamang, maayos na nagpapahinga. Ang dambuhalang nilalang naman ay nakatitig lang sa kaniya, hindi na ito nag-iingay at tahimik na lamang itong nakatitig sa kaniya.

"Ano ang nagtulak sa 'yong maging masama? Batid kong hindi ito ang nakagisnan mong buhay. Narinig ko sa aking gabay na isa kang tagabantay ng kagubatang ito, orihinal na hindi ganito ang iyong pisikal na anyo, mula ka sa lahi ng mga amomongo, subalit, ano ba ang dahilan ng iyong pagbabago?" Tanong ni Milo, nakatitig siya sa mata ng nilalang at naramdaman niya angpangungusap nito.

Naramdaman niyang nais nitong magsalita ngunit para bang hindi nito magawa. Doon napagtanto ni Milo na nasa ilalim ng isang sumpa ang nilalang. Ang anyo nito ay resulta ng sumpa pang mawaksi ang tunay nitong pagkakakilanlan.

Marahan niyang nilapitan ang nilalang at pagkuwa'y idinampi niya ang kaniyang kamay sa kamay ng nilalang. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at pinalakbay ang kaniyang kamalayan sa alaala ng nilalang.

Doon niya nakita ang kaawa-awang kapalaran ng nilalang sa kamay ng isa pang nilalang na hindi niya maaninag ang pagmumukha. Kitang-kita niya ang ginawang pagpaslang ng nakakatakot na nilalang sa mga kauri ng nahuli niyang nilalang.

Halos humihingal si Milo nang makabitaw na siya sa kamay ng nilalang. Hindi niya lubos maisip na ang nilalang na iyon ay binulag ng sarili nitong galit. Hindi ito likas na masama, sadyang lahat lang ng makikita nito ay itinuturing nitong kalaban dahil na din sa kalunos-lunos na pagkasawi ng buo nitong angkan.

Walang paglagyan ang emosyong nangingibabaw sa puso ni Milo. Awa, inis at galit ang paulit-ulit na tila along humahampas sa buo niyang pagkatao.Pakiramdam niya'y nilamon ng nilalang ang kaniyang dibdib at napuno ng kalungkutan ang buo niyang pagkatao. Bukod pala sa mga anggitay ay tahanan din ng mga amomongo ang gubat na iyon, subalit nauna nang naglaho ang uri nito sa kagagawan ng misteryoso nilang kalaban.

Sino ba ang nakakatakot na nilalang na iyon? Bakit malabo at kahit anong gawin niyang pag-aninag sa katauhan nito ay lalo lang itong lumalabo.

"Patawad kung ngayon lang kami, kung mas maaga sana kaming dumating ay hindi mangyayari ito." tanging nasabi ni Milo, kahit pa alam niyang imposible ang kaniyang sinabi. Hindi niya alam kung ilang taon na ang nakalilipas nang mangyari ang paglipol sa angkan ng mga amomongo, marahil ay mga bata pa sila noon at wala pang kamuwang-muwang sa mundo.

Ngunit dahil sa matinding emosyong lumalamon sa kaniya ay nasabi niya iyon sa pagbabaka-sakaling maibsan nito ang dinaramdam ng nilalang.

Umungol ang nilalang na tila ba naiintindihan nito ang nais ipahiwatig ni Milo. Walang pagdadalawang-isip na gumawa ng isang ritwal si Milo, sa ilalim ngpagtuturo ng diwata ng buwan ay nagsagawa siya ng ritwal na siyang babasag sa sumpang ipinataw sa nilalang.

Lumipas ang maraming oras ay nanatiling nag-uusal si Milo, nakapikit naman ang nilalang na iyon habang nagliliwanag ang kabuuang katawan nito.

Hatinggabi nang magising sis Maya at nasa ganoong sitwasyon si Milo nang makamulatan niya ito. Kunot-noong tinitigan nila si Milo ngunit hindi na siya nagtangka pang istorbohin ito sa ginagawa. Mamaya na lamang niyang tatanungin si Milo kung ano ang pinaplano nito, sa pagkakatanda niya kasi ay napakalaki ng nilalang na iyon nang huli niyang makita ngunit sa pagkakataong iyon ay tila lumiit ito nang ilang beses kumpara sa kanina.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C55
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄