下載應用程式
91.66% Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 55: Sudden

章節 55: Sudden

Damien

Napansin ko ang sabay sabay na paglabas nina Ate Caelyn,Baby Abdiel na nakahawak sa kamay ng mama niya,Kuya Gerwyn at ng mag-asawang Pangilinan.

"Mauna na kami, mag iingat kayo"sambit ni tita sa amin at nakangiting tumango ako.

"Hindi ba tayo sasabay sa kanila?"takang tanong ni Caelian. Sinundan pa ng tingin ang pag-alis ng pamilya niya saka siya tumingin sa akin.

"Hindi. Dahil pupunta tayong Zambales."nakangiting balita ko at nanlaki ang mata niya.

"Pinayagan tayo ni papa?"gulat na gulat na tanong niya.

Naalala ko tuloy ang usapan namin ni tito kahapon.

"Tito, gusto ko po sanang magpaalam kung pwede ko pong dalhin ang anak niyo sa Zambales. S-Second anniversarry na po kasi namin kaya gusto ko i-celebrate namin doon"kinakabahan na pagpapaalam ko.

"Anong gagawin niyo doon? Anong klaseng selebrasyon ang gagawin niyo?"tanong niya at nagulat naman ako. Wala naman akong plinaplanong masama pero kinakabahan ako sa pagkakatanong niya.

"M-Maliligo po sa dagat at saka--"hindi ko na tuloy dahil nagsalita ulit siya.

"Pwede naman maligo ang anak ko sa banyo"sambit niya at napalunok ako.

Natahimik kami sandali at nawalan na ako ng pag-asa, mukhang susurpresahin ko na naman si Caelian sa bahay.

"Papayagan ko kayong pumunta sa Zambales pero sa isang kundisyon"seryosong usal niya sa akin. Napangiti tuloy ako. Ito ang kauna unahang pagkakataon na makakalabas kami ni Caelian!

"Ano po iyon, tito?"

"Alam kong mahal mo ang anak ko...nakikita ko iyon sayo...pero hindi ako sigurado kung hindi mo siya sasaktan...kaya gusto kong ipangako mo sa akin na hindi mo siya sasaktan, nagkakaintindihan ba tayo?"mahabang sambit niya at namangha ako, mahal na mahal niya talaga si Caelian.

"Opo, tito. Pangako po."sagot ko sa kanya.

"At may isa pa pala akong kondisyon"sambit niya at nagulat ako. Meron pa?

"Ano pa po ang isa niyong kundisyon?"

"Huwag na huwag mong gagalawin ang anak ko hanggat hindi kayo kasal"sambit niya habang nanliliit ang mata na nakatingin sa akin.

"Damien! Pinayagan ba tayo ni papa?"pag uulit niya sa tanong niya. Napaubo ubo ako sa naalala kong usapan namin. 'Wala bang tiwala si tito sa akin?' Bulong ko sa isip ko.

"Oo, pinayagan niya tayo"nakangiting sagot ko.

Nakarating kami sa Zambales ng mga alas tres ng hapon, Napakaganda ng bughaw at mahinahon na dagat.Nakita kong nakapikit si Caelian habang dinadama ang hangin na dumadampi sa kanya, halata na na-miss niya na pumuntang dagat. Nakaputi siyang Off shoulder at maong na short habang ako naman ay naka blue na polo at may puting t-shirt sa loob at nakaputi rin akong khaki short.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Naramdaman ko naman na pinatong niya ang dalawang kamay niya sa kamay ko. Tahimik lang namin pinagmasdan ang dagat sa harap namin.

"Happy Anniversarry"mahinang bati ko sa kanya. Gamit isang kamay niya ay hinawakan niya ang ulo ko at pinagdikit niya ang pisngi namin.

"Happy Second Anniversarry"bati niya rin sa akin.

Tinanggal ko ang isang kamay ko sa bewang niya at saka kinuha sa bulsa ko ang regalo ko sa kanya, at nang mahawak ko ang dulo ay pinahulog ko iyon sa harap niya.

"Its a Sterling Ocean Wave Necklace.. is it beautiful?"tanong ko at tumango naman siya. Sabay namin pinagmasdan ang isang kuwintas na pabilog ang hugis habang may nakaukit na alon sa gitna at sa loob ng alon ay may puting buhangin.

Inilagay ko ang kuwintas sa leeg niya at inangat ang buhok niya pagkatapos. Hinawakan ko ang balikat niya at pinaharap siya sa akin. Napangiti ako nang makita ko na bagay na bagay sa kanya.

"Napansin ko kasi na ang laki ng parte ng isla sa kuwento nating dalawa kaya iniregalo ko iyan sayo"nakangiting sambit ko sa kanya at hinawakan ko ang kuwintas saka tumingin sa mga mata niya"Kaya sana sa tuwing titingnan mo ang kuwintas na 'to, ako ang maalala mo"niyakap niya ako sa bewang at niyakap ko rin siya gamit ang isang kamay ko habang isang kamay nakalagay sa ulo niya.

"Let's swim?"untag niya sa akin na parang bata na nakatingala. Cute.

Tumakbo si Caelian palayo sa akin kaya naman hinabol ko siya. Pagkadating sa dagat ay nagbasaan kami habang tumatawa pagkatapos naisipan na rin namin maligo. Takot si Caelian sa dagat dahil hindi siya marunong lumangoy kaya naman inalalayan ko siya at nang malalim na ay pumunta siya sa likod ko at doon sumabit. Tinatakot ko siya na ihuhulog ko siya kaya naman hinahampas niya ako.

Pabagsak na napahiga kami sa puting buhangin, nanatili na nakatingin si Caelian sa ulap habang ako ay tumagilid at ginawa kong pangtungkod ang siko ko saka pinatong ang ulo ko doon, pinagmasdan ko ang natural na ganda ni Caelian. Wala man siyang powder o lipstick ngayon, maganda pa rin siya sa mga mata ko.

Nagtagpo ang mga mata namin at nakita kong kumislap ang mga mata niya. Iniangat niya ang kanang kamay niya at marahan na hinawakan ang pisngi ko.

"I love you, Damien"mapagmahal na sabi niya sa akin.

"I love you too much, Caelian"sagot ko sa kanya.

Mula sa pisngi ko ay inilagay niya ang kamay niya sa batok ko pagkatapos iningat niya ang katawan niya at pinagdikit ang mga labi namin. Napapikit ako at dinama ang halik namin.

Nakahiga na kami ngayon sa kama dahil sa nakakapagod pero masayang araw, paurong ng paurong ako kay Caelian at humiga sa taas ng kaliwang dibdib niya.

"Bakit?"tanong ni Caelian sa akin.

"P-Pangarap ko lang dati na sabay tumibok ang puso natin... pero ngayon, sabay na silang tumitibok. Totoo nga, Caelian ang sinabi mo na kapag mahal ng dalawang tao ang isat isa, titibok ng sabay ang puso nila"sambit ko habang inaalala ang nakaraan.

"Sa tingin ko, sa oras na iyon ay sabay ng tumitibok ang puso nating dalawa.. hindi ko lang alam o ayaw ko lang tanggapin"sambit niya sa akin.

Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya.

"Mahal mo na ako?"tanong ko sa kanya at napatawa siya.

"Opo, mahal na mahal"sagot niya sa akin at napangiti ako.

Umayos na ako ng higa at siya naman ay hinigaan ang kanang braso ko saka niya ako niyakap at gamit rin ang kaliwang kamay ko ay niyakap ko rin siya. Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap mo ang taong mahal mo.

Kinaumagahan ay unti unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang natutulog na si Caelian, napangiti ako ng makita ang binti niya na nakadantay sa akin. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya pagkatapos non ay tinitigan ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig, hinayaan ko lang siyang kusang magising.

"G-Good morning"naaantok na bati niya at dumikit pa lalo sa akin saka niyakap ako. Napaka clingy naman pala nito kapag umaga.

"Ang sarap siguro kung ikaw ang unang makikita ko sa umaga, no?"nakangiti na anya ko at niyakap siya pabalik.

Ilang sandali ay napagpasyahan na rin namin na tumayo at magbihis, pupunta kami sa isang restaurant para kumain ng almusal.

"Love, pwede bang mauna ka munang lumabas?"sambit ko sa kanya at tumango naman siya. Nakasuot siya ngayon ng yellow na summer dress habang ako ay naka shirt at denim short.

"Okay, hihintayin na lang kita sa labas"sagot niya at lumabas.

Patakbo na pumunta ako sa banyo at agad na sumuka, ang sakit ng lalamunan ko at nakakadiri rin sa pakiramdam, nang pagkatapos ay nagmugmog ako at nag tooth brush, napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at kitang ko ang sarili ko na hinang hina. Kanina ko pa nararamdaman na nasusuka ako subalit pinipigilan ko lang dahil nandiyan si Caelian, ayaw kong mag-alala siya sa akin.

Akala ko tapos na ngunit napasandal ako sa pintuan ng banyo ng maramdaman ko ang pananakit ng dalawang mata ko. Napakasakit, nanunuot ang sakit at kirot nito. Hawak hawak ko ang dalawang mata ko na para bang matatanggal non ang sakit.

"Damien?"narinig kong tawag sa akin ni Caelian. Kinagat ko ang labi ko para hindi niya marinig na nasasaktan ako.

"W-Wait lang, love. Hindi pa ako tapos m-magbanyo"pilit na pinapaayos ang boses na sagot ko. Sana hindi niya ako mahalata.

Nanatili pa ako sa banyo ng ilang minuto at napahinga ng maluwag ng tumigil na sa pananakit ang mga mata ko. Lumabas na ako at nakita kong nasa loob na ulit si Caelian.

"Gusto mo bang uminom ng gamot?"tanong niya sa akin, halata ang pag-alala niya.

"No. Ayos lang ako."sagot ko sa kanya.

Pumunta na kami sa isang restaurant at abala ang isip ko sa pag iisip kung anong nangyayari sa akin. 'Bakit ako nagsuka? Bakit sumakit ang mga mata ko?' Ilan lamang iyan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Naramdaman ko ang pagtitig ni Caelian sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Damien, nakikita mo ba iyon?"turo ni Caelian sa isang ibon sa himpapawid. Kinuha ko ang DSLR na nakasabit sa leeg ko at kinuhanan iyon ng litrato.

Nakatambay kami sa ilalim ng niyog at nakatayo kami ngayon habang pinagmamasdan ang dagat at mga turista.Ito ang eksaktong lugar kung saan ko siya naabutan noon na nagsusulat at palihim na kinuhanan siya ng litrato.

"Oo, basta maganda makikita ng mga mata ko"nakangiting sagot ko at lumingon siya sa akin.

"Kaya pala nakita mo ako?"untag niya at sabay kaming natawa pareho.

Inilapit ko siya sa akin at inamoy ang buhok niya.

"Ang bango mo, love"papuri ko sa kanya.

"Pwedeng picture-an mo ako?"nakatingalang tanong niya sa akin at tumango ako.

Lumayo na siya sa akin at saka nag-side pose habang nakalagay ang kamay sa gilid ng bewang niya at nakatingin sa langit.

"Nice pose, love"usal ko at kinuha na ang DSLR ko saka tumingin sa view finder at pinindot ang shutter button.

"One more..."sambit ko na nakatingin pa rin sa viewfinder at nagbago ulit si Caelian ng pose, nakaharap naman siya sa akin ngayon.

Pipindutin ko na sana ulit ang shutter button pero napansin ko ang panlalabo ng mga mata ko. Dahan dahan kong nabitawan ang DSLR ko at napahawak sa ulo ko. Pumipikit pikit ako para bumalik ulit sa dati ang paningin ko ngunit mas lalo lang lumabo, tumingin ako kay Caelian at kung kanina ay malabo lang, ngayon ay hindi ko na siya makita ng maayos.

Lumabo ng lumabo ang paningin ko at kasunod non ay pagdilim ng paligid. Hindi ko makita si Caelian. Hindi ko makita ang dagat. Hindi ko makita ang mga turista. Tanging naririnig ko lang ay ang mga boses nila ngunit..hindi ko sila makita.

Naramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko at naging mabilis din ang paghinga ko, aaminin ko na natatakot ako...sobrang natatakot ako.

"Love, are you okay?"nag-aalalang boses ni Caelian. Nararamdaman ko na nasa malapit lang siya sa akin.

Mayamaya pa ay naaninag ko si Caelian, malabo muna sa una at ilang sandali ay naging malinaw na muli ang mga mata ko. Dapat ngayon ay makakahinga na ako ng maluwag subalit mas lalo lang ako kinabahan at natakot.

Nanginginig kong hinawakan sa balikat si Caelian.

"Bakit dumilim ang paligid kanina? Bakit hindi ako makakita?! Bakit hindi kita nakita kanina?!"sunod sunod na tanong ko sa kanya, malakas ang tono na tanong ko sa kanya at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"D-Damien, a-ano bang sinasabi mo?"nauutal na tanong niya at doon ko lang napansin na mahigpit ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Parang napaso ang kamay ko at lumayo ako sa kanya.

"H-Hindi kita nakita... hindi ako makakita"huling mahinang sambit ko kay Caelian habang patuloy sa pagbuhos ang luha ko. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko at muling pagdilim ng paligid ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C55
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄