下載應用程式
18.18% HELL.O / Chapter 2: Chapter 2

章節 2: Chapter 2

Chapter Two

Alas 6:00 a.m. na ng umaga. Napagising si Joeceline sa kanyang kama dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa glass windows ng bedroom nito. Napatayo ito, lumakad papalapit sa bintana at nanalangin, 'Salamat Panginoon sa pagbigay po sa akin ng bagong araw. Amen.' Panalangin ng dilag. Napagising na din si Yuri, na katabi lang pala ni Joeceline sa kama. Nakita agad ni binatang Hapon ang nobya na napakaganda, morena at may maalindog na katawan. 'Gising na si Penelope Cruz ng buhay ko.' Sabi ni Yuri sa sarili sabay ngiti. Lumakad ito papalapit sa nobya mula sa kama papunta sa bintana at niyakap ang kasintahan. "Good morning my love." Sabi ni Yuri sabay halik sa pisngi ng nobya. "Good morning too my love." Sagot ni Joeceline sa nobyo at hinalikan din ito sa pisngi. Napakatamis ng kanilang pagsasama at masasabi mong si Joeceline ay isang matamis na mocha coffee at si Yuri ay isang white at tender cream. "Tingnan mo my love. Ang sinag ng araw. Napakaganda..." sabi ni Joeceline sa kasintahan sabay turo sa araw. Ngumiti lang si Yuri at hinalikan ulit ang pisngi ng girlfriend pati ang leeg nito. "Para sa akin, ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw, wala ng iba... kundi ikaw..." sagot ni Yuri. Kinilig si Joeceline sa sinabi ng nobyo. "Mang-bola ka pa, ang aga pa! Tara na sa kusina, mag-almusal na tayo. Tara!" sabi ng dilag. Lalakad na sana itong si Joeceline ngunit hinila ni Yuri ang braso ng nobya pabalik sa kanya, at niyakap ulit ang dalaga. "Mamaya na Joecel, higa muna tayo sa kama... sige na..." sabi ng Hapon sa Pinay na nobya na, na para bang inaakit nito na makipagtalik. Napangiti lang itong si Joeceline at sinagot ang nobyo ng, "Ano? Sa tingin mo, maakit mo ko sa ganyan?" sabi nito sabay ngiti kay Yuri, "pakasalan mo muna ako at diyan mo makakamtan ang iyong kayamanan... sa 'hiligdaan'..." Dugtong pa ng dalaga sabay ngiti at halik sa bibig ng kasintahan. Napangiti lang si Yuri dahil sa sinabi ng nobya na 'hiligdaan' na ang ibig sabihin ay kama o banig na mahihigaan. "Mauna na 'ko sa'yo sa kusina, magluluto pa 'ko ng agahan natin. Sunod ka ha! 'Wag mo kong paantayin sa baba." Sabi pa ni Joecel sa binata. Lumakad na si Joeceline palabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Naiwan si Yuri na nakangiti pa rin at napatitig sa wall mirror. Tinitigan nito ang mga litrato nila ni Joeceline na nakadikit sa salamin, ang papel na nakadikit sa nasabing mirror na may nakasulat na 'No Sex Policy' at naalala ng binata ang nakaraan kung papaano sila naging magkasintahan ni Joeceline...

Limang taon ng mag-lovers ang half Japanese-half Filipino na si Yuri at Filipina na si Joeceline. Apat na taon ang nakalipas, nagkakilala sina Joeceline at Yuri sa police station ng kanilang bayan na Luzviminda. Naninigarilyo pa noon si Yuri at nakaupo sa sofa na para bang wala lang problema. Kasama ng diputadong Hapon ang mga kasama nitong mga deputies na naninigarilyo lang din at umiinom ng kape. Habang ang kanilang naka-sunglass palagi na sheriff na si chief officer Von Tingson ay natutulog lang sa upuan nito kahit alas 8:30 na ng umaga. Nang biglang bumukas ang pintuan ng police station at pumasok sa nasabing istasiyon si Joeceline kasama ang isang nabugbog na dalaga. Agad namang itinapon ng mga pulis sa basurahan at itinago sa kanilang mga bulsa ang mga sigarilyo nila at napagising din agad ang natutulog na sheriff. "Sheriff Tingson, good morning, andito po ako ulit dahil may nabugbog na namang dilag dahil sa lasing niyang asawa at ito po siya... siya si Lenni Romualdez." Sabi ni Joeceline sa sheriff. "Hello po." Sabi ng nabugbog na dalaga na si Lenni. Napatitig ang mga pulis sa nasaktang dilag at nakita nila na puro nga itong pasa sa katawan, sugat sa mukha, at isang halos malaglag na ngipin. Ngunit nagkaroon ng limang segundo at nagtinginan ang mga pulis... at napatawa bigla ang mga diputado at ang sheriff! Nagalit si Joeceline dahil alam niyang napatawa ang chief officer at ang mga deputies ay dahil sa mukha ni Lenni na mukhang payasong nabugbog ng mga gangster. "I'm sorry Joecel, ano nga ulit ang pangalan niya? Lenni?" tanong ng natatawang si sheriff Von. Napaiyak si Lenni dahil tinatawanan lang siya ng mga pulis na dapat ay tinutulungan siya nito. Naiinis na si Joeceline dahil parang mali yata ang napuntahan nitong istasyion para tulungan ang nabugbog na si Lenni. "Sige sheriff. Aalis na lamang kami. Sleeping-sleeping ka na lang diyan sa upuan niyo ulit at kayong mga pulis kayo ipagpatuloy niyo lang 'yang paghithit nito ng sigarilyo..." sabi ni Joecel, at napatigil lahat sa pagtawa, lalong lalo na si Yuri, "Ito! Marlboro! Sigarilyo ng asawa ng babaeng kasama ko! Langhapin niyo pa baka type niyo! Mga buwiset kayo!" Sabi ni Joeceline, sabay na itinapon sa sahig ang nasabing brand ng sigarilyo at lumabas ng station kasama si Lenni. Napatulala lahat sa sinabi ng dalaga at napatahimik lahat ng mga pulis. Habang si deputy Yuri ay bumilis ang tibok ng puso nito sa sinabi ni Joecel at parang nadakip ng dilag ang mga mata, ilong at mga tenga ng pulis na Hapon. Napatakbo palabas ng police station si Yuri at hinabol niya si Joeceline.

"Wait!!" sigaw ni Yuri kay Joeceline sabay takbo papalapit sa dilag at kay Lenni, "Let me help you." Sabi ni Yuri kay Joecel. Nagalit ang morenang pinay. "Ako? I-he-help mo ako? Itong babaeng kasama ko ang tulungan mo hindi ako!" sagot ng galit na si Joeceline. Tinulungan agad ni Yuri si Lenni at ipinasok sa deputy car nito. Pumasok bigla si Joecel sa loob din ng nasabing sasakyan sa tabi ni Lenni sa may backseat. Nagulat si Yuri. Hindi manlang siya kinausap muna o pinasalamatan ni Joeceline sa ginawa nitong pagtulong. Napatayo, napatunganga at napatitig lang ito kay Joeceline. Nang biglang napasigaw si Joecel sa Hapon na pulis. "Ano pang tinatayo-tayo mo?!!? Tara na!!!" sigaw ng dilag. "Ha? Ano? Saan tayo pupunta?" gulat na gulat na tanong ni Yuri. "Sa plaza... buwiset!! Sa ospital!! Nabugbog 'tong kasama ko! Saan pa ba tayo pupunta?! Ha!?" galit na sagot ni Joecel. "Right, sorry." Alert din namang tumakbo papasok at umupo sa driver's seat ng sasakyan nito itong si Yuri at nag-drive papunta sa ospital. Habang bumabiyahe ang deputy car panay ang pagtitig ng Hapones kay Joeceline sa rear mirror ng sasakyan nito. Patuloy lang sa pagpahid ng mga dugo at pawis ni Lenni itong si Joeceline gamit ang face towel. Hindi alam ni Yuri, nakikita siya ng nabugbog na dilag na nakatitig ito kay Joeceline sa nasabing salamin. Napapangiti lang si Lenni at sinabihan nito si Joecel ng patago. "Joecel, nagkaroon ka na ba ng nobyo?" tanong ni Lenni kay Joeceline. Nagulat ang morenang babae sa tanong ni Lenni. "Hindi pa... Teka!-- Ba't- Ano bang-- Sa sitwasiyon mo na ganito! nabugbog ka ng asawa mo, iyan pa ang tanong mo?" gulat at naiiritang tanong ni Joecel. "Para kasing may gusto sa'yo 'tong pulis na nagda-drive ng sasakyan eh..." sagot ni Lenni sabay ngiti. Napatitig din si Joeceline kay Yuri at nakita nga niya na nakatitig si Yuri sa kanya sa may rear mirror. "Hoy, 'wag mo 'kong tingnan, ang tingnan mo ang dinadaanan natin, baka masagasaan tayo." Seryosong pagsabi ng morenang dilag sa maputing Hapon na pulis. Agad namang napatingin ng diretso ang deputy at hindi na sa rear mirror. Gulat na gulat itong pulis dahil mukhang iba si Joeceline sa mga nakilala at naging mga nobya nito noon. "Sabi ko sa'yo eh... type ka ng pulis na 'yan..." sabi ni Lenni kay Joecel. Naiinis na si Joeceline sa sinasabi ng katabi nitong babae. "Gusto mo bang mabugbog ulit?" galit na tanong ni Joecel kay Lenni. Napayuko ang babae sa tanong ni Joecel at alam nitong naiinis na si Joeceline sa mga biro nito. "Joke lang, naman eh... di na biro..." sabi ni Lenni. Napatitig si Joecel sa rear mirror, para malaman ulit kung nakatitig na naman si Yuri sa kanya... Nagulat ang dilag dahil nakatitig na naman itong Hapon na pulis sa kanya mula sa nasabing salamin! At napatitig itong si Yuri ulit ng diretso sa dinadaanan nito at ipinagpatuloy ang pag-drive niya. Huminga lang ng malalim si Joeceline at hindi nito inintindi ang deputy dahil baka lumalandi lang ang pulis sa kanya...

Ginagamot na ng mga nurse at ng isang lalaking dortor si Lenni sa loob ng I.C.U. (Intensive Care Unit). Nasa labas lang sina Joecel at Yuri ng nasabing kuwarto. Panay ang titig ni Yuri kay Joeceline. Hindi naman alam ni Yuri na napapansin at nararamdaman ni Joecel na panay nga ang titig ng pulis sa kanya. Ipinagpatuloy lang ni Joecel ang pagtingin kay Lenni sa loob ng I.C.U mula sa pintuan. Ngunit naiirita na ang nasabing dilag sa kakatitig ng pulis sa kanya. Ginulat bigla ni Joecel si deputy Hanzo, lumakad papalapit sa pulis at sinabihan ng, "Salamat sa tulong, sa paghatid mo kay Lenni dito sa ospital. Puwede ka ng umuwi..." sabi ni Joeceline kay Yuri. Nagulat ang pulis. Pinapauwi na siya ng morenang dilag. "Teka, ba't mo 'ko pinapauwi?" tanong ni Yuri kay Joecel. Sinagot naman siya ng dalaga ng, "Bakit? may gagawin ka pa ba dito? Baka kailangan ka na doon sa station niyo." seryosong sagot ng dilag. Napangiti lang itong deputy at napasabi agad kay Joeceline ng, "Oh, kung tatawagan lang ako ng sheriff namin, puwede na kong bumalik sa station namin." Sagot ng pulis. Napahinga na lang ng malalim si Joecel at hinayaan na lang ang deputy at tiningnan na lamang ulit ang ginagamot na si Lenni. Ngunit itong pulis ay napatitig na naman ulit sa kanya at naiirita na naman si Joeceline. Biglang umusbong ang inis ni Joecel kay Yuri at ginulat ang pulis sa tanong nito na, "Hindi ka ba titigil?" tanong ng dilag. Nabigla ang deputy sa tanong ng babae. "Ha? Titigil sa?" tanong din ng pulis. "Sa kakatitig sa akin." Sagot naman agad ni Joeceline. Nagulat si deputy Hanzo. Alam ng dilag na nakatitig siya sa kanya. "Pa'no mo nalaman?" tanong ni Yuri. Napangiti ang babae at sumagot lang ng, "Vibrations... feelings... ambiance... atmosphere..." seryosong sagot ng babae. Napangiti si Yuri sa sagot ni Joecel. Kinilig ang pulis sa sagot ng babae. "You know, you're cute..." sabi ng napapangiti lang na Hapon. Nagulat ang dalagita sa sinabi ng pulis. "Puwede bang manligaw? As in... right now?" tanong ulit ni Hanzo. Nagulat lalo ang babae sa tanong ng lalaki. Napatitig ito sa pulis ng masakit. "Wow... you're so... thick..." sagot ni Vargo. "Thick?" tanong bigla ni Yuri sa dilag. "Ang... kapal mo..." sagot ni Joeceline. Napangiti lang lalo si Yuri, at sinagot ang babae ng, "Sorry, it's just that... I'm so blessed... na... meron pa palang babaeng katulad mo..." sabi ng pulis sabay titig kay Joeceline mula paa hanggang sa mukha nito. Nagalit si Joecel sa titig ng pulis na para bang lumalandi itong lalaki sa kanya. "Hoy! 'wag kang bastos! Nasa ospital tayo!" sabi bigla ni Joeceline. Nagulat ang pulis sa sinabi ng dalaga. "Kung sa tingin mo, maaakit mo 'ko sa kapugian mo, nagkakamali ka! Bakit? Maganda ba ko? Sexy ba ko? Ganon?! Manliligaw ka na agad?! Ano? hihingi ka ng cellphone number ko?! Angas mo din ano?!" sabi ni Joecel sa deputy. Sumimangot bigla ang mukha ng pulis. "Kung gusto mong mahalin ang babae, love her heart, not her face and body!" dugtong pa ng dilag. Nagkaroon agad ng limang segundong katahimikan. Hindi na kumikibo at nalungkot bigla si deputy Hanzo. "I'm sorry..." sabi ni deputy Yuri. "I was rude. I was harsh... I thought, you are the perfect girl for me... hindi pala... Did I tell you that you are beautiful and sexy? Phisically? I guess I didn't..." dugtong ng pulis. Nagulat si Joeceline. Seryoso ang mukha ng pulis at parang totoo ito sa kanyang sinasabi. "Hindi ko naman sinabi sa'yo na napakaganda mo at maalindog ang katawan mo. Sa katunayan nga, hindi ko naman type ang mga morenang katulad mo..." dugtong pa ng lalaki. Napabilis ang tibok ng puso ni Joecel. "Sa totoo lang... nadakip mo lang naman ako dahil sa pagiging kind and helpful mo sa mga tao kaya napatulong agad ako sayo, at sa babaeng nasa loob ng I.C.U...." sabi pa ng pulis. 'Joecel, ang bilis ng tibok ng puso mo... anong nangyayari sa'yo?' sabi ni Joeceline sa sarili nito. "I thought you were different from my previous girlfriends... They only love my physical appeal and the high currency of my money... instead of my mental and spiritual capability... I guess I was wrong... Seems like you were the same to them..." malungkot na pag-sabi ng pulis sa babae. "Sige, alis na 'ko... bye..." dugtong ng pulis sabay tumalikod at umiwan ng fake smile sa dalaga. Nang magsimula ng tumalikod at lumakad papalayo si Yuri, itong dilag na panay ang tibok ng puso na si Joeceline ay napasigaw bigla sa Hapon na pulis. "Wait!!" sigaw ng babae. Napatigil din agad si Yuri sa paglakad at hinarap ulit ang dilag. Tumakbo si Joeceline sa pulis at tumayo sa harap ni deputy Hanzo. Nagugulat si Yuri kung ano ang gagawin ng babae sa kanya dahil panay lang ang titig nito sa kanya habang nakatayo sa harap nito. "Yes?" tanong ni Yuri sa kay Joecel. Napatanong bigla si Joeceline sa pulis. "Can I borrow your phone?" tanong din ng dilag. Nagulat si deputy Hanzo. Bakit hihiramin ng dalaga ang cellphone nito. Ngunit dahil sa tiwala at sa pananalig sa dalaga, kinuha niya agad ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa, at napasabi itong si deputy Hanzo ng, "Yeah! Sure! Here..." sabay na ibinigay ito kay Joeceline ang cellphone. Inilagay ni Joeceline ang cellphone number nito sa mobile phone ng pulis! Kinuha at inilagay rin ng babae ang mobile number ng deputy sa sariling cellphone nito!... Panay lang ang titig ni Yuri sa dilag, at umaarte na parang hindi nakatingin, dahil alam nito kung ano ang ginagawa ng dalagita. Isinuli ulit ni Joeceline ang cellphone sa nasabing pulis. Nakita agad ng deputy ang cellphone number ng dalaga sa touchscreen mobile phone nito at nakalagay pa ang pangalan ng babae. Binasa niya ito 'Joeceline' mula sa kanyang isip at damdamin. Bumilis ang tibok ng puso ni deputy Hanzo. Tinitigan ni Yuri si Joecel. Nakatingin naman ang babae sa lalaki. Ginulat agad ng dalaga ang binata ng ngumiti ito bigla sa kanya ng sobrang tamis!, at napasabi ng, "See you later..." at bumalik si Joecel sa I.C.U.. Napatunganga at napatayo lang si Yuri at tinitigan ang dalaga habang lumalakad pabalik sa Intensive Care Unit. Pumasok si Joeceline sa loob ng I.C.U. at umiwan ng true smile sa binata. Napangiti lang din itong si deputy Hanzo at lumakad papunta sa elevator. Nang siya ay nasa harap na ng elevator, pinindot ang 'open botton', hinintay na numukas ang pinto, ngunit ginulat bigla itong deputy nang tumunog ang cellphone nito at agad naman niya itong kinuha mula sa kanyang bulsa dahil baka si sheriff Von ang napa-text. Ngunit ginulat siya ng makita ang pangalan ng nag-text sa kanya. Ang babaeng humiram ng cellphone niya at kumuha ng phone number nito ang nag-text sa kanya!... si Joeceline!. Bumilis ang tibok ng puso ng pulis. Ano kaya ang text ng dilagita sa kanya? Binasa niya agad ang message ng nasabing babae, at ang sabi ng mensahe ay,... 'Sorry, I was rude. I was harsh... Maybe I was just a bit busy, and stressful... I also thought you were the same as my previous boyfriend... he only love my face and body... he always ask me if we can have sex already... I guess I was wrong... you're different... your genuine and good... your handsome yet nice... Can I ask you a question? Are you single? puwede bang manligaw?... as in... right now?" Nanlaki ang mga mata at tumibok lalo ang puso ng pulis sa gulat dahil sa text ng dilag. Mabibitawan nito sana ang hawak na cellphone dahil sa nginig sa saya at gulat. Manliligaw ang babae sa kanya! Napa-text agad ang pulis kay Joeceline ng,... "Of course! I'm free! I'm super single!" ipinasa nito ang message sa dilag. Ngumingiti lang ang deputy dahil sa kasiyahan. Ilang segundo lang, nag-reply agad ang babae... Binasa bigla ng lalaki ang text ng dalaga. "Can I be your girlfriend?" Nang mabasa nito ang text, nanlaki lalo ang mga mata ng diputado, nanginig ng sobra at nabitawan na niya ang hawak na cellphone! Agad niya itong pinulot at inayos dahil baka nasira dahil bumagsak ang cellphone nito sa sahig! Napa-reply agad si Yuri kay Joeceline ng, "Yeah! certainly! I can be your boyfriend!" ipinasa nito ang mensahe sa dilag ng ngumingiti. Ilang segundo lang napa-text-back ang dalaga sa kanya. "Good! Thank you... now that you are my boyfriend..." Putol ang text ng babae at hinintay na lang ng binata ang kadugtong na linya ng teksto. Napangiti lang si Yuri sa text ng dilag. Ilang sgundo lang napa-text ulit ang dalagita. Binasa ng pulis ang kadugtong na linya ng text ng babae at ang sabi ng mensahe ay, "Deputy?... there's something I'm only going to tell you, and it's a rule and hopefully you will follow that verdict..." sabi ng text ni Joeceline. Nagulat ulit itong binata. Ano kaya ang doktrina ang ihahayag ng dilag sa kanya. Pinasahan agad ng pulis si Joeceline ng text na, "Sure! anything! Tell me! What is it?" Ilang segundo lang, napa-reply agad si Joeceline ng, "It's a famous doctrine about G.F.'s and B.F's... isang sikat na linya na sana ay sinusunod ng mga magkasintahan... Are you aware of the phrase, 'NO SEX POLICY'?" sabi ng text ni Joecel. Nagulat man sa text ay sinagot ng pulis ang tanong ng babae ng, "Yes of course, I know that phrase. Why?" sabi ng text ng binata sabay send sa dalaga. Limang segundo lang ang lumipas, napa-respond si Joeceline through text ng, "Because deputy, I'm hoping that when we became lovers... please don't force me to make love with you because I know it's obviously a sin, and I am praying to God that you will be the perfect guy for me..." Napangiti ang binatang pulis nang mabasa ang text ng dilag, kinilig at napa-reply through text din ng, "Don't worry, to tell you honestly, my ex-girlfriends never tried to make love with me, they only love the amount of my money as a deputy and to tell you honestly too... I'm still a virgin." Napangiti sabay napa-send ng reply sa dilag si Yuri sa textmate. Mukhang nahihiya man sa kanyang ini-reply na text sa dilag ay napangiti lang ang binata. Pipindotin na lamang ulit ng ng pulis ang 'open button' ng elevator para bumukas ito at maka-alis na lamang sa ospital at kamustahin na lamang ulit ang ka-text sa susunod na mga araw. Ngunit ilang segundo lang, habang hinihintay ng diputado na bumukas ang pintuan ng elevator nang bumukas, may nagsalita bigla na babae sa likuran ng pulis at iyon ay si si Joeceline! "Deputy..." sambit ng dilag. Nagulat man ang pulis at alam nito ang boses ng nagsalita ay hinarap nito agad ang napasambit na tao sa kanyang likuran. Kanina pala, habang panay ang text at antay ni Yuri na bumukas ang pintuan ng elevator ay panay din pala ang text sabay lakad ng pabalik itong si Joecel sa pulis ng palihim! "Hi!," sambit ng binata sabay ngiti sa dilag, "Joeceline?" dugtong na tanong ng pulis. "Yes, Deputy... Yuri?" tanong din naman ng babae. Nag-shake-hands ang dalawa at kinilig ang isa't isa. "Yes, I'm Yuri." Sagot ng deputy. Lumakad ang dalawa pabalik ng I.C.U. na mukhang magkasintahan na! Nagngingitian at ng nagtatawanan ng sobrang tamis at saya. "I'm so happy, na virgin ka din pala." Sabi ni Joeceline sa Hapon habang naglalakad. Nahiya man ay napatawa itong deputy. "Unfortunately yes." Sagot ng binata. Ipinatigil ng dilag ang bago nitong nobyo sa paglakad at napatigil sila sa labas ng I.C.U. "Yuri, makinig ka," sabi ng babae at ipinatitig nito ang pulis sa kanyang mukha. "Walang mali sa pagiging birhen, tandaan mo 'yan." Dugtong ng dalaga. Napangiti ang pulis at napaibig lalo sa bagong nobya dahil sa sinabi nito sa kanya. "Tara, check natin si Lenni sa loob." Sabi ng babae sa lalaki. Binuksan ni Joecel ang pintuan ng I.C.U. at pumasok silang dalawa sa loob ng Intensive Care Unit na masaya at naghahawakan ang mga kamay. Habang si Lenni na ginagamot ng mga doctor at nurse ay gulat na gulat habang nakikita ang pulis at si Joeceline na masayang lumalakad papunta sa kanya. "Lenni!! Si Deputy Yuri pala, nobyo ko." Sabi ni Joeceline sa kaibigan. Napanganga at nanlaki ang mga mata ng nabugbog na babae sa gulat at nahulog na rin ang nakasabit na ngipin ni Lenni...

...Panay ngiti ang pulis na si Yuri habang inaalala ang nakaraan nila ng nobya. Nang biglang napasigaw si Joeceline sa ibaba ng, "Love!!! Breakfast na ta'yo!! A-attend pa tayo ng 2nd mass!!" sigaw ng dilag mula sa kusina. Nagulat at nag-panic agad ang pulis, lumabas ng kuwarto, bumaba ng hagdan sabay sagot sa kasintahan ng, "Coming my love!!!" sigaw nito ng ngumingiti.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄