下載應用程式
95.34% FLOWER OF LOVE / Chapter 123: IT'S PAYBACK TIME

章節 123: IT'S PAYBACK TIME

Kinakabahan si Aling Nancy di pa man siya nakakapasok sa loob ng restaurant kung saan sila magkikita-kita ng kanyang mga kapatid dahil sa binibili niyang mga lupain sa dalawa.

Taliwas sa kaalaman ng mga ito, nasa kanya ang orihinal na mga titulo ng mga lupang yun, at ang last will and testament ng kanyang Papa. Lahat ng mga yun, nakapangalan sa kanya. Ibig sabihin, matagal nang siya ang nagmamay-ari ng mga yun.

Naaalala pa niya nung ibigay sa kanya ng ama ang mga yun nung gabi din bago masunog ang kanilang malaking bahay.

"Eliza, halika anak." naalala niyang tawag nun ng ama habang nakaupo ito sa swivel chair sa harap ng work table nito sa loob ng mini library ng bahay nila.

Sa tabi nito ay ang binata pang ama ni Anton na sa edad na bente ay bodyguard na ng kanyang ama. Limang taon ang agwat nila ng ama ni Anton. Labinlima lang siya ng mga sandaling yun.

Lumapit siya sa ama at umupo sa mga hita nito.

"Papa, bakit po ang lungkot niyo ngayon?" usisa pa niya rito.

Tumingala ito kay Paul, ang ama ni Anton saka isinenyas ritong buksan ang envelope na nasa ibabaw ng mesa.

Sumunod naman ang binata at ibinigay ang nasa loob na mga papeles sa kanya.

Nung binuklat niya ang mga yun isa-isa, nalaman niyang mga titulo yun ng lahat ng lupain ng kanyang papa. Ngunit may nakabukod na isang sobre duon na pinabuksan sa kanya. Last will and testament yun nito na nagsasabing mamanahin niya ang lahat ng mga ari-arian at mga lupain nito. Ang bahay lang ang hindi at ang 1000 squaremeter na nakalapalibot sa bahay ang paghahatian ng kanyang dalawa pang mga kapatid. At ang 100 million naman sa bangko nito ay paghahati-hatian ng tatlo nitong mga asawa. Maliban sa mga yun, ang tira pa nitong mga kayamanan na nakasaad sa testamento ay ipapamana nito lahat sa kanya pati ang mga antique nitong mga koleksyon na matagal nang ipinatago sa bodyguard nitong si Paul.

Nang mabasa niya yun lahat ay ibinalik niya sa sobre ang testament at sa envelope ang mga titulo.

"Papa, bakit niyo po ibinibigay sakin ang mga yan?" inosente niyang tanong.

"Baka kasi mawala nang matagal ang Papa mo. Kaya maaga na akong gumawa ng mga yan. Malay mo pagdating ng araw, magamit mo ang mga yan." kaswal na sagot nito.

At dahil wala pa siyang alam kung gaano kahalaga ang mga ibinigay na yun sa kanya, ibinigay muna yun kay Paul para itago at saka na ibibigay sa kanya pag kailangan na niya at nasa wastong edad na siya.

Ngunit kahit nung masunog sa apoy ang malaki nilang bahay at napasama dun ang kanyang mga magulang, hindi siya nagkainteres sa mga titulong yun at last will and testament ng ama. Kahit nung pinalayas na sila ni Mamay Elsa noon ng mga asawa ng Papa niya mula sa nasunog nilang bahay.

Subalit nung nakatira na sila ni Mamay Elsa sa isang kubong dating pag-aari ng isang tenant ng kanyang ama sa lupang kinatitirikan ng bahay, nagising sila ni Mamay Elsa na napapalibutan na ng apoy ang buong paligid ng kubo. Buti na lang naitulak pa niya palabas ng bahay si Mamay Elsa kaya hindi nasunog ang katawan nito.

Pero nanatili siya sa loob. At huli na rin nang mailigtas siya ni Paul, ang bodyguard ng kanyang ama. Sunog na ang kanyang buong mukha.

Matagal siyang naglagi sa ospital noon at bantay sarado ni Paul at Mamay Elsa. Naipaopera din ng mga ito ang kanyang mukha at mga sunog niyang balat sa katawan, subalit malaki ang ipinagbago ng mukha niya kesa sa orihinal niyang itsura.

Naging anino din niya noon si Paul na kung hindi niya ito pinagalitan at sinabing tantanan na siya at palalayain na niya ang lalaki sa obligasyon nito sa kanya, marahil ay hindi nito maiisipang mag-asawa. Matagal bago sila nagkaruon ng kumunikasyon ng lalaki. Subalit walang nakakaalam na ito ang tagatago ng mga kayamanang ipinamana ng ama sa kanya. Ito rin ang nangangalaga sa ibang mga kayamanan ng huli.

At sa isang tawag lang niya rito, nakikipagkita agad ito sa kanya. Subalit matagal nang hindi sila nito nagkikita mula nang lumayo siya at tumira sila sa Imus.

Ngunit nitong nakaraang mga linggo, kinailangan niyang kunin ang mga papeles mula rito upang mabigyan ng leksyon ang kanyang mga kapatid na nang-aapi sa kanyang anak at manugang.

Hindi siya kumibo, ni lumaban man lang nang malaman niya mula kay Paul noon na may kabit si Fernan, ang kanyang asawa na ama ng kanyang mga anak.

Ni hindi siya lumaban nang ipahiya siya sa palengke ng kanyang ate Cathy. Ni di niya binawi ang asawa mula rito. Nagtiis siya, umiyak lang siya. Kinaya niya ang hirap ng buhay noon na kahit kusing ay walang winawaldas mula sa pera ng kanyang papa sa takot na makilala siya ng mga kapatid at ipapatay ng mga ito pati mga anak niya na tulad ng ginawa ng mga to sa kanyang mga magulang.

Subalit ngayon, wala nang takot pang natitira sa kanya. Tapos na siyang magpakumbaba, tapos na siyang umiyak, wala na rin ang takot sa kanyang dibdib. Para sa kanyang mga anak, babawiin niya ang lahat ng mga pag-aari niya.

Bibigyan niya ng leksyon ang kanyang mga kapatid na nang-api sa kanya noon, ngayon naman ay nang-aapi sa kanyang mahal na Flor at Dixal.

Lalaban na siya ngayon. Siya na ang magiging tagapagtanggol ng mag-asawa.

Huminga siya nang malalim at inayos ang tindig na tulad ng sa isang donya at inayos ang ekspresyon ng mukha.

Talagang gumastos siya ng pera ngayon para lang magpaganda nang di siya makilala ni Cathy. Si Donald ay imposibleng makilala siya dahil di pa sila nagkikita nito mula pa noong mapalayas siya sa lugar nila.

Isa pang malalim na buntunghininga at nagsimula na siyang maglakad papasok sa loob ng restaurant nang nakachin-up at ala donya kung maglakad. Kinarer niyang mag-aral maglakad nang nakaheels sa loob ng isang buwan at si Hanna ang kanyang naging teacher sa catwalk.

Ipinasara niya muna yung restaurant na yun nang walang makaistorbo sa kanila sa loob at sila lang ang pwedeng makapasok dun ngayon liban sa mga cook at chef cook na nag-iistima sa mga bisita niya sa loob.

Nakachin-up pa rin siyang lumapit sa tatlong naghihintay na sa kanya at nakaupo sa mahabang mesang sadya niyang ipinalagay sa gitna ng restaurant.

Tumayo agad ang kanyang lawyer nang makita siya.

"Good afternoon po Madam El." bati ng abogado.

Nakataas ang kilay na tumango lang siya at pasupladang pinaglipat ang tingin sa dalawang magkapatid na nagpakatingala sa kanya.

Pero nang makabawi ay biglang nagtayuan ang mga ito at isa-isang inilahad ang mga kamay.

Tipid lang ang kanyang ngiti ngunit sa isip kinakabisado pa ang sasabihin sa mga to, pinag-aralan din niya ang sasabihin sa dalawa.

"Hello Mr. and Miss Randall. I'm Madam El, the buyer of all your land titles. Nice meeting you both." anya sa approachable na himig ng boses, di halatang memoryado ang mga yun sa isip.

"Nice meeting you too, Madam El." anang dalawang kapatid.

Isinenyas niya sa lahat na magsibalik sa pagkakaupo.

"Seguro naman okay lang kung pag-usapan muna natin ang tungkol sa pagbili ko ng lupa bago tayo kumain." nakangiti niyang suhestyon.

"O sure! Sure." magkasabay pang sagot ng mga ito.

"Tutal eh pirmahan na lang naman ng Deed of Absolute Sale ang gagawin natin at nasa abogado niyo na ho ang mga titulo ng lupa namin." matamis ang ngiting sagot ni Cathy saka siya tinitigang mabuti pagkuwa'y napakunut-noo.

"Ehem. Akina ang mga pipirmahan ko nang matapos agad tayo at nang makakain na ang lahat.

Ibinigay ng abogado ang mga papeles na dapat nilang pirmahan na tatlo. Unang pumirma si Donald, sumunod naman ang kapatid nito na kabit ng asawa nya noon.

At nang matapos na ang mga itong magsipirma ay saka naman niya kinuha ang mga papeles at inisa isa niyang pinirmahan ang mga yun.

Saka niya kinuha ang isang orihinal na kopya ng titulo sa abogado habang inaantay nila ang pagkain.

Tinitigan niyang mabuti ang titulo. Nakapangalan na nga ang lupa kay Donald Randall at kung pano itong nakakuha ng titulo ay yun ang itinanong niya noon sa kanyang lawyer. Ang sabi nito, nagfile daw ito ng annotation of the Affidavit of Loss. Subalit walang naipresentang mga ibedensya na sa kanila nga ang mga lupang yun kaya nagbayad ito ng magaling mameke ng titulo at pinabago sa Land Registration Authority ang pangalan ng may-ari ng mga yun.

Madali lang yun gawin ng isang Donald Randall lalo't mayaman ito.

Ibinalik niya sa abogado ang titulo ng lupa. Bale sampu yun lahat. Lima kay Cathy at Lima rin kay Donald. Lahat mga peke.

"Mr, De Guzman. Ilagay mo na sa account nila yung napagkasunduang presyo ng mga lupa."

utos niya.

Tumango naman ito at inilapag sa mesa ang dalang lappy saka initransfer sa account ng dalawa ang tig 50 billion pesos na bayad.

Subalit bago pa natapos ang transaksyon ay nagpasukan na ang mga pulis at pinusasan agad ang dalawang magkapatid.

"You are both under arrest for Violations of Art. 315 (swindling estafa), for selling fake land titles. You have the right to remain silent. Anything you say will and can be used against you in the court of law. You have the right for an attorney." anang hepe ng mga pulis na nagsidating.

Nagulat ang dalawa lalo na nang ipakita sa kanila ang warrant of arrest.

"Aba teka! Hindi mga peke ang mga titulo namin!" palag agad ni Cathy.

"Mga animal kayo. Hindi niyo ba nakikilala ang mukhang to? Ako si Donald Randall! Bakit niyo ako pagbibintangang namemeke ng titulo eh sakin naman talaga nakapangalan ang mg lupaing yan!" matapang na sigaw ni Donald Randall.

Napahalukipkip lang sa tabi si Aling Nancy habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Sino ka, ha?" Bakit mo ginawa samin to? Ibabalik ko sayo ang demanda mo samin. Seseguraduhin kong pagbabayaran mo to ng buhay mo!" banta ni Donald sa kanya.

"I remember your face. Ikaw yung kabit ni Fernan na tindera sa palengke!" bulalas ni Cathy.

Napangiti lang siya.

"Alam mo ateng, tama ka. Ako nga yung tindera sa palengke na pinagsasampal mo noon at ipinahiya sa mga tao. Pero mali ata ang isa mong sinabi. Ako yung asawa ni Fernan at ikaw yung kabit." sagot niya rito saka humagikhik pero ang totoo, may kunting takot siyang naramdaman nang mga sandaling yun.

"Walanghiya ka! Ang lakas ng loob mong ipadakip kami with just that eatafa? Ipapapatay kitang malandi ka!" sigaw na ng kapatid.

Napalakas ang tawang pinakawalan niya.

"Alam mo ateng, matagal niyo na ring pinakinabangan ang mg lupain ko. Seguro naman oras na para bawiin ko ang mga yun sa inyo. Tutal yumaman kayo dahil sa mga kayamanan ni Papa na pilit niyong angkinin." sagot niya kay Cathy.

Namutla ito sa sinabi niya.

Maging si Donald ay nagimbal sa narinig. "I---ikaw si--si Eli---zabeth!?" pautal na sambit nito, namimilog ang mga mata.

"Kuya, Kuya sinabi ko na sayo baka nga buhay si Elizabeth!" hiyaw ni Cathy rito.

Sumigaw si Donald rito.

"Tumigil ka! Patay na si Elizabeth. Pinatay siya ng mama mo, di ba? Niloloko lang tayo ng animal na to." pagalit na wika nito saka bumaling sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot niya.

"Akala mo ba maipapakulong mo kami sa ganung kaso lang, estafa? Hah! Nagkakamali ka. Hindi mo kilala itong kaharap mo! Tandaan mo to, ipapapatay kita pati pamilya mo sa ginawa mong to samin!" banta nito sa kanya.

Kukuyugin na sana ito ng mga pulis nang pigilan niya.

"May gusto lang akong linawin sayo, kuyang. Simula lang naman ang estafa sa kaso mo. Merun pang murder kasi ikaw naman talaga ang pumatay kay Papa noon. Tsaka hindi naman talaga ang mama ni Ateng ang nagsunog sa bahay namin. Di ba nga't nagkaharap pa tayo bago ako masunog sa apoy. Seguro naman natatandaan mo rin yun ngayon." paalala niya rito na lalong kinagimbal nito.

"Sinabi ko na sayo Kuya, siya nga si Elizabeth." susog ni Cathy na umiiyak na sa takot.

Subalit sadyang matigas si Donald Randall.

"Tumahimik ka!" saway niyo sa babae.

"Ilang beses kong sasabihin sayong patay na ang batang yun. Marahil ay sumanib lang ang kaluluwa niya sa babaeng to!" paliwanag nito.

Tumawa siya nang mapakla.

"Seguro nga sumanib lang si Eliza sa katawan ko. Makikita natin yan sa korte pag nagkita-kita uli tayo." kampante niyang sagot rito bago sinenyasan ang mga pulis na ilabas na ang dalawa sa restaurant.

Kung kelan nakalabas na ang lahat at sila na lang ng abogado ang natira at yung mga usyuserong mga cook sa restaurant na yun saka naman nangatog ang mga tuhod niya sa kaba.

"Wooh!" malakas niyang hiyaw.

Kinabahan siy dun ah. Akala niya magpapadala siya sa takot sa dalawa. Matapang pala siya.

"Madam, cancelled ang pagtransfer ng pera sa account nila" anito.

Tumango lang siya.

"Nasayo na lahat ng kailangan para matuloy ang kaso sa kanila. Kung may kailangan ka pa, tawag ka na lang sakin at kailangan ko munang magpahinga." anya rito at nagmamadaling umalis na sa lugar na yun dahil sa totoo lang nenerbyos siya sa nangyari kanina.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C123
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄