"Ang ganda niyo tignan dalawa."
"Bagay na bagay kayo."
"Bagong kasal kayo?"
"Ang cute niyo namang couple."
"Best wishes sa inyo."
"Sana ay magtagal kayo."
Sana nga ay tumagal. Ngiti lamang ang tugon namin sa mga naririnig.
"Kain tayo sa Jollibee, Peter." tumango lang siya habang busy siya sa kaka cellphone niya.
Nauna na ako sa kanya at sumunod naman ito sa akin. Magtatagal kaya kami?
"Welcome ma'am. Ang ganda niyo po." sabi sa akin nung guard. Nilingon ko si Peter kong ano ang reaction pero ayon busy parin siya sa cellphone niya. Nginitian ko nalang guard bilang pagtugon.
"Ako na umorder, hanap ka nalang ng upuan." Seryoso nitong sabi sa akin. Tumango ako at naghanap na ng upuan. May nahanap akong table sa gitna na walang nakaupo kaya pinuntahan ko iyon.
Naupo na ako at ipinahinga ang sarili. Anniversary nga pala namin ngayon, share ko lang. Masaya naman kami nung una tapos this week parang naging cold siya.
Super lambing kaya ni Peter pero ngayon naging busy na siya. Hindi ko alam kung panghahawakan ko pa ba ang relasyong ito.
"Here, ito lang yung inorder ko." Cold na sabi nito sa akin.
Binasa ko ang nasa resibo at hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa. Gutom na ako tapos yung inorder niya tubig. Tangina.
Tumayo ako para umorder na ng makakain kasi gutom na gutom na ako pero hinawakan niya ang kamay ko biglang pagpigil.
Biglang nagsitayuan ang mga bata at isa isang inabot ang mga rosas na pula. Kumanta bigla ng "Isn't she lovely" ang mga tao na ipinagtaka ko. Taas kilay kong tinignan si Peter dahil gulong gulo na ako.
Lumuhod ito at may inilabas na maliit at pulang box. Ano to proposal?
"Akala naman nito di na ako seryoso sayo." binuksan niya ito at iniluwa ng box ang kwintas na may desenyong moon.
Napaluha ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako kasi halo-halo na ang emotion ko.
"Peter, let's talk privately." tumango ito at nauna na akong maglakad palabas sa Jollibee. Parang pinakain niya muna yung mga taong nirentahan niya sa surpresang iyon.
"Bakit baby? Ain't you happy?" Niyakap niya ako ngayon at hinaplos haplos ang buhok.
"Let's stop this Peter." Naluha na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na dapat pinaabot pa ito ng anniversary para di na ako nasasaktan ng ganito.
"Sssssh No, Serenity. Di tayo maghihiwalay." Ngayon ay pinupunasan niya na ang mga luhang hindi matigil ngayon.
"Wala tayong magagawa ngayon Peter. Ikakasal na mga magulang natin. Di pwedeng gumawa din tayo ng relasyon na bawal." Inilayo ko ang sarili ko sa kanya.
"Hayaan na nating maging masaya ang papa mo at mama ko. Tanggapin natin ang katotohanang hindi tayo pwedeng magsasama bilang magkasintahan."
Tumalikod na ako at iniyak lahat ng luhang gustong kumawala ngayon. Tama na siguro to ngayon. Dapat ng itama.
🥀