下載應用程式
53.7% Enchanted in Hell (Tagalog) / Chapter 29: Theo's Feelings

章節 29: Theo's Feelings

Halos mabali na ang ballpen na hawak ni Eduardo nang narinig ang ibinalita sa kanya ni Cliff at nang nakita ang tungkol sa successful event sa Manila.

"Ikaw rin, Cliff. Huwag kang papayag na si Theo lang ang makakuha ang papuri. Galingan mo rin ang pamamahala sa Baguio habang nariyan ka pa."

"Sige, Dad," sagot naman ni Cliff sa kabilang linya. Alangan ang boses niya.

Kasalukuyang nasa Cebu si Eduardo, sa hotel kung saan siya namamahala. Matagal- tagal na rin siyang naroon noong nabubuhay pa ang kanilang magulang. Ang LED hotel sa Cebu ang pinakamatagal na branch ng Ledesma. Simula nang na-assigned siya sa branch na iyon, sari-sari na ring pang-iinsulto ang natanggap niya sa kanilang mga magulang. Ang mas malala pa ay ang ikumpara siya sa nakababatang kapatid na si Armando.

"Hindi na mauulit ang nangyari noon!" Hinampas ni Eduardo ang kanyang mesa at saka pinaikot-ikot ang sarili sa swivel chair.

Hindi niya gusto ang pakiramdam na napag-iiwanan. Hindi niya gusto ang naikukumpara sa iba lalong-lalo na sa kanyang kapatid. Siya ang panganay subalit pakiramdam niya ay palaging pinapaboran ang nakababatang kapatid niya noon. At kahit ano'ng pilit niyang pagsisikap na palaguin ang hotel, parating na kay Armando ang papuri ng mga magulang.

Insulto sa kanya ang makumpara at kahit pa nga matagal nang namayapa ang kanilang mga magulang, naikukumpara pa rin siya sa kapatid at ang kanyang anak na si Cliff kay Theo.

"Kahit baliw ang anak niya, ito pa rin ang mas napapansin ng tao."

Alam ni Eduardo na masyado na siyang matanda para sa atensyon subalit mula nang bata pa siya ay hindi na niya naramdaman iyon, tanging ang nakababatang kapatid niya lamang ang nakatatanggap ng papuri at pagmamahal. Kung hindi abala sa kanyang kapatid ang mga magulang nila, abala ang mga ito sa negosyo. Hindi naman siguro masama ang mag-asam ng papuri pero ipinagkait iyon sa kanya, sa kanila ng anak niya. Namatay na lang lahat-lahat ang kanilang magulang ay nabigo siyang maramdaman iyon.

Napangisi si Eduardo nang maalala ang huling senaryong nakita at narinig niya. Kung malalaman kaya iyon ng lahat, magkakasundo pa kaya ang mag-ama? Kung malalaman kaya ng iba na may sira sa utak ang anak ni Armando na si Theo? Hahangaan pa rin kaya ito ng iba?

Kinuha ni Eduardo ang phone at may tinawagan. Isang tao na lagi niyang maaasahan kapag may binabalak siya.

"Pumunta ka rito, may ipapagawa ako sa 'yo."

Samantala, sa mansion kung nasaan sina Theo at Rina, hindi maikakaila ang pagkakailangan ng dalawa matapos ang kanilang pinagsaluhan. Binigay ni Theo ang damit ni Rina at iwas na tumingin dito. Iwas din naman ang mga mata ni Rina na kinuha ang damit pagkatapos ay bahagyang tumalikod kay Theo upang isuot iyon.

Tahimik na atmospera ang namagitan sa dalawa matapos pagsaluhan ang nag-aalab na damdamin. At nang mairaos nga ang kani-kanilang pagnanasaha sa laman, tanging iwas na tingin lamang ang naibato nila sa isa't isa.

"Theo...mahal kita..."

Naglakas na ng loob si Rina na basagin ang katahimakan ngunit naisip niya na marahil maling salita ang binitiwan sapagkat pinanikipan siya ng dibdib sa sinagot ni Theo sa kanya.

"Rina, mahal din kita...katulad ni Mom. Mahalaga ka rin sa akin."

Halos malaglag na ang panga ni Rina at maging ang balikat niya ay hindi naitago ang pagkadismaya sapagkat bumagsak rin iyon na animo'y nalantang halaman.

Masyado siyang umasa at nagbaka-sakali na mamahalin siya ni Theo bilang isang babae subalit hindi malinaw ang sagot na iyon ni Theo. Masarap sa pakiramdam na pinahahalagahan siya nito subalit gusto niya marinig sa lalaki na mahal siya nito. Iyong hindi na naikukumpara sa ina nito.

Binigay na niya ang pagkababae niya kay Theo subalit sa huli ay bigo pa rin siya. 'Ang tanga mo, Rina.'

Akmang aalis na sana si Theo nang huminto ito sandali upang may sabihin sa kanya.

"Mahal din kita, Rina."

Mapaklang ngumiti si Rina. 'Sana nga lang ay alam ni Theo ang sinasabi nito. Sana iba ang pagkakahulugan nito sa salitang mahal'.

Bumalik si Theo sa kanyang silid. Napasabunot sa buhok at saka binagsak ang sarili sa kama. Hindi niya pa rin maunawaan ang sarili pero batid niyang bumilis ang pagtibok ng puso niya nang sabihin ni Rina na mahal siya nito. Hindi niya alam ang dapat na isagot rito kaya nasabi niya na lamang na mahalaga si Rina para sa kanya katulad ng ina.

Totoo namang mahalaga ang babae, inaamin niya na takot siyang iwan nito. 'Kung mamahalin ba niya pabalik si Rina ay mamahalin siya nito nang magpakailanman?'

Sa kabila nang saya sa kanyang narinig, alangan siyang sabihin ang 'mahal din kita' marahil takot lang siya. Takot lang siya na maiwan o iwanan muli. Takot lang siya na masaktan.

Inikot-ikot niya ang sarili sa kama. Nag-iba na rin siya ng pusisyon, binaluktot niya ang sarili at pagkatapos ay napabuga nang malalim na hininga. 'He hates to admit it, but he thinks that he already love Rina. He loves her, a love that he can't explain what exactly but a love that is different from what he feels to her mother.'

"Mahal na nga siguro kita, Rina."

Nakahinga siya nang bahagya nang aminin niya iyon sa sarili. Mahal niya nga ang babae sapagkat simula nang dumating ito sa mansion ay nagbago rin ang buhay niya. Para bang si Rina ang kumumpleto sa kulang sa mundo niya. Ang dating magulo, madilim, at walang buhay niyang mundo sa loob ng mansion ay paunti-unti nang nabibigyan ng liwanag at nabibigyan ng kulay. Ang dating sumpa sa loob ng mansion kung saan siya nakakulong ay bigla na lamang naglaho na parang isang bula. Higit sa lahat, ang dating demonyong naninirahan sa mansion na iyon ay unti-unti nang nagbabago. 'Unti-unti nang nagiging isang 'tao'.

Aminado siyang si Rina ang dahilan noon. Kalmado siya parati kapag nasa tabi niya ang babae. Komportable na rin siyang i-kwento ang lahat ng nangyari sa kanya noong bata pa siya rito. Sabagay, ito pa lang naman ang taong matagal-tagal niyang nakasama sa mansion kaya panatag na siya. Nakakapagkwento man siya noon kay Dr. Steve subalit hindi pa lahat-lahat hindi katulad ni Rina.

Bukod tangi si Rina sa lahat. Masaya siyang nakasama ito. Kung iyon man ang pakiramdam ng nagmamahal, marahil ay mahal na nga niya si Rina.

'Mahal na kita, Rina.'

Napatuwid ng higa si Theo. Ang kaninang pinto na bahagya lang nakaawang ay tuluyan nang bumukas upang tuluyang papasukin si Rina sa buhay niya. Ang kaninang naguguluhan niyang utak ay tuluyan nang nabigyan ng ilaw upang maunawaan ang lahat. Ang kaninang hangin na hindi pa kumakawala sa kanyang baga ay tuluyan nang lumabas upang pagaanin ang kanyang pakiramdam.

Ang katotohanang mahal na niya si Rina ay waring isang susi upang makalaya rin ang matagal nang nagtatagong halimaw sa kanyang puso na siyang nagpapahirap sa kanya ay tuluyan na rin siyang iniwan.

Ang ginhawang nararamdaman niya sa oras na iyon ay nangangahulugang malaya na siya.

'Mahal kita, Rina. Ayokong mawala ka sa akin.'


創作者的想法
Teacher_Anny Teacher_Anny

Hello mga ka-Encha. Salamat sa pagbabasa ng Enchanted in Hell. Sa mga naghahanap pa ng babasahin habang wala pang update si author, baka gusto ninyong i-try ang "WIN OVER MR. PERFECT". Search ninyo lang.

At baka gusto n'yo rin bisitahin at kumustahin si author sa aking FB page at FB account. Just search "Anny Pelly".

Again, arigato :)

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C29
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄