下載應用程式
11.59% Daydreaming (Filipino) / Chapter 8: Chapter 8

章節 8: Chapter 8

"Bitawan niyo ako, tangina!! Kakausapin ko lang ang amo niyo!"

Dinig niyang sigaw ni Bryan habang nanatili naman siya sa pinto. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakikita. Takot na takot siyang lumapit dito, jusko!

Halos lahat ng kasambahay ay nandoon na, pati ang hardinero at ang dalawang driver ni Mr. Sevilla. Pinipigilan ng mga ito si Bryan na nagwawala.

"Senyorito! Kumalma po muna kayo. Nagpapahinga na po si Don Eduardo." Malumanay na sabi ni Manang Rosa dito.

"I don't fucking care, Manang! I need to talk to him!" Galit na sagot dito ni Bryan. "Bitawan niyo ako kung ayaw niyong magwala ako lalo dito!"

Nagpupumiglas pa lalo ito sa pagkakahawak ng mga tao sa kanya. Nang nabitawan ito ng hardinero ay malakas na tinulak nito si Manong Andres, ang isang driver ni Mr. Sevilla. Buti na lang at hindi lumagapak sa sahig si Manong Andres.

"Senyorito! Mag hunos dili po kayo!" Malakas na sabi na ni Manang Rosa dito.

"Bitawan niyo sabi ako!!" Sigaw ulit ni Bryan sa mga ito.

"Bitawan niyo na siya."

Kita niyang natigilan ang lahat pagkarinig sa boses ni Mr. Sevilla na nakatayo sa pinakataas ng hagdan. Kahit si Bryan ay natigil sa pagpipiglas.

"P-pero Don Eduardo.." Dinig niyang sabi ni Manang Rosa. Nagdadalwang isip itong sundin ang inutos ng amo.

"It's okay, Rosa. Tama siya. Kailangan naming mag-usap to settle this once and for all." Sagot ni Mr. Sevilla.

'Jusko! Baka ano mangyari kay Uncle!'

Nagdadalwang isip pa talaga ang mga tauhan sa pag bitaw kay Bryan pero wala din naman silang magagawa at 'yon ang gusto ng mabutihing Don. Mabagal na binitawan ng mga ito si Bryan. Kita niyang tiningnan muna ng masama ni Bryan ang dalawang driver at ang hardinero, bago ito mabilis na umakyat sa hagdan.

Nakatingala ang mga tauhan na naiwan sa baba. Nagbubulungan pa ang mga ito pagkarinig na sumara na ang pinto ng kwarto ni Mr. Sevilla. Sinabihan na lang ni Manang Rosa ang mga ito na tapusin na ang natitirang trabaho at magpahinga na. Tumalima naman ang lahat, habang nanatiling nakatayo si Manang Rosa sa pwesto nito.

Mabagal na lumapit siya dito at naramdaman yata ni Manang Rosa ang presensiya niya kaya napalingon ito sa kanya. Kita niya ang lungkot at pag-alala sa mukha ng matandang mayordoma.

"Akyatin ko po, Manang. Baka mapaano po si Uncle.." Paalam niya dito.

Tumango lang ito sa kanya bilang tugon. Kahit takot siyang makaharap si Bryan ngayon, lalo pa't galit na galit ito kanina ay mas nangingibabaw ang pag-alala niya kay Mr. Sevilla.

Nakaupo na si Mr. Sevilla sa sofa nito sa kwarto, habang si Bryan ay nanatiling nakatayo malapit sa pinto.

"Upo ka muna, a-anak.." Sabi ni Mr. Sevilla dito.

"Tsk. Ilang beses ko ba dapat ipaalala sa'yo na huwag mo na akong tawaging anak Mr. Sevilla? And there is no need for me to sit." Galit na sabi nito sa ama.

Bakas sa mukha ni Mr. Sevilla ang sakit at lungkot sa sinabi ng anak nito.

Napaigtad din si Bryan sa nakitang kalungkutan sa ama, but he's enraged right now so he instantly brushed off the guilt he's feeling.

"Paano mo nagawa 'to sa sarili mong anak? Nagplano ka lang para sa ikabubuti mo! Pinagplanuhan niyo ba 'to ng lintek mong nurse, ha? Mana ko lang ang hinihingi ko! Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na malaki ang kinakailangan naming pera ng girlfriend ko para sa pinaplano naming negosyo sa America! May girlfriend ako at alam mo 'yan?! Ba't mo naisipang ilagay ako sa lintek na arranged marriage na 'to? Tapos sa tanginang nurse mo pa?! After all these years, you're still selfish and pathetic, Mr. Sevilla! Kaligayahan mo lang ang iniisip mo!" Pasigaw na sabi niya sa ama.

Napatayo si Mr. Sevilla sa sinabi ng anak. "It's you who haven't changed Bryan! Ginawa ko ang lahat ng desisyon ko, lahat ng plano ko, para sa ikabubuti mo! Pero mas nanaig ang galit at suklam diyan sa puso mo!" Sigaw din ni Mr. Sevilla sa anak. "Lahat! Lahat ng pinaghirapan ko ay para sa'yo! Lahat ng desisyon ko ay para sa'yo! But instead of hearing me out, you chose to go astray! I may be old, Bryan, but I'm not stupid! I know na pagkatapos mong makuha ang mana mo ay hinding-hindi ka na babalik dito! Hinding-hindi mo na ko patatawarin sa desisyong ginawa ko ilang taon na ang nakaraan!"

Parang nanghihina si Bryan sa narinig sa ama, nag-iwas siya ng tingin dito. Pero hindi. Hindi niya pa din tinatanggap ang rason ng ama.

Sasagutin niya sana ulit ito ng bigla siyang natigilan. Sapo na kasi ng ama ang dibdib nito na parang kinakapos na sa paghinga. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Kumatok muna siya ng isang beses sa pinto ni Mr. Sevilla at binuksan ang pinto ng dahan-dahan. Sumilip muna siya para sana tingnan saglit ang nagaganap sa loob, pero agad niya ding binuksan 'yon ng nakita si Mr. Sevilla na natumba na sa sofa habang sapo ang dibdib.

"Uncle!!" Tumakbo agad siya palapit dito. Inalalayan niya ang ulo nito at agad binuksan ang dalawang butones ng pajama top nito. Pinwesto niya ito ng maayos sa sofa at nagperform ng CPR dito.

Binalingan niya si Bryan na takot na takot ang itsura. "Bryan! Tawagin mo si Manang Rosa! Kailangang dalhin si Uncle sa ospital!! Si Manong Andres, yong sasakyan!" Magulong utos niya dito.

Kita niya kung paano natauhan si Bryan at agad itong tumakbo palabas para magtawag ng kasambahay at nanghingi ng tulong sa mga ito. Inutusan nito si Manong Andres na iready agad ang sasakyan.

Mabilis na pumasok ang mga tauhan sa loob ng kwarto ni Mr. Sevilla at bumalik din si Bryan. Napadasal si Manang Rosa pagkakita sa nangyari sa Don. Agad na kinarga ng driver at ng hardinero si Mr. Sevilla na walang malay at ibinaba papunta sa sasakyan. Agad siyang sumakay sa tabi ni Mr. Sevilla at sumakay naman ang isa pang driver sa passenger seat. Mabilis na 'yon pinaharurot ni Manong Andres papunta sa ospital.

Naiwan si Bryan sa loob ng kwarto at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa ama. Sobra siyang nakokonsensiya sa nangyari, pero tangina naman kasi! Naguguluhan pa siya kung aalis na ba siya, kung susunod doon sa ospital, o kung mananatili muna dito habang inaantay ang balita sa kalagayan ng ama.

Kanina pa nasa labas ng ER si Kyra at hindi mapakali. Inaantay niyang lumabas ang doktor ni Mr. Sevilla. Sumisilip-silip siya sa maliit na siwang ng dalawang pinto. Gusto niya sanang pumasok pero pinahintay na lang siya sa labas ng mga nurse na unang nag-assist kay Mr. Sevilla.

Mag-iisang oras na yata sa loob si Mr. Sevilla ng sa wakas ay lumabas ang isang doktor at isang nurse galing sa loob.

"K-kumusta po si Mr. Sevilla, dok?"

Napabuntong-hininga muna ang doktor bago ito sumagot, "He's out of danger now. Good thing at nabigyan siya ng unang lunas, at nadala agad siya dito. Paalala lang Miss, baka next atake nito ay hindi na nito makaya, kaya mas maigi ng iwasan ng pasyente ang mastress."

Nabahala talaga siya sa sinabi ng doktor. Sinabi na din ng doktor na mananatili muna si Mr. Sevilla sa ospital hanggang sa matapos na ang ibang tests dito. Medyo strict kasi ang hospital na 'to at bawal ang mga bantay ng pasyente na magstay overnight kahit sa private room. Lalo pa't sa ICU na daw ididiretso si Mr. Sevilla mamaya. Unconscious pa din daw si Mr. Sevilla pero normal na ang vitals nito, kaya pinayuhan na lang sila ng nurse na umuwi na lang muna at bumalik na lang kinabukasan.

'Sana wala na doon si Bryan. Please po.. Sana umalis na si Bryan..'

Kahit si Bryan ay hindi rin mapakali sa loob ng dating kwarto niya. Dito siya dumiretso pagkalabas niya sa kwarto ng ama. Sinabihan niya ang isang katulong na tawagin siya kung may balita na tungkol sa kalagayan ng amo nito. Pagkapasok niya kanina ay agad dumapo ang mga mata niya sa kama.

'Potangina!' Mura niya sa sarili.

Bigla niya na lang kasi naalala ang nangyari noong isang buwan na ang nakalipas. Imbes na doon dumiretso ay naupo na lang siya sa lumang computer chair niya. Ganoon pa din talaga ang kwarto niya kahit sampung taon na ang nakalipas. Wala man lang ibinago doon. Ang kubrekama at kurtina lang ang pinapalitan pero lahat ng gamit niya nandoon pa din lahat sa pwesto nito.

Napahawak siya sa noo niya ng sumakit 'yon. Gusto niyang kontrahin ang sariling isip. Sinisisi niya kasi ang sarili niya sa nangyari sa ama. Pero kinukumbinsi niya ang sarili na kasalanan naman 'yon ng ama niya. Siya ang nag-umpisa ng lahat ng gulo na dumating sa buhay nila. Kung marunong lang itong makuntento at hindi pansariling kaligayahan lang ang iniisip. Ngayon ay ganoon pa din ito. Sinet-up pa nga siya sa nurse nitong halatang mapagsamantala! Anghel nga ang mukha, pero panigurado ang ugali noon mas masahol pa sa demonyo.

'Tangina niya. Tangina nilang dalawa ng nurse niya!'

Gusto niya ng umuwi sa penthouse kung saan sila naninirahan ng mga kagrupo niya, pero parang ayaw gumalaw ng mga paa niya. Gusto niya pa malaman kung ano na ang nangyari sa ama niya.

Imbes na magpadaig sa konsensiyang nararamdaman ay naisipan na lang niyang tawagan ang pinakamamahal niyang girlfriend. Hindi pa alam ng girlfriend niya ang tungkol sa plano ng ama niya. Napasugod kasi siya agad dito sa mansion after he received the call from Arthur.

His girl's name is Georgina, and they've been together for almost two years. She's half-American. They've kept their relationship in private para hindi siya mawalan ng fan base, and ganoon din kay Georgina kasi nagsisimula pa lang ito sa modelling career nito. They actually met through the help of a common friend and he's really thankful for that. Wala kasi siyang sineryoso sa mga dating nakarelasyon niya, but when Georgina came, doon niya lang naramdaman ang tunay na pagmamahal na matagal na niyang hinahanap-hanap. Ito na mismo ang nagyaya sa kanya na magsama na sila sa America, and magpatayo na lang ng negosyo. Kaya nga hinihingi niya na ang mana niya sa ama. May malaking ipon naman siya sa dalawang bank account niya but Georgina told him hindi 'yon enough para sa future plans nila.

Nasa America ngayon si Georgina, and ang sabi nito sa kanya kahapon ay may pictorial ito sa araw na 'yon, but he'll try to call her para maupdate ito sa nangyari.

Nakalimang ring pa yata bago ito nasagot ng sa kabilang linya.

"Honey! How are you?" Masiglang bati ng girlfriend niya sa kanya.

"Hey, babe. I'm okay, but something came up. My dad's in the hospital right now." Sabi niya dito at agad na kinwento ang buong nangyari kanina. "Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari, but... I don't know babe.. What should I do?"

"Well, first-off, its not your fault that he has a weak heart, di ba? I mean he's old na, so that's understandable. And second, why did he made up that stupid plan? Like, what the hell? He's blackmailing you! And what about his nurse, ba? I think I'm smelling something fishy here, honey! What if that stupid nurse is messing up with your dad's mind, di ba? Like she's brainwashing him or something?" Sabi nito. "What I can suggest you, honey, is that you stay there and try to find out the motive of that slut."

"Yeah.. 'Yon ding ang naisip ko, babe.."

"Baka that nurse likes you, huh babe? Hmm.. Is she flirting with you? Or are you flirting with her? Are you hiding something or?"

"H-huh? Wala, babe! I will never cheat on you!" Sagot niya dito.

Pinilit niya ang sarili na wag mag tunog guilty. Hindi niya sinabi dito ang nangyari ng isang buwan. Baka pag-awayan pa nila ang walang kwentang bagay.

"Are you sure, ha? But anyway, if your dad will be dead then you can get all of his money and fortune, right? And we can already start our plans na together. That's what we're aiming for, di ba, honey?" Pasweet na sabi ni Georgina sa kanya.

"Huh? No, babe! I hate him but he's still my father! I'm not that sinister, damn! Yokong maging dahilan ng pagkamatay niya." Nahindik siya sobra sa sinabi ng girlfriend niya.

Kung hindi niya lang ganoon ka kilala at kamahal si Georgina ay baka minura na niya ito. But he knows Georgina's attitude, matabil talaga ang dila nito and he's pretty sure that she didn't mean what she just said. She's just too straight forward sometimes. Panigurado nabigla din ito sa sinabi. Desperado na kasi silang dalawa. Nadedelay lang ang plano nila dahil sa arte ng ama niya.

"I just miss you na kasi! But whatever you say, honey! Well, I need to get ready na. My shoot is scheduled after lunch, so. I love you, honey. Ciao!" Paalam nito sa kanya.

"Me too, babe. Me too. I'll see you soon, I promise. I love you." Paalam niya din dito bago nito pinatay ang tawag.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C8
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄