Paano ba mag move-on?
Mabilis lang ba magmove-on?
Posible bang makamove-on pa siya kay Bryan?
'Yon ang pa ulit-ulit na tinatanong ni Kyra sa sarili niya simula ng tinaboy niya si Bryan sa hospital.
Hindi na ulit nakabalik si Bryan ng gabing 'yon, at lumipas din ang isang araw at ni anino nito ay hindi niya nakita. Though, she received a bouquet yesterday which is quite similar to what he gave her before noong pagkauwi nito pagkatapos ng isang buwang pagkakalayo nila. Wala man lang letter 'yon kaya inassume na lang niyang si Bryan nga ang nagpadala niyon para gumaan din kahit paano ang pakiramdam niya.
Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng pagsisisi sa pagtataboy dito. Dapat ba hinayaan niya muna ito magexplain ng maayos? Dapat ba pinakinggan niya muna ito ng mabuti? Kaso.. masakit pa din kasi at kahit ngayon parang natatrauma pa din siya sa ginawa ni Georgina sa kanya.
What if kung bumigay nga siya sa pagmamakaawa ni Bryan? Magiging masaya ba siya? Magiging masaya ba sila? Hindi na ba siya ulit sasaktan ni Georgina? Hindi na ba ulit magiging delikado ang buhay nilang dalawa ng baby niya?
Ang hirap.
Ang hirap mag-isip.
Ang hirap mag desisyon.
Pero mas mahirap ang nararamdaman niya ngayon kasi baka sumuko na nga si Bryan at bigla na lang siya nitong padalhan ng divorce papers. Gusto niya man lang sana malaman kung kumusta na ito. O kung tinuloy nga nito ang pagproseso ng paghihiwalay nila.
Kaso kahit sina mama Selena, Manang Rosa, Cindy, Grace, Wilbert, Nathaniel, Russel, at Justin na bumisita sa kanya kahapon ay walang sinabi sa kanya tungkol kay Bryan. Puro pangangamusta lang sa kanila ni baby ang ginagawa ng mga ito tapos iniiba agad ang usapan. Ni hindi ng mga ito minention ang tungkol sa nangyari sa kanya.
Naisip nga niya baka walang alam ang mga ito sa nangyari. Baka pinalabas na lang na aksidente ang lahat para maprotektahan ni Bryan si Georgina.
Nakaramdam talaga siya ng sobrang pagkirot sa puso ng naisip niya 'yon.
O baka alam nga ng mga ito ang nangyari pero iniiwasan ng mga itong masaktan siya.
Kung sakaling sumuko na nga si Bryan sa kanya mas mainam ngang ihanda na niya ang sarili. Hiningi niya 'to di ba? Pero bakit ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng sobrang sakit at kalungkutan?
Hays.
"Mrs. Sevilla. Pwede ka na makakauwi mamaya. You and your baby are good to go. Basta susundin mo lang lahat ng sinabi ko sa 'yo, ha? At umiwas ka na sa stress, all right?" Magiliw na sabi ng doktor niya sa kanya ng umagang 'yon.
Mrs. Sevilla...
"T-Thank you po, Doc." Sagot niya dito.
"You're welcome. Basta ha? 'Yong pinapaalala ko sa 'yo. Niready ko na rin ang reseta ng mga bibilhin mong gamot para mas lalong kumapit si baby, at ang karagdagang vitamins mo." Pagpapaalala nito ulit sa kanya.
"Okay po. Salamat po ulit, Doc." Sagot niya dito.
Ngumiti lang ito sa kanya at may sinabi pa sa nurse na nakaassign sa kanya na kasama nito sa loob ng kwarto niya. Tinanggal na rin ng nurse ang IV line niya. Hindi pa nakarating ang mga magulang pero nagtext na rin ang mommy niya na papunta na ito at ang daddy niya. Kaya noong may kumatok sa pintuan ang buong akala niya ay ang mga magulang na niya 'yon.
Muntik na siyang mapasinghap ng malakas ng makita ang pagpasok ni Bryan.
My gosh! Sobrang lakas talaga ng tambol ng puso niya ng ngumiti ito sa kanya bago tumingin sa doctor niya.
"Oh, andito na pala ang asawa mo." Sabi ng doctor niya at agad na nakipagkamay si Bryan dito bilang pagbati.
'Ano ba 'yan, Kyra! Marupok ka! Baka iba ang sasabihin niyan sa 'yo kaya bumisita dito at masasaktan ka lang! Bahala ka.' Saway niya sa isip at agad na iniwas ang tingin dito.
"Yes, Mr. Sevilla. Like what I told you yesterday, your wife can go home today." Pagbibigay imporma nito kay Bryan.
Huh? Nag-uusap ito at ang doktor niya? Kahapon?
"Great! I've already settled the bill, doc." Sabi nito sa doktor niya at parang ang sobrang lapit na ng boses nito sa kanya.
Kaya napatingin siya dito at nagulat siya na nakadungaw pala ito sa kanya. Namilog talaga ang mga mata niya at bago pa niya itulak ng pasimple ang mukha nito ay mabilis na siya nitong binigyan ng isang mabilis na halik sa mga labi. Mabilis din itong tumayo ng tuwid at hinarap ulit ang doctor at ang nurse na nangingiti habang nakatingin sa kanila.
Jusmiyo!
Nataranta siya ng maalalang hindi pa siya naka hilamos at toothbrush! Huhu!
'Loka! 'Yan pa talaga ang inisip mo! Dapat awayin mo siya! Haler! Galit ka sa kanya, Kyra Mae! Ano ba!'
Gusto niya tuloy pagalitan ang sarili. Saan na napunta ang galit niya kay Bryan? Ba't sabik ang nararamdaman niya? My gosh! Parang naiinitan din siya. Hormones. Istahp! Sabi pa naman nila lumalakas daw ang sex drive ng buntis. I cannot.
Napatalikod tuloy siya dito kasi paniguradong namumula na naman siya. Hindi na tuloy niya napansin na umalis na ang doctor at ang nurse at naiwan na lang silang dalawa.
"Wife.." Masuyong tawag nito sa kanya.
Galit ka Kyra, ha? Remember! Galit ka!
Napatikhim muna siya at pinilit na gawing malamig ang boses niya. Hindi pa rin siya bumaling dito.
"Ba't ka nandito?"
"I miss you." Masuyong anas nito sabay haplos sa buhok niya. "Hindi mo ba ako namimiss, hmm?"
Ang landi ng boses ni Bryan. Napakagat-labi tuloy siya at mas lalong uminit ang pakiramdam niya. Napalunok siya ng tatlong beses yata. Jusko. Ayaw na niyang magsalita at baka ano pa ang masabi niya dito.
"Hey.." Tawag ulit nito sa kanya. "Kumusta na ang dalawa kong baby?" Sabi nito sabay himas sa tiyan niya.
Napakislot siya sabay tanggal ng kamay nito sa tiyan niya kasi mas lalong nag iba ang nararamdaman niya.
Jusko, Kyra! Ang baby niyo ang hinahawakan niya, hindi ikaw! Parang ikaw na din pero hindi, hindi. Over ka magreact diyan!
Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito.
"U-Umalis ka na.. Parating na si daddy." Pananakot niya dito.
"I know.. Daddy called me."
Huh?
Napabaling tuloy siya dito. Pero nakangisi ito sa kanya. My gosh! Ang makalaglag panty nitong ngisi na naman.
"A-Anong.. Y-You shouldn't call him daddy anymore!" Galit niyang anas dito.
"Why not, wife? Hmm? He's my father-in-law, wife. Oh.."
What the fudge? Umungol ba si Bryan? At bakit ang landi-landi nitong magsalita?
Nakatingin pa rin siya dito na parang naguguluhan at nakangisi pa din ito sa kanya ng biglang kumatok na ang mga magulang niya sa pintuan at agad na pumasok.
"Oh, andito ka na pala, iho." Agad na bungad ng ama niya na siyang ikinamangha niya.
What the?
Nagmano din si Bryan sa mga magulang niya.
"D-Daddy? B-Bakit? Anong-"
"Good morning, baby anak at sa baby apo namin." Pagpuputol ng mommy niya sa sasabihin niya at hinalikan ang pisngi niya. "Hindi ka pa nakapag-ayos?"
"Mommy.. Anong nangyayari?" Pabulong na sabi niya dito habang nakatingin sa daddy at kay Bryan na nag-uusap.
"Well.. Pumunta siya kagabi sa bahay. Nanghingi ng sorry and he explained everything that happened and told us the whole truth." Sabi nito na siyang ikinagat-labi niya.
Nagiguilty siya. Naunahan pa siya ni Bryan sa pagsabi sa mga magulang niya ng totoo. Sasabihin niya naman sana eh kaso natatakot pa siya at dahil hindi matigil-tigil ang pag-iyak niya ay nagtutulug-tulugan na lang siya simula pa kahapon. Its her way na rin para makaiwas na muna sa interrogation ng mga magulang. Ang plano niya sana ay sasabihin 'yong totoo pagkalabas niya ng hospital. Pero wala na. Naunahan na siya ni Bryan.
Kaya pala hindi lumapit ang daddy niya sa kanya.
"S-Sorry, mommy."
Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng mommy niya bilang sagot.
"Magbihis ka na, baby anak." Sabi na lang ng mommy niya pagkatapos ng ilang segundo.
"S-Sige po.."
Kahit alam niyang nagtatampo din ang mommy niya sa kanya ay inalalayan pa din siya nito. Pagkatapos niyang maligo at magbihis sa loob ng CR ay 'yon din ang pagdating ng orderly na magtutulak ng wheelchair niya.
"Uhm.. Kaya ko naman po maglakad." Tanggi niya sa wheelchair.
"No. Magwheelchair ka, wife." Sabi ni Bryan bago bumaling sa orderly. "Ako na tutulak sa asawa ko, boss."
"P-Pero-"
"Huwag ka ng tumanggi, baby anak. Sige na." Sabi ng mommy niya sa kanya, while her dad is just silently looking at her.
Naiiyak tuloy siya. Alam niyang nagtatampo talaga ito sa kanya. Naiinis tuloy siya kay Bryan. Inunahan siya, eh hindi naman sila magkakabalikan ah. Ayaw na niya, di ba? Maghihiwalay na sila, di ba?
'Talaga lang, Kyra Mae, ha?'
Umupo na lang siya sa wheelchair at agad na 'yon tinulak ni Bryan, habang hawak-hawak din ang bag niya. Nakasunod naman ang mga magulang niya sa likod nila.
"Y-You don't have to do this, Bryan.." Mahinang sabi niya dito na alam niyang sakto lang sa pandinig nito.
"Hmm? Why not, wife?"
"M-Maghihiwalay na tayo, Bryan."
"Sorry, can't hear you." Malokong sabi nito sa kanya, napairap tuloy siya.
Doon lang siya naging aware sa paligid nila. Pinagtitinginan sila ng mga tao, at doon lang din niya naalala na walang suot ni isang disguise si Bryan.
"B-B-Bryan.."
"Yes, wife?" Masuyong sabi nito na medyo malakas.
Nadinig yata ng mga tao kaya nagsinghapan ang mga ito.
Hala!
"A-Are you out of your mind?! May mga tao! Nakikilala ka nila!" Asik niya dito.
"Hmm.. I don't care, wife.. I love you." Mas nilakasan pa nito ang huling sinabi kaya dinig na dinig niya ang pagbulungan ng mga tao at malalakas na mga singhapan ulit ng mga ito. May nagpicture at nagvivideo na din yata sa kanila!
What the fudge, Bryan?
Napayuko na lang tuloy siya ng ulo kasi paniguradong namumula na talaga siya. My gosh! Kinikilig siya! Pero hindi pwede! Hindi 'to pwede! Ano ba 'tong pakulo ni Bryan! Jusko!
She can feel the walls that she's trying to build around her that can protect herself from giving in to Bryan crushing and crumbling down. But still! Kailangan niyang itayo ulit ang mga 'yon! Ayaw niya pa bumigay dito!
Ang dami tuloy pumapasok sa isip niya habang binabagtas nila ang daan palabas ng hospital. At kung hindi pa tumigil si Bryan sa pagtulak sa kanya ay hindi niya pa nalaman na nasa labas na pala sila ng hospital.
Inangat niya ang paningin niya sa harapan pero agad siyang yumuko ulit ng makitang andami pa ring mga taong nakatingin sa kanila. Pero mukhang hindi mga agresibo ang mga taong nakakilala kay Bryan kasi hindi man lang lumapit ang mga ito. O baka na starstuck sila sa halimaw na nasa likod niya? Ay ewan. Pero may mga guards din na nagpaalis sa mga ito.
"Mauna na kami, iho. Take care of my daughter and grandchild." Pamaalam ng daddy niya na siyang nagpaangat ulit ng tingin sa kanya.
W-W-What?
"Daddy!" Tawag niya dito at tumayo sa wheelchair.
"Wife, uuwi tayo sa mansion." Pag-iimporma sa kanya ni Bryan.
"Ayoko!" Pasigaw na sabi niya dito at agad na kumapit sa mommy niya.
"Wife..."
"Baby anak.. You should go with your husband.." Bulong ng mommy niya sa kanya.
"Ayoko po, mommy. Sa bahay ako uuwi.. Please po, daddy.." Pagmamakaawa niya sa mga magulang.
"Doon ka dapat sa asawa mo. Hindi ka na bata-" Pangangaralan sana siya ng daddy niya ng bigla itong pinutol ni Bryan.
"Okay lang, daddy. Kung ano ang gusto ng asawa ko. Bibisita na lang po ako." Sabi nito na ikinairap niya dito.
"Hindi ka pwedeng bumisita doon!" Asik niya dito.
Nakita niya ang pag-iling ng mga magulang niya at ikinalungkot ng mukha ng asawa niya pero bigla itong ngumisi.
"We'll see." Mayabang na sabi nito na ikinamaang niya. Pero mas lalo siyang napamaang at nataranta ng bigla siya nitong binuhat.
"Hub- Bryan! Put me down!" Asik niya dito sabay piglas ng katawan but he's holding her so tight.
"Stay put, wife! Baka mahulog ka!" Saway nito sa kanya. "Sa 'kin na siya sasakay, daddy, mommy." Pagbibigay imporma nito na sinang-ayunan naman ng mga magulang niya.
"I-Ibaba mo na ako.." Sabi niya dito na hindi na nga pumiglas at ibinaon na lang ang mukha sa dibdib nito lalo pa't nakarinig na naman siya ng singhapan at bulungan ng mga tao.
Juskolerd! PDA!
"No, malayo ang pinarkingan ko ng sasakyan. Ayokong mapagod ang asawa kong matigas ang ulo. Pumayag na akong uuwi ka sa inyo ngayon, kaya hayaan mo na akong ihatid ka." Sabi nito na may mapaglarong boses at agad na ngang humakbang papunta sa sasakyan nito pagkatapos magpaalam ng mga magulang niya.
True to his words, malayo nga ang sasakyan nito. O baka mabagal lang itong maglakad? Ay ewan! Pinabigat niya tuloy ang katawan niya habang buhat-buhat siya nito pero hindi man lang ito nagreklamo.
Nakakainis!
Nang tumigil na ito ay alam niyang nasa gilid na sila ng sasakyan nito pero hindi pa rin siya nito binaba.
"Ibaba mo na ako, Bryan." Malamig na sabi niya dito at inangat ang ulo niya para tingnan ito pero ang hindi niya alam ay nakadungaw pala ito sa kanya.
Bigla tuloy siya nitong hinalikan sa mga labi at hindi na siya nakaangal.
Magnanakaw ang halimaw! Magnanakaw ng halik! Arrghh!
Hindi niya tuloy napigilan at tinulak niya ang mukha nito palayo sa mukha niya. Ang ikinainis pa niya ay tumawa pa ito. Pinagtatawanan siya! Loko 'to ah!
"Masyadong mainit ang semento, wife. Hmm.. Pakikuha ng susi sa bulsa ng shorts ko, please."
Ang landi, my ghad!
"Ano ba! Hindi mainit, nu! Ibaba mo na kasi ako, at ikaw na ang kumuha ng susi mo!" Sabi niya sabay piglas sa bisig nito.
"Wife, stop squirming! Ang baby natin!" Pagbabanta nito sa kanya na siyang ikinamaang niya.
"Eh, bitawan mo na kasi ako!"
"C'mon, wife. Kunin mo lang. Hindi tayo aalis dito kung hindi mo susundin ang sinabi ko. Bahala ka." Nanunuksong sabi nito sa kanya.
Gusto niya tuloy bigwasan ito! Kakainis! Wala na tuloy siya magawa kundi ang sundin na lang ang gusto nito.
"Saan ba kasi 'yon?!" Sabi niya habang kinakapa ang shorts nito.
"Wife, easy.. Baka may magising.."
Namula tuloy siya sa sinabi nito. Kakabwisit! Nilalandi at iniinis siya kanina pa! Nahohor- What the fudge! Shut up, Kyra!
'Akala siguro ni Bryan, siya lang ang marunong maglaro ha. Tingnan natin.' Sabi niya sa sarili ng may malokong ideyang pumasok sa isip niya.
Pinasok niya ang mga daliri niya sa bulsa ng shorts nito kung saan niya nakapa ang susi nito kanina. Kanina pa niya nahahawakan 'yon pero sinadya niyang iwasan ng daliri niya at mas pinasok pa ang kamay niya sa loob ng bulsa nito.
Narinig niya ang pagsinghap nito at hindi na naging maayos ang paghinga nito ng sinasadya niyang padaplis-daplis na hinahawakan ang ano nito. Matigas nga kanina pa pero mas lalong tumigas ngayon. Juskolerd!
"Wifey!" Asik nito sa kanya.
"Bakit ba? Hindi ko makuha eh!" Asik niya kuno dito at pinigilan talaga ang sariling ngumisi.
"Ah, ganoon, ha? Kunin mo na, kung ayaw mong mag loving-loving tayo ora mismo." Banta nito sa kanya sa tenga niya mismo gamit ang malanding boses nito.
Nagreact talaga ang katawan niya! Nainis tuloy siya at mabilis na kinuha ang susi nito at nilahad dito.
"Ayan oh!" Sabi niya sabay irap, pero tinawanan lang siya nito.
"Ikaw na magbukas, wife.. Oh." Umungol pa!
Gusto niya tuloy sabunutan ang sariling buhok o mas maganda siguro kung ang buhok nito ang sabunutan niya! Pero agad na din niyang ginawa ang gusto nito para makauwi na siya. Naasar na talaga siya dito!
Malapit na!
Malapit na siyang bibigay!
Shocks!