下載應用程式
11.11% Dark Glazer Academy [COMPLETED] / Chapter 3: Chapter 2

章節 3: Chapter 2

-Athena Brix Alexandro-

"'Wag 'yan! 'Di bagay sa'yo! Tsk. " reklamo ni Ereya sa suot kong malaking damit tapos maong pants. Pang-sampung damit ko nang sinukat 'to at ni isa wala sya nagustuhan sa mga 'yun -.-

"Eh, ano bang gusto mo? Tsaka ikaw ba ang papasok sa DGA ha? Ikaw ba? " tanong ko. Mabuti na lang at walang tao dito banda sa may fitting room.

"Dapat ang piliin mo na damit is 'yung pang-babae yet mukhang panlalaki! " sabi na naman nya.

"Ewan ko sa'yo. Basta, bibilhin ko 'to. " sabi ko sabay bitbit nang damit na sinukat ko kanina at iniwan sya dun. Psh!

"Let's buy you a v-neck shirt! " masayang sambit nya mula sa likuran ko. Nilingon ko sya.

"What? " tanong ko.

"Let's buy you a v-neck shirt. Ayun! Bagay 'yun sayo. " ulit nya.

"Okay then, let's try. " walang-ganang sambit ko. Napapagod na ako, alam nyo ba 'yun ha? Pero ito atang bestfriend ko, nag-milo at tinalo ang energy gap na sinasabi ni James Reid -.-

Nag-simula na naman syang kumuha ng mga v-neck shirt tsaka black pants. Kumuha din sya ng sapatos. Tsk, gastusera talaga.

"Here! Try it. " abot nya sakin ng mga 'yun kaya naman walang-gana akong pumunta ulit sa fitting room at sinukat 'yun. Nang okay na ako ay lumabas na ako upang makita nya ang itsura ko.

"Sabi na eh! Ang gwapo mo dyan. Told yah! " sabi nya saka ako kinindatan. Baliw.

Pagkatapos nang session na 'yun ay pumasok na ulit ako sa fitting room at agad sinuot ang damit kong suot noong pumunta ako dito. Big black shirt ito at maong pants. Well, ganyan talaga ako manamit, panglalaki. Kaya nga gusto ko 'yung kaninang sinukat ko eh na ayaw naman ni Ereya.

Pumunta na kami sa counter at binayaran nya lahat ng binili nya sakin.

"Oh, bitbitin mo. " sabi nya sakin ng makuha na namin ang mga pinamili namin.

"Bat ako? " tanong ko.

"Eh, kasi diba magiging--tara na nga. " kaya naputol ang sasabihin nya dahil pinandilatan ko sya ng mata. Napakadaldal talaga.

"Where are we going na? " tanong nya.

"Salon. " maikling sagot ko.

"Eh? Wala akong alam na salon dito. " sabi nya.

"Sinabi ko bang alam mo? Tss. Meron akong alam, Fritzy's Salon. " sabi ko at nag-tungo na doon.

"Athenaaaaaaaaaaaa! " tili agad ng mga bakla noong nakapasok na kami ni Ereya.

"Yo mga baks. " natatawang sambit ko.

"So, anong ginagawa mo dito? Tsaka sino 'yan? " turo nya kay Ereya.

"Mag-papagupit sana ako, 'yung panglalaking gupit. " turo ko sa buhok kong naka-bun pero magulo. Messy bun ba tawag nila dun? Ah basta, bun.

"At, sya naman si Ereya. Bestfriend ko. " turo ko naman sa kaibigan kong halatang naiilang. Psh! Bat naiilang 'to?

"Oh, hi there Ereya! " bati nilang dalawa sa kanya.

"Hello. " nakangiting wika ng kaibigan ko.

"Tara na. Simulan na natin nang maaga kaming makauwi. " sabi ko saka nilapag ang mga gamit dun sa gilid at umupo sa isang upuan.

Tinanggal ko na ang ipit na nasa buhok ko. Sinimulan na nilang ayusin ito.

"Ano ba naman itong buhok mo, Athena, jusko! Para kang hindi nag-suklay ng isang taon. " sambit ni Ferriz habang hirap na hirap suklayin ang buhok ko. Lihim naman akong napatawa.

Sinulyapan ko naman ang bestfriend kong nasa gilid ko. Si Fritz naman ang nag-aayos sa kanya. Magpapakulay daw sya ng buhok eh.

Si Fritz ang may-ari nitong Fritzy's Salon, ginawa nya lang Fritzy para daw pambabaeng-pambabae talaga. Haha.

*2 hours later*

"Hooo! Nakakapagod ka, bakla! " sabi ni Ferriz nang matapos nya nang gupitan ang buhok ko. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, at isa lang ang masasabi ko, ang gwapo ko! Sheeet!

"Ay oo, hindi ako pinansin. " sabi nya kaya naman nilingon ko sya.

"Haha. Sorry na. " natatawang sambit kong muli.

"Oh my gosh! I'm so pretty! " patiling sambit ni Ereya. Tiningnan ko sya at tama sya. Ang ganda nya sa blonde nya buhok.

"Pasalamat ka kay ako. " sabi naman ni Fritz.

"Thankieee. " sabi ni Ereya.

Tiningnan naman ako ni Ereya and her eyes widened. Lumapit sya sakin.

"Athena is that you? " gulat nyang tanong.

"I'm not Athena anymore, starting today, I am Brix Alexandro. " nakangiting wika ko.

"Gosh bestfriend! Ang gwapo mo! " sabi nya sakin.

"I know right? " sabi ko kaya natawa naman sila.

Kaonting kwentuhan at tawanan ang naganap pagkatapos noon pero hindi ko kinwento sa kanila ang about sa pagpasok ko sa DGA.

"Sige na mga baks, sibat na kami. " pag-papaalam ko sa kanila.

"Sige, ingat kayo. " sabi naman nila samin.

"Kelan pala ang alis mo? " biglang tanong ni Ereya. Para namang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapag-salita. Shit!

"Hey, I'm asking you. " sabi nya sakin.

"T-tomorrow. " nauutal kong sagot at natigilan naman sya sa pag-lalakad.

"T-tomorrow as in the day after today? " tanong nya.

"Yes. " sagot ko ulit.

"Why so fast? Kakapasa mo pa lang ah? " tanong nya ulit.

"Actually, nung isang araw ko pa nakuha ang papel na nag-sasabing pumasa ako sa eskwelahan nila. N-ngayon ko lang nasabi. " nakatungong sambit ko.

"Pwede ba kitang ihatid bukas? " tanong nya.

"No. Bawal. "

"Okay okay. So, kailangan mo na palang umuwi dahil maaga ka pa bukas. Let's go. " sabi nya at naunang mag-lakad. Hanggang sa makarating na kami sa parking lot at sumakay sa kotse nya, tahimik pa rin sya. Ganon din naman ako. In short, hindi kami nag-kikibuan.

Hays.

Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa apartment ko.

"S-salamat sa pag-hatid. " nakatungong sambit ko.

"Athena, take care. Ma-mi-miss k-kita. " naiiyak nyang sambit. Lumapit ako sa kanya at agad syang niyakap.

"M-mamimiss din kita, Ereya. Take care din ah? " sabi ko saka umiyak.

"Oo na. Pumasok ka na at maaga ka pa bukas. See you, after 6 months? " tanong nya.

"See you after 6 months. " nakangiting saad ko ngunit may bahid itong lungkot.

Pumasok na nga ako sa apartment saka nag-tungo sa kwarto ko. Ready na ang lahat. Nakaimpake na ang mga gamit ko, isasama ko na lang ang pinamili namin ni Ereya kanina.

Umupo ako sa kama at hindi sinasadyang nakuha nang aking atensyon ang brown envelope na nasa gilid ko.

Kinuha ko ito at binuksan, kinuha ko ang nasa loob nito. Isang papel.

"Congratulations, Mr. Brix Alexandro! You passed our examination. Welcome to Dark Glazer Academy! See you soon. "

'Yan ang nakalagay sa magarang papel na nasa envelope. Hays.


創作者的想法
Ellaine_Mojado Ellaine_Mojado

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C3
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄