下載應用程式
95.23% Cradled Hearts / Chapter 20: Chapter 18

章節 20: Chapter 18

"SINO KA NGA BA, HANNAH?"

Naiwan sa ere ang tanong ni Rafael. Nanatili lamang na nakatingin sa kanya si Hannah, na para bang lumilipad ang isip. Wala ring tigil ang pagkalikot nito sa mga daliri nito.

"Didiretsahin na kita," pagpapatuloy niya. "You have the right to not answer this question. Hindi ka talaga pumunta rito para mamasukan sa amin. You're into something. Am I right? You're secretly cooperating with Naoimi."

Umangat nang bahagya ang tingin ni Hannah. "Sir, maliit na bagay—"

Bumuntonghininga si Rafael. "Lying doesn't suit you, Hannah, so please stop," nangibabaw ang boses niyang iyon sa buong kuwarto. "Tell me more lies and I won't trust you again. Ever. I want to know everything ... from you."

Napatungo si Hannah. "Gusto ko man pong sabihin pero sinabihan ako ni Ma'am na huwag kong sabihin sa iba ang mga pinag-uusapan namin. L-Lalo na raw po sa inyo."

"Huh!" Napahilamos ng mukha si Rafael at nakaigting ang panga na tumingin siya sa labas. Napangisi siya sa pagkadisgusto. "I get it. Your loyalty is lapsing. At alam mo ba? Alam kong tama naman ang ginagawa mo pero labis akong nasasaktan. Hinahayaan kita sa lahat ng bagay—I trusted you—pero hindi mo iyon magawa nang pabalik. Ganoon ba ako kahirap pagkatiwalaan, Hannah?"

Pag-iling lang nito ang natanggap niya. Pinilit niyang huwag tumulo ang mga luhang ngayon ay nagbabadya nang bumagsak.

"And you know what's hurting me more? Saka ka lang nakipag-ugnayan sa kinauukulan nang mawala na sa akin ang kaso," sabi niya. "Why, Hannah? Bakit? Bakit hindi mo sinabing kapatid mo si Freia? Mas lalo mo lang ipinapamukha na hindi ako magaling."

"S-Sir, hindi po gano'n iyon..." naluluhang sabi ni Hannah. "Aaminin ko po h-hindi pa noon ako handang harapin ang katotohanan. U-Umaasa pa rin po ako noon na hindi totoo ang balitang nabasa ko sa diyaryo, na ibang Freia ang na-kidnap. At lalong hindi ko po ipinapamukha na hindi kayo magaling, Sir. A-Ako na po rito ang nahihiya. Ang dami ko na pong utang na loob—hindi ko po alam kung pa'no iyon babayaran... pagkatapos malutas ang kaso, balak ko nang bumalik sa amin dahil may mga kapatid akong naghihintay sa Isabela."

Gustong magmura ni Rafael sa mga oras na iyon. Pero pinigilan lang niya ang sarili. Mariin na lang niyang ibinaon ang nakakuyom na kamao sa kutson. "Do you think it's that easy, huh? Hannah, alam mo bang puwede ka naming ireklamo? We both agreed to the contract. Kung naisip mo pala na aalis ka kaagad kapag natapos ang kaso, bakit ka pumasok dito? You have many options—you should have rented a transient house nor boarding house—but still, you chose to use us! For what? Libreng bahay? Libreng pagkain? Libreng makita ang kahubdan ko?"

Labis na nasaktan si Rafael. Para bang niyanig bigla ang mundo niya. Sinikap niyang gawin ang lahat para lang mapasaya si Hannah. Sinikap niyang kunin ang tiwala niya. Sinikap niyang alamin ang lahat tungkol dito. Dahil habang dumadaan ang mga araw na kasama niya ito, mas lalo lang niyang pinapatunayan na tama nga si Elena. Na hindi isang awa ang nararamdaman niya kay Hannah kundi pagmamahal.

Ramdam niya iyon. Si Hannah ang nakikita niyang babae na ihahatid sa altar, na ito ang magbibigay sa kanya ng masayang pamilya—na hindi niya nakita sa mga babaeng nakasalamuha at ipinakilala ng mga magulang niya. Bukod sa pagiging dalagang Pilipina, mapag-alaga rin ito.

Si Hannah ang laging nariyan sa tuwing kailangan niya ng makakausap. Ang babae rin ang palaging nag-aalaga sa kanya. Ito na rin yata ang laging nagpapaalis sa mga pagod at problema niya sa buhay.  Sa katunayan, laging si Hannah ang lagi niyang naiisip sa bawat oras.

Kaya lang, para bang nagbago bigla ang lahat. Gusto niyang magalit, pero wala siyang karapatan. Kung tutuusin, pareho sila ng pinoproblema. Iyon ay ang kanilang kapatid. Nangungulila silang pareho. Pero hayun nga, ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi nito sinabi iyon.

"T-Tama na, Sir, please..." Tuluyan ng bumagsak ang luha mula sa mga mata ni Hannah. Kulang na lang ay lumuhod ito sa harap ni Rafael. "Tama na po... Hindi mo alam kung bakit ko ginawa ito dahil hindi naman kayo mahirap na tulad namin. Baon kami ngayon sa utang dahil kailangan naming ipagamot ang lola namin na may sakit sa puso. Siya lang ang kamag-anak namin dahil matagal na kaming iniwan ng mga magulang namin. Kinapalan ko na ang mukha ko at nakisabay sa kanila na punta sa Manila. At sapat lang ang perang meron ako para ipambayad sa taxi papunta rito. Walang-wala po kami, Sir, kaya ko nagawa 'to. Kami lang ni Freia ang bumubuhay sa pamilya namin. At kung nakikita man ninyong mali ito, patawad, Sir, pagkat isa lang kaming pamilya na pinagkaitan ng grasya."

Pinalis nito ang mga luha at saka suminok-sinok. "H-Huwag po kayong mag-alala, Sir. Kung magkano man po ang nagasto n'yo para sa akin, pakibilang na lang po lahat. Babayaran ko na lang po. Pati na rin po iyong mga binigay ninyo sa akin."

Ngumiti pa si Hannah bago patakbonh lumabas ng kuwarto. Naiwang nakatulala si Rafael. Hindi niya inaakalang ganoon ang mga pinagdaanan nito sa buhay. Gusto niyang bawiin ang lahat ng mga sinabi niya rito, pero huli na ang lahat. Parang balang bumaon na iyon sa isip at puso ni Hannah. Hindi niya alam kung mapapatawad siya nito.

Muling bumukas ang pinto at dumungaw lang mula roon si Hannah. "Siya nga po pala. Magpapaalam lang po ako, Sir. Pupunta ako sa istasyon at hindi ko po alam kung ano'ng oras ako makakabalik. Wala po kasi ang mga magulang n'yo pati si Sir Eris. Umalis daw po. Huwag n'yo rin pong kalimutang inumin 'yang gamot ninyo. Naihanda ko na rin po iyong pagliliguan ninyo sakaling gusto n'yong maligo. Last na po, hindi ko po kayo sinilipan. Kayo po mismo ang nagbihis sa katawan ninyo. Pinunasan ko lang po ng maligamgam na tubig iyang katawan ninyo para hindi kayo magkasakit. Salamat po."

~•~

NAKATANAW lamang si Rafael sa may labas ng veranda na para bang mayroon siyang malalim na iniisip. Hindi niya ininda ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa katawan niyang walang saplot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang din ang kanyang pang-ibaba. Kasinggulo rin ng isip niya ang kanyang buhok.

Magtatanghali na nang magising siya at nadatnan niyang wala ulit sa mansyon ang mga magulang niya kasama si Eris. Napapansin niyang mula nang muling bumalik ang kapatid niya sa kanila, napapadalas ang paglabas ng mga ito. Naiintindihan niya ang kanyang ina. Gusto lang ng ginang na muling maramdaman ng kapatid niya na mahal na mahal nila ito.

Natiyempong Sabado ngayon at wala siyang pasok. Mas pinili na lang niyang huwag sumama sa mga ito dahil gisto niyang tumulong sa paghahanda sa mansyon. Maraming dapat na gawin gayong dadating ang mga kamag-anak nila para sa pagdaraos ng Bagong Taon. Kabilang na sa mga ito ang pamilya ng Tito Rob niya at ng matalik niyang kaibigan na si Liam. Paniguradong magiging masaya ang gabing iyon para sa kanila, pero hindi siya masaya sa mga oras na iyon.

Ilang araw na nang mangyari ang pag-uusap nilang iyon ni Hannah —nasaktan niya nang husto ang damdamin nito — pero hindi pa rin siya nakakahingi ng tawad. Bukod sa hindi niya alam kung papaano, laging okupado ang oras nito sa pagtatrabaho. Dumagdag pa roon ang mangilan-ngilang TV reporters o mga journalist na gustong magsagawa ng interview. Napanood na rin niya ang nangyaring interview kay Hannah at mas lalo lang nasaktan ang ego niya.

Napatungga siya sa hawak na bote ng wine. Napatingin siya kay Hannah na abala sa paglilinis sa tubig ng pool. Tahimik din ito at nakatuon lamang ang atensyon sa ginagawa.

Talk to her. You owe her an apology, Rafael.

Napatango siya at napahinga nang malalim. Pero bago pa man niya maihakbang ang mga paa ay narinig niyang parang may tumatawag sa pangalan niya.

"Rafael, 'nak, puwede ba kitang makausap?"

Napalingon sa likuran si Rafael.  Sinundan niya ng tingin si Elena na naglalakad palapit sa kanya. "Tungkol po saan, 'nay?" nakangiti pa rin niyang tanong.

Humila ng dalawang upuan si Elena. Ipinagharap nito iyon na para bang masinsinan ang gagawin nilang pag-uusap. Iminuwestra ng matanda sa kanya ang isang upuan. "Maupo ka, 'nak."

Naguguluhan man ay sinunod iyon ni Rafael. "What's the matter?"

Huminga nang malalim ang matanda. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, 'nak. Kayo ba'y nag-away ni Hannah?"

Awtomatikong napakunot ng noo si Rafael. "Nag-away?"

Isang nangungusap na tingin ang iginawad ni Elena sa kanya. "Rafael, matanda na ako pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid. Hindi man niya ipinahahalata," napatingin ito kay Hannah, "pansin ko ang pagdaramdam niya. Lagi siyang tahimik sa kuwarto. Minsan natitiyempuhan ko pa siyang umiiyak. Hindi naman sa sinisisi kita, 'nak, pero kayo ang huli kong nakita na magkausap. Ano ang problema? Naku, sinasabi ko ito sa 'yo, 'nak. Hindi magandang umpisahan ang panibagong taon nang may kaaway. Kasabihan iyan ng mga matatanda."

Hindi nakaimik si Rafael. Hinawakan ni Elena ang kamay niya.

"'Nak, kausapin mo siya. Posible ba iyon? Ayusin ninyo ang gusot na namamagitan sa inyo. Huwag mong hayaang mawala ang maayos ninyong pinagsamahan lalo na at..." isang malawak na ngiti ang kumawala mula sa mga labi ng matanda, "pansin kong mukhang umiibig din siya sa 'yo."

Napabuka ng bibig si Rafael at para bang tumalon bigla ang puso niya sa narinig. Ramdam din niyang parang nag-iinit ang kanyang mukha. "R-Really?"

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Elena. "Iyan ang sinasabi ko sa 'yo, e, Rafael! Umamin ka rin. Ikinakaila mo pang hindi ka umiibig sa kanya. Hindi ka marunong magtago ng nararamdaman mo. Oo, tama ang narinig mo," hininaan nito ang boses, "may pagtingin din si Hannah sa iyo. Madalas ka niyang mapanaginipan at madalas niyang sinasabi na mahal ka niya."

Mas lalo nitong ginulo ang buhok niya. "Hindi ka na talaga bata, 'nak. Papunta ka na sa panibagong yugto ng buhay. Huwag mo akong tularan na tumandang dalaga, ha? Bago man ako kunin ng Panginoon, gusto kong makita kang ikinakasal. At sana nga, si Hannah ang taong iyon."

Hindi na napigilan ni Rafael ang sarili at tuluyan siyang napangiti. Wala nang rason para ilihim pa niya sa matanda ang tunay niyang nararamdaman. Ito na mismo ang nakabuking sa kanya.

"O siya, babalik na ulit ako sa loob, 'nak," sabi ni Elena, saka tumayo. "Kausapin mo siya, ha?"

Napatango na lamang si Rafael. "Opo, 'nay. Kakausapin ko siya."


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C20
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄