Guns are for brave men. I am a brave man. I am firm, stoic, and upholds strong authority. I should be like that. I must be like that.
Iyon ang itinatak ni Papa sa utak ko. Isa siyang magiting at kinakatakutan na pulis. Ika niya, policemen were made to be a protector. I should be like him. But I know I wasn't.
Palagi niya akong pinapanood ng mga action films. Ben 10, Power Rangers, Pedro Penduko at kung ano-ano pa. Ngunit alam kong iba ang hilig ko. I don't like brutal scenes. Nanginginig ako sa takot.
That was when I started enjoying Disney films. Nakikita ko kasi ito sa nakatatanda kong kapatid. Ate Jen would always watch Cinderella, Snow White, Beauty and the Beast, and a lot of Barbie films.
That's when I realized that I prefer watching princesses because I was hoping I would be like them. But I know that I am not...I'll never be like them.
Palagi akong bibilhan ni Papa ng mga laruang panglalaki. Ang dami niyang binibili na mga baril, robots, sasakyan at espada. He even bought me a pair of police outfit.
Elementary ako ng nagdesisyon akong hindi pagupitan ang buhok ko. Naiinggit kasi ako kay Ate Jen. Her jet black hair is shining as bright as the sun. Gusto ko rin nang ganoon. Hindi ko pa alam kung ano ang tawag sa kagaya ko. I can't call myself a 'boy' because I know I'm too soft for it. Hindi rin 'babae' dahil alam kong hindi naman ako babae.
"Bakla ka ba, Mr. Parcon?" Nanginginig ang mga kamay ko matapos akong tanungin ng teacher namin. I was in the sixth grade.
Inaayusan ko ng buhok ang isa kong kaklase. Napayuko na lang ako ng marinig ang tawanan ng mga kaklase ko.
"Anak! Gupitan na natin ang buhok mo! Pangit sa lalaki ang long hair! Halos mag sing-haba na kayo ng buhok ng ate mo ah!" Hanggang balikat na ang buhok ko. I want it long. But I'm scared.
I cry myself to sleep. Halos kalbuhin na ako ni Papa. Ika niya ay dapat pogi ako para sa unang araw ng pasukan sa high school.
Kung mayroon man akong isang taong kinakatakutan ay si Papa iyon. Malaki ang katawan niya. Hindi siya kagaya ng ibang mga pulis na tanging tiyan lamang ang malaki. Ang katawan ni Papa ay kagaya ng mga lalaking babad sa gym.
Minsan nga ay tuturuan niya pa akong mag push up. Hindi ako katangkaran. Masyado akong maliit para sa isang lalaki. Nangangayayat pa. Napapanood ko kasi sa telebisyon ang mga model. Mga sexy sila. Gusto ko rin magkaroon ng makinis na balat kagaya nila. Pwede kaya iyon?
When I got in highschool, hindi ako makapag-out. Maraming bully sa paaralan namin. Kilala pa naman si Papa bilang isang maton. Alam kong mapapahiya siya kapag nalaman niya na ang nag-iisang anak niya na lalaki ay may bali.
It was on my eleventh grade when I had a classmate who's like me. Ang pinagkaiba ko lang ay out na out siya. Naiinggit ako. Naiinggit ako sa kalayaan na mayroon siya. Malaya niyang nalalagyan ng kulay ang kanyang labi nang hindi siya hinuhusgahan.
Pagkauwi sa bahay namin ay agad kong binuksan ang aking alkansya. Hindi naman siguro mahahalata kung maglalagay din ako ng kaunting lipstick, diba?
Muli ko ring pinapahaba ang buhok ko. Gasgas na nga ang linya ko kay Papa na uso itong hairstyle sa mga lalaki ngayon.
Lito akong napatingin sa mga lipsticks at make-up sa harap ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang bibilhin ko dahil hindi naman ako maalam sa ganito.
"Jerard?" Nahihiya akong lumingon sa tumawag sa akin.
It was Dorothy. Kaklase ko siya at kaibigan ni Paul. Iyong gay ko rin na kaklase. Hindi siya makapaniwala na nakita niya ako ngayon sa loob ng isang beauty shop.
"May girlfriend ka na?" Bulalas niya sa akin. Dumako ang tingin niya sa hawak kong lipstick.
Pinanlakihan ko ito ng mata. "Sayang naman! Crush pa naman sana kita!" Halos masuka ako ng marinig iyon galing sa kanya.
Crush niya ako? Nakakadiri naman iyon. "Wala akong girlfriend." Panimula ko. Kitang-kita ko kung paano muling lumiwanag ang kanyang mukha. "Pero tingin ko kasi dapat maghanap ka na ng bagong crush mo."
"Bakit? May nililigawan ka na ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. In my dreams! "Bakla ako, Dorothy. Lalaki rin hanap at...nandito ako kasi gusto ko rin bumili ng lipstick."
That was the first time I went out of my shell. The first time I told someone about who I really am.
Napapikit ako ng maramdaman ang pagtama ng kamao ni Papa sa akin. Hindi ko lubos akalain na nandoon din pala sa beauty shop ang asawa ng katrabaho niyang pulis. Mabilis na nakarating kay Papa ang balita.
Nanginginig ako sa takot. Pilit na umaawat si Mama ngunit masyadong malakas si Papa. Ate Jen hugged me so tight while crying.
Nagmamakaawa sila kay Papa na huwag akong saktan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak habang pinagmamasdan ang galit na galit na mukha ni Papa.
"Putangina kang bata ka! Pinapahiya mo ako!" Inis niyang singhal saka ako sinubukang suntukin.
Mabilis akong tinago ni ate sa mga yakap niya. Narinig ko na napadaing si ate sa sakit.
"Bakla ako, Pa! Sorry! Sorry kasi napahiya kita! Sorry kasi bakla ako! Pero anong magagawa ko, Pa? Ganito talaga ako e!" Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob upang sigawan si Papa.
Hindi maawat ang mga luha ko. "Bakla talaga ako e." Dagdag ko pa habang humihikbi.
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na kami muling nag-usap pa ni Papa. Hanggang sa nag kolehiyo na ako.
Inilabas ko na ang tunay na ako sa pagtapak ko sa BSU. Marami rin kasi akong nakikita na kagaya ko. Lahat sila magaganda. Gusto ko rin maging ganoon.
"Sorry." Wika ko dahil hindi ko sinasadyang mabangga ang isang lalaki.
Orientation day kasi ngayon. At kung sinuswerte ka nga naman! Ang gwapo ng isda na nasa harap ko.
"It's okay. Freshman ka rin?" Tumango ako habang pinagmamasdan ang mestizo niyang mukha.
"Same pala tayo! Liam, by the way." Masyado siyang matangkad. He offered his hand to me.
Mami! Ang lambot! "Jerard."
-----
hello! this is the third installment of BSU Series! Hope you'll like this one! lovelove!!!