下載應用程式
23.21% BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 13: Chapter 12

章節 13: Chapter 12

OSHEMA kept herself calm and compose seeing that Joul is coming over to their bench. He is adjusting the supporter on his wrists. Kung isa siya sa mga manlalaro na makakalaban nito, kakabahan din siya at matatakot. He is so intense today. Nothing like the boy sleeping soundly at the cave. Right now, he stood there as the captain of Martirez University who led his undefeated team in its successive championship victory. Napahiya siya sa sarili nang makadama ng pagmamalaki para rito. She is not allowed to feel that way.

"Okay na?" Tanong nitong ang tinutukoy ay ang pakikipag-usap niya kina Neil at Gwendel.

Napakurap-kurap siya at marahang tumango. "They're fine now."

He smiled. "Thanks." Saglit silang nagkatitigan. Di niya ito kinakitaan ng kaba. Siya din naman ay hindi nakakaramdam ng pagdududang mananalo sila sa laro. Malaki ang tiwala niya sa kakayahan nito. Mula ng makita niya mismo kung paano ito kumilos sa loob ng korte, di na sumagi pa sa isip niya na may tatalo rito. His skill matches that of a professional player.

"Just tell me what i can do to help." Sabi niya na hindi inaalis ang paningin sa mga mata nito. Her reflections in his hazel eyes never got clouded. Gustong-gusto niyang panoorin ang sarili mula roon.

"You being here is more than enough for us, Oshema." He mumbled huskily. May hatid iyon na kilabot sa kanyang kalamnan.

Tinawag ang first five players ng bawat koponan. Kampanteng naupo siya sa bench kasama ang ibang mga reserved players ng team nila. Pagkatapos ipakilala ang unang limang manlalaro ay bumalik ang mga ito sa kani-kanilang bench. Ang St Andrews blue wolves ay saglit na kinakausap ng coach habang sina Joul at ang mga kasama ay matiyagang naghihintay lamang ng signal mula sa mga opisyal na nasa korte.

Pumito ang referee, hudyat ng pagsisimula. Joul and the others formed a circle and put their hands together. Tumayo siya at lumapit sa mga ito. Ipinatong din niya ang kamay niya sa ibabaw ng mga kamay ng mga ito. Napatingin sa kanya ang mga manlalaro. Ngumiti na lang siya. Di ba ganoon naman dapat ang gagawin ng coach bilang suporta. Hindi lang marahil inasahan ng mga ito.

"Phantoms! Fight!" Sigaw ni Joul.

"Fight!" Sigaw nilang lahat.

"Alright! Let's rock'n roll!" Hiyaw ni Neil na nakadipa pa patungong court na parang naghahamon. Umani iyon ng malakas na tili mula sa mga fans nito at tagahanga. Habang matalim na tingin naman ang isinukli ng kalabang koponan.

Sa unang bugso ng laban napunta sa blue wolves ang bola. Tumira agad ang isa sa mga player nito pero di pumasok. Nakuha ni Gwendel ang rebound at di ito nag-aalangang ipasa agad kay Joul and bola. Matindi ang naging reaksiyon ng mga manonood nang mahawakan ng binata ang bola. As if everyone is anticipating a point from him already at that instant. Pero mabilis din ang kabig ng depensa mula sa blue wolves. Dalawa agad ang pumoste para harangan si Joul. Nag-dribol ang binata nagtangkang lumusot. Naalarma ang mga bantay nito. But he faded away, jumping outside the three point area. Humabol ang isa sa mga bantay pero alanganin na ang paglundag nito. Sumabit ang kamay nito sa braso ni Yzack matapos pakawalan ng binata ang bola.

Nayanig ang buong auditorium sa hiyawan nang pumasok ang unang three points para sa Phantoms at natawagan pa ng foul ang number 4 na manlalaro ng blue wolves. Pero kung ipinataw agad ng Phantoms ang unang matinding bangungot sa mga lobo, nagsisilbi naman iyon na gatilyo para ibaon ng lobo ang pangil sa kanila. Nakabawi agad ang St. Andrews nang maipasok ni Raymund Abinez ang tira nito matapos makalusot kina Neil at Gwendel.

Nagbago ng strategy ang blue wolves. Hindi lang double team kundi tatlo ang pinagbantay kay Joul. Kaya hindi na muling nakapuntos ang binata. Kahit sa pagpasa ng bola papunta sa mga kasamahan ay nahihirapan ito. Lumamang ng apat na puntos ang blue wolves. Ang pinakamalaking abante na nararanasan ng Phantoms mula sa mga naging laban nila.

Habang pinagmamasdan ni Oshema si Joul na humihingal at halos maligo na sa pawis, hindi man lang niya nakitaan ng pagkabahala ang lalaki. Ibig sabihin ayos lang ang lahat. Pinunasan nito ang pawis sa ilong gamit ang neckline ng suot nitong black jersey. Tumingin ito kina Neil at Gwendel na parehas ding naghahabol ng hininga at sumenyas gamit ang mga daliri. Di niya iyon naintindihan pero mukhang nakuha naman iyon ng dalawa. Nagtinginan ang mga ito at tumango sa isa't isa.

Hawak ng Phantoms ang bola. Mahigpit ulit na binantayan ng blue wolves si Joul. Nang ipasa rito ng pointguard na si Jevee ang bola ay saglit lang iyon hinawakan ng binata at idineretso agad kay Gwendel na nasa labas ng three point area. Walang bantay si Gwendel kaya malaya nitong naitira ang bola. Pumasok iyon at naitala ang puntos. Sunod na pumuntos ay si Neil. Na sinundan naman nina Jevee at Roven. Mabilis na nakahabol ang Phantoms at umabante ng limang puntos.

St. Andrews strategy begins to crumble slowly. With Joul allowing his team mates to dominate in getting the scores they need, the blue wolves momentum crashed. The team is in dilemma of choosing between their tight defense against Joul and stopping his team mates at the same time. Kung pipiliin ng koponan na gawin ang huli, lalo silang masasadlak sa bangungot. Nagtapos ang first half na lamang ang Phantoms.

"Good job, boys!" Masayang pahayag ni Oshema na inaabutan ng tubig ang mga manlalarong abala sa pakikipagbungguan ng kamao sa mga players nila na nasa bench.

"Thank you," nakangising tinanggap ni Neil ang bottled water at kumindat sa kanya. "Ayos ba? Ang galing ko no?" Pagyayabang nito.

"Talaga namang magaling ka, lalo na pag walang bantay." Pang-aasar ni Gwendel.

Tawanan sila. Binalingan niya si Joul na nakangisi din habang nagbubukas ng gatorade. He seemed very tired. Hindi pa rin humupa ang mabilis nitong paghinga. Nakakaubos nga naman ng stamina ang bantayan ng tatlong players na halos kasing tangkad nito at maaaring kasing tibay din. Napansin nito ang titig niya habang umiinom ito ng gatorade. Pero hindi niya maalis ang mga mata rito kahit napapahiya. Pati ang paggalaw ng adam's apple nito tuwing nilulunok ang iniinom ay nakakaakit. Bakit ganoon? Ibinaba nito ang bote ng gatorade at lumapit sa kanya. Nakasampay sa balikat nito ang puting towel na ipinangtutuyo nito sa pawis.

"You looked tired. Gusto mo bang magpahinga muna?" Tanong niya rito.

"Ayos lang ako." Pagtitiyak nito. Pareho silang napatingin sa bleachers area kungsaan isinisigaw ng mga estudyante roon ang pangalan ng binata. Ang grupo pala nina Vanessa. Kumaway sa kanila ang dalaga. Kinawayan din niya ito. "Stop doing that." Saway ni Joul sa kanya.

"Ha?" Medyo napapahiya siya roon. Habang ang ibang players na nakatingin sa kanya ay nagtatawanan. " Bakit?"

"Coaches don't do that."

Laglag ang kanyang panga. Ganoon ba iyon? Bawal pala kumaway sa audience ang coach? Maybe it is an unwritten law.

"Captain, anong play natin sa second half?" Tanong ni Gwendel.

"Let's see, kung di pa rin nila babaguhin ang strategy, we will stick to the usual game plan." Sagot ni Joul.

" Paano kung magbago?" Si Roven naman.

"Eh, di talo sila." Si Neil ang sumagot.

"Magseryoso ka nga!" Binatukan ito ni Gwendel.

"I will be the point guard then let's do the full court press. Is that clear?" Pahayag ni Joul. "Ibigay nyo ang buong lakas nyo dahil kailangan natin silang matalo dito pa lang. Other teams are watching us." Sumang-ayon ang iba. Tumingin sa kanya ang binata at ngumiti.

Nagsimula ang second half ng laro. Nagbago ng strategy ang St. Andrews. It was a man to man defense versus Joul's full court press. Ang nagbabantay sa binata ay si Raymund Abinez. Pinasa ni Joul ang bola kay Roven na pinasa naman nito kay Gwendel sa ilalim pero nahihirapang makakuha ng magandang tiyempo si Gwendel para pumuntos kaya ibinalik nito sa labas ang bola. Sinubukan ni Joul na makalusot pero mahigpit ang pagbabantay ni Raymund. Papaubos na ang oras. Sumubok mag-jump shot ang binata pero nakaumang ulit ang depensa. Sa pag-aakalang hindi itutuloy ni Joul naging kampante ang captain ng blue wolves at huli na nang matanto nitong itinapon ng lalaki ang bola papunta ng ring. Tumapal pa sana ito pero ang tinamaan nito ay ang kamay ni Joul. Pumasok ang tirang iyon at tinawagan ng foul ang blue wolves. Nakapuntos pa ng dalawang beses ang binata.

Pero bumawi din si Raymund. Naipasok nito ang isang tira matapos bumagsak si Joul na napuruhan sa banggaan nila. Minura ng mga supporters ng Phantoms ang blue wolves. Tumayo si Shem na nag-aalala sa lalaking nilapitan agad nina Neil at Gwendel.

"Offensive foul iyon!" May sumigaw buhat sa audience.

"Oo nga! Offensive foul iyon! Bakit di tinawagan! Bulag ba kayo?"

"Booo!"

"Booo!"

Tumayo si Joul at sumenyas sa mga kasama na ayos lang siya. Lumapit din si Raymund at tinapik sa balikat ang binata. Humingi yata ng despensa. Nagbigayan ng high five ang dalawa at bumalik na ulit sa laro.

Abante pa rin ng limang puntos ang Phantoms. Hindi iyon nadagdagan pero hindi rin naman nahahabol ng kalaban. Sa mga huling minuto ng laro ay parehong pagod na pagod na ang mga manlalaro sa magkabilang team. Nagtawag ng time out ang dalawang koponan at nagpalit ng players maliban sa mga kapitan. Na-foul si Joul nang subukan nitong habulin ng supalpal mula sa likod ang tira ni Raymund na nag-fast break. Binigyan ng free throws ang blue wolves.

Nang mapunta sa Phantoms ang bola ay bumawi naman agad ang binata. Nakalusot ito sa depensa ni Raymund gamit ang changing pace. Ang laban ay tila nasa pagitan na lamang ng dalawang kapitan hanggang sa naubos ang oras. Nagtapos ang laro sa score na 101-96, panalo ang Phantoms. Hindi magkandaugaga sa pagbubunyi ang mga estudyante ng Martirez University sa unang panalo na nakamit para sa tournament.

Nagkamayan sa gitna ng court ang players ng Phantoms at Blue wolves. Lumapit kay Oshema si Joseph at nag-abot ng kamay.

"Congratulations, your boys really did a good job." Nakangisi nitong sabi.

Ngumiti siya at tinanggap ang kamay nito. "Thank you. Magagaling din naman ang mga players nyo."

Binitawan nito ang kamay niya at sumenyas na aalis na. Nilingon niya si Joul. Nakaigting ang mga panga nito at nagbabaga ang tingin sa kanya. What's wrong with him? Di na lang niya ito pinansin. Nilapitan niya ang mga manlalaro nila.

"Good work, boys.Coach Ramirez will be very proud of you." Isa-isa niyang niyakap ang mga ito. Natawa na lang siya nang makitang karamihan sa mga ito ay nag-blush lalo na sina Neil at Gwendel na hindi inaasahan ang ginawa niya.

Inanunsyo ng host na uumpisahan na ang second game sa pagitan ng MSU Tigers at St. Anthony Holy Knights kaya umalis na agad sila sa court at nagtungo sa locker room.

Hinabol niya si Joul na mabilis na naglalakad sa unahan nila at iniwan ang iba na nagtatawanan at nagbibiruan. Ano na namang problema ng lalaking ito? Halos ayaw nitong pansinin ang mga estudyanteng bumabati rito. Parang bipolar.

"Congratulations, ang galing-galing ng laro mo." Nagsalita siya nang mapantayan ito sa paglalakad.

Hindi ito sumagot. Hindi rin tumingin sa kanya. Para bang walang narinig. Ganito ba talaga ito pag nanalo? Imbes na matuwa ay nabubugnot.

"Sabi ko naman sa iyo di nyo na ako kailangan doon. Kahit wala ako siguradong mananalo pa rin kayo. Wala man lang akong naitulong doon."

His face turned awfully gloomy which she can't comprehend. "Bakit? Mas gusto mo bang doon ka na lang sa team ng wolves?" Nang-aakusa ang tono nito at halos marinig na niya ang mga ngipin nitong naggigitgitan sa isa't isa.

"Ano bang problema mo?" Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Ikaw!" Singhal nito. "Ikaw ang problema ko!" Nakapasok sila sa locker room at pabalyang isinara nito ang pinto. Ni-lock.

Hindi siya nakahuma at nakatulala lamang rito. Ano bang pinanggagalingan nito? She is completely disoriented.

"Ang saya-saya mo yata na pinipisil ng lalaking iyon ang kamay mo. And what's that hug for everyone, huh?" Namumula na ito at kulang na lang ay hambalusin ang locker na nasa tapat nito.

Doon lang nag-sink in sa kanya kung anong ikinakagalit nito. " Binabati ko lang ang team saka si Joseph ay bumabati lang din." Sinubukan niyang magpaliwanag. But he is too clouded with rage.

"You can't be that naive, Oshema. Those fucking guys are attracted to you. And there you are, feeding their bullshitts!"

Isang malakas na sampal ang itinugon niya rito. Hindi lamang iyon dahil naiinsulto siya sa sinasabi nito kundi para na rin pakalmahin ito. Wala silang patutunguhan kung papatol siya sa kagaspangan ng dila nito. It's his ego talking and she can't do anything about it.

Napatigil ito at natauhan. Kasunod ang pagsakop ng sakit sa galit nitong mga mata. Huminga siya ng malalim. Inabot ang mukha nito at may pagsuyong hinaplos ang namumulang parte dulot ng pagsampal niya.

"I'm sorry, pag-uusapan natin ito sa ibang lugar. Wag dito. Buksan mo na ang pinto. Naghihintay na sa labas ang mga kaibigan mo." Mahinahon niyang sabi.

Tumango ito at bumaling sa pinto. Binuksan iyon. Nagtatakang mga mukha ng team ang nakita niyang sumungaw. Palipat-lipat ang mga mata ng mga ito sa kanilang dalawa ni Joul. Pinilipit niya ang mga daliri at naupo sa bench na naroon. Sana walang magtatanong kung anong nangyari kundi mapipilitan siyang magsinungaling.

"Okay lang ba kayo, Miss?" Si Neil talaga, saksakan ng lakas ng loob. "Anong mayroon?" Curious nitong usisa.

"Okay lang ako." Nginitian niya ito para kalimutan na nito ang pangunguryuso.

"Bakit di kayo kumatok? Nai-lock ko ng di sinasadya ang pinto, pasensya na." Sabat ni Joul na nagbubukas ng locker nito at kinuha mula sa loob ang bihisan.

Parang nakumbinsi naman ang iba sa sinabi ng binata maliban lamang kina Neil at Gwendel na nanatili ang makahulugang tingin sa kanya. Masyadong perceptive ang dalawang ito.

"Captain, ang dami mong fans na naghihintay sa labas. Gustong magpa-picture." Pahayag ni Roven na tonong nanunukso. "Nandoon din sina Vanessa at Jinkee. Kailangan mo puntahan ang mga iyon. Baka mag-away pa."

Sumulyap sa kanya si Joul pero nag-iwas siya ng tingin. Basta't pagdating sa pamangkin niya ayaw niyang makipagkompetensya sa atensiyon ng lalaki.

"Di ba tayo manonood ng laro?" Tanong ni Jevee na kay Joul nakatingin.

"Kayo na lang muna, may trabaho pa ako." Sagot ng binata.

"Can we party a little after the game?" Si Neil. "Doon lang kami sa Mariner's court."

"No,you can't. May laro tayo bukas. Kailangan nyo magpahinga at bumawi ng lakas. Lalo ka na. Saan na napunta ang stamina mo? Halos lumawit na ang dila mo kanina." Kastigo ni Joul rito.

Napawi ang ngisi ni Neil at napakamot ito sa batok. Tawanan naman ang iba.

"Captain, labas na muna tayo. Kanina pa naghihintay doon ang mga supporters natin." Singit ni Roven. "Coach, sama ka sa amin. Picture taking tayo." Baling nito sa kanya.

"Kayo na lang, I'll stay here." Tanggi niyang nakangiti.

"Nice, mang-aakap ako doon." Pilyong ungot ni Neil.

Binatukan ito ni Gwendel. "Manyak ka talaga."

"Mauna na kayo, susunod ako." Utos ni Joul sa naaatat na mga ka-team.

"Panis na yan, captain. Halika na!"

Pinagtulung-tulungan ng lahat na kaladkarin palabas ng locker room si Joul. Halata kasing wala itong ganang lumabas. Natawa na lamang si Oshema habang pinapanood ang mga ito. Hindi isinara ng mga ito ang pinto kaya dinig niya mula sa loob ang tilian ng mga babae. Natukso siyang sumilip. Abala ang mga players sa pagseselfie kasama ang kani-kanilang mga tagahanga. Natanaw niya si Joul na pinagkakaguluhan ng grupo ni Jinkee. Habang sa isang tabi ay nanonood sina Vanessa at ang mga kaibigan. Another group of girls watching in the other side too waiting for their turn. He is surrounded with gorgeous girls begging for his attention.

Isinara niya ang pinto at napangiti ng mapait nang tila may matalas na bagay na tumusok sa kanyang puso na nagpapabagal sa tibok nito. Mabagal pero masakit. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number ng binata. Nagtext siya rito.

Her : I'll be going home now.

Lumabas siya ng locker room at tumalilis palabas ng auditorium. Malapit na siya sa gate ng university nang dumating ang reply ni Joul.

Him : Where are you? sabi mo mag-uusap pa tayo.

Napapikit siya. Tumunog ulit ang cellphone niya.

Him : Pupunta ako mamaya ng kweba pagkatapos ng trabaho ko, wait for me there.

Siguradong pagod ito dahil sa laro tapos magtatrabaho pa. Kung pupunta pa ito ng kweba ay mapupuyat lang ito at baka di na makapagpahinga. May laro pa ang team bukas. Nagtype siya ng reply.

Her : Wag ka ng pumunta, ako na ang magpapakain sa mga kuneho...

Mabilis dumating ang sagot nito.

Him : Saan tayo mag-uusap kung ganoon?

Her : Bukas na tayo mag-uusap, you should get rest after your work.

Him : But I want it now, please...

Matapos basahin ang message na iyon ay hindi na siya nag-abalang magreply dahil natanaw niya na ito na paparating. Talo na naman siya.

"Hindi mo dapat iniwan ang mga fans mo." Inirapan niya ito.

"Di ako pwedeng magtagal doon. I have to work." Pilit nitong hinagilap ang paningin niya. Siguro para alamin kung galit siya. "Bakit bigla ka na lang umalis?"

Hindi siya sumagot. Ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon. Mas mabuting manahimik kaysa magsinungaling.

"Bukas na tayo mag-uusap. Magpahinga ka muna pagkatapos ng trabaho mo."

"Ayaw ko. Gusto ko ngayon na." Giit pa rin nito.

Kung tutuusin wala naman talaga silang dapat pag-usapan. Palalakihin lang nito ang issue. Pero kung di niya ito pagbibigyan, di rin siya nito titigilan.

"I'll wait for you then, until you finish your job. I'll be at the canteen. Just text me when you're done, okay?" Sinikap niyang langkapan ng formality ang boses.

Umaliwalas ang mukha nito. "Okay," he flashed a boyish smile and it destroys the wall she is trying so disparately to form between them at that moment.

Oh, God, how hopeless she can get.

"Uuwi lang ako saglit para pakainin ang mga kuneho at si Pepang tapos babalik ako rito." Sabi niya.

Tumango ito at hinatid siya hanggang sa labas ng gate.

Dumaan siya ng palengke para bumili ng Chinese kangkong na ipapakain niya sa mga kuneho bago siya umuwi ng staff house. Nagluto din muna siya ng hapunan nilang dalawa ni Pepang. Napapangiting tiningnan niya ang pusa na natutulog sa upuan habang hinihimay niya ang dadalhing kangkong sa kweba. Nang dumating siya ay nasa sofa ito sa sala at tulog din. Kaya siguro ang taba nito kasi matakaw sa tulog. Bibilhan niya ito ng collar kapag nakapunta siya ng mall. Siguro bagay rito ang kulay pink.

Isinama niya si Pepang sa kweba. Sumalubong agad sa kanila ang mga kuneho pagkapasok nila sa looban pero huminto ang mga ito at nag-atubiling lumapit nang ibaba niya sa sahig si Pepang. Di gumalaw ang pusa at naupo lamang habang nakamata kina Nonoy at Mimi.

"Good girl," hinaplos niya ito at tinawag niya ang mga kuneho. Nagtalunan ang mga ito papunta sa kanya at sa kangkong na dala niya. Gutom na yata. Agad nilantakan ng mga ito ang gulay at hindi na pinansin si Pepang na kuryusong lumapit at nilaro ang gumagalaw na tangkay ng kangkong. Natawa na lamang siya habang nanonood sa mga alaga.

Pagbalik nila ni Pepang sa bahay ay naligo siya saglit saka naghapunan. Madilim na nang umalis siya ng staff house at bumalik ng eskwelahan. Tinanggal na niya sa isipan ang anumang pangamba at tinanggap na lamang ang sitwasyong kinasasadlakan niya. Wala rin naman siyang magagawa kung pipilitin niyang isaksak sa kanyang sistema na ang ginagawa niya ay mali at hindi naaayon sa idinidikta ng lipunan.

Malapit na siya sa canteen nang tumunog ang cellphone niya. It was Yzack, calling.

"Bakit?"

"The administrator wants to talk to you. He asked if you could see him in his office as soon as possible." May narinig siyang slow music sa background ng binata.

"Okay, papunta na ako, pakisabi sa kanya." Pumihit siya at nilandas ang hallway patungong opisina ng administrator.

"Okay, then." He ended the call.

Binilisan niya ang hakbang at nginingitian ang mga estudyanteng nakakasalubong na bumabati sa kanya.

"Ang ganda niya talaga!" She heard some girls giggled pagkalampas niya.

"Crush nga siya ng kuya ko, eh. Kaya lang bawal kasi nasa iisang school lang sila."

Pati iyon ay narinig pa niya bago siya lumiko sa kanto paakyat sa hagdan na maghahatid sa kanya sa distinasyon. Bawal kasi nasa iisang school lang sila. Not just that. Bawal din higit sa lahat dahil teacher siya at estudyante si Joul.

The society's norm versus her heart.

Kumatok muna siya bago niya binuksan ang pinto ng administrator's office. Sa gitna ng maluwang at maaliwalas na silid ay naroon ang desk at ang administrator ng eskwelahan. Si Atty. Roelle Saavedra. A good looking middle aged man. He is sitting on a big swivel chair behind the massive desk.

"Come in, Miss Salcedo." Tumayo ito at sinalubong siya.

"Good evening, sir." Bati niya.

"Good evening, come and have a set." Iginiya siya nito sa mahabang sofa.

Kakaupo niya lang roon nang mabaling ang paningin niya sa lalaking nakaupo sa computer chair na pinagulong nito palabas ng computer cubicle. It's Joul. Nakangiti ito at kumindat sa kanya. What is he doing here? Pinandidilatan niya ito. Baka mapansin ng administrator ang ginagawa nito.

"Joul, join us." Tawag ni Mr. Saavedra.

Tumayo ang binata at lumapit sa kanila. Naupo ito sa kanyang tabi. Habang ang administrator ay naupo sa sofa na katapat nila.

"Ipinatawag kita para mapag-usapan natin ang bago mong assignment, Miss Salcedo." Nagsalita si Mr. Saavedra.

"Bagong assignment, sir?" Ungot niya. She has no idea about it.

"Yes, Mr. Ramirez, the coach of our team submitted his resignation just now through an e-mail. I tried to persuade him to stay but he strongly refused due to some family problems. If you could consider it, I want you to replace him and be the new coach of Phantoms."

Saglit siyang napipilan. No, this isn't happening. Siya? Magiging coach? No way. Wala siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Joul can attest that. Kanina sa laro ay nakatunganga lang siya doon sa bench. Wala man lang siyang naitulong.

"Sir, sorry po pero di ko iyon kaya. Wala akong kaalam-alam sa pagco-coach." Mariing tanggi niya.

"I know, but Joul here recommended you and I trust his judgement about people. Anyway, he can assist you in some stuff. He's been a playing coach of our team last year. Kailangan lang talaga nating mag-train ng qualified professional for this area. It is a mandate from the higher office. We need to comply." Paliwanag ng administrator.

"But, sir__" Hindi niya alam kung anong idudugtong. Napailing na lamang siya at sumulyap kay Joul na titig na titig sa kanya. Ang lokong ito, talagang isinusubo siya. Ang sarap nitong sabunutan at panutin.

"Hindi kita mamadaliin, Miss Salcedo. Pag-isipan mo muna ang bagay na ito. And while you're at it, ikaw na muna ang itatalaga kong coach nila for the on-going tournament. You can decide after the whole thing is over."

Tumango na lamang siya. Ano naman ang pwede niyang ilaban? Siya na ang tumayong coach kanina.

"Thank you," natutuwang sabi ni Mr. Saavedra. Tumunog ang cellphone nito. Agad nitong sinilip iyon at tumayo. "I just need to take this call outside." Paalam nito at iniwan silang dalawa ni Joul sa loob ng opisina.

"Kabit yata niya 'yong tumawag. Ayaw ipadinig sa atin, eh." Nakatawang komento ng binata pagkasara ng pintuan.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Ang tsismoso mo." Kastigo niya rito.

Lalo lang itong natawa at tumayo na. Bumalik sa computer cubicle. Habang siya ay naiwang nakaupo doon sa sofa at napaisip. Just like that? And she became a coach. Nahihirapan siyang i-proseso ang lahat sa utak niya.

"Oshema!" Tawag ni Joul at senenyasan siyang lumapit rito.

Inirapan niya lang ito at di pinansin. Ito ang may kailangan, ito dapat ang lalapit. Gusto niyang mapangiti nang lumabas ito sa cubicle at naglakad papunta sa kanya. Medyo nakasimangot.

"Ano?" Mataray niyang tanong.

"Bakit ang taray mo?" Angal nito. At hinagod siya ng malagkit na titig. "Naligo ka ba?" Pilyo nitong sabi na nagbabadyang manukso.

Napakurap-kurap siya. Naligo nga siya. Ano naman ngayon? Sandali lang, bakit nga naman siya naligo? Nahihiyang sinipat niya ang sarili para iwasan ang nanunuksong titig ng binata. Simple blouse na powder blue ang suot niya at puti na skinny jeans. Inilugay niya lang ang medyo basa pa niyang buhok.

"Bumalik ka na nga doon sa trabaho mo." Sinikap niyang magseryoso at itinulak ito paalis. Pero tinawanan lang siya nito at hinawakan ang kanyang kamay.

"Tapos na ako sa trabaho ko. I'm installing the duplicator machine next door for the school newsletter. Gumagawa na lang ako ng mga utang kong research sa ibang subjects at malapit na rin akong matapos." Naupo ito sa tabi niya nang hindi binibitawan ang kamay niya. Nakawala na naman tuloy ang mga paru-paro niya sa tiyan. "I want to talk now, about what happened earlier at the court." Biglang dumilim ang mga titig nito.

Tumango siya at maayos na umupo paharap rito. Nakita niya ang pagsungaw ng kakaibang damdamin sa mga mata nito na humalo sa kadilimang naroon.

"I'm sorry, I got pissed. Ayaw kong nakikitang may humahawak sa iyo na ibang lalaki. I- I'm..." Nahihirapan itong ituloy ang gustong sabihin. At kahit alam na niya kung ano pero nag-abang pa rin siya na dudugtungan nito. "I'm jealous, Oshema. If I can help it, I would. But I can't. Kahit alam akong wala naman akong karapatan na maramdaman ito."

Parang pinaypayan sa loob ang puso niya. Ang sarap sa pakiramdam. "Naintindihan ko. Ayaw ko din namang makitang may hinahawakan kang ibang babae." She doesn't have to hold back, does she? Nakita niya kung paano kumislap ang mga mata ni Joul.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C13
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄