>Sheloah's POV<
"First, mag count off tayong lahat para malaman natin kung ilan talaga tayo kasi paghahatian namin kayo into groups para maging maayos ang gagawin natin," sabi ng tito ko at tumingin siya sa orasan niya. "We have an hour before lunch at kailangan na natin ito iayos para pag alam niyo na ang grupo niyo, we can train as a group," dagdag sabi pa niya at tumahimik kaming lahat para mas maintindihan ang instruction.
Nag step forward ang tatay ni Dannie, si Tito John at tiningnan niya kaming lahat. "Pero hindi kasama ang members ng Sniper Team sa gagawing grupo so Dannie and Ashley, please step out," sabi niya at tumayo si Dannie. Hindi nakikinig si Ashley kasi nakahiga parin siya sa sahig kaya tinapakan ni Dannie ang isa niyang kamay at agad naman nagising si Ashley. Tumawa kami ng konti at tiningnan niya si Dannie nang masama at pumunta sila sa tabi ni Tito John.
"Kreiss, Sheloah, at Geof. Pumunta na rin kayo sa harap since kayo ang gumagamit ng katana," sabi naman ng tito ko at tumango kami at nagsitayuan kaming tatlo at tumabi kami kina Dannie at Ashley. Sina Tyler, Veon at Shannara at Isobel naiwan dahil kasama nila ang klase. Wala muna silang special role tulad namin na may grupo.
"Mga supports muna tayo. Sa mga nakasali sa supports, including parents at yung kasama ni Geof, paki-count off po," sabi ni Sir Erick at nagsumula ang count off. All in all, ang supports ay 14, including the parents. Apat ang parents tapos ang students ay 10. Until ang kasi ang parents na kasama namin. Siguro ang estimated na nandito ay 15.
"Mga attackers, count off na rin. Gano'n na din ang instruction, including parents at ang kasama ni Geof," instruct ng tito ko at lahat nagsimula na ring mag count off. All in all ang attackers ay 17. Six from the parents at 11 from the students.
"Healers na rin po. Count off," panibagong instruction ng tito ko at nag count off na rin sila. The parents who chose to heal are approximately 5 in number. Ang mga students naman, 6. A total of 11.
Nag sigh si Sir Erick at tiningnan niya lahat ng mga classmates namin at ang parents. "I made totals," sabi niya and he took a deep breath. "The number of adults here in the group are 15. Add me, Dannie's dad, the adviser of 4A, and Sheloah's uncle then all in all, we are 19," he said the total at lahat kami nagulat dahil sa onting parents or adults na kasama namin ngayon. Paano na kaya ang students?
"Tapos ang number of students—" hindi pinatapos ni Ashley ang sasabihin ni Sir Erick dahil bigla siyang sumabat.
"Let's cut to the chase. Number of students here are 32, including us students here in front," deretsyohang sabi ni Ashley at lahat kami nakatingin sa kanya. He shook his head slowly as he sighed. "If you add the total of the students and the adults, all in all, we are 51," dagdag sabi pa niya at marami na ang nagbubulungan at nagsalita muli si Ashley. "And with these numbers, do you think we can survive going to Manila for us to go to Australia," tanong niya at marami na ang nag react sa sinabi niya and it was an eye opener for us at marami na ang nag panic.
"Guys, quiet down," sabi ni Sir Erick pero hindi nakikinig ang karamihan. Busy silang nakikipag usap tungkol sa sinabi ni Ashley.
"Pa'no na 'to?"
"Hindi na tayo ligtas pag ganito lang tayo kaonti!"
"Sa tingin mo lahat tayo makakapunta?"
"Imposible na lahat tayo kumpletong makakapunta roon!"
"Marami na ang mawawala sa atin. Marami ang mamamatay! Not all can go!"
"Hindi pwede! Ayaw ko pang mamatay!"
'Yan ang mga naririnig ko sa mga classmates namin. Ang mga parents may sarili rin silang diskusyon, nag aalala kung paano nila maliligtas ang mga kabataan, kung paano lahat magiging ligtas sa byahe.
Sa totoo lang pati ako kinakabahan ngayon na alam namin kung ilan kami ngayon ang magkakasama.
Konti na lang kami. Sa klase namin na 4A, 48 kami at noong papunta kami rito sa Tarlac, nabawasan kami. Marami ang nawala sa ami at ang dumagdag sa amin ay ang kasama ni Geof na classmates niya. Akalain mo, 32 students lang kami tapos ang adults 19? Tapos ang plano pa, travelling by foot papuntang Manila, NAIA airport?
It's impossible! With these number of people… how can we be sure that we're going to be safe?
How can we be sure that we're going to make it together?