下載應用程式
33.79% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 71: Babaeng Kumakanta at Naglalakad

章節 71: Babaeng Kumakanta at Naglalakad

>Sheloah's POV<

Natapos na ang kwento ni Geof. Naawa ako dahil sa totoo lang, kung ako yung nasa kalagayan niya noong time na 'yon, wala rin akong magagawa para sa dalawa kong kasama. Ang saklap talaga.

Tyler tapped his shoulder. "Hayaan mo na lang, tol. At least ngayon buhay ka pa, at mas malakas ka. Mas marami ka nang mapo-protektahan ngayon," sabi niya Kay Geof at nginitian niya na lang si Tyler.

"Kaya nga natuto akong gumamit ng katana. Nahanap ko ito sa display ng mall kaya kinuha ko at natuto akong magdamag. Tutal, noong bata ako nag lessons ako," sabi niya at nginitian ko siya. Tiningnan ako ni Geof.

"Hindi tayo pupunta roon. Mapanganib. Biglang nagta-transform yung zombies pagkatapos mo silang patayin," dagdag sabi pa niya sa amin and we nodded at him.

"Pero," he trailed off at nakuha niya yung attention namin. "Minsan nagte-training ako sa sementeryo, sa may bandang gate lang at pag madami na tumatakbo ako. Basta pag nagte-training ako roon, may naririnig akong babae," sabi niya at nagtaka kami ni Tyler. "Babaeng kumakanta at naglalakad-lakad sa fog," he said finally at bigla akong kinilabutan.

Pinalo ko agad si Geof sa likod. "'Wag ka nga! Tinatakot mo naman ako," react ko agad sa sinabi niya. Tinawanan lang ako ni Tyler at Geof.

"Pero totoo," sabi niya at tumalon siya pababa. Tumalon din kaming pababa at tiningnan niya ako ng seryoso. "Mayro'n talaga." He said finally and he gave my katana.

Tiningnan ako ni Tyler. "Are you going to train with that," tanong niya and I nodded at him. Mas naging curious yung itsura niya at parang hindi siya naniniwala. "Do you know how to use that," dagdag tanong pa niya at nginitian ko lang siya.

"Just watch and see," sabi ko at naglalakad ako papunta sa mga zombies. Hahabulin sana ko ni Tyler pero pinigilan siya ni Geof.

"Dito lang tayo. Just trust her," sabi na lang ni Geof kay Tyler at walang magawa si Tyler kaya nilagay nila yung silencer sa kanilang baril at hindi pa muna sila umaatake.

Nakarating ako sa mga grupo ng zombies pero hindi talaga malapit sa akin. Nakita nila ako at tatlo silang magkakasama. Naglalakad sila papunta sa akin pero hindi parin ako umaatake. Naghihintay ako ng magandang timing.

"Sheloah," sigaw ni Tyler at halata sa boses niya na nag aalala siya. Hindi ko na lang pinansin at pinikit ko yung mga mata ko.

I opened my eyes at nakita ko yung tatlong zombies malapit sa akin. Yung isa yung pinaka malapit sa akin kaya tumakbo ako papunta sa kanya at ginawa ko yung isang technique na isipan kong gawin. Hindi ito tinuro sa akin ni Geof. Gawa ko lang ngayon. Gusto ko kasing ma-experiment kung effective.

"Launch," sigaw ko at napalipad ko yung zombie. Ito kasi yung technique na papaliparin mo yung target mo at habang nakalipad siya, hindi siya makakagalaw. Hihintayin mo na lang siyang bumaba para maatake mo ulit. But it only takes a second or two.

Nung lumipad siya at nahulog sa sahig, agad kong sinaksak yung katana ko sa ulo niya at tumalsik yung dugo niya sa akin. Binalik ko yung tingin ko sa dalawang zombies na ngayon tumatakbo papunta sa akin at tumakbo ako papunta sa kanila.

No'ng nasa gitna nila ako, hinawakan ko nang mahigpit yung katana ko at umikot ako para patayin yung isa at naputol yung ulo niya. No'ng pinatay ko yung isa, lumingon agad ako at napugutan ko rin siya ng ulo. Nugmiti ako dahil sa isa kong move na 'yon, nakapatay ako ng dalawa.

"Blitz," sabi ko at ngumiti ako.

'Yon naman yung technique na ginawa ko na makakapatay ako ng more than one enemy in one move. Sa totoo lang, mas nae-enjoy ko na maging close-ranged attacker kaysa long ranged. Nakakapagod nga lang kasi kailangan kong gumalaw agad at kailangan ko rin maging mabilis.

Lumingon ako para tingnan si Tyler at Geof at tumatakbo sila papunta sa akin na nakangiti. "Damn, Sheloah! That was cool," sabi ni Tyler sa akin at tinawanan ko siya ng onti.

Tiningnan ako ni Geof. "Sabi ko na nga ba mas gagaling ka sa akin, eh. Buti naman at naturuan kita. Halata sa mukha mo na enjoy na enjoy ka," sabi naman ni Geof sa akin at nginitian ko siya.

"Salamat, Geof," pasasalamat ko sa kanya at nginitian niya nanaman ako.

Pumatay nanaman kami ng zombies hanggang maubos yung mga zombies na nandito sa bridge. Kahit pagod na ako sa kakagalaw, nag e-enjoy talaga ako kasi matagal ko na gustong matuto kung paano gumamit ng katana.


創作者的想法
MysticAmy MysticAmy

Please rate my chapters, add my story to your library, leave a comment or a review, and send me power stones. Thanks in advance!

Thank you for reading my story!

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C71
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄