Simula
Simula
Paglabas ko sa bahay ni tita Tasha, napatingin ako sa isang babaeng nag-aayos ng sintas. Konti nalang makikita na ang panty n'ya dahil sa ginagawa n'yang pag-yuko.
Isang ngisi ang gumuhit sa aking labi habang naglalakad palapit sakan'ya. "Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko nang makarating ako sa kan'yang harapan.
Umangat ang kan'yang ulo para tingnan ako.
I couldn't help myself not amazed to her brown mixed with amber and green eyes. Katamtaman lang ang tangos ng ilong n'ya ngunit bumagay ito sa hugis puso n'yang labi.
"Can I have your number, Miss?" Napakunot noo ako nang i-abot n'ya sa'kin ang isang flyer ng restaurant.
"Kung gusto mong makuha ang number ko, kumain ka muna jan," Aniya bago naglakad paalis.
Naiwan akong nakaawang ang labi habang tinitingnan ang papel sa aking palad. Ngayon lang ako tinanggihan ng isang babae sa buong buhay ko.
***
"Bakit hindi nalang tayo kumain sa dati nating kinakainan?" Tanong ni Sam habang abala ako sa pagmamaneho.
Hininto ko ang kotse sa tapat ng Chicken beer restaurant. Napangiti ako nang masilayan ang mukha ng babaeng nakita ko kahapon. May dala s'yang dalawang malaking garbage bag para itapon sa basurahan na nakalagay sa gilid ng kalsada.
Pumasok kami at agad na umupo sa isang mesa na malapit lang sa pinto. May isang babaeng naka-itim na mini skirt at puting t-shirt na may logo ng restaurant sa kanang dibdib ang lumapit sa'min para kumuha ng order.
"I want her to serve us," Ani ko sabay turo sa babaeng nagpupunas ng mesa.
"She's the reason why you stopped dating Maxine?" Bumaling ang atens'yon n'ya sa babaeng tinitingnan ko, "Wow! look at her eyes!" May pagka-mangha n'yang sabi nang i-angat nito ang ulo para tingnan ang customer na naka-upo malapit sa'min.
Ilang minuto lang lumapit na ito dala ang tray na may chicken joy at beer.
"Ito na po ang order n'yo," Aniya habang nilalapag ang plato sa mesa.
Agad na kumuha ng isang manok si Sam at kinain. Hinawakan ko ang braso n'ya nang tumalikod s'ya. Malamig na tingin ang ginawad n'ya bago inalis ang aking kamay.
"I think you forgot something, baby," Tinukod ko ang aking siko sa mesa at tinitigan s'ya. Her big eyebags bothers me. Hindi ba s'ya natutulog kaya sobrang laki nito? "I went here to get your number, Miss."
Pinasok n'ya ang kamay sa bulsa ng suot n'yang palda, "If you really want to get my number," Nilapag n'ya sa mesa ang kulay asul na flyer, "Buy 50 gallons of water in that station."
Tumaas ang sulok ng aking labi habang nakatingin sa papel na nilapag n'ya.
"Lahat ng bagay pinaghihirapan, Sir," Madiin ang pagbigkas n'ya sa huling salita.
Bago pa s'ya tuluyang umalis, hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo ng kan'yang damit at hinila palapit sa'kin. Balewala lang kay Sam ang mga nangyayari sa harap n'ya dahil abala s'ya sa pagkain at pag-inom ng beer.
Umiigting ang aking panga habang nakatingin sakan'ya. Inuubos ng babaeng to ang pasens'ya ko!
"Baby, don't play with me!" Madiin kong sabi. Halos naaamoy ko na ang mumurahin n'yang pabango sa sobrang lapit namin.
Bumaba ang aking tingin sa kan'yang suot, "I don't like seeing you wearing that kind of clothes," Tumaas ang sulok ng kan'yang labi habang nakatitig sa'kin. "Kahapon muntik ko nang masilayan ang panty mo," Isang ngisi ang puminta sa aking labi, "It made me want— " Malakas na sampal ang nagpahinto sa'kin.
Halos lahat ng tao sa paligid ay napatingin sa'min.
Walang kahirap-hirap n'yang tinanggal ang kamay ko. My jaw showed while slowly turning her.
"Miss," I brushed my hair that got messed up because of her slapped. "I will make your life miserable!" Pagbabanta ko habang matiim na nakatitig sa matapang n'yang mata.
Tumawa s'ya ng mahina, "Miserable na ang buhay ko," Bahagya n'yang nilapit ang mukha sa'kin, "Hindi mo na kailangan gawing miserable pa!" Unti-unti n'yang nilayo ang kan'yang mukha bago tuluyang naglakad dala ang isang tray.
Binaba ni Sam ang hawak n'yang manok bago ako hinarap. Bakas sa mukha n'ya ang pagka-mangha sa babaeng 'yon. "She will pay for this." Hinawakan ko ang baso ng beer 'tsaka nilagok lahat ng laman nito.
***
Hindi mawaglit sa labi ng babaeng 'yon ang ngiti habang nakikipag-usap sa lalaking bumibili ng tubig. Sa kabila ng pagsampal n'ya sa'kin kahapon, pumunta parin ako sa water refilling station kung saan s'ya nag ta-trabaho para makuha ang kan'yang numero.
Bumunot muna ako ng malalim na hininga bago lumabas sa kotse. "Good morning Si—" Bakas sa mukha n'ya ang pagka-gulat nang makita ako ngunit agad din itong naalis. "Ilang gallon po ang bibilhin n'yo?" Inalis n'ya ang suot n'yang kulay asul na sumbrero para ayusin ang pagkaka-tali ng kan'yang buhok.
I can't take my eyes off her chocolate and caramel balayage curly hair. "Tapos kana bang pagnasaan ako?" Tumaas ang sulok ng aking labi kasunod ng pag iwas ng tingin sakan'ya nang magtama ang aming mga mata. Isang ngisi ang gumuhit sa mapula at hugis puso n'yang labi habang nilalagay ang sumbrero sa kan'yang ulo.
"50 gallons of water," Sagot ko sa tanong n'ya kanina. Nakatitig lang ako sakan'ya habang nililinisan n'ya ang lalagyan ng tubig. Agad akong umiwas nang i-angat n'ya ang kan'yang ulo para tingnan ako.
"Kaya ka ba pumunta dito para kunin ang numero ko?" Tumawa s'ya ng mahina, "Bakit desperado kang makuha ito?" Bahagya akong umatras nang ilapit n'ya sa butas ng babasaging istante ang kan'yang mukha.
"Hindi ko alam," Tipid kong sagot. Tumango lang s'ya at binalik ang atensyon sa paglalagay ng tubig. Halos kalahating oras akong nakatayo sa labas, hindi manlang n'ya ako binigyan ng upuan.
"Sa'n natin ika-karga 'to?" Tanong n'ya habang buhat ang isang galon ng tubig. Walang kahit konting hirap sa mukha n'ya, halatang sanay na sanay s'ya sa mga gano'ng gawain.
Nagsalubong ang aking kilay nang buksan n'ya ang pinto ng aking sasakyan. "Nababaliw kana ba?" Singhal ko habang naglalakad palapit sakan'ya. Malamig na tingin ang ginawad n'ya bago binaba ang hawak na galon.
"Miss," Humugot ako ng malalim na hininga para magpigil ng inis, "BMW i8 sportscar ang modelo ng kotse ko tapos kakargahan mo lang ng isang galong tubig?"
Pinag-cross n'ya ang kanyang braso, "Anong gusto mong gawin ko? Buhatin ang singkwentang galon papunta sa bahay n'yo?" Lumapit s'ya sa babasaging istante at tinuro ang isang papel na nakadikit dito, "Wala kaming delivery boy ngayong araw kaya hindi namin mahahatid 'yan sa bahay n'yo."
Nanlaki ang kan'yang mata nang buksan ko ang galon at tinapon ang laman nito. "Hindi ko kailangan ng mumurahing tubig." Isang ngisi ang gumuhit sa aking labi nang gawaran n'ya ako ng malakas na sampal sa kaliwang pisnge.
"Ilang beses mo nang ginulo ang buhok ko," I brushed my hair using my right hand. Her eyes were filled of anger as she walked towards me.
"Lahat ng bagay may halaga," Yumuko s'ya para itayo ang galon, "Para sa'yo balewala lang 'to pero para sa ibang taong katulad ko, malaking bagay na ang tinatawag mong mumurahing tubig," Gumuhit ang ngiti sa kan'yang labi, "Dito ako nag ta-trabaho pero kahit kailan hindi ako nakainom ng tubig na 'yan."
Parang may kung anong kumurot sa aking dibdib habang nakatingin sa mga mata n'ya. Bakit nakakaramdam ako ng awa sa babaeng 'to?
Naglabas ako ng isang libo sa pitaka at naglakad patungo sa babasaging istante, "Keep the change," Ani ko nang ilapag ang isang libo sa butas nito.
"Scarlet, p'wede ko na bang makuha ang number mo?" Tumaas ang sulok ng aking labi nang marinig ang sinabi ng isang lalaki. Nilingon ko ito, malapad na ngiti ang naka-ukit sa labi nito habang inaabot n'ya ang papel na may naka-sulat na numero.
"Ginagamit mo ang mukha mo para magkaro'n ng maraming customer?" Tanong ko habang naglalakad palapit sakan'ya. "Bumili rin ba s'ya ng singkwentang galon ng tubig?" Tumawa ako ng mahina, "Bakit hindi ka nalang magtrabaho sa Clu—" My jaw showed when her palm hit my right cheek. F*ck this girl!
"Wala kang karapatang bastusin ako!" Matapang n'yang sabi habang sinasalubong ng kan'yang mata ang aking tingin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabila n'yang braso, pilit n'ya itong inaalis kaya mas humigpit ang pagkakahawak ko dito.
"Baby, you will pay for this!" Madiin kong binitawan ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Hinila ko s'ya palapit sa'kin. Dumapo ang aking kamay sa malambot n'yang pisnge at mahigpit na hinawakan ang kan'yang baba.
Bakas sa mukha n'ya ang galit at puno ng tapang ang kan'yang mata. "Mark my words!" Ani ko bago s'ya binitawan. My gaze traced the curve of her body, "I will make sure that we will meet again."
***
Pinatong ko ang aking paa sa mesa na nakalagay sa opisina ni tito Gian, ang dean ng AC University. Nakatingin lang ako sakan'ya habang kausap n'ya sa kabilang linya si Daddy.
"Ano ang sabi n'ya?" Tanong ko nang ibaba n'ya ang hawak na telepono. "Pumayag ba s'ya?" Isang tango lang ang sagot n'ya bago binaling ang atensyon sa harap n'yang laptop.
Isa sa mga kilalang paaralan ang AC University dito sa Tagaytay, hindi kami tumatanggap ng scholarship kaya kinausap ko si tito Gian na kausapin si Daddy na magpa-entrance exam sa mga gustong mag-aral ng libre.
Tumayo ako, "Ipadala mo sa'kin ang form ng mga mag a-apply ng scholarship," Ani ko bago naglakad palabas. Nalaman ko na hindi na nag aaral ang babaeng 'yon kaya gagawin ko ang lahat para pumasok s'ya dito.
Isang ngisi ang gumuhit sa aking labi nang makita ang mensahe ng isang studyante na inutusan ko para bigyan s'ya ng flyer. Tiyak na susunggaban ng babaeng 'yon ang scholarship dahil mukhang disido s'yang mag aral.
Ilang araw ko s'yang sinundan at nadiskubre ko na kaya marami s'yang pinapasukang trabaho ay para makapag-ipon ng pang matrikula.
Hindi ko namalayan na tinatahak ko na ang information technology building. Halos kumikinang ang mga bagong palit na babasaging pinto ng bawat laboratory. Sumandal ako sa pinto ng Computer Programing Lab at pinagmasdan ang mga puno na nakatanim sa tapat ng building.
Mariin kong pinikit ang aking mata nang dumampi ang malamig na hangin sa aking pisnge. Tanging tunog ng mga ibon at paggalaw ng mga sanga ng puno ang aking naririnig. Sa susunod na buwan magiging maingay na naman ang paligid ng building na 'to kaya gusto kong lasapin ang katahimikang nararanasan ko ngayon.
Bago ko nilisan ang IT building, pinagmasdan ko muna ang kabuo-an nito dahil ito na ang huling punta ko rito. Balak kong bumalik ng 1st year at kunin ang kursong papasukan ni Scarlet. Ilang metro ang layo nito sa ibang building kaya hindi na ako mag-aabalang maglakad para lang pumunta dito.