下載應用程式
89.31% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 117: C-116: THE TIPSTER

章節 117: C-116: THE TIPSTER

"Kuya, alam ko na kung nasaan si Dexter kasama na naman niya ang babae niya."

"Saan, nasaan ang gagong 'yun?!"

"Ang walanghiyang iyon, niloloko na naman niya ako Kuya!

'Ang sabi niya hiniwalayan na niya ang babae niya, iyon pala nagsasama pa rin sila napaka walanghiya niya Kuya.

'Kaya pala nagwithdraw siya ng malaking halaga para ibigay na naman sa babaing iyon!" 

"Tumahan ka na, sabi ko naman sa'yo hindi na makakabuti para sa iyo na makipagbalikan pa sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo mo ayaw mong makinig. Ilang beses mo na siyang pinagbigyan pero ganu'n pa rin siya ginagago ka lang niya!

'Sabihin mo sa'kin kung nasaan ang mga walanghiyang iyon? Ako na ang tatapos sa kanila!"

"Sasama ako sa'yo Kuya gusto kong makaganti sa babaing iyon."

"Huwag na, ako na lang ang bahala sa kanila!"

"Hindi! Isasama mo ba ako o ako na lang mismo ang pupunta doon at tatapos sa kawalanghiyaan nila?"

"Okay sige na nga halika na at baka makawala pa ang mga hay*p na iyon!"

___

"Sigurado ka ba talaga na narito pa rin sila?"

"Oo Kuya ang sabi ng tipster ko kagabi pa sila dito at hanggang ngayon narito lang sila."

"Humanda ka na, malapit na tayo sa itaas."

Lulan na ang mga ito ng elevator papuntang 9th floor.

Kasalukuyan silang nasa loob ng isang Hotel sa Dasmariñas.

Makalipas lang ang ilang sandali tumunog na ang elevator.

Ting!

Senyales na nakarating na sila sa kanilang destinasyon.

Mula sa elevator lumabas ang isang lalaking naka-full black jeans and black hoodie jacket. Nakasuot rin ito ng black cotton facemask.

Kasama nito ang isang babaing maikli ang buhok. Medyo chubby ito ngunit maganda naman.

Naka-skirt na maong at puting t' shirt ito na pinatungan ng maong rin na jacket at same facemask.

Magkaagapay itong naglakad sa hallway. Naabutan pa ng mga ito ang isang room boy na nasa tapat ng room 906.

Sumisipol pa ito habang tulak nito ang cart na naglalaman ng mga nakatakip na pagkain.

Nakatapat na ito sa mismong kwartong pakay nila, maghahatid ito ng pagkain sa mga nasa loob.

"Boy ipapasok mo ba 'yan sa loob?"

"Ah' yes Sir, bakit po?"

"Kami na ang bahala diyan iwan mo na sige na! Huwag kang mag-alala mga kaibigan kami ng nasa loob."

"Ah' eh' sige po!" Napakamot pa sa ulong tugon ng room boy.

Dumeretso na ito ng lakad palayo at tuloy tuloy na naglakad.

Ngunit pagdating nito sa isang tago at madilim na bahagi ng hallway. Bigla itong huminto at nagkubli sa gilid nito. Kung saan abot tanaw rin nito ang labas ng pintuan ng room 906.

Saglit nitong ginalaw ang tainga, kung saan nakakabit ang isang maliit na wireless earphone.

Ito ang nagsisilbing monitor nito sa kausap nito sa kabilang linya.

"Pumasok na po sila Sir ngayon lang..." Habang nakatutok pa rin ang tingin nito sa pintuan ng room 906.

"Good! Maghintay ka pa ng konti, bantayan mo lang ang mga kilos nila. Alerto ka, umalis ka na agad diyan kapag tapos na!

'Basta siguraduhin mo na hindi ka madadamay, maliwanag?!"

"Yes Sir, areglado!"

"Okay, good luck!"

"Copy, Sir!"

Ilang minuto lang ang lumipas may mga maririnig nang mga kalabog at ingay na nagmumula sa room 906.

Hanggang sa sunod-sunod nang putok ng baril ang narinig at umalingaw-ngaw sa paligid.

Kasunod nito ang tila may pagmamadaling paglabas ng magkapatid mula sa loob ng suite.

"Shit! Mukhang nadale na Sir, palabas na ngayon ng kwarto ang magkapatid!"

"Kung ganu'n umalis ka na diyan, baka madamay ka pa alis na! Alam mo na kung anong gagawin mo? Sige na, umalis ka na diyan bilisan mo!"

"Copy Sir!"

Eksaktong pagdaan ng magkapatid sa kanyang harapan. Sumunod naman siyang umalis sa lugar na iyon ng walang kilatis at pakubli siyang lumakad nang mabilis.

May katiyakan ang bawat kilos nito at tiyak rin ang direksyon.

Sinigurado rin nito na walang sino man ang makakapansin dito.

Hindi ito nag-aalala sa CCTV monitor ng mga oras na iyon. Dahil sigurado ito na nakapatay ang CCTV sa unit na iyon.

Bago pa man magsipagbukas ng pinto ang mga karatig kuwarto. Dahil sa ingay na narinig mula sa room 906.

Mabilis na itong nakapagkubli sa dilim.

Nakita pa nito na sa may gawing hagdanan dumeretso ng daan ang magkapatid.

Kaya wala itong choice kun'di sa elevator naman ito dumaan. Tila naman alam na nito ang gagawin dahil napaghandaan na nito ang lahat.

Paglabas nito mula sa dilim may tulak tulak na ulit itong push cart.

Tila walang ano mang nangyari na naglakad lang ito sa liwanag patungo sa elevator.

Suot pa rin nito ang uniporme ng isang room boy, nakahairnet at facemask rin ito. Kaya naman hindi talaga mapapansin na may kahina hinala itong kilos.

Deretso itong pumasok sa loob ng elevator pababa ng Hotel.

Pagbukas ng elevator buhat sa itaas, mula dito lumabas ang isang lalaki.

Naka-gray hoodie jacket, slash jeans at may suot na Ray-Ban.

Habang tila ba ganado pa itong nakikinig ng music sa dala nitong iPhone.

Deretso itong lumabas ng Hotel at eksakto namang paglabas nito. Ang sunod-sunod nang pagdating ng mga sasakyan.

Police mobile patrol, TV news, mga reporters at Ambulansya.

Ngunit wala itong pakialam tuloy tuloy lang itong lumayo sa Hotel at lumapit sa gilid ng highway.

Habang tuloy lang ito sa pagsipol na tugma sa pinakikinggan nitong kanta.

Hindi naman nagtagal isang sports car ang huminto sa tapat mismo nito at wala man lang pag-aalinlangan itong sumakay.

Makalipas pa ang ilang segundo mabilis nang pinatakbo ang kotseng sinakyan nito palayo na sa lugar na iyon.

___

Deretsong pumasok si Amanda sa kabahayan. Ngunit bago pa man siya tuluyang nakapasok.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba, madilim ang kabuuan ng salas. Medyo maliwanag pa naman sa labas dahil mahigit alas sais pa lang ng gabi.

Naaaninag pa niya ang paligid kaya naman una niyang naisip na hanapin ang switch ng ilaw.

Nasaan ba ang mga iyon, bakit kaya hindi pa sila nagsisindi ng ilaw eh' gabi na at madilim na? Ang nabuong tanong sa kanyang isip.

Kaya naman ng mahagilap ng kanyang mga mata ang switch.

Awtomatiko ring gumalaw ang kanyang kamay upang pindutin ito.

Kasabay ng pagsabog ng liwanag, ang pagsabog rin ng mga confetti sa kanyang ulunan at mukha.

Nang tuluyang lumiwanag ang kanyang tingin.

Deretso siyang napatingin sa kanyang mag-aama. Habang masayang masaya ang mga ito sa pagsalubong at pagwelcome sa kanya.

May hawak pa itong plaque card na halatang minadali lang dahil sa itsura ng pagkakasulat. Ngunit halata naman na maganda pa rin sumulat ang may gawa nito.

Mula sa malalaking letra nakasulat ang mga katagang...

"WELCOME HOME MAMA!"

Kusang nalaglag ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Nang mabasa niya ang tatlong katagang iyon. Nag-uumapaw sa saya ang kanyang puso ng mga sandaling iyon.

Tila ba agad na napaghilom nito ang mga masamang nangyari sa kanya ngayong araw.

Lalo na ngayong nakikita niya kung gaano kasaya ang kambal habang kasama nito ang Kuya nila.

Hindi na niya nagawang pigilan pa ang sarili na tumakbo palapit sa mga ito at sugurin ang mga ito ng yakap.

Ang mga mahal niyang anak, dahil ngayon higit kailanman ramdam niya ang kaligayahan ng pagiging isang Ina.

"Mama, itya anu'n! hihihi"

"Mamà, sabi ni Papa dito na rin kayo titira." Masayang saad ni VJ.

"Ha' ah'?" Saglit na tumingin muna siya kay Joaquin. Tila naman naghihintay rin ito ng kanyang tugon.

"Ah' sige, kung magpapakabait ba ang Daddy n'yo eh'?" Tugon niya.

"Hala! Mabait naman talaga ako ah'?" Nakangising protesta nito.

"Sige na Mama, dito na lang kayo tumira kami lang ni Papa dito."

"Oo na sige na, basta ba tutulungan mo akong alagaan ang mga kapatid mo ha'?"

"Opo Mama, s'yempre naman po! Narinig n'yo 'yun Quian, Quiyel? Dito na kayo titira tabi tabi na tayong matutulog yes!" Tuwang-tuwa saad ni VJ.

"Dito uyog, abi?"

"Oo tabi tabi tayo!"

"Abi ami uya!"

"S'yempre, maluwang naman ang room ko kasya tayo doon! Hindi ba Daddy?"

"Oo naman sa room ko naman matutulog si Mommy eh'."

Hinuli pa nito ang kanyang tingin na sinabayan pa nito ng pagkindat sa kanya. Pakiramdam tuloy niya pinamulahan siya ng mukha.

Pinanlakihan na lang niya ito ng mata bilang depensa sa sarili.

Patay!

Saan nga ba siya matutulog?

Tama bang magtabi na sila kahit hindi pa sila kasal? Bigla niyang naisip.

Ano ka ba Amanda nakabuo na nga kayo ng kambal hindi ba? Biglang nagkaroon ng pagtatalo sa kanyang isip.

Pakakasalan ba niya ako o gusto  lang niya kaming makasama?

Ang daming tanong na naglalaro sa isip niya ng mga oras na iyon.

"Hey, okay ka lang, ayaw mo ba akong katabi?"

"Ha' ah', kailangan ko na pa lang magluto ng dinner late na baka nagugutom na ang mga bata?"

Pag-iwas na lang niya, bahala na mamaya na lang niya iisipin.

"Sige tutulungan na kita!" Saad naman nito kahit batid nito na umiiwas siya at ipinagkibit ng balikat na lang nito ang bagay na iyon.

"May mailuluto ba ako sa kusina mo?" Naitanong na rin niya.

"Meron pa naman, boys dito muna kayo ha' magluluto lang kami ni Mama. VJ Anak ikaw muna bahala sa mga kapatid mo ha'?"

"Okay po Papa sige na, magluto na kayo akong bahala sa mga kapatid ko."

"Ang bait naman ng Anak ko big boy na kasi!" Nakangiting komento pa ni Amanda kay VJ.

Hinaplos pa nito ang pisngi nito at saka ito pinanggigilan ng halik.

"Si Mama talaga hindi pa rin nagbabago!"

"S'yempre naman Anak kita, ikaw ang first baby ko hindi ba o baka nakalimutan mo na ako?"

"S'yempre naman hindi po Mama at palagi ka nga po naming hinihintay ni Papa eh' kasi alam namin na babalik ka.

'Alam n'yo po bang nag-aaral palagi si Papang magluto para daw pagbalik mo maipagluluto ka rin niya."

"Ang daldal ng panganay natin, ano, kanino kaya ito nagmana?" Kinabig na ito Joaquin dahil baka kung ano ano pa ang maikwento nito.

Sabay sabay naman silang nagkatawanan kaya napagaya rin ang kambal.

Dahil sa kainosentihan ng mga ito. Kaya lalong napuno ng mga tawanan ang buong kabahayan.

___

Ilang saglit pa ang lumipas, nasa kusina na sila at magkatulong na inihahanda ang dinner.

Dahil madalian lang pininyahang manok, buttered shrimp, grilled pusit at saka creamy potato with mashroom ang inihahanda nila para sa dinner.

Nagdagdag na rin sila ng lutuin para sa kabilang bahay.

Ipinaabot na lang niya sa guard ang mga niluto niya para kay Lyn, Ate Liway at Lester kung sakaling bumalik na ito...

Patapos na silang magluto kaya kahit paano relax na sila pareho.

Kaya mas nakakapag-usap na sila ngayon ng maayos.

"Kumusta ka na?" Biglang tanong nito sa pinaka seryosong paraan.

Bumaling siya ng tingin sa lalaki at saka ngumiti bago pa ito tinugon.

"Okay naman, ikaw kumusta ka na sila Papa kumusta na?" Tanong rin niya.

"Mas mabuti na ngayon kasi narito ka na sa tabi ko. Sila Papa naman nasa Europe pa rin, hindi ko alam kung matutuloy silang umuwi this month? Nami-miss ka na ni Papa." Malambing ang boses na saad nito.

"Hmmm, mabuti naman kung ganu'n! Ako rin naman miss ko na sila, ibig sabihin kayo lang pala dito.

'Bakit nga pala hindi kayo kumukuha ng kasambahay?"

"Kami lang naman dito, si Didang pa rin ang nag-aasikaso kay VJ. Mayroon namang naglilinis dito araw-araw umuuwi siya kapag tapos nang maglinis. Ganu'n din ang labandera every 3 days naman ang paglalaba."

"Hindi ba kayo nahihirapan?"

"Malaki na si VJ kaya hindi na makalat saka marunong na siyang magligpit ng sarili niyang gamit. Kaya hindi naman na kami nahihirapan. Pero balak kong tawagan si Nanay Sol para magpadala ng makakatulong mo dito sa bahay."

"Okay lang naman ako nariyan naman si Ate Liway isasama ko siya dito. Okay lang ba kasi baka bumalik na si Lyn sa bahay nila Dustin."

"Oo sige walang problema!"

Tugon nito, sandaling namayani ang katahimikan.

Maya maya lang naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran.

"Na-miss kita sobra, kung alam mo lang..." Sabay halik nito sa kanyang batok.

Mariin naman siyang napapikit ng dahil sa ginawa nito.

Ipinusod kasi niya paitaas ang kanyang buhok. Kahit paano hindi na rin halata ang hindi pantay pantay niyang buhok ng dahil sa ginawa ni Chloe at ng Chief Supervisor nito.

Kaya malaya nitong nahalikan ang kanyang batok.

Bakit ba hindi niya maiwasan na hindi maapektuhan sa tuwing nagiging malambing na ito sa kanya?

"Bakit ba ngayon lang kayo dumating? Hindi ko mapigilan na hindi manghinayang sa mga nagdaang mga araw. Sana kung isa o dalawang araw lang 'yun?

'Kaso napakaraming araw ang lumipas, siguradong nahirapan ka sa pag-aalaga sa mga Anak natin.

'Sayang sana naroon ako noong unang araw na sila ay ngumiti at tumawa. Noong unang araw na sila ay humakbang at kung ano ba 'yung unang word na nasabi nila?

'Alam mo ba ang tagal kong inisip at inimagine kung ano kaya ang pakiramdam. Kung lumaki si VJ sa tabi ko, kung hindi ko siya iniwan at pinabayaan noon?

'Yung makikita at masasaksihan ko kung paano ba siya ngumiti, tumawa, lumakad at magsalita noong baby pa siya.

'Ang mga panahong iyon ang labis na pinanghihinayangan ko bilang isang Ama. Iniisip ko na lang na nasa abroad ako kaya nangyari ang lahat ng iyon.

'Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa ulit. Dahil hindi ko na hahayaan na malagpasan ko ang sandaling iyon sa mga susunod kong mga Anak.

'Pero naulit lang ulit... Siguro nakarma ako dahil sa ginawa kong pagtakbo noon at pagtanggi sa responsibilidad ko kay VJ?"

"Ano ka ba huwag mo ngang sabihin iyan? Hindi totoo 'yan nagkataon lang ang lahat.

'Pasensya na kasalanan ko rin naman kung bakit hindi mo sila agad nakilala. Sinadya ko naman talagang lumayo sa inyo.

'Nagpadala ako sa emosyon ko at sa pag-aakalang nagkabalikan na kayo ni Liscel. Ang akala ko nga wala nang pagkakataon na magkikita-kita pa tayo.

'Patawarin mo sana ako, hindi ko sinasadyang saktan ka!"

"Hayaan mo na iyon, tapos naman na iyon. Hindi na rin naman natin maibabalik.

'Nanghihinayang lang naman ako pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon natin.

'Ang mahalaga narito na kayo ngayon at saka p'wede pa rin naman iyong mangyari ulit eh'."

"Hmmm, paano naman mangyayari ulit 'yun?!" Naguguluhan niyang tanong.

"Gawa ulit tayo ng bago!"

"Anong bago ang sinasabi...?" Huli na niya naunawaan ang ibig nitong sabihin.

"Gawa ulit tayo ng bagong baby and this time siguro naman makikita ko na ang paglaki nila?

'Ano game?" Nakangising saad nito na sinabayan pa ng pagtaas baba ng kilay.

"Anong game? Kung sandukin kaya kita diyan! Tumigil ka nga, buti pa tawagin mo na ang mga bata at kumain na tayo gabi na!"

"Okay Boss, sabi mo eh'!" Natatawang tumalikod na nga ito at lumabas ng kusina upang puntahan ang mga bata.

"Boss ka d'yan!" Bulong pa ni Amanda sa sarili. Hindi niya naiwasang isipin ang sinabi nito.

Ang walanghiya, gusto lang yata akong anakan ng anakan!

___

"Ang sarap n'yo po talagang magluto Mommy nabusog na naman ako." Komento ni VJ matapos itong kumain.

"Parang sinabi mo na rin na hindi ka nabubusog sa niluluto ko ah'?" Tumawa lang si VJ imbes na sumagot.

Halata naman na nasiyahan talaga ito. Dahil sa sunod-sunod nitong pagdighay.

Nagkatawanan pa sila dahil mukhang pare-pareho silang nabusog at nasiyahan sa pagkain.

Maging ang kambal maraming nakain, maging si Didang ay kasabay na rin nilang kumain.

_

Makalipas ang ilang sandali, matapos silang kumain inako na niya ang pagliligpit at paghugas ng pinggan.

Tinulungan naman siya ni Joaquin na maghugas ng pinagkainan.

Habang ang mga bata ay nilinisan at ipinanhik na ni Didang sa itaas ng bahay.

Nasa kabilang bahay pa kasi si Ate Liway baka bukas pa ito lumipat. Mistula silang isang normal na pamilya na masayang magkakasama.

Siguro nga ito talaga ang kabuuan ng pangarap niya noon pa man ang maging buo sila.

Ngunit nanatiling may tila ba pag-aalinlangan pa rin sa kanyang isip ng mga sandaling iyon.

Hindi pa rin kasi siya tiyak kung ano ba, ang plano nito sa kanya?

"Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo ah'. Okay ka lang ba?"

"Huwag mo na lang akong pansinin okay lang ako. Doon ka na kaya ako na lang dito. Baka nahihirapan na si Didang sa mga bata."

"Okay lang 'yun matatapos naman na tayo dito. Kaya hayaan mo nang tulungan kita. Bukas tatawagan ko si Nanay Sol may nererekomenda siya sa'kin dati pa tinanggihan ko lang kaya itatanong ko kung p'wede pa?"

"Kung dati pa at matagal na baka may trabaho na iyon?"

"Sabi ko kay Nanay Sol sa bahay sa Batangas muna niya dalhin.

'Kapag kailangan ko na nang kasambahay saka ko na lang sila kukunin. Para hindi ka gaanong mahirapan dito sa bahay. Lalo na kapag nasa trabaho ako at kayo lang dito."

"Ikaw ang bahala." Napahinga siya ng malalim habang sa isip.

`Bakit ba hindi man lang niya nabanggit na gusto niya akong pakasalan?` Himutok niya.

"Okay ka lang, pagod ka na ba? Pahinga na tayo, baka tulog na rin ang mga bata."

"Okay lang ba talaga na narito kami?" Naisip niyang itanong.

"Oo naman, bakit may magbabawal ba?" Tugon nito.

"Ikaw kaya ang tinatanong ko!"

Nagpahid muna siya ng kamay at tinulungan naman siya nitong hubarin ang suot niyang apron.

Inakbayan pa siya nito habang iginigiya siya palabas ng kusina.

___

Pagdating nila sa loob ng kwarto nagulat pa siya sa biglang paglapit nito sa kanyang likuran.

"Nervous?" Bulong nito malapit sa kanyang taynga. Napasinghap naman siya ng dahil sa ginawa nito.

Narinig pa niya ang matunog nitong pagtawa. Dahil sa naging reaksyon niya.

"Nakakainis ka, umayos ka nga!" Tinangka pa niyang lumayo sa lalaki, ngunit kinabig lang siya nito at muling niyakap mula sa likuran.

"Joaquin!"

"How's my room do you like it?" Tukoy nito sa ayos ng kwarto imbes na pakinggan siya.

Nanatili namang nakayakap pa rin ito sa kanya. Hinayaan na lang niya ito sa ganu'n posisyon.

Ang totoo nami-miss rin naman niya ito. Bakit pa niya itatanggi.

"Maganda, sinong interior mo?" Tanong ni Amanda habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Sumandal pa siya sa dibdib nito.

"Well, Amara and Joseph have done this actually the whole house. But except this room, our room, ako na ang nag-ayos dito."

Light blue and gray ang motifs ng kabuuan ng kwarto. Napaka aliwalas tingnan ngunit naroon pa rin ang maleness atmosphere nito.

"So what we gonna do now, you want to go with me in shower first?"

`Ano daw? Tanong pa niya sa sarili`

"Shower ka diyan! Sige na maligo ka na i-check ko lang muna ang mga bata." Tinangka na niyang lumayo.

Ngunit muli lang siyang hinila nito palapit.

This time, Joaquin's hugged her tightly in front. He didn't give her a chance to escape.

"Mula pa kanina sila na lang ang iniisip mo paano naman kaya ako?" Kunwaring tampo pa nito.

"Huwag mong sabihin na pati sa mga Anak mo nagseselos ka?!"

"Hindi naman, pero naiinggit ako bakit ba? Kung p'wede nga lang na solohin talaga kita, ginawa ko na sana! Pero dahil mga Anak naman natin sila kaya wala na akong magawa. Pero p'wede bang ngayon solohin muna kita kahit sandali lang?"

"Kanina mo pa nga ako nasosolo ah' kareklamo mo ba?!"

"Nasolo habang nagluluto, nasolo habang naghuhugas ng pinggan?

'Grabe ka sa'kin ah', multitasking iyon pala ang gusto mo?!

'Okay sige p'wede naman, basta ba ngayon sosolohin naman kita habang naliligo!" Sinabayan nito ng buhat sa kanya pasampay sa balikat nito.

Hindi tuloy niya napigilan ang mapatili.

"Joaquin, ano ka ba ibaba mo nga ako baka marinig tayo ng mga bata!" Protesta niya habang panay ang kawag niya.

"Hey! Don't move and nothing to worry honey, may sounds proof naman itong Master's bedroom. Kayà kahit ano pang gawin natin dito walang makakarinig."

"Anong ibig mong sabihin?!"

___

Saglit lang nasa loob na sila ng bathroom.

Binaba siya nito sa mismong tapat ng shower sa loob ng shower glass cubicle.

Hindi man lang tuloy niya nagawang magprotesta.

Lalo na nang maramdaman niya ang biglang daloy ng malamig na tubig na nagmumula sa shower diretso sa kanyang katawan.

Napasinghap siya at napatili, ngunit bago pa man ito umalpas sa kanyang bibig.

Sinalo na nang halik ni Joaquin ang kanyang mga labi.

*****

By: LadyGem25

(07-11-21)


創作者的想法
LadyGem25 LadyGem25

Hello Guys,

Happy Early Morning na, pero tuloy lang ang update. S'yempre hindi natin alam kung kailan, magiging bc ulit?

Kaya naman kapag may pagkakataon go lang tayo.

Gan'yan kayo kalakas sa'kin eh'! hahaha.

Sana nagustuhan n'yo ang update natin ngayon at sana rin po bago matapos ang story ni Joaquin at Angela/Amanda ay mabigyan n'yo po ako kahit maikling reviews tungkol sa story.

NEGATIVE OR POSITIVE OKAY LANG 'YAN.. THANK YOU!

KEEP SAFE & GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

MG'25 (07-12-21)

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C117
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄