下載應用程式
11.11% Adik Sa’yo / Chapter 2: The heir

章節 2: The heir

NAKATUNGANGA lang si Nadia sa pagbuka ng bibig ni Attorney James Lucero pero ang totoo ay wala siyang naiintindihan sa mga lumalabas doon. Dudugo nang ilong niya sa naririnig na technical words about law.

Ano ba kase ang pinagsasabi nitong Article 810? Article sa magazine lang ang binabasa niya. Ano nga ulit ang Family Business Constitution? Alam niya lang family tree. Utang na loob! Kaya nga fine arts ang tinapos niyang kurso dahil ayaw niya ng masyadong technical. Pang-creativeness lang ang utak niya at hindi pang-supreme court. Right hemisphere lang ang active sa brain niya dahil palaging tulog ang left. Aminado naman siyang miyembro siya ng organisayon ng mga babaeng #GandaLang.

Sa harapan niya ay posturang nakaupo si Rosanna, her daddy's second wife. Napaka-elegante nitong tignan sa suot na body fitting emerald-green dress. Kaya nitong makipag-compete kay Imelda Marcos sa laki ng mga pearl sa leeg at tenga nito. Angat ang lahing espanyol ng kanyang Tita Rosanna. Sa katunayan ay kahawig ito ni Gretchen Baretto at maging ang pag-twirl-twirl ni Gretchen na tipong palaging naglalakad sa red carpet ay gayang-gaya ni Rosanna.

Noon nga akala ni Nadia na baka isa itong nawawalang kapatid ng Baretto Sisters dahil sinalo ni Rosanna ang lahat ang ugali nina Marjorie, Claudine at Gretchen. Malapit na nga niyang paniwalaan na may split-personality ito at tatlo ang katauhan.

Dating beauty queen si Rosanna kaya naman hindi nakapagtatakang naakit nito ang Daddy niya. Mula nang pumanaw ang Mommy ni Nadia since she was fourteen ay muling tumibok ang puso ng kanyang ama three years ago sa pangalawang pagkakataon.

Nasobrahan nga lang sa pag-tibok ang puso ng kanyang Daddy kaya ayon at tuluyang natigok a month ago dahil sa heart failure. Nabigla ang lahat, lalo na si Nadia. Hindi madali para sa kanyang tanggapin na lang agad ang biglaang pagkawala ng pinakamamahal na ama.

"What is this? Are you joking me, Attorney Lucero?" malakas na sigaw ni Rosanna sabay hampas sa ibabaw ng mahogany table. Halos mapatalon sa kinauupuan si Nadia. Sinapian ng isang kilong kamatis ang buong mukha ng kanyang madrasta. "Why the hell did Nathaniel give the fifteen percent shares of Monte Corp to this little brat? Wala naman alam sa negosyo si Nadia!"

Napalunok nang madiin si Nadia at natahimik lalo na't parang bubuga nang apoy ang stepmother niya anumang sandali. Pwede na itong mapasama sa casting ng Game of Thrones Season 9. Ito ang gaganap na dragon.

Naglabas ng hangin mula sa ilong si Attorney James. Hindi man lang nag-tweak ang face muscles sa mala yelo nitong mukha at hindi apektado sa pag-aalburoto ng kanyang madrasta.

"Mrs. Montemayor..." The young lawyer heavily sighed. His monotonic voice was akin to the flat walls in the four corners of the home office. "Ito ang nakalagay sa last will and testament ni Mr. Nathaniel Montemayor Jr. Iniwan niya sa pangalan ng kanyang unicah hija na si Ms. Nadia Clarise Montemayor ang fifteen percent shares ng Monte Corp. Tatlong properties in Alabang and Cagayan de Oro, including the rest house in Ilocos. Isang commercial building, five condo units in Quezon City, BGC, Tagaytay, and Davao. Lahat din ng mutual funds, forex, and stocks na na-invest ni Mr. Montemayor outside Monte Corp ay nasa pangalan ni Nadia. A total of one point five billion pesos worth of assets. He'd also reserved another two hundred million worth of death benefit which should pay the estate tax."

Doon lang na-realize Nadia kung bakit nagagalit si Rosanna. Muntik nang kumalas ang panga niya sa kanyang mukha at magpagulong-gulong ito sa sahig. Alam niyang mayaman ang Daddy niya pero ngayon lang siya nagkaroon ng idea kung gaano karami ang pera nito.

Instant billionaire na siya! Pwede na ba siyang mapabilang sa Forbes as one of the youngest billionaires in Asia? Mukhang puwede na silang maging friendship ni Kylie Jenner. Ora mismo ay magse-send na siya rito ng friend request sa Facebook at ifo-follow niya na rin ito sa Twitter.

EMERGERD! She's so excited. She just can't hide it. Siguradong ang mga susunod na post ni Nadia sa Instagram at Tiktok ay mapupuno ng #CrazyRichAsian #ShutUpAndTakeMyMoney #DiBaleNgSingleMaramiNamanAkongPera #XoxoMwaMwaTsupTsup

"Besides, mayroon naman kayong five percent shares in Monte Corp. Iniwanan din kayo ng ten million worth of insurance ng asawa niyo, maging ang remaining properties niya sa Davao ay nasa pangalan niyo including this mansion," dagdag pa ni attorney.

"Ten million?! Sa tingin mo ba ay mabubuhay ako sa ten million!?" hinanakit ni Rosanna. Maluha-luha itong tumitig kay Nadia. "Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit binigay ni Nathaniel ang mas malaking shares ng kumpanya sa anak niyang wala naman alam sa negosyo! It should be me! Ako ang kasama ni Nathaniel magpatakbo ng kumpanya. Hindi rin ito ang Family Business Constitution na pinapirmahan sa `kin ni Nathaniel last year. This is bullshit! Pa'no nangyari `to?!" Tinapon nito ang mga papeles at lumipad iyon sa hangin.

Kumabog ang dibdib ni Nadia sa uri ng titig na binibigay sa kanya ng stepmother niya. Parang kutsilyo nang mga mata nito at gusto na siyang i-murder. Ilang saksak ba ang plano nitong ibigay sa kanya? Mukhang matsa-chop-chop pa siya ng wala sa oras. Anung klaseng hiwa ba ang binabalak nitong gawin sa mga lamang loob niya? Adobo cut, menudo cut, o sashimi cut?

She's so shoookt!

Noon pa man ay hindi na sila magkasundo, although casual naman ang turingan nila sa isa't isa. Pero ngayong pera at pamana nang pinag-uusapan ay tuluyan nang lumabas ang nagtatagong mga sungay ni Rosanna.

Hindi na napigilan ni Nadia ang inis sa dibdib at taas noong hinarap ito. "Mawalang galang lang ho Tita Rosanna pero ako ang anak ni Daddy. Ako ang kadugo. Isa pa, malaki ang naipundar ng Mommy ko sa kumpanya noong nabubuhay pa siya kaya dapat lang na mapunta sa `kin ang malaking shares ng Monte Corp."

And what nonsense are you saying na ikaw ang katulong ni Daddy magpatakbo ng kumpanya? You pretentious witch! It was my Mom who had been on my Daddy's side through thick and thin. Sila ni Daddy ang naghirap na itaguyod ang Monte Corp na noon ay nalulugi nang iwan ni Lolo kay Daddy ang company. How dare you discredit my mothers years of hard work?

Nadia badly wanted to shout everything on her stepmothers botoxed face. Pero hinugot niya ang lahat ng kontrol at pasensiya na nanalantay sa katawan niya at pinigilan ang sarili. Pasalamat ito at pinalaki siyang maayos ng Mommy niya.

Never sumagot si Nadia kay Rosanna noon dahil ginagalang niya ito lalo nang Daddy niya. Confident siyang makipag-compete kay Julia Barretto sa "Well raised Daughter Award." Pero hindi na tama ang inaasal ni Rosanna. Bakit parang siya pa dapat ang mag-adjust samantalang pangalawang asawa lang naman ito ng Daddy niya?

Mas lalong nagbaga ang apoy sa mga mata ni Rosanna. "You little bitch! How dare you!" Dinuro siya nito at nakahanda ng tumalon sa lamesa at kalmutin ang mukha niya.

Pero hindi magpapatinag si Nadia. Hindi porque wala nang Daddy niya ay magrereyna-reynahan na ito. Hindi siya fan ni Cinderella para magpaapi sa evil stepmother. "Wala ka nang magagawa Tita Rosanna. This is what Daddy wanted. Just accept it and move on," matatag niyang sagot.

Ilang ulit at sunud-sunud na humugot ng hangin si Rosanna na para bang inaatake ng asthma at pinakakalma ang sarili. Pero hindi pa rin humuhupa ang baga sa mga mata nito. For the first time in years, Nadia finally saw the inferno hiding underneath her stepmother's elegant facade. Terror gripped her spine and ice kissed her skin.

"Hindi pa tayo tapos!" Dinuro siya nito bago nagdadabog na lumabas ng office. Dumagundong ang malakas na pagsara nito ng pinto sa buong silid.

Saka lang nakahinga nang maluwag si Nadia. Nilapitan siya ni Attorney James matapos nitong pulutin ang mga kumalat na dokumento. Inayos nito iyon sa folder sa ibabaw ng table. Humarap ito sa kanya. "I strongly suggest that you take MBA, Nadia so that you could have a progressive knowledge when it comes to business. Now is the right time for you to enroll. You already have a college degree and you could finish your Masters in less than two years. I can recommend you to UP or Ateneo Graduate School."

Nanlaki ang mga mata ni Nadia. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari. Ngayon na nagsi-sink in sa kanya ang malupit na katotohanang isa siyang mangmang pagdating sa operasyon ng kumpanya. She could count on her fingers how many times she has only visited her Daddy's office.

Namumutlang hinarap niya si James. "W-what do you m-mean, Attorney James? Should I need to be part of the company? I don't have the experience. Never akong pumasok sa corporate world. Kahit maging isang intern ay `di ko nagawa. Daddy had never forced me to be part of Monte Corp."

Nadia mentally slapped her face. Anu ba kasi ang pumasok sa kokote niya at sinagot-sagot niya si Rosanna? Ano na ngayon ang gagawin niya higit na sa sandaling ipakikilala siya as a new member of the Shareholders? As far as she knows, wala pang naa-appoint na bagong Chairman simula nang pumanaw ang Daddy niya. Thanks to her Ninong Johnny—her Daddy's best friend and the CEO—who currently managed everything in Monte Corp. Kung wala ang Ninong Johnny niya ay baka bumagsak nang Monte Corp.

"Besides, I still have a mountain of unfinished projects from my clients here and abroad. I don't think I can manage to study again. Hindi kakayanin ng oras ko."

Nadia tried her best to sulk her pinkish lips and moisten her eyes. Having a face of naiveté and grace is Nadia's secret weapon when it comes to getting whatever the hell she desires. One hundred percent effective iyon kaya nga napilit niya ang Daddy niya iba ang kunin niyang kurso imbis na Business Administration. Nais pa sana ni Nathaniel na sa Western University Ontario in Canada siya pag-aralin noon. But of course, Nadia worked all her charm to her Daddy. Ever since she's a little girl, Nadia's late mother has conditioned her mind to always take control of her own life.

Mahigit isang taon na rin ang nakalilipas mula ng nakatapos siya sa kursong Bachelor in Fine Arts major in Visual Communication sa isang prestihiyosong unibersidad sa bansa. Ngayon ay isa na siyang Freelance Illustrator and Graphic Designer at marami siyang kliyente all over the world. Nadia deeply loves what she's doing at laking pasasalamat niya na sinuportahan siya ng Daddy niya sa kanyang passion at `di nito pinilit sa kanya na maging parte ng Monte Corp. Hindi man ganun kalaki ang kita but that's fine, ang importante ay masaya siya sa ginagawa niya. Besides, never naman niyang pinroblema ang pera.

But it seems like Nathaniel just gave her a year to pursue this career dahil hindi lang siya nito biglang ininiwang ulila. Kundi nag-iwan din ito ng mabigat na responsibilidad na papasanin niya nang mag-isa. Nadia wanted to get angry at her Dad for doing this to her, but she can't. She's still mourning and simply thinking of her father's name is already torture to her weeping heart.

"I understand that you don't have any interest for business, Nadia, but this is not only about your inheritance, this is about your parents legacy. As the newest major shareholder, you have a choice na huwag ma-involve sa kumpanya." Hinawakan siya ni James sa magkabilang balikat at pinakatitigang mabuti.

Napalunok nang madiin si Nadia. Namula ang pisngi niya. Teenager pa siya ay ito na ang family attorney nila. At ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nahawakan siya ng binata. Gwapo si James at matikas ang katawan. Kung hindi lang parang sanga ng puno na nagkatawang tao ang binata ay nagpacute na siya rito. Iyon nga lang ay hindi niya type ang katulad nitong parang robot sa kakulangan ng emosyon.

"Behind all huge empires are greedy men waiting for the king to fall so that they could stole his throne. Hahayaan mo na lang ba na mapunta sa ibang tao ang pinaghirapang kumpanya ng parents mo?"

Doon napaisip nang husto si Nadia. Tama naman si Attorney James. Pinaghirapan ng mga magulang niya ang Monte Corp at bilang siya ang nag-iisang anak, dapat lang na gawin niya ang lahat upang protektahan ito. Lalo na sa kanyang evil stepmother.

But the big question is... how?


創作者的想法
AnjGee AnjGee

JOIN OUR FB GROUP: Cupcake Family PH

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄