下載應用程式
85.71% Kiss Of The Rain / Chapter 6: FIRST ENCOUTER

章節 6: FIRST ENCOUTER

KINAGABIHAN ay wala sa mood si Celestine. Nakaupo siya ngayon sa kama habang nakatitig sa phone niya. Tumawag kasi ang isa niyang empleyado sa kompanya at ipinaalam na bumalik daw ulit si Harold dun, hinahanap siya. Hindi na ito nagsisigaw di tulad nung nakaraan ngunit sa parati nitong pagbabalik-balik ay nakakaisturbo na ito sa iba pang empleyado at kleyente nila.

Wala na siyang naisip na paraan upang mapaalis ang lalaki kaya tinawagan na niya ang pinsan niya na ang huling sumagi sa isip niya na maaaring makatulong sa kaniya. Kinausap niya sa telepono si Carlie at sinabihan na bantayan ang kompanya at paalisin ang gumagambala sa kaniya doon na agad naman nitong sinunod.

Dahil sa wala siyang magawa ay tinahak niya ang madilim na dalampasigan. At dahil gabi na ay nakasuot ulit siya ng manipis na roba. Habang dinadama ang malamig na hangin at pinapakinggan ang malalakas na alon ng dagat ay muling tumunog ang hawak niyang phone. Tumatawag ang daddy niya na kaagad niya namang sinagot habang nakangiti. Marahan naman niyang nilagay sa tenga ang hibla ng buhok na tumatama sa kaniyang mukha.

"Hey, Dad." May ngiti sa labi na saad niya.

"Hi, princess. I'm so glad to hear your voice again. I really miss you so much, my princess. How are you?"

Napairap siya sa pagtawag nito sa kaniya ng my princess subalit hindi naman niya ito mapipigilan at ayaw niya ring makipagbangayan dito.

"Heto, nagbabakasyon muna Dad. Masyado akong abala sa kompanya lately, but I'm okay now so you have nothing to worry about. Anyway, thanks for calling me Dad. Gumaan ang pakiramdam ko when I hear your voice."

"Why? May problema ka ba, my princess?" Agad naman siyang umiling kahit hindi nito nakikita. Nararamdaman niya ang pag-aalala nito kaya kung maaari ay dapat mawala ang pangamba nito.

"No, no Dad. I'm just tired, that's all."

"Maiba ako. Gusto ko palang malaman kung may kinikitaan na bang manliligaw ang princess ko? Twenty-six ka na, di ka ba mag-aasawa? Naku, tumatanda na ang Daddy mo pero heto't naghihintay pa rin ako na mabiyayaan ng munting apo." Napairap na lang siya sa hangin dahil sa biro nito.

"Dad naman. Alam mo naman po na nahihirapan pa akong magtiwala ulit. You know what happened to me before, diba?"

"Alright, alright. Hindi naman kita pinipilit. I'm just joking around. Basta tandaan mo, ang mahalaga sakin ay ang maging maligaya ka. Wala nang iba. Oh siya, kailangan ko na itong ibaba. Mag-iingat ka dyan ah? I love you, my princess."

"I love you too, Dad. Take care."

Nang ibaba na niya ang tawag ay napayakap na siya sa sarili nang makaramdam na siya ng lamig. Tatalikod na sana siya para bumalik sa cottage niya ngunit nakaramdam siya na tila may nakatingin sa kaniya. Saktong paglingon niya sa gilid niya ay dun siya hindi nakagalaw na para bang napako na siya sa kinatatayuan. Kitang-kita niya sa malapitan ang gwapong mukha nito habang sinasayaw ang hindi gaanong kulot nitong buhok na bumagay naman rito. Nabigla siya nang tingnan niya ito sa mata dahil titig na titig rin ito sa kaniya.

"Hi there." Hindi niya agad namalayan na nakalapit na pala ito sa kaniya ng ilang dangkal ang pagitan. Nang ngumiti ito ay lumabas ang putting-puti nitong ngipin.

'Bakit pati ngipin niya nakakabighani na rin?' Napailing siya dahil sa nasabi sa isip.

"It's dark and cold out here. Bakit ka nandito?" Tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Umiwas siya ng tingin rito.

"N-nothing. Maganda kasi dito sa labas saka sariwa ang hangin. Dinadama ko lang." Pinilit niyang maging seryoso sa harap nito. Hindi lang kasi siya sanay na may nakikipag-usap sa kaniya na ibang tao.

"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong nito na hindi niya sinagot. Tumango lang siya bilang sagot.

"Me too." Ngumiti ulit ito kaya lumabas na naman ang putting-puti nitong ngipin.

"By the way, I'm Jhairo Jeminez." Inabot nito ang kamay na tiningnan niya muna.

"Celestine." Simpleng sagot niya bago dahan-dahang inabot ang kamay nito.

Akala niya ay simpleng pakikipagkamay lang iyon ngunit napasinghap siya nang makaramdam ng kakaibang kuryente na bumalot sa buong katawan niya. Iba ang hatid nun sa kaniya habang nakahawak sa kamay nito lalo na nang naramdaman niya ang paghigpit nito sa pagkakahawak sa kaniya. Nang tingnan niya ito sa mata ay nakaramdam na siya ng pagkailang nang sa ibang parte ito nakatingin na agad naman niyang kinunutan ng kilay.

'Nakatitig siya sa dibdib ko! Pervert!'

Kaagad niyang binawi ang kamay at walang pasabing tumalikod sa lalaki at kaagad umalis sa lugar na iyon habang nakatakip ang dalawang kamay sa dibdib.

"Nice to meet you!" Pahabol pa nitong sigaw na hindi niya tinapunan ng tingin at patuloy lang sa paglalakad pabalik sa cottage niya. Pumasok kaagad siya sa cottage at sinarado ang pinto.

"That pervert." Hindi niya mapigilang mainis sa nakita niyang pagtitig nito sa dibdib niya kanina. Inis na humiga siya sa kama niya at pinikit ang mga mata habang pinipilit na makatulog matapos ang tagpong iyon kanina.

Noong gabing iyon ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Celestine kaya hindi siya makatulog kahit anong pikit niya. Palagi kasing sumasagi sa kaniyang isipan ang hitsura ng binata lalo na ang makisig nitong pangangatawan noong una niya itong makita sa dalampasigan.

'Palagi kaya siyang nag-g-gym?' Umiling-iling siya bumangon sa pagkakahiga.

"Hayys! Bakit ko ba naiisip ang bastos na lalaking iyon?" Inis niyang sambit sa sarili. Tiningnan niya ang oras sa phone, ala-una na ng madaling araw.

'Bakit ganito na lang ang epekto niya sakin? What the hell happened to me?!'

Sinabunot niya ang sariling buhok saka tumili sa unan. Sa kalagitnaan ng pagtitili niya sa unan ay siyang pagtunog naman ng phone niya. Tumatawag ang pinsan niya. Wala sa mood na sinagot niya ang tawag nito.

"Bakit?" Simple ngunit seryoso niyang tanong rito.

"Ano nang balita dyan Sis? Okay na ba yang utak mo? Hindi mo ba naiwan dito?" Mas lalong kumunot ang noo niya sa tanong nito.

"Anong akala mo sakin baliw para ayusin ang utak ko?" Balik niyang tanong na may pagkasarkastiko.

"Eh sa dami ba namang papeles na inaasikaso mo dito nung nakaraan ay baka natuyo na iyang utak mo." Sarkastiko rin nitong anas.

"Tumahimik ka nga dyan. Wala ako sa mood ngayon okay? Ano bang pakay mo kaya ka tumawag ha?"

"Ikaw naman nagagalit agad. Ang init ng ulo mo girl? Eto na nga, si Harold kasi..." Mas lalong uminit ang dugo niya nang banggitin nito ang pangalan na iyon.

"Oh, anong meron sa kaniya?"

"Ilang ulit ko nang tinataboy aba'y pabalik-balik pa rin dito. Kesyo daw gusto kang makausap. Tungkol daw sa pakikisosyo niya sa kompanya mo. Naku, ang kapal talaga ng mukha nung ex mong iyon para makisosyo sayo. Hindi na nahiya."

"Di ka na ba nasanay sa mga taong ganyan? May nakita ka na bang makapal ang mukha na nahihiya? Saka, hayaan mo na siyang maghabol at maghanap sakin. Mapapagod rin iyon. Basta huwag mo lang talagang hahayaan na malinlang ka ng manlolokong iyon."

"Naku Sis. Alam mo naman na umiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita at nakakausap ko ang taong iyon dahil sa ginawa niya sayo, kaya bakit naman kita ipagkakanulo sa manggagamit na iyon? Kaya trust me my dear Sis, hinding-hindi kita isusuko dun." Naiisip na niya ang salubong nitong mga kilay kaya napangiti siya dun.

"Thank you Carlie. Thank you for being on my side. Kung wala ka siguro wala na rin akong karamay ngayon. Lalo na ngayon na nandyan si Harold na hindi ako tinatantanan."

"Oh gosh, you and your drama again. Ilang ulit ko na bang sinabi sa iyo na kapatid na rin ang turing ko sayo." Mas ngumiti pa siya sa naging tugon nito. Ganun ang pinsan niya, masungit at sweet.

"Oh, by the way. Bago ko makalimutan, kumusta naman ang buhay-pahinga mo dyan? Has anything changed?"

"So far, maayos naman. I can still breathe and.. so much alive."

"The hell, Sis." Naiirita nitong asik na ipinagtaka niya.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Alam mo wala ako sa mood para makipagbangayan sayo dahil may isa pa akong problema sa isang taong nakilala ko-"

"Owws, so may nakilala ka na? Who was that? Is it a man or a woman? Spill the tea, Sis! I'm excited!" Napapikit na lang siya ng mata dahil sa pagbubuking niya sa sarili.

'Hindi ko dapat iyon sinabi. Siguradong kukulitin na naman ako ng babaeng ito.'

Ilang saglit siyang hindi nakaimik sa kabilang linya nang sumagi na naman sa isip niya ang lalaking nagpakilala kanina. Naikagat na lamang niya ang sariling labi nang maalala ang tagpong iyon kanina. Gusto niyang ikwento sa pinsan niya ang tungkol dun at ang pangalan ng lalaki ngunit tila nawala na siya ng lakas ng loob.

Nakaramdam rin siya ng panghihinayang sa isipin na marahil ay iyon na rin ang una't huli nilang tagpo ng lalaki at baka hindi na sila muling magkita pa sa susunod. Kaya wala ring saysay kung sasabihin pa niya ang tungkol dun sa pinsan.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C6
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄