Ziwin's Point Of View
Sa pagmulat ng mga mata ko kagandahan ang aking nakita ngunit ilusyon lamang iyong ng tatlong Crown Monkey.
Nasa harapan ko ang tatlo. Masaya kumain ng saging habang nag kwentuhan.
"Mabuti naman nagising kana," saad ng may mapulang mga mata na Crown Monkey.
"Tumayo kana riyan nang makapag simula na tayo sa pagsanay," walang ka buhay-buhay na saad ng may maliwang na mga mata na Crown Monkey.
"Ang bagal kumilos. Nakaka walang gana turuan," malumgkot na saad ng may purong itim na mga mata na Crown Monkey.
"Pasensya na mga kagalang-galang na Crown Monkey. Napagod lamang ng husto ang aking katawan dahil wala pa akong kain ng dalawang araw." Tinukod ko ang dalawang kamay sabay bangon.
"Bilisan mo kumilos. Ang unang batas kapag huli ka nagising sa'min ay hindi ka puwede kumain ng agahan sa halip magbuhat ng bolang bakal na hindi baba ang timbang ng 25 kilos at gawin mo ng labing isang minuto sa pagbuhat," saad ng may purong itim na mga mata.
"Naku naman." Napakamot ako.
"Hindi ka sang-ayon?" saad ng may liwanag na mga mata.
Umiling ako ng dalawang beses.
"Ngayong pag bigyan ka namin dahil ito ang unang araw mo. Halika rito kumain ka na." Tumayo ang may pulang mga mata at binigyan ako ng saging.
Agad ako kumain, lumipas ang maraming minuto na maubos ko ang dalawang mala higanting sampung saging. Uminon ako ng tubig sa lawa gamit ang dalawang palad ko.
Pag katapos ay umupo ako sa tabi ng may pulang Crown Monkey dahil siya ang unang mag turo sa'kin habang ang dalawang Crown Monkey ay abala sa pagbantay sa paligid.
"Ang elemento mo ay lupa. Kung ganoong ang unang ituro ko sa'yo ay pag pagaan sa pakiramdam at bakit? Dahil habang lumaban hindi ka dapat makaramdam ng mabigat sa kalooban."
"Ipikit mo ang iyong mga mata. Pakinggan ang ingay ng hangin at ikalma ang iyong sarili para hindi mahirapan sa pag pokus. Damdamin ang daloy ng enerhiya lalo kung patungo ang daloy sa inner core para hindi makalat sa loob ng katawan mo."
Sinunod ko ang lahat ng kaniyang sinabi unting-unti naramdaman ko ang malamig ng simoy ng hangin na dumanpi sa'kin balat. Naramdaman ko ang kakaibang init na dumaloy sa kaugatan at patungo sa Inner Core ko.
Napasigaw ako sa subrang init ng buong katawan ko at hindi ko matiis na naging dahilan na pag dilat ng mga mata ko. Nakahinga ako ng maluwag. Agad ko tiningnan ang katawan ko nanlaki na lamang mga mata ko. Namula ang balat ko.
Umiling ng dalawang beses ang Crown Monkey. "Ako pala si Emo, ang nag-iisang babae sa amin angkan kaya lang hindi halatang babae," mabuti naman nag pakilala siya baka mag ka mali ako sa kanilang kasarian.
"Hindi pa handa ang Inner Core mo na tumanggap ng matinding enerhiya dahil mahina ang iyong katawan at hindi sanay sa pasakit."
"Mas mabuti sanayin mo ang iyong katawan sa mga mabigat na gawain nang sa ganong ay handa mo tiisin ang mainit na enerhiya na dumaloy sa kaugatan mo."
"Ang Inner Core mo ay mahina walang sapat na enerhiya kaya sanayin ang emosyon mo. Pakiwari ko minsan mo pa lang ginamit ang malakas na enerhiya."
Tumango-tango lamang ako habang nakinig sa kaniya . Kahit hindi ko maunawaan ng lubusan ay pilit ko unawain ang bagay-bagay.
"Maiwan na kita. Tapos ko na maipaliwanag sa'yo ang dapat mong malaman. Alam mo na ang dapat mong gawin." Tumalikod siya patungo sa kanyang paboritong upuan.
Tumayo ako habang nilibot ang tingin at nag isip kung anong maari kong gagawin. Napagtanto ko na mag tanim ng halaman at gagawa ng sariling tahanan ko.
Nagmadali ako nag tungo sa malaking puno. Akmang magsasalita sana ako ng skill ng biglaan lumitaw sa'kin harapan ang Golden Ey na may masamang tingin.
"Maari ko bang putulin ang punong iyan?" pakiusap na saad ko.
"Hindi pwede." Napataas ang magkabilang kilay nito.
Nag isip ako ng plano para pumayag ang Golden Ey. "Kung sakaling pumayag ka Golden Ey ay mag tatanim ako ng mga halaman at prutas bilang kapalit sa naputol kong puno."
Ngumiti ang Golden Ey sabay tango. Ang ihip ng hangin ay paparating sa direksyon ng Golden Ey. Pag karating nito ay parang sumabay sa hangin at unting-unti naglaho ang Golden Ey.
Napatalon ako sa tuwa. Kinumpas ko ang dalawang kamay ko may dalawang dahan-dahan nabuo na mga lupa at nag hugis tao. Sa pag palakpak ko ay naging kawangis ko ito.
"Simulang ang trabaho!" Nag si kilos ang dalawa nag anyong sandata ang kanilang kamay at pinag tulungan na putulin ang puno.
Biglaan umulan na mas lalo nag pahirap sa'kin sa pag kontrol sa dalawa dahil 'di ako sanay na lumikha na malambot ang lupa at madali lamang ako mapagod.
Makalipas ang ilang minuto ay napaluhod ako sa subrang panghina kasabay nalusaw ang dalawa at bumalik sa lupa.
Hindi ako nag tagumpay sa'kin hangarin. Nagmadali ako tumakbo patungo sa mga Crown Monkey. Nadatnan ko sila na parang walang nangyari sa kanila o nakaramdam ng ginaw.
Akmang magsalita ako. "Alam namin ang iyong itatanong. Hindi kami na apektuhan ng lamig at init. Kaya Kong ako sa'yo gumawa ka na ng tahanan mo o mag hanap na masisilungan mo. Isang linggo tatagal ang ulan," saad ni Emo.
"Alam namin nahihirapan ka sa pag kontrol ng malambot na lupa. Kaya napag pasyahan namin na hindi ka tulungan sa problema mo ngayon. Ito ang unang pagsasanay mo kay Emo. Kung makapasa ka o magawang kontrolin ng matagal ay dadaanin ka ni Emo sa pag subok para malaman namin kung talaga kaya mo na," saad ng may maliwanag a mga mata na Crown Monkey.
"Kung ganong isang linggo ang pag subok. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makapasa sa pag subok."
Nag si tanguan ang tatlong Crown Monkey. "Sa oras ng kainan ay makikita mo kami at ito ang oras ng panahon sa iyong katanungan," saad ng purong itim na mga mata na Crown Monkey.
Oras ngayon para kumai,kung ganong pwede ako mag tanong.
"May itatanong ako mga ka galang-galang na Crown Monkey."
"Ano ang yon katanungan Ziwin?" Sabay-sabay na saad nila.
"Ano pangalan niyo? Maliban Kay Emo nag pakilala kanina."
Hindi sumagot ang dalawa,lumapit sa'kin si Emo at binigyan ako ng saging. Agad ko naman tinanggap.
"Ziwin hindi maari malaman mo ang ngalan nila dalawa. Sa oras na matapos ang pinagawa ko sa'yo na pagsasanay at pagsubok. Doon ka muli mag tanong. Kung sino sa kanilang dalawa ang sasagot sa'yo,siya ang sunod na mag bigay ng pagsasanay at pagsubok sa'yo."
Akmang magtanong ako ulit ng bigla sila nag laho. Napatitig ako sa hawak Kong saging habang napaisip na hindi sapat ang dalawang saging para sa'kin.
Napayakap ako sa sarili ko sa subrang lamig ng ulan at hangin. Nilibot ang tingin nag baka sakaling may masisilungan ngunit sa kasamaan palad ay wala akong nakita.
Kinain ko muna ang dalawang saging bago mag hanap. Makalipas ang isang oras na paglakad ay medyo humina ang ulan.
Hindi ko na kaya ang lamig. Wala na akong pag piliaan pa,kundi gamitin ang aking elemento.
Tinapat ko ang dalawang palad ko sa lupa. Pilit ko mag palabas ng enerhiya kahit medyo masakit ang aking buong katawan.
Napangiti sa subrang tuwa ng umangat ang lupa habang dahan-dahan nag ayong kweba.
Bumagsak ang tuhod ko sa lupa kasabay na habol hininga ko. Na tapos ko nga pero ang kapalit naman nito ang matinding pagod at pananakit ng katawan.
Hindi ko na kaya tumayo kaya gumapang na lang patungo sa muting kweba.
Pag pasok ko ay agad ako napahiga at nakahinga ng maluwag.
Emo's Point Of View
"Emo bigyan mo siya ng tatlong uri ng pagsasanay at pagsubok nang sa ganong ay maging matatag ang kanyang kalooban at masanay sa pasakit."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya sa halip tumango lamang ako. Ngayon lamang kami tumulong sa tao. Hindi namin maunawaan parang gusto-gusto namin siyang tulungan.
Parang pamiyar sa'min ang pag gamit ng kanyang elemento. Parang nakita na namin ang skill na pinakawalan niya.
"Emo kanina ka pa namin tinanong. May problema ba?"
Umiling ako ng tatlong beses bago tumalikod patungo sa paboritong kong higaan.
— 新章節待更 — 寫檢討