下載應用程式
33.33% Stellar Of Zembre / Chapter 1: Chapter 1
Stellar Of Zembre Stellar Of Zembre original

Stellar Of Zembre

作者: Christrealz

© WebNovel

章節 1: Chapter 1

Matahimik ang pamumuhay ng angkan ng Membre. Ang pangunahin pang hanap buhay pag tanim ng mga halaman at prutas.

Angkan na ito napa bilang sa pang karaniwan ranggo o kilala sa tawag na Wood Rank.

Ang pinuno ay si Head Grass Membre habang ang kanang kamay kamay nito ay si Bravo Stellar na lolo ng binatang si Ziwin Stellar. Ang taga-payo ay si kalix Membre na kapatid ng pinuno at dalawang elder nasi Tamakawo at Rama.

Mabilis na kumilos ang nasasakupan. May mga bitbit na palamuti na ikinabit sa mga puno. Isang binata naglakad may hawak na pamaypay na kulay bughaw. Tumigil ito sa harapan ng mga puno kasabay hinampas ang pamaypay sa hangin. "Decora flower first skill," May lumabas na enerhiya na kulay bughaw sa pamaypay at patungo sa mga puno.

Sa pag tama nito sa mga puno kasabay sumabog na kulay ginto na makikinang ang dumapo sa mga puno.

Siya si Mander Membre ang anak ng Head Family. Nasa antas na siya bronze 1st star at naabot niya ito sa maikling panahon.

"Ang galing naman Master Mander," Manghang saad ng binata nasa labing limang taon gulang. Siya si Ziwin Stellar at nasa antas na siya ng Wood 2st star. Siya ang pinakamahina sa kanilang angkan.

"Hindi naman masyado Ziwin. Lalakas ka din tulad ko basta palagi kang mag insayo."

Napayuko ang binata at kahit kailan ay hindi tumaas ang kanyang antas. Nanatili parin siya sa Wood 2st star. Nakakalungkot isipin na wala man pinag bago sa kanya.

"Sana nga po Mazda."

"Ang mabuti pa mag insayo ka at nang sa ganoon baka lumakas kapa."

Tumango na lamang siya sabay talikod nito patungo sa kanilang bahay. Mabigat at malungkot sa pakiramdam na siya ang pabigat sa kanyang Lolo. Dahil palagi na lamang siya inalalayan sa lahat ng oras,kahit kaya naman niya mag isa,ngunit kailangan parin ng gabay ng guro sa isang tulad niya na mahina.

Pag pasok pa lamang niya sa bahay sumalubong ang kanyang lolo na may ngiti sa labi habang may hawak na libro.

"O, bakit ang lungkot natin? Parang bumagsak sa kalangitan na makulilim."

Umupo siya sa tabi nito na may malungkot nadarama. "Kasi Lolo pabigat ako sa'yo,pasensya na kong ako ang naging apo mo." Tumayo ang kanyang Lolo at hinarap siya.

"Hindi ka pabigat apo. Ikaw ay isang regalo sa'kin ng mga diyos. Alam mo kung bakit?"

Umiling ang binata. "Dahil mabait ka at masunurin. O siya lalabas na ako." Tumayo ang matanda patungo sa pinto.

Habang ang binata ay pinikit ang mga mata nito. Linamon siya ng lungkot sa kanyang katauhan,palagi siyang nag isip at na ngarap na balang araw aangat siya.

Napamulat na lamang siya ng marinig niya ang tugtugan sa labas. "Dumating na ang mga panauhin," walang kabuhay-buhay na saad nito.

Tumayo siya at lumapit sa bintana. Pag karating ay bumangad sa kanya ang mga panauhin nag lakad patungo sa hardin.

Biglaan siya nakaramdam ng kaba na hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili. Napagpasyahan niya na lumabas at mag tungo sa likuran ng Hardin.

Maingat ang kaniyang galaw at tumalon siya sa matayog na puno na isa sa mga sanga nito.

Sa kaniyang puwesto hindi siya makita nang nasa ibaba. Masayang nag-usap ang lahat at may sayawan. Napatigil ang kanyang tingin sa isang panauhin. Ang panauhin na ito ay kaibigan ng pinuno at lolo niya. Ito si Cersa na isang manglalabay. Wala siyang alam tungkol sa katauhan ni Cersa.

"Anong meron kay Cersa? Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang kakaibang niyang tawa at ngiti."

Mahigpit na humawak siya sa sanga. Tumayo ang anak ng pinuno sa harapan ng naka upo. "Sa mga panauhin natin salamat sa pagdalo sa'kin kaawaran at sana'y mag sa-." naputol ang sabihin nito ng may biglaan sumabog sa labas.

Naging alerto ang lahat. Napansin ni Ziwin na nagmula ang usok sa kamay ni Cersa. Napatingin siya ng masama rito. Akmang tatalon siya ng biglaan mabilis na kumilos si Cersa at kasamahan nito sabay nilabas ang mga sandata.

Akmang tatakbo ang anak ng Head Family ng biglaan ito tumilapon sa kalangitan.

"Lolo," mahinang saad nito.

Nakaluhod ang kanyang lolo sa harap ni Cersa. Nakahanda na ito paslangin ng kalaban bago pa man matuloy kaagad nag pag kawala ng atake ang binatang si Ziwin na habol hininga.

Akala niya maligtas ang kanyang lolo sa kaniyang ginawa na atake ngunit sa isang iglap na putol ang ulo nito.

Napatitig siya sa espada ni Cersa na umagos ng dugo. "Hindi...!" Akmang lalapit siya pa lapit nang biglaan siya hinila ni Rama.

"Kailangan natin makatakas!"

Sa pag labas nila sa teritoryo ay sumalubong ang mga nakasuot ng pilak na baluti. Ang bawat isa sa kanila ay nasa antas silver 1st Star.

"Ako na bahala sa kanila. Tandaan mo kailangan mo tumakas at pag dating ng araw umasa kami na mag higante ka," malungkot na saad.

"Pag sinabi kong takbo. Takbo agad." Sabay nilabas nito ang dalawang espada na kulay pilak.

Nasa antas siya ng silver 4st star kahit papaano may laban siya. Huminga siya ng malalim bago sumulong sa kalaban.

"Takbo...!"

Tumakbo ang binata sa kung saan. Hindi na niya inaalaala ang mapanganib nag pa gala-gala sa kagubatan na mga Wild Beast.

Ang tanging nasa isip niya ay makatakas mula sa kamay ng mapang linglan na kalaban.

Mabigat sa kalooban ng binata ang mabilis na pangyayari ay hindi niya parin matanggap ang pag kamatay ng kanyang lolo.

...

"Ahhh..!" Malakas na sigaw na pinakawalan ni Rama nang ikinatilapon ng mga kalaban.

Ang kakayahan ni Rama ay pag sigaw ngunit limitado lamang ito. Babagsak na ang kanyang tuhod sa lupa ngunit agad niyang tinusok ang espada sa lupa na nagsilbing niyang alalay sa panatili nakatayo.

Habol hininga habang nakatingin sa nakadusay na mga kalaban. "Magaling Rama pero hindi sapat ang lakas mo para matalo ako." Sabay kinuha sa likuran nito ang dalawang bakal.

Nanginginig ang buong niyang katawan sa sinabi nito. "Alam ko Cersa. Darating ang araw na pagsisihan mo ang ginawa mo sa'min. Akala mo siguro susuko ako sa'yo o magmakaawa habang nakaluhod." Dumura siya sa harapan.

"Tingnan natin," mayabang na sagot nito.

Sabay sumulong ang dalawa. Iwinasiwas ni Rama ang kanyang sandata at ganong si Cersa.

Akmang hahampasin siya ni Rama sa binti ngunit tumalon siya ng paatras.

"Tingnan natin kung hindi ka matamaan nito." hinagis sa himpapawid ang dalawang bakal saka lumabas sa kaniyang bibig ang salita hindi maunawaan ni Rama.

Pagtingala ni Rama kasabay bumagsak sa kanyang direksyon ang mga patusok na bakal.

Iwinasiwas niya ang espada sa bawat na may tatama sa kanya ngunit hindi niya na malayan ang parating na atake ni Cersa sa kanyang likuran.

"Ahh.." Bumagsak ang kaniyang tuhod sa lupa habang iwinasiwas parin niya ang espada.

Huminga siya ng malalim bago mag pakawala ng malakas na ingay nang ikinatilapon ng mga bakal na patusok.

Nabitawan niya ang espada ng may tumusok sa kanyang balikat. Napa ubo siya ng dugo at napahiyaw siya sa sakit.

Lumitaw sa kanyang harapan si Cersa na may ngising tagumpay. "Sabi kona sa iyo matatalo kita." Pumalakpak si Cersa na makita ang kalagayan ni Rama.

"Wa-Walang hiya ka Cersa. Labis ako nagsisi nag tiwala ako sayo. Noong una pa lamang nakita kita sa araw na iyong ay ramdam ko na may masamang kang balak. Pansin ko ang simbo-," hindi niya tapos na unting - unti nawala ang kaniyang boses.

"Tama ka Rama. Isa nga akong Monar pero ang kaalaman mo tungkol sa'kin ay dito na magtatapos." Tinaas nito ang dalawang kamay. Mabilis na pumunta sa kanyang kamay ang dalawang bakal.

"Paalam." Buong lakas niyang hinampas sa ulo ang walang kalaban-laban na matanda.

Bumagsak ang katawan nito sa lupa habang naka dilat ang mga mata. Tumalsik ang dugo ngunit bago ito bawian ng buhay. "Magsisi ka." mahinang saad.

Tumawa ng malakas si Cersa habang nakataas ang kaniyang dalawang kamay at nakatingin sa bangkay ng matanda.

Samantala ang binatang nakatakas ay kasalukuyan hinabol ng mga kasama ni Cersa.

"Hindi ba sila napapagod? Sabagay gusto nila ako patayin."

nakarating siya sa lupain ng Laos sa gilid nito. Tumalon siya sa sanga ng punong kahoy at umakyat pa sa itaas nito.

"Asan ang binata?"

"Nakalayo na siguro iyun."

Buti na lamang ay hindi tumingala sa puno ang mga kalaban kung hindi baka makita ang binata. Mula sa pwesto niya kita ang kabuong ng lupain ng Laos. Napatigil ang kaniyang tingin sa mga nagsanay na kabataan.

Ang bawat isa sa kanila ay may sandata na pangkaraniwang. Kita niya ang husay ng bawat isa sa pag hawak ng sandata at pag kontrol ng mga kakayahan.

"Sana balang araw lalaks din a-" napahinto ang kanyang salita nang marinig niya ang sigaw sa baba.

"Nandoon." Turo ng bata na mula sa Laos. Nagmadali tumalon ang mga kalaban sa sanga ng puno.

"Lagot na." Tumalon siya sa sunod na puno.

Binilisan niya tumalon sa mag kasunod na puno. Kahit subrang pagod na siya ay pinilit niya ang kanyang katawan na maliksi.

"Patungo ako sa lupain ng Miller baka maligaw ko sila," bulong nito sa hangin.

Pag karating ng binata ay tumalon siya sa lupa at agad tumakbo sa taniman ng Miller.

Buti na lamang ay walang tao nagbantay kaya malaya siyang naglakad.

Nasa harapan na siya ng mga gulay. Pag karinig niya ng sigaw ay agad siyang dumapa dahil malago at mataas ang mga dahon ng gulay kaya hindi siya makita agad.

"Asan iyun?"

"Biglang nawala lagot tayo nito kay pinunong Cersa at baka tayo paalisin sa Monar."

"Baka sa taniman ng Miller."

Tumakbo ang limang nakasuot ng baluti na kulay pilak patungo sa direksyon ng binata.

"Kailangan ko mag madali." Naghukay siya ng lupa agad niyang dinampot.

Kinain niya ang lupa. Unti-unti naging lupa ang buong niyang katawan kahit magaling o kamangha-mangha ang kanyang ginawa ngunit limitado lamang sa isang tulad niya.

Sa pagkarating ng kalaban sa pwesto niya. Biglaan umalon ang kalupaan na patungo palabas ng lupain ng Miller.

Patalon-talon ang mga kalaban upang maiwasan ang alon.

Lumitaw ang binata sa harap ng kweba na may mga pasa sa katawan na habol hininga habang nakaluhod at nakatingala sa kalangitan.

"Hindi...!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay yumanig ang lupa sa kagubatan.

Nag kagulo ang mga mahihina na mga wild beast at nalerto naman ang malalakas na patungo sa kinaroroonan ng binata.

Ang mga kalaban ay naalerto lumayo sa taniman ng mga Laos. Hindi na nila sinundan ang sigaw ng binata dahil iisa lamang ang nasa isip nila ito ay panganib ng walang hanggan at nakakatiyak ang bawat isa ay nag abang ang mga wild beast sa harapan ng kagubatan.

Samantala ang binata ay napalibutan ng mga malalakas na wild beast.

Ang pinaka mataas na antas na wild beast sa kanyang palibot ay New Silver Second Stage.

Tumigil ang binata sa pagsigaw. Muling kumuha siya ng lupa at kinain niya na naman ito kasabay sa paging lupa ang boung niyang katawan. Nagmadali siya humakay dahil sabay-sabay sumulong ang mga Wild Beast akmang matatamaan siya ng mga koko ngunit sumanib siya sa lupa sabay alon.


創作者的想法
Christrealz Christrealz

I'm aspiring writer, di ako magaling huwag mag expect, try ko lang magsulat if mag work, edi continue, thank you for reading.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C1
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄