LEANNE's POV
First day!
First day na first day at wala kaming ibang ginawa kundi ang magtitigan at magpalitan ng buntong-hininga hanggang maghapon.
I don't know what happened to Angel, kung talaga bang exhausted lang siya o kaartehan na naman niya 'yan--nilang dalawa ni Roux.
Naiintindihan ko naman si Roux dahil sa kondisyon niya, but Angel? No! She doesn't have any illnesses, sadyang maarte lang talaga siya. Ayaw ko pa naman talaga sa lahat ay 'yong pa importante. Jusko!
Andami na sana naming nagawa ngayon kung hindi lang talaga--ugh!
Muli akong nagbitaw ng napakalalim na hininga para kalmahin sarili ko habang nakatingala sa kahoy na tinitigan ni Roux kanina bago ulit siya natulog.
What's with this tree anyway? Aside sa ito ang pinakamalaking kahoy na nakikita ko, wala namang kakaiba dito.
Pinalagyan ko lang naman 'yan ng light na kakapalit lang kanina ni Van kasi na pundi.
"Oh? Hanggang tuhod ulit 'yang nguso mo?"
"'Wag mo'kong guluhin." Walang gana kong sabi nang hindi nakatingin sa kanya't alam ko namang si Pearl 'yon.
"Alam mo kasi, Leanne..." Huminto siya't umayos ng tayo sa tabi ko. Kita ko sa peripheral vision ko na tinignan niya rin 'yong kahoy na kanina ko pa sinusukat ng tingin.
"Napapansin ko na--naming lahat--na masyado mo nang siniseryoso pagiging school at homeroom president mo. Can you chill sometimes? 'Yan tuloy--"
"'Yan tuloy ano?" Pagputol ko sa sana'y sasabihin niya. Nag-krus ako ng braso saka siya binalingan.
"Bakit 'pag nag chill-chill ba ako, may mangyayari? Matutuloy 'tong camping?" Kalmado pero malutong kong tanong.
"Ako na nga gumagawa ng mga tasks niyo tapos may gana pa kayong kwestyunin 'yon? Don't even deny, alam kong tinanong niyo si ma'am and according to her, you looked disappointed na hindi ko kayo kinonfront sa activities. Well, can you blame me? Ang simple lang ng instructions ko na kayo na mag brainstorming sa activities at ako na ang magpapa-approve sa school board at mag co-coordinate, maghahanap ng venue and mag-make sure na safe kayong lahat do'n."
Huminto ako para tumingin sa malayo.
"I've been very specific from the beginning na kapag hindi niyo 'yon nagawa, ako na ang kikilos which turned out na ako nga talaga. 'Yon lang naman kasi, 'di niyo pa magawa ng maayos tapos sasabihin mong mag-chill lang ako? Pff!" Sarkastiko kong tawa.
"Oh!" Sarkastiko rin siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. "Excuse me lang, ha! Baka nakakalimutan mo rin ang part na nag submit kami ng ideas pero lahat 'yon 'di mo nagustuhan kasi masyadong boring para sayo." Tumango-tango siya, halatang nanunuya.
"My god! You think going swimming in pools, beaches, lakes, and springs for a day is considered as camping? Ang tanga lang!"
Tumaas na boses ko kaya kita kong mabilisang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha at awra.
"Mag ingat-ingat ka diyan sa pananalita mo, ah! Kaibigan kita ng ilang taon, Leanne, at ayaw kong masira 'yon pero kung ganyan mo lang naman kami kung tratuhin at tawag-tawagin lang na tanga, magkalimutan nalang tayo!" Sigaw niya na sa mismong mukha ko.
"Excuse me?" Ngiwi kong tanong. "Wala akong sinasabing tanga kayo, 'yong idea 'yong tinutukoy ko!" Sigaw ko na rin pabalik.
"Kami ang nag suggest ng idea'ng 'yon kaya sinabi mo naring kami 'yong tanga!"
"Wala nga kasi akong sinasabing ganyan!"
Pataas ng pataas mga boses namin kaya isa-isa na kaming nilapitan ng mga kaklase namin.
"Ba't kayo nag-aaway, hoy!" Rinig kong sita ni Ezra na ngayo'y mabilis na pumapalapit ang boses, halatang tumatakbo.
"Alam mo, naging president ka lang, ang taas na ng tingin mo sa sarili mo!" Duro sa akin ni Pearl. Duduruin ko rin sana siya nang pumagitna na sina Lynn at Ezra.
Awat-awat ako ni Ez habang si Lynn naman kay Pearl.
"Ang kapal naman ata ng mukha mong sabihin 'yan pagkatapos ng ginawa ko sayo, Pearl!" Duro ko parin sa kanya sa kabila ng paghila sa akin ni Ez.
"Hoy, mga shutangina! Ano bang nangyayari sa inyo, hoy!" Tarantang tanong ni Lynn habang hinaharangan si Pearl na makalapit sa akin.
Rinig ko nalang siyang tumawa ng sarkastiko habang umiiling-iling.
"Kung alam mo lang talaga ahahaha." Tinuro-turo niya ako saka tumalikod at umalis.
Hinabol naman agad siya ni Lynn saka ko lang din napansing, pinapalibutan na pala kami ng mga kaklase namin.
Kita ko ang pagkabalisa at pagkailang nila sa nangyayari. Hindi ko sila pinansin at aalis na sana nang biglang may nagpatong ng kamay sa balikat ko who turned out to be Angel.
I measured her with my stares and felt relieved to see that she's already looking fine.
"Magpahinga ka muna dun, Gel. Baka mabinat ka pa niyan." Mahinang sabi ni Ezra na nakahawak parin sa braso ko.
"It's okay. I'm fine na." Ngumiti siya ng mapakla saka ako binalingan. "I'm sorry, Leanne. I'm sorry kung hindi kami naging effective na support sayo. Promise, tutulong na ako nang naaayon sa gusto mo. Okay na ako saka si Roux. Pwede pa naman nating gawin 'yong ibang activities, eh."
Feel ko naman ang sincerity ng pagkakasabi ni Angel do'n but I also feel a bit of sarcasm sa tono ng kanyang pananalita. Might be because she's Angel, ang Vice Religious naming dense at 'di alam ang magiging outcome ng kanyang sasabihin, or might be she's really being sarcastic now.
"I-It's still 2 PM, instead of games, why not gawin nalang natin 'yong wild mushroom identification and flower scientific name identification?" Dagdag ni Callie na nasa likuran ko lang pala.
"Tas pagkinulang tayo sa oras, pwede parin naman nating i-move nalang natin bukas, iklian lang natin 'yong time span, 'di ba?" Singit naman ni Taekhyun na asa kanan lang namin nakatayo.
Andito ka pala kasi silang lahat aside kina Roselle at Yuri--
Nasampal ko nalang noo ko.
My god! Those two again. 'Wag nalang natin silang pag-usapan at nadedemonyo utak ko.
I sighed, shaking my head.
"Never mind. Let's just skip the Day 1 activities. I think you'll enjoy Day 2 naman. Don't fret, I'm not mad. Iniisip ko rin naman kayo kaya kung may ayaw kayo sa plans ko, just tell me. I'll be in my tent. I'm open for changes."
Like it ? Add to library!
— 新章節待更 — 寫檢討